1-Panitikan PDF

Title 1-Panitikan
Author glyfranz visaya
Course Bs civil engineer
Institution University of Eastern Philippines
Pages 18
File Size 258.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 119
Total Views 175

Summary

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINASPamantasan Bayan, Hilagang SamarKolehiyo ng Sining at Komunikasyon Departamento ng Wika at KomunikasyonMODYUL 1PANITIKAN SA PILIPINASInstruktor: APRIL ZENIA N. DONAIREMODYUL 1Panitikan sa PilipinasKabanata IKasaysayan ng Panitikan sa PilipinasTalaan ng NilalamanTun...


Description

PAMANTASAN NG SILANGANING PIL PILIPINAS IPINAS Pamantasan Bay Bayan, an, Hilagang Samar Kolehiyo ng Sini Sining ng at Komunikasy Komunikasyon on Departamento ng Wika at Ko Komunikasyon munikasyon

MODYUL 1 PANITIKAN SA PILIPINAS Instruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE

1

MODYUL 1 Panitikan sa Pilipinas

Kabanata I Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas Talaan ng Nilalaman Tungkol sa Modyul Introduksiyon Pasasalamat Aralin 1: Ang Panitikang Filipino Kahulugan Kahulugan ng Panitikan sa Iba’t-ibang Dalubwika Aralin 2: Mga Uri ng Panitikan Aralin 3: Dahilan Kung Bakit Mahalaga ang Pag-aaral ng Sariling Panitikan Aralin 4: Mga Paraan at Hangarin ng Panitikan Aralin 5: Mga Kalagayang Pangyayari sa Panitikan Aralin 6: Dalawang Anyo ng Panitikan Tuluyan o Prosa Alamat Anekdota Nobela o Kathambuhay Pabula Parabula Maikling-Kuwento Dula Sanaysay Talambuhay Talumpati Kuwentong-Bayan Patula Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin Tulang Pasalaysay Tulang Patnigan Tulang Pandulaan Aralin 7: Mga Akdang Pampanitikan na Nagpapakilala ng Kasaysayan at Kalinangan ng Bansang Pinanggalingan Mga Gawain Mga Pagtataya

TUNGKOL SA MODYUL

2

Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t-ibang anyo ng panitikang naglalarawan sa kulturang Pilipino. Sa modyul na ito, makikilala mo ang ilan sa mga katutubong panitikan sa Pilipinas na nasusulat sa Pilipino. Ilalarawan dito ang mga tanyag na halimbawa ng kuwentong-bayan, maikling kuwento o katha, sanaysay, tula, dula, nobela, at iba pa. Isa-isang ilalahad sa modyul na ito ang iba’t-ibang anyo ng panitikang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpaparinig ng mga akdang binibigyang-buhay sa iskrip na panradyo, malilinang ang iyong kakayahan sa pakikinig. Sa pamamagitan din ng pagbibigay ng pagkakataon sa iyo na basahin ang isang uri ng panitikan, masasagot mo ang mga katanungan ukol dito. Ito ang mga sumusunod na mga paksang tatalakayin sa asignaturang ito: Aralin 1: Panimula Aralin 2: Panitikan sa Matandang Panahon Aralin 3: Panitikan sa Panahon ng mga Kastila Aralin 4: Panitikan sa Panahon ng Pagkamulat Aralin 5: Panitikan sa Panahon Ng Himagsikan Aralin 6: Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano Aralin 7: Panitikan sa Panahon ng Ilaw at Panitik Aralin 8: Panitikan sa Panahon ng Malasariling Pamahalaan Aralin 9: Panitikan sa Panahon ng Hapones Aralin 10: Panitikan sa Panahon ng Republika Aralin 11: Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan Aralin 12: Panitikan sa Panahon ng Ikaapat na Republika Introduksyon Sa kabanatang ito, mabibigyan ng kahulugan ang panitikan at ang kahalagahan ng panitikan bilang bahagi ng kurso, at ang mga uri ng panitikan. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng panitikan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao. Hindi maikukubli ang mga aral na makukuha rito at ang aliw na dulot ng panitikan. Dito matutuklasan ang yaman ng Pilipinas kapag panitikan ang pag-uusapan. Bilang isang mag-aaral, nararapat na maikintal sa isipan ang lahat ng kaalaman na makuha rito at isapuso. Sa kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-kolehiyo, ang pag-aaral ng literatura ay nakabatay sa dalawang aspeto: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang literatura ng pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitbo o pampag-iisip ng mga mag-aaral. Bukod dito, kasangkapan din ito, partikular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan. Ayon sa maraming eksperto, may malaking kaugnayan dito ang paraan ng pagtuturo - pag-aaral ng literatura sa mga paaralan. Tanggapin man natin o hindi, ang kawalan ng interes ng mga kabataan sa pagbabasa at ang mababaw na pagsusuri ng mga akda ay maaaring maisisi sa mga guro ng larangang ito. Nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV sek. 15, “Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng estado ang pamanang historikal, kultural, ang mga likha at mga kayamanang batis autistiko ng bansa.”

3

Ano ang Panitikang Filipino? Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginamit at hulaping “an”. At sa salitang “titik” naman ay nangangahulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangangahulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ayon naman kay Lalic (2004), ang panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. Ang panitikan ng isang lahi ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdaming ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay nakaiimpluwensiya sa panitikan nito. Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang makasining. Ito ay maayos na pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na paraan ng pagpapahayag. Ang panitikan, ayon kay Long (1917), ay nasusulat na tala ng pinakabubuting kaisipan at damdamin ng tao. Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro (1949) ang panitikan ay katuturang bungang-isip na isinatitik. Kahulugan ng Paniti Panitikan kan ayon sa iba’t-ibang Awtoridad 1. Honorio Azarias - nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha. 2. Webster - anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito’y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan. 3. Maria Ramos - kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag; lumilinang ng nasyonalismo, nag-iingat ng karanasan, tradisyon, at kagandahan ng kultura. 4. Atienza, Ramos, Zalazar at Noza Nozall na “Panitikang Pilip Pilipino” ino” - ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

4

5. Arrogante (1983 (1983)) - isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan. 6. Salazar (1995) - ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan. Mga Uri ng Panit Panitikan ikan 1. Panggawaing Panitikan Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo’t ganitong uri ng gawain at karunungan. 2. Masining na Paniti Panitikan kan Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan. Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin a. pukawin ang guniguni’t gisingin ang damdamin at; b. b. magturo o maghikaya’t. 3. Malikhai Malikhaing ng Panitikan Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito binansagang gayon sapagkat: a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog guniguni ng kumatha. b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon. c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa. d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakang nagtataas sa ating kalagayan sa buhay. Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang ito’y nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon, gaya rinn naman na ang mga pintura ay nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag, at anino. Subalit ang mga salitang nalimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang matatag na kaisipan, ang marahas na damdamin ng puso, ang pag-ibig, ang kalungkutan, lumbay, galak, pakikiramay, paghihigranti, paninibugho, at ang

5

matatamis at masasaklap na karanasan ng kaluluwa ang lahat ng ito ay naititik sa panitikan ng isang bansa. Mga Da Dahilan hilan Kung Bakit Mahalaga ang Pag-aaral ng Ating Sariling Panitikan 1. Malalaman ng mga tao ang kalinangan at kasaysayan. 2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali. 3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi. 4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingan pampanitikan upang lalong mapayabong. 5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan. Mga Par Paraan aan at Hangar Hangarin in ng Panitikan Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ayon sa hinihingi ng hangarin: 1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag. 2. Paglalarawan - kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba pa. 3. Pagsasalaysay - kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. 4. Pangangatwiran - kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap. Mga Kalagayang Kalagayang Nakapangyayari s a Panitikan 1. Klima - may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao. 2. Gawaing Pang-arawPang-araw-araw araw - ang hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang tao ay nagpapasok ng mga salita at kakayahan ng pagkukuro sa wika at panitikan ng isang lahi o bansa. 3. Kinatitirahan - ang kinatitirhang pook ng isang lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan. 4. Lipunan at Pulitika - mga ugaling panlipunan at mga simulating pampulitika at pamahalaang nagdadala ng kahilingan at kabihasnang napapasama sa panitikan ng isang bansa. 5. Relihiyon at Ed Edukasyon ukasyon - ang tayog, lalim,, at lawak ng isang panitikan ay nakukuha rin sa pananampalatayang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at kalinangang naituturo ng pilosopiya ng edukasyon ng bansa. Dalawang Anyo ng Panitikan 1. Patula (Poetry (Poetry) - may mga naratibo’t lirikal at maingat ang pagsukat at tugma sa mga ito. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita o mga retorika sa mga taludtod na may mga sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga tulang liriko, tulang pasalaysay, at tulang pangtanghalan.

6

2. Tuluyan o Prosa (Prose) - mga lipon ng mga salita’t pangungusap na may mga kwento at aral. Ito ay nabubuo sa pamamagitan naman ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap at pagtatalata. Hindi limitado o kaya ay pigil ang mga paggamit ng mga pangungusap. Kabilang ang mga maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editorial sa mga tuluyan o prosa. Sa madaling sabi, ang mga prosa, ay may lipon ng mga salita’t pangungusap na may mga kwento at aral. Kung tutuusin, ang mga akdang pampanitikan ay kalimitang mga prosa. Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. Mga Halimbaw Halimbawa a ng Prosa o Tulu Tuluyan yan 1. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigidig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Mga sampung (10) pinasikat na alamat sa Pilipinas ayon sa https://pinoycollection.com/alamat-halimbawa/ (Alamat ng Pinya, Alamat ng Pilipinas, Alamat ng Saging, Alamat ng Ampalaya, Alamat ng Mangga, Alamat ng Sampaguita, Alamat ng Lansones, Alamat ng Rosas, Alamat ng Bayabas, at Alamat ng Butiki). 2. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan ng tumatalakay sa kakaibang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Isa sa sikat na anekdota ay ang anekdota ng ating bayani na si Jose Rizal tungkol sa kanyang tsinelas. Kung maaalala, inilahad ni Rizal sa anekdotang ito na noong tinangay ng tubig ang kanyang tsinelas habang nakasakay sa bangka ay itinapon na lang din niya ang isa pa upang magamit ito ng kung sino man ang makakakuha. 3. Nobela o Kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t-ibang kabanata. Mayroon itong 60,000 - 200, 000 salita o 300 -1, 300 pahina. Noong ika - 18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Halimbawa rito ay ang imortal na nobela ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo. 4. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang -buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang sampung pinakatanyag na pabula ayon sa https://pinoycollection.com/pabula-halimbawa/ (Si Langgam at si Tipaklong, Si Kuneho at si Pagong, Si Pagong at si Matsing, Ang Daga at ang Leon, Si Paru-paro at si Langgam, Ang Kabayo at ang Kalabaw, Ang Aso at Uwak, Ang Lobo at ang Kambing, Sino ang Magtatali ng Kuliling? At Ang Gorilya at ang Alitaptap.

7

5. Parabula - maikling salaysay na maaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Halimbawa ng mga Parabula a. Ang Alibughang Anak (Parabula/Parable) b. Ang Balyenang Naghangad (Parabula/Parable) c. Ang Ginintuang Aral (Parabula/Parable) d. Ang Magandang Dilag at ang Kuba (Parabula/Parable) e. Ang Magkapatid (Parabula/Parable) f. Ang Manok at ang Gintong Itlog (Parabula/Parable) g. Ang Pagmamahal sa Kapwa (Parabula/Parable) h. Ang Palaka na Naghahangad Lumipad (Parabula/Parable) i. Ang Pinakamaliit na Bato (Parabula/Parable) j. Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata (Parabula/Parable) k. Ang Regalo ng Liwanag (Parabula/Parable) l. Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa (Parabula/Parable) 6. Maikling Kuwent Kuwento o - ay isang maigising salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Maikling Kwento na Yaman ng Panitikang Filipino a. Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg Nilisan nina Ariel at Cleofe ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang handog ng itinuturing nilang bagong paraiso. b. Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute Naunawaan ni Fe na ang kanyang guro na si Mabuti ay tao rin na kagaya niya nagmamahal, nasasaktan, at nagkakasala. c. Tata Selo ni Rogelio Sicat Sinubukan ng magsasakang si Tata na babawiin ang lahat ng sa kanya sa pamamagitan ng pagpaslang kay Kabesang Tano. d. Walang Panginoon ni Deogracias Rosario Napatunayan ni Marcos na may nakalaang kaparusahan ang Poong Maykapal sa anumang sala ng tao. e. Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan

8

Naintindihan ng ate ni Susie na hindi perperkto ang buhay pero may mga perpektong sandaligaya ng mga sandaling nilikha ng kanilang Tatay ang pinakamagagarang sapatos para sa kanyang kapatid. f. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes Tinanggap ng pangunahing tauhan ang katotohanan na sa kaharian ng akademya, may mga hari at reyna na nagpapatupad ng kani-kanilang batas. 7. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Bawat yugto nito ay mayroong maraming eksena. Ito rin ay tinatawag na “Stage Play” dahil ang isang dula ay itinatanghal sa isang entablado. Ngunit mayroong ring iba’t-ibang uri ng Dula katulad lamang ng: Dulang panradyo, Dulang pantelibisyon, Dulang panlansangan at Tulang Padula. Mayroon ring Dulang Komedya katulad lamang ng “Sa Pula, Sa Puti” na isinulat ni Franciso ‘Soc’ Rodrigo, Kahapon, Ngayon, Bukas ni Aurelio Tolentino. Ang mga sangkap ng Dula ay ang mga sumusunod: Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan. 8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu. Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal. Pormal - tumatalakay ito sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang tono nito ay seryoso at walang halong biro. Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon ng sumuulat sa mga maiinit na balita. Di-pormal - ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang-araw-araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may-akda sa isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan. Mga Ba Bahagi hagi ng Sanaysay Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas. a. Simula/Panimula Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito ang nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.

9

b. Gitna/Katawan Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinaliliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan. c. Wakas - ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-uusapan. 9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. 10. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. 11. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o relihiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito. Uri ng Kuwentong-bayan 1. Kuwentong-bayan Tagalog -Si Mariang Makiling -Si Malakas at Si Maganda -Mga Kuwento ni Juan Tamad 2. Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya -Ang Bundok ng Kanlaon -Ang Batik ng Buwan 3. Mga Kuwentong-bayan sa Mindanao -Isang Aral...


Similar Free PDFs