3 Module 3 - Lecture notes 3 PDF

Title 3 Module 3 - Lecture notes 3
Author Bts Wifeu
Course BSBA Marketing Management
Institution Batangas State University
Pages 8
File Size 161.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 27
Total Views 140

Summary

KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO...


Description

YUNIT II PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay

Panimula Isa sa mga magagandang dulot ng K to 12 ay ang pagbubukas ng isip ng mga magaaral sa akademikong gawin, isa na rito ang pagsasagawa ng mga pananaliksik. Sa dating kurikulum sa ikatlong taon pa ng mga mag-aaral sa kolehiyo nasisimulan ang pananaliksik para sa kani-kanilang tesis. Sa yunit na ito ay pagtatalakayan ang papel na gingampanan ng pananaliksik at komunikasyon sa buhay ng tao. Gayundin ay bibigyang pansin sa yunit na ito ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksang magiging pokus ng pananaliksik. Magbibigyang linaw din dito ang mga tiyak na halimbawa ng batis na maaaring pagkuhanan ng impormasyong magagamit sa pananaliksik. May mga pamamaraan din ng pagkalap ng datos na ipipresenta sa yunit na ito. Mula sa pagkalap ng datos ay bibigyang tuon din ang pagsusuri ng mga ito. Ilang mga gawain ang iaatas sa mga mag-aaral pagkatapos ng mga pagtatalakay sa bawat paksa. Layunin Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Mabigyang katuturan ang kaugnayan ng pananaliksik at komunikasyon sa buhay ng tao; at 2. Makapagpahayag ng makabuluhang kaisapan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midya.

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa. • • https://www.youtube.com/watch?v=O46r61ty3-s • • https://www.youtube.com/watch?v=XCdwct8iFE8 • • https://www.youtube.com/watch?v=QNKJhDyNwxM • • https://www.youtube.com/watch?v=WPmHKRebvic k Nilalaman Sa anumang sitwasyong pang komunikasyon, ginagamit sa pakikipag ugnayan, pakikisalamuha at pakikipag talastasan sa kapwa ang mga kaalamang natutuhan natin mula sa pagoobserba at pagsusuri ng lipunan. Ang mga nabatid at napaglimian nating kaalaman mula sa karanasang panlipunan ang pumapanday sa ating karunungan na siyang gumagabay sa ating maliliit at maalaking desisyon at hakbang sa buhay. Ang pangunahing salik ng kaalaman, na ibinabahagi din natin sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao, sa ating kapaligiran, at midya. Samakatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating kakayahan na magproseso ng impormasyon – ang bawat butil ng impormasyon na alam natin at anumang kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang malaking bahagi ng kaalaman. Ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo nating kaalam at napanday nating karunungan. Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang bawat pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi bago matulog na bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. Ang bawat karanasan mula sa pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki ay nagiging paraan din kung paano tayo natututo. Kadalasan ang pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating mga karanasan. Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga perspektibo na maaari nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin lalo at higit sa mga panghamong panahon. Ito rin ang ngmumulat sa atin sa mas magmaging mahusay sa pagdedesisyon at pagaksyon sa mga bagay bagay.

Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at talab ng mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na pag susuri at pagtatahi ng impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw sa kamangmangan at kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa panlilinlang, pangaapi, at pang aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali ng magpakalat ng tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya ginagamit sa information and communication technology (ICT). Sa kabila nito lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa mga impormasyong nagmumula rito upang makabubuo tayo ng makabuluhan at makatuturang kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ngating buhay at lipunang Pilipino. Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay nagiging aksesibol na rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil dito mas kinakilangan na maging matalino sa paggamit ng iba’t ibang midya ang mga mamamayan. Ang pagiging mapanuri ay isa na dapat sa mga kasanayang kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay upang hindi madala ng mga mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili kaya’y makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang kapangyarihang dulot ng komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang paggamit nito. Kagaya ng napag-aralan na sa hayskul bahagi ng mataas n antas ng literasing pang media ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa ibatibang midya sa ating lipunan. Walang anumang midya at teksto ng media sa values free. Ang klase ng midya ang wika at naratibong itinampok dito, ang estruktura at daloy ng kwento, ang mga tunog at imahen na ginawang representasyon ng realidad at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus may, sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg sosyal, kultural, at ekonomik. Nakapaloob dito ang pagpapahalaga, interes, at adyenda ng mgfa prodyuser. Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa natin sa tradisyonal o modernong midya man ay may kani-kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong nasa likod nito. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama ang ating gingamit sa paghalaw ng mensahe mula sa mga nasasaksihan natin. Lalong nangangailangan ng magkaagapay ang ating mga pandama at ang ating

matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa mga midyang abeylabol. Ito ay para makasiguradong lubos at tama ang mga impormasyong makakarating sa atin at ang maibabahagi natin sa iba. Kailngan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag na binary opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi. Ayon sa website na MindTools may anim na paraan upang malaman ang fake news. Ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasabi rin ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay “fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa kanila. Maaari itong humantong sa mapanganib na pagwawalang bahala na mahahalagang payo. Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali sa lugar ng trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pagaaral, at naging sanhi ng pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya mahalaga na malaman kung paano ihiwalay ang tunay mula sa mga pekeng impormasyon. May ilang hakbang upang malaman kung ang impormasyon ay lehitimo o hindi.  Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon.  Kailangan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon.  Mahalaga rin na kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan.  Huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon.  Hindi kasiguraduhan ang magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon.  Higit sa lahat suriin kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon. Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin, panonood ng mga palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang lahat ng ito ay sa maaring magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay kompyuter. Mass Media o pangmadlang midya ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay

pahayagan, magasin, radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa pangmadlang midya upang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika, lipunan, libangan, at balita sa kulturang popular. Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag uusapan ng publiko kung si George Gerbner, ang midya, lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na ang mundoy magulo at nakakatakot kung si Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabng “ang midyum ay ang mensahe”; at kung si Stuart Hall ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan (Griffin, 2012). Sa makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga impormasyong nakukuha sa midya upang magamit ang mga ito sa kapakinabangan, sa halip na kapahamakan.

Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag usap. Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na kaibigan, sikat na artista, politiko, o tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang, at pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mga taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinaguusapan. Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o pingmulang impormasyon. Ang maling pamamaraan ay humahantong sa palso at di angkop na datos. Ang konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay sa interpretasyon nito. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong pamamaraan ang gagamitin sa 14 pagsusuri ng impormasyon para makabuo ng sariling pahayag na magagamit sa isang tukoy na sitwasyong pangkomunikasyon. Ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa kaalamang hindi maaasahan at kahina hinala ang katampukan. Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng impormasyon, kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wikang pag unawa at pagpapaunawa; gayundin,b magtiwalatayo sa kaangkupan ng mga katutubong metodo sa pagkalap at pagsusuri ng impormasyon.

sa paggamit ng wikang Filipino at katutubong pamamaraan, mas magiging maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat nagkakaintindihan ang mga kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil paksa dahil an gating wika ay “hindi lamang daluyan kundi tapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura” natin bilang mga Pilipino.

Mga Gawain

Gawain 1 Ang mga mag-aaral ay aatasan na magsaliksik ng sampung impormasyon mula sa mga pang-madlang midyang abeylabol sa kani-kanilang tahanan. Kailangang ipahayag ng mga mag-aaral kung lehitimo o fake news ang impormasyon at kung paano nila nasabi na ang impormasyon ay lehitimo o nabibilang sa fake news batay sa napagtalakayan. Ang sagot ng mga mag-aaral ilalagay sa isang matrix. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Gamitin ang batayan para sa matrix. Impormasyon 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Pinagmulan

Lehitimo/Fake News

Katunayan

Gawain 2 Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang infographics na manghihikayat sa mga awdiyens na labanan ng pagkalat ng fake news. Ang infographics ay kinakailangan maging mapanghikayat at nagbibigay kaalaman. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data,

maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Orihinalidad

Kabuuang Iskor

tindig, may kaisahan kinakulangan ng nakapagdulot ng ang mga ideya, at mga salitang kalituhan sa naging malinaw, magpapaigting ng mambabasa dahil sa mahusay at pagkaunawa ng ilang pahayag na makabuluhan ang mambabasa sa hindi kaugnay ng pagtalakay sa infographics. infographics. infographics. Ang infographics ay Ang infographics ay hindi orihinal. orihinal....


Similar Free PDFs