6-Panitikan PDF

Title 6-Panitikan
Author glyfranz visaya
Course Bs civil engineer
Institution University of Eastern Philippines
Pages 10
File Size 263.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 213
Total Views 483

Summary

Panahon ng Americano 1PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINASPamantasan Bayan, Hilagang SamarKolehiyo ng Sining at KomunikasyonDepartamento ng Wika at KomunikasyonMODYUL 6PANITIKAN SA PILIPINASInstruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE, LPTPanahon ng Americano 2PANITIKAN SA PANAHON NG AMERICANO (1990-1941)LARAW...


Description

PAMANTASAN NG SI SILANGANING LANGANING PILIPINAS Pamantasan Ba Bayan, yan, Hilagang Samar Kolehiyo ng Sining at Ko Komunikasyon munikasyon Departamento ng Wika at Komunikasy Komunikasyon on

MODYUL 6 PANITIKAN SA PILIPI PILIPINAS NAS

Instruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE, LPT

Modyul 6 Panahon ng Americano

2

PANITIK PANITIKAN AN SA PANAHON NG AMERICANO (1990(1990-1941) 1941)

LARAWAN NG PANAHON Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng layang lumipad ay nasiyahan na muna sa paglipad-lipad sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa malayo. Para samga manunulat na Pilipino, pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maaari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay pagpuri't pagbibigay-karangalan sa relihiyong Kristiyanismo. Kahit na nga sila'y ginapusan pa rin ng bagong panginoon ng mahigpit na tanikala ng batas ng sedisyon. Makasusulat sila ng tungkol sa kahit na ano, lalo na ang tungkol sa mga pag-aabuso't pananampalasan ng kanilang mga dating panginoon, ang mga Kastila. Sa ilalim ng batas ng sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Americano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pamahalaang Americano, laban sa kanilang mga pagmamalabis o laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino. Mula sa kanyang sariling talambuhay na isinulat noong taong 1959 ay ganito ang iniulat ni Lope K. Santos tungkol sa panahong iyon: Palibhasa'y panahon pa ng digmaan kaya't wala silang inaalagata kundi mapalawak ang kanilang kapangyarihan dito sa Pilipinas at mapasuko ang mga Pilipino. Unti-unti namang nangyayari ang kanilang layon dahil sa kahinaan nating makibaka. Samantala, dagdag nang dagdag ng mga tauhan ang mga Americano sa Pilipinas. Kumukuha ako ng mga balitang mahalaga sa bayan at nilalakipan ko ito ng aking pagkukuro. Ngunit ang totoong naiibigan ng mga mambabasa, bukod sa nobelang aking itinutuloy ay mga bagay na tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bayan tulad ng paglusob ng mga Americano sa mga lalawigan; sa pagpatay na ginawa sa Mindanao at sa maraming nagpapatigas sa kapangyarihan ng pamahalaang Americano.. Dahil sa aking mga sinusulat sa Sari-sari dimiminsang ipinatawag si G. Poblete at inusisa kung sino ang sumusulat noon at kung bakit niya pinapayagang isulat ang ganoon.

2

Modyul 6 Panahon ng Americano

3

Ipinagbawal nga sa akin ang pagsusulat pa na nauukol sa mga Americano, sa pamahalaan at sa militar. Isa pang matunog at malubhang usapin ang hinarap ng Renacimiento at ng Muling Pagsilang. Ito'y ang pagkakalathala ng articulo de fondo pangulong tudling ng isang editoryal na pinamagatang Aves de Rapiña. Sa dalawang usaping ito na ang isa ay aming pinanalunan at ang isa ay aming kinatalunan at pinagtagumpayan ng nagsakdal na si Komisyonado Worcester, ipinakilala kung gaano kahirap ng pananong iyon na magpalabas ng pahayagan na gumagamit ng kaunting laya sa kanyang pagsasaysay ng mga nangyari, sa ilalim ng pamahalaang Americano. Sa pahayag na ito ni Lope K. Santos mahahati natin ang panahong 1901-1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan, (b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan at (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan. A. Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan 

Unang-una, ang dapat na sumibol na uri ng panitikan ng panahong iyon ay nakulayan ng nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling kalinangan, panitikan at wika.



Ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga "paghihimagsik" tulad ng Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino Pagtuturo ng Ingles: Ang mga musmos na isip ay nagkaroon ng mga bagong idolo kina Jack and Jill, Little Miss Muffet, Humpty Dumpty, Little Bo-Peep, Muffin Man at Mother Goose. Natutuhan ng mga batang ito na A is for Apple, D is for Daffodil, E is for Elephant at S is for Snow kahit na sa Pilipinas ay wala namang apple, daffodil, elephant at snow.



B. Ang Romantisismo sa Panitikan 

Unang-una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig. Sa tuwi-tuwina, binibihisan lamang ng iba't ibang anyo't kulay, ito'y tungkol sa pagiibigan ng isang mahirap at isang mayaman nagsisilbing hadlang sa dakilang pagiibigang ito ay ang mga magulang ng mayaman na hindi matanggap ng kanilang kataasan na magkaroon sila ng manugang na mahirap. Lagi na'y tumatakbo ang istorya sa paraang ipagkakasundo ng ama o ina ng mayaman sa anak ng kaibigang mayaman din ang kanyang anak at ito'y matatapos sa paraang ubod-lungkot. Napapaloob din dito ang pag-aalitan ng pamilya ng dalaga't binata na siyang paksa ng Romeo and Juliet ni Shakespeare.

3

Modyul 6 Panahon ng Americano

4



Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925-1935. Ito'y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at Alejandro G. Abadilla.



Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhay sa mga lalawigan, lalung-lalo na sa malalayong nayon. Sa isang tagalunsod na mambabasa, ito'y tila ba isang pagganyak na iwan ang buhay na iyon at lasapin ang sarap ng buhay sa piling ng mga bukiring namamango sa hinog na palay at kalabaw sa ilalim ng puno ng mangga: ngangasab-ngasab at kuntentong-kontento.



Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangian o iyong tinatawag na mga romantikong bayani. Ang pangunahing tauhang lalaki ay laging makisig, marangal, matipuno, maaasahan, may prinsipyo at tapat sa pag-ibig. Ang pangunahing tauhang babae naman ay lagi nang kaibig-ibig, matamis ang paguugali, mapagtiis, maunawain, balingkinitan ang pangangatawan, matimtiman at higit sa lahat, tapat sa pag-ibig.



Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwi-tuwina, ikinikintal sa isipan na ang masama'y pinarurusahan at ang mabuti'y tunatanggap ng karampatang gantimpala. Ito'y makakamtan kung hindi man dito sa lupang ibabaw ay doon sa kabilang buhay. Ito ang tinatawag na tamang kaayusang pangkalahatan at siyang maituturing na tinetema ng mga itinuturing na dakilang kathang papandaigdig

C. Mga Samahan ng mga Manunulat Mahahati ang panahong ito batay sa mga itinatag na mga samahan ng nga manunulat noon. Ang Aklatang-Bayan (1900-1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934). Panahon ng Aklatang-Baya Aklatang-Bayan n (1900-1921 1900-1921)) 1. Maikling Katha 

 

Si Edgar Allan Poe ang unang manunulat na lumikha ng maikling kuwento bilang isang masining na sangay ng panitikan. Siya ang tinaguriang "Ama ng maikling kuwento". Pinasukan naman ni Bret Hart ng katutubong kulay ang pagsusulat ng maikling kuwento. Nilagyan naman ni O Henry ng mga sorpresa o hindi sukat akalaing wakas.

4

Modyul 6 Panahon ng Americano



5

Hinawan naman ni Anton Chekhov ang landas para sa naiiba't nababagong pamamaraan at sinusugan pa ito ng ibang mga manunulat sa pangunguna nina Sherwood Anderson at Theodore Dreiser.

Kasaysayan ng Maikling Kuwento a. Ang Pasingaw at Dagli 



Pasingaw - ito ay kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag uugali o sa hitsura. Ang pasingaw ay naging dagli. Ang dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanananunuligsa.

b. Ang mga Alamat, Sala-salaysay, Panga-pangaral at Maiikling Kasaysayang Pa Pampatawa mpatawa 

Sa pahayagang Muling Pagsilang, noong mga taong 1916, lumitaw din ang mga maiikling kasaysayang pampatawa sa ilalim ng pamamahala ni Patricio Mariano at masasabing isa ito sa pinagsuplingan ng maikling katha.

2. Ang Tula sa Panahon ng Aklata Aklatang-bayan ng-bayan 



Ang tula ay maituturing na isa sa lalong kabigha-bighaning sangay ng panitikan ng kahit anong wika. Kung baga sa hardin, ang tula ang siyang maririkit na bulaklak na nagsasabog ng sanghaya sa buong paligid at umaakit sa nga kulisap lalo na sa mga bubuyog at paruparo. Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang Bayan. Unang-una'y angkop na angkop sa mga simulain ng romantisismo ang kaangkinang taglay ng tula. Masasabi pa ngang sa lahat ng sangay ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap na ganap ang romantisismo.

ANG MGA MANUNUL MANUNULAT AT NG PANAHON Jose Corazon Jesus Lope K. Santos

de

1896-1932

Huseng Batute

Isang Punungkahoy; Ang Bato

1879-1963

Anak-Bayan

Banaag at Sikat; Salawahang Pag-ibig; Hindi Talaga ng Diyos; Kundangan;

5

Modyul 6 Panahon ng Americano

6

Ang Selosa; Alila ng Kapalaran; Puso at Diwa; Mga Hamak na Dakila; Sino Ka? Benigno Ramos

1892-1946

Pedro Gatmaitan

1889-

Iñigo Ed Regalado

1855-1896

Odalager

Ang Pinagbangunan; Damdamin

Florentino Collantes

1896-1951

Kuntil Butil

Ang Simbahan

Alpahol

Kung Mamili Dalaga

Julian Balmaceda

Ben Ruben

Tiyan ng Panahon; Salamisim; Pinaglahuan

Cruz 1885-1947

Valeriano Hernandez Peña

Ang Bahag ng Diyos;

1858-1922

1900: Salawahang Pag-ibig (Lope K. Santos) Unang Bulaklak (Valeriano Hernandez Peña) Pagsintang Naluoy (Modesto Santiago)

1901: 

Ang Kapatid ng Bayan, Si Rosa at si Valerio (Valeriano Hernandez Peña)

1903: 

Nena at Neneng at Mag-inang Mahirap (Valeriano Hernandez Peña)

1905: 

ang

Anong, Damulag, Nena at Neneng; Ahas na Tulog Buhay-Maynila; Luha ng Panulat

3. Ang Nobela at Kathambuhay

  

Lumang

Banaag at Sikat (Lope K. Santos)

6

Modyul 6 Panahon ng Americano

1906:   

Anino ng Kahapon (Francisco Lacsamana) Miminsan Akong Umiibig Ang Pinuno ng Tulisan o si Juan Masili

1911: 

Nangalunod sa Katihan (Faustino Aguilar)

1914: 

Ananghi (Jose Sevilla)

1915: 

Katubusan (Antero Campesaw (1915)

1919: 

Ang Dalagang Bukid

1936 

Ang Huling Timawa

ANG MGA MANUNUL MANUNULAT AT NG DULA Manunulat

Sagisag-Panulat/P Sagisag-Panulat/Pen en Name

Akdang Pampanitikan

Severino Reyes

Lola Basyang

Kwento Basiang

Hermogenes Ilagan

ni

Lola

Dalagang Bukid; Nasaan ang Diyos

Patricio Mariano

Pedro Manibat

Anak ng Dagat

Pascual H. Poblete

Anak-Bayan

Amor Patria

Juan K. Abad

Tanikalang Ginto

Jose Ma. Rivera

Ang Mga Kamag-anak

7

7

Modyul 6 Panahon ng Americano

Juan Sotto

Crisostomo Crissot

Alang Dios (Walang Dios)

Pedro Paterno

Buhay ni Rizal

Juan Cruz Matapang

Hindi Ako Patay

Pantaleon Lopez

Apo-Apo

Julian Balmaceda

Cruz

8

Alpahol

Ang Piso ni Anita

Aurelio Tolentino

Kahapon, Ngayon at Bukas

BALAGTASAN-B BALAGTASAN-BALITAW ALITAW Ang balagtasan-balitaw ay isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.

BATUTIAN Ang batutian ay isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute. BUKANEGAN Ang bukanegan ay isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na "Ama ng Panulaang Ilocano".Kahawig nito ang Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog. CRISSOTAN Ang crissotan ay isang mnimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong patula na kahawig ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilocano.

8

Modyul 6 Panahon ng Americano

9

GAWAIN VI. Pangalan: ________________________________________ Antas at Pangkat: _____________ 1. Gumawa ng sariling pananaliksik at pag-aaral tungkol sa panitikan sa panahon ng Aklatang-Bayan. Ihambing ito sa panitikan sa panahon ng mga Kastila.Kung ikaw ay isang manunulat, alin sa dalawang panahong ito ang pipiliin mong sibulan ng iyong panulat? Bakit? 2. Sa mga makatang lumitaw sa panahon ng Aklatang-Bayan, sino ang pinakagusto mo? Bakit? 3. Pangatwiranan kung ang mga Americano'y naging mabuti o di mabuting panginoon ng mga Pilipino nang panahong ito. Ano ang inaakala ninyong naging epekto nito sa Panitikang Pilipino? 4. Paghambingin ang pag-unlad ng dula at nobela sa panahong ito. Ano ang ipinagkakatulad at ipinagkakaiba ng dalawang sangay na ito ng panitikan bilang tagapaglahad ng kamalayang panlipunan? 5. Ikuwento ang isa sa kinikilalang dulang makabansa.

9

Modyul 6 Panahon ng Americano

SANGGUNIAN Rubin, Ligaya T. et. AL. PANITIKAN SA PILIPINAS (Unang Edisyon). Sampaloc, Maynila : Rex Book Store, Inc. 2001.

10

10...


Similar Free PDFs