7-Panitikan-1 PDF

Title 7-Panitikan-1
Author glyfranz visaya
Course Bs civil engineer
Institution University of Eastern Philippines
Pages 8
File Size 186.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 140
Total Views 459

Summary

Modyul 7 Panahon sa Ilaw at PanitikPAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINASPamantasan Bayan, Hilagang SamarKolehiyo ng Sining at KomunikasyonDepartamento ng Wika at KomunikasyonMODYUL 4-PANITIKAN SA PILIPINASInstruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE, LPTModyul 7 Panahon sa Ilaw at PanitikPANITIKAN SA PANAHON NG...


Description

PAMANTASAN NG SI SILANGANING LANGANING PILIPINAS Pamantasan Ba Bayan, yan, Hilagang Samar Kolehiyo ng Sining at Ko Komunikasyon munikasyon Departamento ng Wika at Komunikasyon

MODYUL 4-5 PANITIKAN SA PILIPI PILIPINAS NAS

Instruktor: APRIL ZENIA N. DONAIRE, LPT

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

2

PANITIK PANITIKAN AN SA PANAHON NG ILAW AT PANITIK (1922-1934)

LARAWAN NG PANAHON Ang Panahon ng llaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922. Ito'y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito. Maliwanag na mababakas natin sa mga pangyayari na ang paglitaw ng magasing Liwayway ay nakapagdulot ng di-gaanong pampasigla sa panitikan. Hanggang sa mga sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula. Ang Panahon ng llaw at Panitik ay nagwakas sa taong 1934, sa pagkakatatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino. Ang Katangiang Pampanitikan Ang Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934) ay tinatawag na panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito ay patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga kuwentong natutungkol sa pag-ibig, lalo na ang mga tapat at dakilang pag-ibig. Namamayani pa rin ang romantisismo bagamat masasabing may mga manunulat na nagkaroon ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon. 1. ANG MAIKLING KATHA Masasabi na ring masigla at masigabo ang pagsusulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Ang ganitong namamayaning tema ng maikling katha ay nagkaroon ng pagbabago dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo. Sa pamamagitan ng nasabing Parolang Ginto, nagsimula si Clodualdo del Mundo noong taong 1927 sa pamimili ng sa palagay niya'y pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon. Ang pamimiling ito ni del Mundo ay nagawa niya hanggang sa taong 1935. Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inaakala niyang pinakamahuhusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na di naman pawang sa pag-ibig. Kabilang sa mga nabigyan ng karangalan ang mgasumusunod na katha: Paghahangad ni Arsenio R. Afan, 1927; Hiwaga ni Arsenio R. Afan, 1928; Lihim ng Kumbento ni Juan Rivera Lazaro,

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

3

1929; Panata ni Pilar ni Amado V. Hernandez, 1930; Sugat ng Alaala ni Fausto J. Galauran, 1931; Walang Lunas ni Amado V. Hernandez, 1932; Manika ni Takyo ni Deogracias A. Rosario, 1933; Ang Dalagang Matanda ni Deogracias A. Rosario, 1934; Ay, Ay ni Rosalia L. Aguinaldo, 1935. Nagkaroon ng katuwang si Clodualdo del Mundo sa kanyang misyong iangat ang antas ng maikling katha nang si Alejandro G. Abadilla ay lumitaw sa larangan sa pamamagitan ng kanyang Talaang Bughaw noong 1932. Ito'y sumasagisag sa buwanan at taunang pamimili ng itinuturing na pinakamahusay na tula at katha. Ang unang binigyang-diin ni Abadilla sa pamantayan ng pagpili ay ang pamamaraan ng pagsulat na may higit na kaugnayan sa kaanyuan kaysa nilalaman ng isang akda, tula man o katha. Mahirap apurahin ang mga manunulat na Pilipino na makaahon sa paboritong paksa ng pag-ibig lalo na ang tumutukoy sa pag-iibigan ng mahirap at mayaman. Ngunit ito'y naging isang malaking inspirasyon na rin ng mga namamayaning manunulat upang husayin nila ang kanilang pamamaraan ng pagsusulat. Kabilang sa mga binigyan ng karangalan ng Talaang Bughaw ang mga sumusunod: Aloha ni Deogracias A. Rosario, 1932; Ako'y Mayroong Isang Ibon ni Deogracias A. Rosario, 1933; Pusong Uhaw sa Pag-ibig ni Iñigo Ed Regalado, 1934 at Pag-ibig na Walang Kanluran ni Alberto Segismundo Cruz, 1935. ANG TULA Ang paglabas ng Liwayliway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula. Kabilang sa mga masisiglang makata ng panahong ito ay sina: Jose Corazon de Jesus (kinikilalang Makata ng Puso), Amado V. Hernandez, (kinikilalang Makata ng mga Manggagawa) Teodoro Gener, Cirio H. Panganiban, Ildefonso Santos, Iñigo Ed Regalado, Julian Cruz Balmaceda, Florentino Collantes, Domingo Raymundo, Nemesio Caravana, Emilio Mar Antonio, Catalino V. Flores, Aniceto Silvestre, Jose Catindig, Femnando Monleon at higit sa lahat ay si Lope K. Santos. Isa sa pinakamalaking pangyayaring naganap sa tulang Pilipino ay ang pagdaraos noong 1924 sa bulwagan ng Instituo de Mujeres ng unang balagtasan, salitang kinuha sa pangalan ni Francisco Balagtas. Nagtagisan ng talino sa pagbigkas at pangangatwiran sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes. Tumayong Lakandiwa si Lope K. Santos at si Sofia Enriquez naman ang kampupot. ANG MGA MAKATA a. Amado V. Hernandez

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

4

Kinikilalang Makata ng Manggagawa si Amado V. Fernandez, ang mga tula niya ay nalalantad ng tinatawag na kamalayang panlipunan. Tinalakay niya sa kanyang mga tula ang iba't ibang bahagi ng buhay: tao, makina, bayari, gagamba, langgam, panahon at pati aso. Narito ang isang papuri sa mga tula ni Amado V. Hernandez mula kay Teodoro A. Agoncilo, makata, kritiko at mananaysay (historian): Ang mga tula ni Amado V. Hernandez ay isang hamon sa kasalukuyan, isang mapiling anyaya sa piging ng puso't diwa sa hapag ng kabuhayang pambansa, at higit sa lahat, isang marubdob na pagpapahayag ng palapahaman sa buhay. Natitiyak naming pagbubuksan siya ni Calliope sa templo ng kadakilaan. Ang sumusunod ay buhat sa kanyang tulang pinamagatang Bayani: Ako' y manggagawa: butil ng buhangin, sa daa'y panambak, sa templo'y gamit din; buhay ko'y sa Diyos utang nga marahil, ngunit ang.palad ko'y utang din sa akin... Alam ko ang batas: "Tao, manggagaling sa tunay mong pawis ang iyong kakanin."

Kung di nga sa aki'y lugmok ang puhunan lugami ang hari't lupaypay ang bayani; walang mangyayari pag ako ang ayaw, mangyayaring lahat, ibigin ko lamang sa aking balikat nangasalaysay ang pagkakaunlad ng mundo't ng buhay. b. Julian Cruz Balmaceda (1885-1947 (1885-1947)) Itinuturing na isang haligi ng panitikang Pilipino dahil sa kanyang mga sinulat, si Julian Cruz Balmaceda ay isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, dalubwika at naging Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa Bilang mandudula ay sinulat niya ang mga sumusunod na dula: Su Bunganga ng Pating, Ang Bagong Kusinero, Sangkuwaltang Abaka, Musikang Tugpi-tagpi at ang Piso ni Anita.

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

5

Sa mga nobela ay ang mga sumusunod ang kanyang sinulat: Tahanang Walang Ilaw, Himagsikan at Mga Puso. Bilang isang makata ay nakapagtipon siya ng mga nasulat niyang tula at tinawag niya itong Pangarap Lamang. Ang iba pa niyang nasulat na tula ay ang mga sumusunod: Sa Bayan ni Plaridel, Anak ni Eba, Bukas, Marilag na Guro, Ikaw, Watawat, Magsasaka, Nasaan Ka, Buhok, Bakit at Ang Ulila. c. Ildefonso Santos (1897) Ang isa sa lalong hinangaan sa kanya bilang makata ay ang kariktan ng kanyang mga pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag mga tula. Kabilang siya sa lalong mahusay at maiingat magsulat sa larangan ng matandang panulaan. Sa isang panayam ni Teodoro Agoncillo tungkol sa Panitikang Tagalog, 1900-1950 na nalathala sa Philippine Studies noong Abril, 1970 ay ganito ang kanyang sinabi tungkol sa yugtong ito ng panulaan sa panitikang Pilipino: Na ito'y nagkaroon na ng higit na malawak na guniguni o imahinasyon, dumami na'ang paggamit ng iba't ibang sukat ng taludtod, namamayani pa rin ang labis na pagkasentimental, laganap pa rin ang lantarang pangangaral at palasak ang mga pangungusap na tinatawag na de cajon. 3. ANG NOBELA Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala nang payugtu-yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng gantimpala sa mga maririkit na maikling katha ng taon, hindi gaanong naging masigla ang pagtanggap sa mganobela. Kabilang sa mga nasulat ng panahong ito ang mga sumusunod: Mutyang Itinapon ni Rosalia L. Aguinaldo, Magmamani ni Teofilo Sauco, Doktor Kuba ni Fausto Galauran, Makiling ni Remigio Mat. Castro, Luha ng Dalaga at Ana Maria ni Antonio Sempio. 4. ANG DULA Kung ano ang sigla ng pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarswela noong unang taon ng mga Americano o sa panahon ng Aklatang-Bayan ay siya namang panlalamig nila sa panahong ito ng Ilaw at Panitik. Hindi masisisi ang mga mandudula sa panahong ito na tulad nina Julian Cruz Balmaceda at Patricio Mariano sapagkat ginawa nila ang makakaya nila upang mapanatili ang sigla ng mga dula. Subalit sadyang ang pagbabago'y dala ng panahon. Sa tanglaw ng mga pangyayari ay masasabing ang mga sumusunod ang dahilan ng panlulupaypay ng dulaang Pilipino sa panahon ng llaw at Panitik.

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

6

Masigabo ang pagtanggap ng Sambayanang Pilipino sa mga dulang itinanghal nang nagdaang panahon at lubhang dumami rin namarn ang nagtangkang pumasok sa larangang ito kahit na walang kakayahan. Nagkaroon tuloy ng masasamang dula at ang mga tao'y lubhang nadala kung kaya't maging ang mahuhusay na dula ay naapektuhan. Sa kabilang banda, ang mga manunulat naman na walang kinaanibang samahan ay pinagsarhan ng pintuan ng mga samahang. nagtatanghal. Kahit pa sabihing mahuhusay ang mga nasulat ng mga manunulat na ito ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon at kahit na hindi gaanong mataas ang uri ng mga dulang hawak nila ay iyon ang kanilang itinatanghal.

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

7

GAWAIN VII.

Pangalan: ________________________________________ Antas at Pangkat: ____________ 1. Gumawa ng pag-aaral at isulat ang tungkol sa mga alituntuning sinusunod sa pagdaraos ng balagtasan. 2. Ano ang ikinaiiba ni Amado V. Hernandez sa kanyang mga kapanahong manunulat? Ano ang nakikita ninyong mga nangingibabaw na katangian ng mga tula ni Amado V. Hernandez? Gumawa ng pananaliksik at paghambingin si Amado V. Hernandez sa panahong ito at si Amado V. Hernandez sa huling sampung taon ng buhay niya. 3. Ano ang diwang inihahatid ng tulang Punungkahoy ni Julian Cruz Balmaceda? Ihambing ito sa kanyang pinagdaanang buhay. 4. Si Ildefonso Santos ay isa sa matatandang makata na nagpamalas ng kakayahan sa pagsulat ng maririkit na tulang ang pananalita ay piling-pili. Basahin ang kanyang mga tula at patunayan ito. 5. Ano ang ibig sabihin ng mga pangungusap na tinatawag na de cajon? May gumagamit pa ba nito ngayon? Patunayan.

Modyul 7 Panahon sa Ila Ilaw w at P anitik

SANGGUNIAN Rubin, Ligaya T. et. AL. PANITIKAN SA PILIPINAS (Unang Edisyon). Sampaloc, Maynila : Rex Book Store, Inc. 2001.

8...


Similar Free PDFs