4-5-Panitikan PDF

Title 4-5-Panitikan
Author glyfranz visaya
Course Bs civil engineer
Institution University of Eastern Philippines
Pages 13
File Size 220.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 142
Total Views 332

Summary

Modyul 4PANAHON NG PAGKAMULATPAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINASPamantasan Bayan, Hilagang SamarKolehiyo ng Sining at KomunikasyonDepartamento ng Wika at KomunikasyonMODYUL 4-PANITIKAN SA PILIPINASInstruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE, LPTModyul 4PANAHON NG PAGKAMULATANG PANITIKAN SA PANAHON NG PAGKAMU...


Description

PAMANTASAN NG SI SILANGANING LANGANING PILIPINAS Pamantasan Ba Bayan, yan, Hilagang Samar Kolehiyo ng Sining at Ko Komunikasyon munikasyon Departamento ng Wika at Komunikasyon

MODYUL 4-5 PANITIKAN SA PILIPI PILIPINAS NAS

Instruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE, LPT

Modyul 4

2

PANA PANAHON HON NG P AGKAMUL AGKAMULAT AT

ANG PANIT PANITIKAN IKAN SA PANAHON NG PAGKAM PAGKAMULAT ULAT O PANAHON NG PROPAGAND ROPAGANDA A (1872-1896) LARAWAN NG PANAHON Nabago ang takbong daigdig. Nagkaroon ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Nabago ang takbo ng buhay ng mga tao. Nagsipunta sa lunsod ang mga nasa bukid upang magirabaho sa mga pabrika. Maraming mga produktong kail angang ihanap ng pamilihan at mamimili. Kailangang itanghal sa daigdig ang mga produktong bunga ng mga makinarya. Tinulutan ng España ang pakikipaghanapbuhay na pandaigdig. Kailangang makisayaw sila sa tugtog upang hindi maiwan ng kaunlaran. Nabuksan ang Kanal Suez upang higit na mapadali ang pagdadala ng mga pangangalakal sa iba't ibang pook noong 1869. Dahil dito'y maraming mga sasakyang pandagat ang nakarating sa Pilipinas at napadali ang komunikasyon. Nagkaroon din ng Himagsikan sa España noong 1868, Ang diwang liberal buhat sa ibangbahagi ng Europe at ng Espafña na rin ay nakapasok sa Pilipinas. Kasabay rin nito ang pagpasok ng ideolohiya ng mga himagsikang Americano at Pranses. Ang mga ipina-hahayag nina Montesquieu, Rousseau, Voltaire at Locke ay naging bukang-bibig din ng mga nagsisipag-aral lalo na iyong mga napapadala sa España at sa ibang pook. Ang mga diwang ito'y nakakarating din sa mga mamamayang nagngingitngit sa kalagayarn ng aping bayan. Nadagdag pa rin dito ang pagbagsak ng Reyna Isabela lI ng España. Nagkaroon ng liberalimo at kasabay noon ang pagiging Gobernador Heneral ni Carlos Maria de la Torre. Pantay-pantay na pagtingin ang ipinakita niya. Sa gayo'y nagkaroon ng sigla ang mga mamamayan. Hiniling ang sekularisasyon ng mga paroko. Nagtatag din ng samahan ng kabataan ang mga nagsisipag-aral sa Sto. Tomas (Juventud Escoiar Liberal) na pinanguluhan ni Felipe Buencamnino. Naghandog pa si Rizal ng tula sa samahang ito sa kanyang La Juventud Filipina. Ngunit hindi rin nagtagal ito sapagkat napalitan na naman ang pamahalaan sa España at napalitan din ang Gobernador-Heneral. Isang mahigpit at mapagmataas na Gobernador-Heneral Rafael de lzquierdo ang pumalit. Ang lahat ng ginawa ni de la Torre'y binaligtad niya kaya ito ang naging titis sa paghihimagsik. Isa pa ring malagim na pangyayari ang naganap sa Pilipinas noon, ang pagkakapatay kay Gobernador Heneral Bustamante na inilarawan ni R. Hidalgo sa kanyang pintura. Pinatay ito ng mga prayle dahil ninanais nitong magsiyasat tungkol sa kaban ng bayan. Inilahad din ito ni Padre Burgos sa kanyang La Loba Negra. Nagpapalit-palit ang mga tauhan ng pamahalaan ngunit ang mga prayle'y nananatili sa kanilang kapangyarihan kaya lalo silang umaabuso. Ang pinakatagapagsindi ng dinamita sa diwang makabayan ay ang pagkakagarote sa tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, noong ika-17 ng Pebrero, 1872.

Modyul 4

3

PANA PANAHON HON NG P AGKAMUL AGKAMULAT AT

ANG KILUSANG PROPAGANDA Hindi tahasang naghihimagsik ang mga kabataan. Humihingi lamang sila ng mga pagbabago tulad ng (1) Gawing pantay-pantay ang mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas. (2) Gawing lalawigan ng España ang Pilipinas. (3) Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng España (4) Pairain ang sekularisasyon sa mga parokya. (5) Kalayaang pangkatauhan tulad ng pamamahayag pananalita at pagtitipon. Nadama nilang kailangang ito'y maipahayag nila sa kanilang panulat at hindi magiging mabisa ang mga awit at korido sa mga pagpapahayag na ito. Dito sa panahong ito laging laganap ang mga sanaysay na naghahayag ng kanilang mga kurukuro tungkol sa mga nakikita nila sa kapaligiran. MGA MANUNULAT NG PANAHON (1) Herminigildo Flores Kilala siya sa kanyang tulang Hibik ng P11pinas sa Inang Espanya- 1888; isinasaad niya rito ang mga pangangailangan ng bayang inihihibik sa itinuturing na lnang España. Narito ang unang lima sa 65 na saknong: Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasaan ang iyong pagtingirn sa anak akong iyong bunsong abang Filipinas tingni't Sa dalita y di na makaiwas! Ang mga anak kong sa iyo y gumigiliw, Sa pagmamalasakit nang dahil sa akin; ngayo'y inuusig at di pagitawin ng mga prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasa mong kagaling-galingan ayaw ng prayleng ako' y makinabang, sa mga anak ko'y ang ibig nga lamang isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid na laban sa madla nilang ninanais palibhasa'y wala silang iniisip kundi ang yumamat magdaya ang dibdib Kaya nga't kahimat malaban sa utos ng Konsilyo'y Regla nilang sinusunod

Modyul 4

4

PANA PANAHON HON NG P AGKAMUL AGKAMULAT AT

yuyurakang lahat kapag mabubusog ang uhaw sa yaman nilang mga loob. Mapapansing ang pagpapayaman ng mga prayle at ang pagpapabaya sa bayan ang isinasaad sa tula. (2) Marcelo H. del Pilar (Plaridel) (1850-1896) Taga-Kupang, San Nicolas, Bulacan si Marcelo H. del Pilar. Sagisag-panulat niya ang Plaridel, Piping Dilat at Dolores Manapat. Marami siyang sinulat na mga tulang pansimbahan at sanaysay sa La Solidaridad. Kabilang sa mga isinulat niyaang Dasalan at Tocsohan, Caiingat Cayo (sagot sa sinulat ni Paring Jose Rodriguez sa tuligsa sa Noli ni Rizal). Ang kadakilaan ng Diyos, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, atbp. Itinatag niya ang Diaryong tagalog (1882). Siya ang patnugot nito. Dito nalathala ang kanyang mapusok at makabagong damdamin. Nang magtungo siya sa España, nahalinhan niya sa pagkapatnugot ng La Solidaridad si Graciano Lopez Jaena. Ang pahayagang ito ang ginawa nilang instrumento sa pagpapahayag ng reporma. Kabilang si Rizal sa nakasulat sa pahayagang ito. Namatay si del Pilar sa España na malayo sa kanyang pamilya dahil sa papel na ginagampanan niya para sa bayan. Ang tanyag na akda niya'y ang Dasalan at Tocsohan. Pinalitan niya ang mga salita sa mga panalangin bilang pagtuligsa sa mga prayle. Yao't dito siya sa mga lalawigan noong mga 1888-1889 at nagkalat ng mga polyetong gumising sa damdamin ng mga tao. (3) Dr. J ose Rizal (1861-1896) Isang taga-Calambá ang tinaguriang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Bagamat ang wikang ginamit niya'y wikang Kastila, sapagkat ang layunin niya'y maunawaan ng mga nasa España ang tunay na mga nagaganap sa Pilipinas, mayroon din siyang mga akdang naisulat sa Wikang Filipino, ang kanyang Sa Aking mga Kabata at ang Liham sa Babaing Taga-Malolos. Sa tula niyang Sa Aking mga Kabata ay nilinaw niya ang pagmamahal sa sariling wika. Sa liham niya sa mga babaing tagaMalolos, nilinaw niya ang mahalagang tungkulin ng babae sa kalalakihan ng bayan. Marami siyang sanaysay na kinapapalooban ng kanyang mga kaisipan sa ikabubuti ng kalagayan ng bayan. Nagtiyaga rin siyang lagyan ng anotasyon ang isinulat ni Morgang "Sucesos de las Islas Pilipinas" upang higit na mabigyan ng tunay na larawan ng bayang Pilipinas ang babasa noon. Sinasabi ring ang kanyang dalawang nobela sa wikang Kastila na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang nakapukaw sa damdaming makabayan, ng nasyonalismo na siyang kulang sa mga naganap na mga naunang paghihimagsik. Sa dalawang nobela nakalarawan ang mga pangarap, lunggati, paghihirap, pagpapakasakit, pagpupunyagi, kaligayahan at kahirapan ng lahat ng pangkat ng mga tao noong panahong iyon. Tunay na larawan ng isang bayang naghihirap sa kamay ng mananakop na Kastila, bagamat ang talagang tinutuligsa'y hindi ang pamahalaan kundi ang mga prayle.

Modyul 4

5

PANA PANAHON HON NG P AGKAMUL AGKAMULAT AT

(4) Graciano Lopez Jaena Kabilang sa tatsulok ng tampok na propagandista si Graciano Lopez Jaena. Sila nina del Pilar a Rizal ang naging tampok noong panahong ito. Bagamat ang ginamit niyang wika'y Kastila, hindi mapapasubalian ang kanyang ginanap na papel sa paglalarawan ng katiwalian ng mga prayle at sa paghingi ng reporma sa pamahalaang Kastila. Naging bukang-bibig din ang kanyang Fray Botod. Ito'y sinulat niya sa Jaro, loilo noong 1876, apat na taon pagkatapos ng pag- aalsa sa Cavite. Inilarawan niya si Fray Botod bilang masiba, ambisyoso at hindi karapat-dapat na alagad ng simbahan. Ang kahulugan ng Botod sa Visaya'y malaki ang tiyan. Sa gayon sa pamagat pa lamang ay isinasaad na nagpapalaki lamang ng tiyan ang mga prayle at hindi talaga tumutulong sa ikagagaling ng kaluluwa ng mga tao. Isinasaad sa akda na napakalaki ng halagang sinisingil ng prayle para mailibing lamang sa "paraang binyagan" ang mga bangkay. Hindi nila pinahahalagahan ang mga walang perang maipagpapalibing, gayong kung susundin ang kanilang mga iniaaral sa mga tao'y nararapat na wala silang kikilingan. Kinakasangkapan nila ang pangalan ng Diyos at ng Mahal na Birhen upang makapangalap ng abuloy. Kung malaking pera ang maibibigay ng nagpapatawag sa kanya (kay Fray Botod) agad niya itong aasikasuhin ngunit kung alam niyang walang maibibigay ang nagpapatawag, inuutusan na lamang niya ang kanyang kawaksi at ipagpapatuloy na ang kanyang gawain. Kung minsan ay nakikipagsugal lamang siya. Isinaad pa ni Jaena sa kanyang akda na nang dumating si Fray Botod buhat sa España nakakatulad lamang siya ng tuyong lamok ngunit nang makakain na ng papaya't saging ay naging malusog na prayle. (5) Antonio Luna (1868-1899) Bagamat isang parmasyotiko si Antonio Luna, nag-ambag din siya sa larangan ng panitikan. Wikang Kastila rin ang ginamit sa pagpapahayag ng kanyang mga kaisipan. Kabilang ang "Por Madrid," isang panunuligsa sa mga Kastila na nagsabing ang Pilipinas ay isang lalawigan ng España, ngunit hindi itinuturing nang gayon kapag sinisingilan ng selyo, at ang Impressiones na kinapapalooban ng isinatagalog na "Karamelo." Ipinahahayag niya sa Impressiones ang kanyang mga pansin at puna sa buhay-buhay sa España. Sa "Karamelo" inilarawan niya ang naghihirap na mag-anak, isang biyuda ng kawal na maraming anak. Labis ang pagdaralita ng mag-anak kayat ang maliit na piraso ng karamelo'y pinagkakaguluhan ng mnga bata. May isinulat din siyang "La Tertulia Filipina" na naglalarawan ng ilang kaugaliang Pilipino sa isang piging na ipinalalagay niyang higit na mabuti kaysa sa kaugaliang Kastila. (6) Pedro Paterno (1857-1911 (1857-1911)) Kabilang si Dr. Pedro Paterno sa panahong ito. Kabilang din siya sa panahon ng Himagsikan at ng mga Americano. Kastila rin ang ginamit niyang wika. Masasabing siya ang unang Pilipinong nakasulat ng nobelang Kastila na pinamagatan niyang Ninay: Ito'y naglalarawan ng lipunang Pilipino. Kung pakasusuriin, mapapansing nakunan din ito ni Rizal ng inspirasyon sa pagsulat, sa larangan ng paglalarawan at katauhan ng mga pangunahing tauhan. Kilala rin si Paterno sa larangan ng panulaan. Mayroon siyang katipunan ng mga tulang Kastila na pinamagatang Sampaguitas y Poesias Varias.

Modyul 4

6

PANA PANAHON HON NG P AGKAMUL AGKAMULAT AT

Ang Iba pang mga Manunulat Kabilang pa rin sa panahong ito sina Jose Maria Panganiban (1865-1895), na sumulat ng mga sanaysay sa La Solidaridad; P ascual Poblete (1858-1921) na kasama ni del Pilar sa Diaryong Tagalog (1882) at nagtatag ng pahayagang El Resumen, na napatapon sa Africa dahil sa matulis na panunuligsa sa Kastila; Fernando Canon (1860), nagpasimula ng kaugaliang pagkatha ng unang tula sa karangalan ni Rizal upang maging matagumpay sa panulaan; at Mariano Ponce (1863-1918) na sumulat ng "Ang Pagpugot kay Longinus" na siyang pinakatema ng bantog na "Moriones" sa Marinduque.

Modyul 4 PANA PANAHON HON NG P AGKAMUL AGKAMULAT AT

GAWAIN IV.

Pangalan: ________________________________________ Antas at Pangkat: _____________ 1. Paano namulat ang mga mamamayan noon? 2. Bakit naging matagumpay si del Pilar sa kanyang panunuligsa sa mga prayle? 3. Pangatwiranan kung bakit sa wikang Kastila sumulat ang mga propagandista. 4. Anong papel ang ginampanan ng mga propagandista sa larangan ng panitikan? 5. Ipaliwanag kung bakit sinasabing ang mga nobela ni Rizal ang nakapukaw sa damdamin ng mga mamamayan upang magkaroon ng pambansang kamalayan.

7

Modyul 5 PANA PANAHON HON NG HIMAGSIKAN

8

ANG PAN PANITIKAN ITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN (18 (1896-1900) 96-1900) Nahahati ang Panahon ng Himagsikan sa Himagsikan Laban sa Kastila at Himagsikan Laban sa mga Americano. Sa lubhang napakaikling panahon, napakaraming naganap na makasaysayan sa kapuluan. Nagkaroon ng pagpapalit ng administrasyon. A. HIMAGSIKAN LABAN SA KASTILA LARAWAN NG PANAHON Ang pagkakapatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng dipagtatagumpay ng mga propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba'y hindi na naniniwalang reporma ang kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na pagbabago. Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang ipatatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Valentin Diaz, Teodoro Piata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa Azcarraga (Claro M. Recto, malapit sa Elcano, Tondo). Itinatag nila ang Kataas-taasang Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak ng Bayan (K.K.K.) o Katipunan. Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-kaniyang dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan. May tatlong layunin ang katipunan: (1) politikal (maihiwalay ang Pilipinas España), (2) moral (maturuan ng katatagan at kagandahang-asal ang mamamayan nang malayo sa pagiging panatiko) at (3) sibiko (maging mapagtanggol sa mga mahihirap at naaapi). Masasabing ang La Liga Filipina ni Rizal ang naging instrumento rin sa pagtatag ng Katipunan. Ang organisasyon nito ang tinularan nila. Miyembro ng La Liga Filipina si Bonifacio. May tatlong sanggunian ito: (1) Ang Kataas-taasang Sanggunian, (2) Sangguniang Bayan at (3) Sangguniang Balangay. Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito'y sina Andres Bonifacio (Ama ng Katipunan) at Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan). Kabilang din dito si Pio Valenzuela. Ang wikang natatampok nang panahong ito'y ang Tagalog. Kung sa panulat man ni Bonifacio'y sinasabi niyang ang dapat mabatid ng mga Tagalog, mababasa namang ang tinutukoy dito'y ang mamamayang Pilipino, hindi naman niya matawag na mga Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo'y ang mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas, hindi rin naman maaaring gamitin ang Indio sapagkat ito'y panlilibak ng mga Kastila. Naging aktibo ang mga Katipunero, gabi-gabi'y may pagpupulong sila at nadarama ng mga Kastila na may mga nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon. Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiño ang tungkol sa Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito, wala nang iba pang magagawa kundi ang makipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa

Modyul 5 PANA PANAHON HON NG HIMAGSIKAN

9

pakikipaglaban sa Pugad-lawin. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang "Mabuhay ang Pilipinas!" Andres Bonifacio (1 (1863-1897) 863-1897) Si Andres Bonifacio ang masasabing nagsindi ng titis ng paghihimagsik. Kabilang siya sa trilohiya nina Flores at del Pilar. Siya ang sumulat ng ikatlong tula, "Katapusang Hibik ng Pilipinas". Emilio Jacinto (1875-1899) Kilalang "Utak ng Katipunan, si Emilio Jacinto. Kasamaniya si Pio Valenzuela sa pamamatnugot, ng Kalayaan,pahayagan ng Katipunan. Sumulat siya ng "Kartilla ng Katipunan," mga kautusan para sa kaanib ng Katipunan. Ang akda niyang ito ang pinagbigyan ni Bonifacio. Ang akda niyang "Liwanag at Dilim ay isang katipunan ng mga sanaysay na busog sa makatas na kurukuro. Kinapapalooban ito ng tungkol sa karapatan, kalayaan, pagpapantay-pantay, paggawa, paniniwala, pamahalaan at pag-ibig sa bayan. Ipinaliwanag niya sa isa niyang sanaysay rito, ang "Ningning at Liwanag" na maraming nasisilaw sa ningning, kaya ang mga nakaayos-mahirap ay tinitingnan nang mababa at iyong nakaaayos-mayaman kahit na magnanakaw ay hindi pinupuna. Maganda rin ang kanyang paliwanag tungkol sa pag-ibig. Sinabi niyang ang pag-ibig ang pinakadakila sa lahat ng damdamin. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan ay bunga ng pag-ibig. Na kung ang tao'y nakagagawa ng masama, hindi pag-ibig ang nag-udyok kundi palaluan at kayamuan. ldinagdag pa rin niyang pagkakaisa ang kauna-unahang ibinubunga ng pag-ibig. Ito ang lakas at kabuhayan at kung nagkakaisa'y nag-ibigan kahit na gaano kalaking hirap ay magaang pasanin. Pio Valenzuela Sumulat din si Pio Valenzuela ng nakapupukaw na panitik. Katulong siya ni Emilio Jacinto sa pamamatnugot ng Kalayaan. Isang sanaysay na alay sa bayan ang isinulat niya na pinamagatang "Catwiran." MGA PAHAYAGAN NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN       

Kalayaan (1896) Diario de Manila El Heraldo de la Revolucion La Independencia La Republika Filipina Ang Bayang Kahapis-hapis Ang Kaibigan ng Bayan

Modyul 5 PANA PANAHON HON NG HIMAGSIKAN



10

Ang Kalayaan

B. HIMAGSIKAN LABAN SA AMERICAN LARAWAN NG PANAHON Patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila. Ang Gobernador-Heneral noo y Si Primo de Rivera. Hindi niya makumbinsi ang mga Pilipino upang magsalong ng sandata. Nagkaroon ng tinatawag na Republika ng Biak-na-Bato. Si Aguinaldo ang pangulo. Si Mariano Trias ang pangalawang pangulo. Ang Saligang-Batas nito'y nilagdaan noong unang araw ng Nobyembre, 1897. Sa tulong ni Pedro Paterno, naglagdaan ang panig ng Pilipino at Kastila na kinatawan nina Paterno at Rivera. Napagkasunduang si Aguinaldo'y kusang magpapatapon sa ibang bansa at si Primo de Rivera'y magkakaloob ng malaking halaga sa mga rebelde't mga pamilya ng nasalanta sa himagsikan. Hindi rin naging matagumpay ang plano ni de Rivera sapagkat nagpalit na naman ng pamamahala sa España at kinakailangang umuwi na si de Rivera. Pinalitan siya ni Heneral Basilio Agustin. Sinabi nitong ipagpapatuloy niya ang ginawa ni de Rivera ngunit hindi naman niya nalalaman ang tunay na mga pangyayari. Samantala, lalong lumubha ang ugnayang Kastila-Americano dahil sa nagaganap sa Cuba. Dahil sa mga pangyayaring naganap noong Pebrero 15, 1898, nang pasabugin ang Maine sa daungan ng Havana, na ikinasawi ng 246 katao, ipinahayag ang pakikidigma sa' España. Pormal na ipinahayag ito noong Abril 25. Nang matanggap ni Komodor Dewey ang kable ng Sekretaryo ng Hukbong Pandagat tungkol sa digmaan, nagpasya itong tumungo na sa Maynila. Napalubog nila ang plota ni Admiral Patricio Montojo ng España sapagkat nakapasok sila sa Look ng Maynila na hindi napuna agad ng mga Kastila. Sa kabilang dako, labis na dinamdam ito nina Aguinaldo. Hindi nila alam na ganoon ang mangyayari sapagkat nakausap na nina Aguinaldo ang konsul sa Hongkong na si Rounseville Wildman. Sa madali't sabi'y nagkaroon ng mga di pagkakaunawaan ang mga Pilipino at mga Americano kaya muling nagkaroon ng paghihimagsik ang mga Pilipino. Akala nila'y tutulungan sila ng mga Americano. Natatag ang unang Republika noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Narinig sa unang pagkakataon ang Marcha Nacionat Filipino ni Julian Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo.

Modyul 5 PANA PANAHON HON NG HIMAGSIKAN

11

May mga diplomatikong nagsisikap upang ganap na makamit ng Pilipinas ang kalayaan ngunit ang Kasunduan sa Paris ang siyang isinakatuparan ng mga Americano. Na ang Pilipinas ay sasakupin ng Americano. Naganap ito noong Disyembre, 1898. Hindi tumutugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat ay mabisa pa ring sandata sa pagpapahayag ng mga niloloob ng sambayanan at sa panahong ito, ang pangalan naman ni Mabini ang natampok. Apolinario Mabini (1864-1903 (1864-1903)) Si Mabini ang "Utak ng Himagsikan." Ang ginamit niyang wika'y Kastila. Tinagurian din siyang "Dakilang Lumpo" sapagkat sa kabila ng kanyang kapansanan ay kinatatakutan pa ang kanyang panulat at kailangan siyang ipatapon. Sinulat niya ang El Desarollo...


Similar Free PDFs