234195110-Pananaliksik PDF

Title 234195110-Pananaliksik
Course Information Technology Concepts and System Analysis and Design
Institution Batangas State University
Pages 39
File Size 627.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 4
Total Views 30

Summary

EPEKTO NG E-CLASS SA MGA MAG-AARAL NGPAMANTASANG DE LA SALLE–DASMARIÑASIKALAWANG SEMESTRE, TAONG 2013Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay Propesor Mary Grace Gonzales Kagawaran ng Filipino at Panitikan Pamantasang De La Salle Dasmari ñ asBilang Bahagi ng Pagtupad Sa mga Pangangailangan para s...


Description

EPEKTO NG E-CLASS SA MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE–DASMARIÑAS IKALAWANG SEMESTRE, TAONG 2013

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay Propesor Mary Grace Gonzales Kagawaran ng Filipino at Panitikan Pamantasang De La Salle Dasmariñas

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa mga Pangangailangan para sa Kursong FILI 102 Pananaliksik para sa Pagkatutong Pangkaalaman

Addun, John Paul B. Iwabuchi, Kevin Kazu L. Tabas, Jonbon S. BSA 15

ABSTRAK

1

Ang pagaaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang epekto sa paggamit ng e-class sa mga mag-aaral ng isang pamantasan, partikular na sa Pamantasang De La Salle - Dasmariñas. Nais malaman ng mga mananaliksik ang mga bentahe at disbentahe nito sa mga estudyante, epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral at dahilan sa paggamit ng e-class. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos na matatagpuan rin sa loob ng nasabing pamantasan. Ang mga mananaliksik ay naghanap ng 100 katugon upang masagot ang mga katanungan na makakatulong sa pananaliksik na isinagawa. Ang mga kasagutan na nakalap sa sarbey ay sinuri at isa-isang pinaya ng mga mananaliksik at ito ang naging basehan ng mga mananaliksik upang masagot ang mga suliranin ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito. Dito natuklasan ng mga mananaliksik ang mga mabuti at masamang naidudulot ng e-class sa mga mag-aaral pati na rin ang mga epekto nito sa kanilang pag-aaral at mga dahilan na rin kung bakit sila gumagamit nito. Dito din nalaman ng mga mananaliksik na ang e-class ay may positibo at negatibong epekto sa pag-aaral ng isang mag-aaral, partikular na sa kanilang pagkatuto.

2

INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Naniniwala

ang

mga

Pilipino

na

ang

edukasyon

ay

ang

pinakamahalagang kayamanan na madadala nila sa kanilang buong buhay. Ito ang tanging kayamanang hindi mananakaw. Ayon nga sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat Jose Rizal, “Ang edukasyon ang susi sa tagumpay.” Unang nagkaroon ng pormal na edukasyon ang bansang Pilipinas nang dumating ang mga dayuhang Amerikano sa bansa. Noong mga panahong iyon, naging ignorante pa ang mga Pilipino pagdating sa ganitong sitwasyon sapagkat sila ay salat sa mga kagamitang pang-edukasyon. Lumipas ang maraming taon ay unti-unting umunlad at gumanda ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, marami nang paaralan at pamantasan ang naitayo sa iba’t ibang panig ng bansa, mula elementarya hanggang kolehiyo. Mula sa simpleng paraan ng pagtuturo ay unti-unting umunlad at naging moderno ang estilo ng mga guro at propesor sa pagtuturo. Isa sa mga nakatulong upang mapaganda at mapadali ang pagtuturo ay ang teknolohiya. Masasabi na sa panahon ngayon ay napapalibutan na ng teknolohiya ang mga tao. Halos lahat ng bagay ay ginagamitan ng teknolohiya. Dahil dito napadali ang ang mga proseso ng lahat ng mga bagay. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe na ginagamitan na lamang ng “cellphone” o “e-mail” upang maipahatid ang

3

nais sabihin ng isang tao at mapabilis ang komunikasyon ng bawat tao. Isa na rin ang edukasyon sa mga naapektuhan ng pag-usbong ng teknolohiya. Hindi nagtagal ay nabago na rin ng teknolohiya ang sistema ng pagtuturo. Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase ito ay depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinagaaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter kung saan nagiging posible ang pag-access ng internet mula dito.(Marmay, 2011). Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet (Marmay, 2011). Dahil sa makabagong teknolohiya na ito ay kalaunan ay naimbento ang electronic class o electronic learning. Ang electronic class o mas kilala sa katawagang e-class ay isang uri ng pagtuturo gamit ang kompyuter at internet. Dito ay ginagamit ang chat o

4

message upang makapagusap ang bawat estudyante at guro. Ang mga guro ay nagbibigay ng mga katanungan sa pamamagitan ng pag- post, at sumasagot naman ang mga estudyante sa pamamagitan ng pag- comment o pag-message sa post na ginawa ng guro. Ito ay kapakipakinabang dahil maaring makapagturo ang guro kahit nasa bahay o kahit saan mang lugar ang mga estudyante basta’t may kompyuter at internet access. Ayon nga kay Jenco,M.(2014), ang pagkakaroon ng mga e-class ay maghahatid ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral at makakatulong din sa mga propesor sagutin ang iba’t ibang mga katanungan ng mga estudyante. Makakatulong ito sa pamantasan kapag nawalan ng klase dahil sa bagyo o kung kaya’y lumiban ang isang guro. Isa pa ay masasabi din na ito ay isang paraan para maiba ang paraan ng pag-aaral ng mga estudyante at hindi puro face-to-face na paraan ng pagtuturo ang gagamitin. Ngunit ayon kay Oremus,W.(2014), ang mga online classes at e-learning na magaganap ay hindi dapat maging sanhi ng pagbaba ng mga abilidad ng mga guro, bagkus ay dapat pang mapaunlad ang kanilang mga kaalaman at mga kahusayan pagdating sa kanilang propesyon. Mula sa pahayag na ito, sinasabi ni Wells, C. (2013) na pinaniniwalaan niyang malaki ang magiging pagbabagong magaganap sa edukasyon dahil sa e-class. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto ng paggamit ng e-class sa mga estudyante ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas. Layunin ng pananaliksik na ito na masagot

ang mga

katanungan na maaaring lumabas kapag nais magtaguyod ng electronic

5

learning ang isang paaralan o pamantasan. Nais din malaman ng mga mananaliksik ang masamang epekto ng pagkakaroon ng ganitong uri ng pagtuturo maging ang mga mabuting at ang mga benepisyo na maaring makuha ng mga estudyante at guro. Nais rin malaman ng mga mananaliksik ang mga maaaring maging solusyon upang mapaunlad ang sistema ng eclass, partikular na sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas.

Paglalahad ng Suliranin Pangkalahatang Suliranin Ano-ano ang mga epekto ng paggamit ng e-class sa mga magaaral ng Pamantasang De La Salle- Dasmariñas? Mga Tiyak na Suliranin 1. Ano-ano ang mga bentahe at disbentahe sa paggamit ng e-class ng mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas? 2. Ano-ano ang mga epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas? 3. Ano-ang ang dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng e-class sa Pamantasang De La Salle- Dasmariñas?

Balangkas / Paradimo ng Pag-aaral

6

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang iba’t-ibang epekto ng paggamit ng e-class sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng teoretikal na balangkas upang makamit ang mga ninanais na layunin. Ito ay makatutulong upang mapadali at mapabilis ang pangangalap ng datos ng mga mananaliksik. Isa rin itong paraan upang mas mapadali ang pagkaklasipika ng mga datos. Konseptual na Balangkas

Positibo

Paggamit ng e-class

Buod

Epekto

Kongklusyon

Negatib o Pagbubukud-bukurin ng mga mananaliksik ang mga positibo at negatibong

epekto

ng

paggamit

ng

e-class

sa

mga

mag-aaral

ng

Pamantasang De La Salle- Dasmariñas. Ang pagbubukod-bukod ng mga resultang ito ay makakatulong upang malaman ang mga lehitimong epekto ng e-class. Depinisyon ng Termino

7

Binigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik ang mangilan-ngilang terminong gagamitin sa pananaliksik. Electronic class (e-class) . Isang modernong paraan ng pagtuturo na ginagamitan ng makabagong teknolohiya. Internet. Ang mga magkakabit na computer network na nag-uugnay sa mga tao sa buhay mundo.

8

METODOLOHIYA Disenyo at Uri ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptiv-analitik na disenyo ng pag-aaral. Ang deskriptiv-analitik na pag-aaral ay isang pamaraan kung saan gumagamit ng mga talatanungan ang mga mananaliksik. Ang mga talatanungan o survey questionnaire

na ito ang magsisilbing

instrumento upang makakalap ng datos mula sa mga tao. Ito ang napili ng

mga

mananaliksik

dahil

ang

pag-aaral

na

isinasagawa

ay

nangangailangan ng opinyon ng mga estudyante at propesor. Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng sarbey. Ang sarbeykwestyoner ay isang pamamaraan upang makakolekta ng impormasyon o datos mula sa mga grupo ng mga tao tungkol sa isang bagay o isyu na konektado sa pag-aaral na isinasagawa. Sa pamamagitan nito ay malalaman ang opinyon, pananaw, ideya o paniniwala ng isang tao o grupo ng mga tao. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan na may pagpipilian na maaaring sagot ng isang tao. Pagkatapos nito ay kokolektahan ang lahat ng mga impormasyon na nalikom

upang maanalisa.

Ang

resulta

na makukuha

sa

sarbey-

9

kwestyoner ay makakatulong sa pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik. Ito ay maaaring makapagbigay ng impormasyon tungkol sa e-class na ginagamit ng mga esudyante at propesor. Sa pag-aaral na ito ay magkakaroon ideya hindi lamang ang Pamantasan ng De Lasalle pati na rin ng ibang institusyon para mapaunlad ang sistema ng e-class.

Mga Kalahok sa Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay mangangailangan ng 100 kalahok para sa pag-aaral na ito. Ang 100 kalahok na ito ay binubuo ng 100 estudyante, 50 na lalaking estudyante at 50 na babaeng estudyante na nagmumula sa Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos (CBAA). Ang mga pamantayan ng pagpili ay ang sumusunod: (1) ang mga magaaral ay dapat nagaaral sa CBAA, nasa una hanggang ika-limang taon ng kolehiyo. (2) Dapat ay gumagamit o nakaranas nang gumamit ng e-class. (3) Nasa edad 14 hanggang 20 taong gulang lamang. Proseso ng Pagkalap ng Datos Pumunta ang mga mananaliksik sa aklatan upang mangalap ng impormasyon tungkol sa teknolohiya sa edukasyon pati na rin ang mga epekto nito sa mga gumagamit nito. Kumuha rin ng mga datos ang mga mananaliksik teknolohiya

sa sa

mga

nakaarang

edukasyon.

pananaliksik

Gumamit

din

ng

na

tungkol

internet

din

ang

sa mga

10

mananaliksik upang makakuha pa ng iba pang impormasyon sa mga blogs, artikulo at mga websites. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng sarbey-kwestyoner na naglalaman ng mga katanungan at ang bawat katanungan ay mayroong pagpipilian. Ang mga katanungan na ay tungkol sa e-class na ginagamit ngayon sa pagtuturo. Ito ay ilalagay sa isang papel at ipapamigay sa mga piling estudyante at mga propesor ng Pamantasan ng De Lasalle. Pagsusuri ng Datos: Nagbigay ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle- Dasmariñas ng mga sarbey form upang mabigyan ng kasagutan ang mga suliranin ng pananaliksik. Pumili ang mga mananaliksik ng 100 katugon nang hindi pinipili. Pagkatapos sagutan ng mga mag-aaral ang sarbey, tinally nila ang mga sagot na nakalap nila mula rito. Sumunod dito ang paggawa ng grap upang masuri ang mga datos. Itinalaga ang mga grap sa mga suliranin upang mabigyan na ng sagot ang mga katanungan dito.

11

RESULTA AND DISKUSYON Sa bahaging ito ng pananaliksik ipinapakita ang mga kasagutan ng 100 na estudyanteng naging katugon mula sa Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos. Mula dito, malalaman ang epekto ng paggamit ng e-class sa mga mag-aaral. Dito makikita ang mga biswal na presentasyon ng mga mananaliksik sa mga kasagutan ng mga katugon. Dagdag pa rito, malalaman rin ang mga bentahe at disbentahe, mga dahilan sa paggamit ng e-class, at mga epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

12

Dalas sa Paggamit ng E-class

9

35

Palagi Madalas Minsan Bihira

37

19

Grap 1. Dalas sa Paggamit ng E-class Makikita sa Grap 1. kung gaano kadalas gumamit ng e-class ang mga mag-aaral na naging katugon sa sarbey. Maoobserbahan sa grap na ito na malaking

bahagi

ng

mga

mag-aaral

ang

gumagamit

ng

e-class.

Pinapatunayan nito na bahagi na sa paraan ng pagtuturo ng mga propesor ang paggamit ng e-class. Maraming maidudulot ang paggamit ng e-class sa isang pamantasan, kasama na ang mga mag-aaral nito. Nakagagaan man ito sa panig ng mga propesor at mag-aaral, hindi naman nito napapababa ang kalidad ng edukasyon sa pamantasang ito.

13

Suliranin Bilang 1: Ano-ano ang mga bentahe at disbentahe sa paggamit ng e-class ng mga mag-aaral ng Pamantasang De La SalleDasmariñas?

Bentahe at Disbentahe

8

5 Bentahe lamang Disbentahe lamang Parehas

87

Grap 2. Bentahe at Disbentahe ng E-class Ipinapakita sa Grap 1 na 87 mula sa 100 na mga mag-aaral ang nagsasabing may bentahe at disbentahe ang pagkakaroon ng e-class. 8 na mag-aaral naman ang nagsasabing pawang bentahe lamang ang tinataglay ng e-class. Ang 5 na natitira ay nagsasabing puro disbentahe ang hatid ng eclass sa kaniya. Batay sa mga datos na nakuha, mababakas na karamihan sa mga mag-aaral ang nagsasabing dalawa ang epektong dulot ng paggamit ng e-

14

class. Sa kabila ng mga bentaheng nakukuha sa paggamit ng e-class, mayroon ring disbentahe ang naidudulot nito.

Mga Bentahe ng E-class 100 90 80 70 60 50 40 30 20 10 0

92 73 37

61

39

Grap 2.1. Ipinapakita ang mga bentaheng nakukuha sa paggamit ng eclass ayon sa mga katugon. Makikita natin sa grap na ito na ang pangunahing bentahe ng e-class ay ang silbi nito sa pagiging alternatibong klase tuwing may suspensyon o kawalan ng klase dahilan ng mga kalamidad o holiday. Pangalawang bentahe ng paggamit ng e-class ay ang madaling pagpapasa ng mga requirements tulad ng mga pagsusulit, takdang-aralin at iba pang mga gawain kung saan hindi na kinakailangang pumunta pa sa unibersidad upang ibigay at isumita ang mga nasabing gawain. Ang sumunod na bentahe naman ay ang madaling matapos ang mga gawain dahil sa pagkakaroon ng internet. Itatatype mo lamang ang katanungan na iyong gustong masagot at isang pindot

15

mo lamang ay marami nang mga kasagutan ang lalabas. Ang sunod na bentahe

ay

ang

pagkakaroon

ng

malawakang

mapagkukunan

ng

impormasyon sapagkat ang internet ay mabilis makakuha ng iba’t ibang impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Malaking tulong na rin dito ang mga internet sites tulad ng Wikipedia, Google at Youtube. Dito ay makakakuha ka ng mga ideya, pananaw ng mga tao, facts at mga biswal na presentasyon ng paksang iyong hinahanap o nais malaman. Huling bentahe na nakakuha ng pinakamababang porsyento sa mga pagpipilian ay ang madaling komunikasyon dulot ng e-class. Dahil sa pinapahintulutan sa e-class ang pagkakaroon ng mga friends, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagusap sa iba pang mga magaaral. Dagdag pa rito, nagagawang maka-usap ng mga mag-aaral ang kanikanilang mga propesor dahil sa e-class. Hindi na kinakailangang puntahan pa ng isang estudyante ang kaniyang propesor kung mayroon siyang nais sabihin dito. Mula sa mga bentaheng nakuha, masasabing may mga disbentahe rin itong naidudulot sa ilang mag-aaral.

16

Mga Disbentahe ng E-class 100 90 80 70 60 50 40 30 20 10 0

89 62 42 19

Grap 2.2. Pinapakita ang mga disbentaheng nakukuha sa paggamit ng e-class ayon sa mga katugon. Pinapaniwalaang ang e-class ay nilikha para sa ikabubuti at ikadadali ng pag-aaral ng mga estudyante ng isang pamantasan. Ngunit, sa kabila ng ganitong pahayag, ilan parin sa mga mag-aaral ang naniniwalang may disbentahe rin ang pagkakaroon ng e-class. Unang disbentahe ay ang presensya ng mga error o iba pang mga teknikal na paghihirap. Ito ay posible sapagkat ang e-class ay umaandar sa iisang network kung saan maraming tao ang maaaring kumonekta dito na magiging dahilan ng pagbagal ng pagproseso ng mga datos. Pangalawang disbentahe ng pagkakaroon ng e-class ay ang kakulangan ng patnubay ng propesor sa mga estudyante,

kung

saan hindi

niya nagagabayan ang kaniyang

mga

17

estudyante sa tuwing mayroong pagsusulit o mga gawain. Limitado lamang sa mga output na pinapasa ng mga estudyante ang gabay ng propesor. Pangatlo sa mga disbentaheng naihahatid ng e-class ay ang presensiya ng mga pandarayang maaaring maganap dulot ng kawalan ng gabay ng propesor. Karamihan sa mga mag-aaral, kung hindi nababantayan ng maigi, nagkakaroon ng temptasyong mandaya tulad ng pangongopya sa iba pang mga estudyante. Panghuli sa mga disbentahe ay ang paglaganap ng plagiarism. Dahil sa kinakailangan ang access sa internet, nagkakaroon rin ng access ang mga mag-aaral sa iba’t ibang websites, dahil dito nakakahanap

ng

mga

resources

ang

mga

mag-aaral

na

maaaring

makadagdag sa kanilang gawain. Dahil sa katamaran kung minsan, ang iba ay nagagawang mag copy & paste na lamang sa halip na gumawa ng kanilang orihinal na komposisyon. Ang mga nasabi ay ilan lamang sa mga disbentahe sa paggamit ng e-class. Suliranin Bilang 2: Ano-ano ang mga epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas? Ipinapakita ng mga grap sa ibaba ang epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas.

18

Epekto ng E-class sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

29

4

Positibo Negatibo Walang Epekto

67

Grap 3. Epekto ng E-class sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral Ipinapakita sa Grap 3 ang iba’t ibang epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas. Ayon sa naganap na sarbey, 67 ang nagsabing positibo ang epekto ng e-class sa kanilang pagkatuto, 29 ang nagsabing negatibo ang epekto ng e-class sa kanilang pagkatutuo at 4 naman ang nagsabing walang epekto sa kanilang pagkatuto ang pagkakaroon ng e-class. Batay sa mga datos na nakalap, makikita natin na malaking bahagi ng mga katugon ang nagsabing positibo ang epekto sa kanilang pagkatuto ang paggamit ng e-class. Dahil dito, masasabi ng mga mananaliksik na malaki ang naitutulong ng e-class sa mga mag-aaral, partikular na sa edukasyon. Bahagi na ng buhay ng mga tao sa panahon ngayon ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Nabago na rin ang pamumuhay ng mga tao sa

19

paglabas ng mga makabagong teknolohiyang ito. Naging komportable na sila sa paggamit ng mga ito. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit maging sa pag-aaral, nakakatulong ang mga makabagong teknolohiya. Isang mabisang halimbawa na nito ang paggamit ng e-class.

Positibong Epekto sa Pagkatuto dulot ng E-class 64

60 50 40 30 20 10 0

n ali ad m as M

g


Similar Free PDFs