80237845-El-Filibusterismo-Official-Script PDF

Title 80237845-El-Filibusterismo-Official-Script
Author Zarah Candido
Pages 38
File Size 651.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 447
Total Views 878

Summary

El Filibusterismo Mga Tuhan: HANDOG NG IV-RUBY SY2011-2012 Jayson Abantao bilang si Simoun John Paul Mendiola bilang si Basilio Henry Boy Tumaliuan bilang si Isagani Mary rose Agno bilang si Juli Joanna marie Dauz bilang si Paulita Gomez Dan ian Paulo Mariposque bilang si Benzayb John Patrick Sulit ...


Description

El Filibusterismo Mga Tuhan: HANDOG NG IV-RUBY SY2011-2012 Jayson Abantao bilang si

Simoun

John Paul Mendiola bilang si Basilio Henry Boy Tumaliuan bilang si Isagani Mary rose Agno bilang si Juli Joanna marie Dauz bilang si Paulita

Gomez

Dan ian Paulo Mariposque bilang si Benzayb John Patrick Sulit bilang si

Padre Florentino

Giselle ann Garcia bilang si

Donya Victorina

Mary lauren Montes bilang si

Maria Clara

Jamer ian Mustapha bilang si

Kapitan Heneral

Marckey Caballero bilang si

Imuthis

Kae andrea Besana bilang si

Pepay

Daveske Pabeliona bilang si

Padre Irene

Justine james Babina bilang si

Don Custodio

Genesis david Matala bilang si

Kapitan Tiyago

John roemar Lacson bilang si Robert Olaivar bilang si

Macaraig

Pecson

Tadeo

Christopher Ace Lozano bilang si Arjay Catanghal bilang si

Juanito Pelaez

John Jaygee Pena bilang si

Placido Penitente

Darren Diaz bilang si

Quiroga

Jacob Gates bilang si

Padre Camorra Kabesang Tales

Jester john Bernardo bilang si Aljon Buna bilang si

Padre Sibyla

Shaira luz Ogalinola bilang si Cecile Africa bilang si

Hermana Penchang

Hermana Bali

Lee rei Estrada bilang si

Padre Millon

Ralph dustin Dequilla bilang si

Padre Fernandez

Paolo domingo Navales bilang si Bianca Parabas bilang si

Ginoong Pasta

Gertrude

Allyeana de Guzman bilang si Mary ann Montoya bilang si

Serpollete

Germaine

Introduksyon: Jose Rizal. Ano ang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang kaniyang pangalan? Pambansang Bayani? Isang magaling na Lider? Mahusay na Doktor? Matalinong Syentista? Batikang Manunulat? Kung ang lahat ng ito ay iyong naiisip, maaaring masabi mo sa sarili mong kilala mo si Dr. Jose Rizal na tinagurian nating pambansang bayani. Subalit kung ating gugunitain ang kaniyang nakaraan, marami rin siyang mga karanasang hindi kaaya – aya, mga sugat na walang lunas at ang sakit na kaniyang naramdaman ay walang katumbas. Lahat ng ito ay kagagawan ng mga taong walang puso at kaluluwa. Maging sa pag – ibig ay sawi siya kaya‘t ang mga karanasang ito ang naging daan upang siya ay magsulat ng nobela na masasalamin mo ang kaniyang buhay. Hindi man niya pangalan ang nakasulat sa mga nobelang nilikha niya, mahihinuha mo na isinasalamin nito ang kaniyang buhay, pangarap at adhikain. Isa na nga sa mga nobelang kaniyang hinubog ay ang EL FILIBUSTERISMO. Nobelang nagpamulat sa mga tao sa tunay na nangyayari sa kanilang bayan. Ito man ay kinutya at ipinagbawal ng mga pinatatamaan, nanatiling matatag ang nobelang ito na

hanggang ngayon ay ating pinag – aaralan at ating tinatangkilik. Ano nga ba ang meron sa nobelang ito at ipinagbawal ito ng mga pinatatamaan?

(Lights on: 3 Yellow, 3 Red, 2 Blue) Musika: Nakagigimbal Ibarra: Dalian mo! Paparating na sila! Hindi nila tayong maaaring maabutan. (Nagtago si Ibarra sa Gilid ng Bangka)

Tao1: (Akmang tatalon sa dagat) Ginoo mauna na kayo. (Tumalon sa dagat, nang minsang lumitaw ang ulo ay pinagbabaril siya ng Guwardiya Sibil na inakalang ito si Ibarra). (Lalabas si Jose Rizal na nakapiring at babarilin patalikod ng mga kawal) (Putok ng mga baril). (Mahabang sandal).

(Lights off)

Unang Tagpo Setting: Sa Ibabaw ng Kubyerta (Lights on: 3 Yellow, 3 Red). Musika: Kakantahin ang “Anak ng Ilog Pasig” ng mga tauhan.

Tagasalaysay: Umaga noon ng Disyembre ng pumalaot ang Bapor Tabo na sapagkat ito ay hugis tabo sinasabing ito ay mapagpanggap daw. Subalit kahit ano pa ang ipintas rito, sinasakyan pa rin ito ng mga pobreng mamamayan na labis na nakauunawang kung siya ay may kapintasan, sila man ay mayroon ding kasiraan. Kapag nakita mo ang Bapor Tabo, pabuga - buga ito ng itim na usok, malakas kung sumipol. Nahahati sa dalawang bahagi ang Bapor Tabo, ang ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba ang mga Indio, Chino at mestizo na pawisang nagsisiksikan katani ng mga baul at kalakal. Makikita naman sa itaas na maginhawang nakaupo ang ilang prayle, ilang nakadamit pang Europeo at ang ilang kawani na hititan ng hititan ng takbo habang kwentuhan ng kwentuhan at nagmamasid – masid sa napakalinaw na tubig. Tingnan natin ang mga pangyayari sa Bapor Tabo. Donya Victorina: Ano ba naman ito? Kay bagal – bagal ng takbo ng Bapor. Wala na bang ibibilis ito kapitan? Tsk tsk tsk tsk… Bibilis sana ang takbo ng Bapor kung wala ang mga kasko at mga bangka ng mga Indio. Nakasisira sa ganda ng Kalikasan ang mga Indio na nagsisipagligo at nagsisipaglaba. Dapat ay walang mga Indio sa pampang, dapat ay walang Indio sa Lipunan, dapat ay walang Indio sa alinmang bahagi ng sandaigdigan. (Hihinto sa pagsasalita ang Donya dahil sa pagkapahiya sa dahilang walang pumapansin sa kaniya). (Mahabang katahimikan. Si Ben Zayb ang bumasag sa nakabibinging katahimikan). Ben Zayb: Ang katalinuhan ng mga syentista ang gusto kong bigayan ng pagpapahalaga. Kung walang mga ekspertong syentista, wala tayong pag – unlad Padre Camorra at lagi nang magtatatakbo ang mga marinero sa silangan at kanluran upang itusok lamang ang tikin sa buhanginan. Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb! Kailangan lang ng mga mamamayan ang sapat na karanasan kung paano mapapaganda ang Ilog Pasig. Hindi na kailangang magpunta sa eskwela upang mag – aral sila ng syensiya!

Ben Zyab: Diyan ako hindi hanga sa iyo Padre Camorra. Kailangan ang matalinong isip sa pagtugon ng mga problema. Dapat mong isiping malaking suliranin ang liku – liko at mabuhanging Ilog Pasig. (Sisisngit si Padre Salvi sa usapan) Padre Salvi: Teka, teka, teka, huwag kayong maggiriang parang mga manok sa sabungan at baka kayo ay magkasakitan. Kaunting lamig ng ulo. Kaunting pag – unawa sa iba‘t ibang punto de vizta Ben Zayb, tama si Padre Camorra, anong syenti – syentista? Anong tali – talino? Simpleng karanasan lamang ang dapat na — (puputulin ni Ben Zayb ang pagsasalita ni Padre Camorra). Ben Zayb: Putris na! napakalaking problema, sasagutin ng simpleng karanasan? Nahihibang na ba kayo Padre Salvi? Simoun: Mga simpleng problema yan na nangangailangan lang ng lohika mga kasama. Ang lunas ay napaka dali , at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni sinuman ang nakaisip nito. Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa Maynila, magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang dating ilog Pasig. (Ang mga nakatingin sa kanya ay pawang mga nagtataka). Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa? Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, dahil mga bilanggo ang gagawa. Don Custodio: Walang sapat na bilanggo! Simoun: Kung gayo‘y piliting gumawa ang mga mamamayan, bata man o matanda! Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan! Simoun: (Tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto? Nag-alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Tao kayo, akala ko‘y lalo kayong nakauunawa sa kasaysayan! Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing ito ay hindi miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga tagarito ay pinipilit na maghakot ng malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pa — (Puputulin ni Simoun ang sasabihin ni Don Custodio) Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong mataas na buwis. (Nang makaalis si Simoun). Don Custodio: Isang mulatong Amerikano! Ben Zayb: Indiong Ingles!

(Lights off). Ikalawang Tagpo Setting: Sa Ilalim ng Kubyerta (Lights on: 3 Yellow. 3 Red, 3 Blue). Tagasalaysay: Higit na pangmasa ang kiroroonan ng ilalim ng kubyerta. Karamihan sa mga pasahero ay nakupo lamang sa mga bangko. Katabi nila ang sangkatutak na tampipi, ilang kahon at basket at dalawa o tatlong maleta. May mga nagsisipaglaro ng baraha, maingay na nagkukwentuhan, ang mga intsik na mangangalakal ay pawing mga nakaupo rin at ang lahat ay pawang pawisan. Mapapansin mo rin dito ang ilang kabinataan na ikutan ng ikutan. Masaya ang mga binata dahil may mga kolehiyalang sakay ng Bapor. Ang mga kolehiyala ay mahinhin sapagkat ayaw nilang sila ay mapintasan. Kung magmamasid pa tayo sa paligid makikita natin sina Basilio at Isagani na may kausap na kung makatindig ay animo Don. Kapitan Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni kapitan Tiyago?

Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot at ngayon po ay inutusan akong pumunta sa San Diego upang tingnan ang mga paupahang bahay nito. Kapitan Basilio: (Pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na iyan. (Sisingit sa usapan si Isagani). Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio? Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (Palihim na napangiti sa sinabi ng kasama) Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito‘y hindi gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila? Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla. Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami. Kapitan Basilio: Saan kayo kukuha ng pera? Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Ang kagamitan naman ay handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay. Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana‘y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo. (Aalis si Kapitan Basilio) Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita? (Napangiti lamang si Isagani). Basilio: Teka, kaibiga, (Natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong kasintahan! Ang umiibig nga naman! Sabagay ay talaga namang kaibig-ibig ang iyong kasintahan, maganda na‘y mayaman pa. Kaya lang ay... (Bibitinin ang sasabihin) Isagani: Kaya lang ay ano? (Kinakabahan at umarko ang kilay). Basilio: Teka, wag kang kabahan... ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama ang tiya niyang ubod ng sungit (Bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasa‘y matanda na! Basilio at Isagani: Hahahahaha!!!! (Mahinang usapan). Isagani: Alam mo ba Basilio na pinakiusapan ako ni Donya Victorina na hanapin ang kanyang esposo na si Don Tiburcio? Basilio: Pumayag ka naman dahil mahal mo si Paulita? Isagani: Pero alam mo bang sa bahay ng tiyuhin ko nagtatago ang kaniyang esposo? Basilio: Totoo ba ang sinasabi mo? Isagani: Oo. Kaya nga ayaw niyang umakyat sa taas dahil alam niya na kapag pumunta siya doon ay tatanungin siyang sigurado ni Donya Victorina (Dumating ang mag-aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata). Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo‘y nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon? Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun. Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya? Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila? Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo‘y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon. (Magsasalita si Isagani na medyo iritable). Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan. (Ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyang galit, ipapakita ang dalang serbesa).

Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak Simoun: Hindi umiinom? sabi nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom. (gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani). Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig. Isagani: Hindi tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw. (Natigilan si Simoun at halatang namangha, tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani) Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami‘y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan. Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap! (Nang makaalis si Simoun). Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun. Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko! Basilio: Siya ang tinatawag na ―Kayumangging Kardinal!‖ Isagani: Kardinal? Basilio: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ng Kapitan Heneral! (Sa kabilang banda). Kapitan: Padre Florentino hinihintay na kayo sa itaas. Padre Florentino: Hayaan ninyo, at susunod na ako. May kakausapin lang ako. Ako‘y papanhik na rin. Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi! Padre Florentino: Salamat Kapitan sa inyong pagtawag, subalit… (Nag – aalangan). Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayong makisalamuha sa kanila Padre Florentino: Ako‘y susunod na lamang. Kakausapin ko lamang muna ang aking pamangkin na si Isagani at ako‘y may ihahabilin saglit sa kaniya. (Lalapitan si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat ng kubyerta habang ako‘y naroroon, baka magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan! At ayokong isipin ng mga tao ang ganoong bagay sa atin. Isagani: Opo! (Pag-alis ni Padre Florentino) Hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totoo‘y ayaw niyang makausap ko si Donya Victorina!

(Lights off). Ikatlong Tagpo Setting:Sa Ibabaw ngKubyerta (Lights on: 3 Yellow, 3 Red, 3Blue). Tagasalaysay: Nang umakyat si Padre Florentino humupa na ang pagtatalo ng grupo kanina. Mapapansing may mga ngiti na sa labi ang mga tao dahil sa tanawing nakikita. (Sumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan). Don Custodio: (Pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtago? Hindi ninyo nakita ang bahaging pinakamainam sa paglalakbay. Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang may kabuluhan lamang sa akin ay yaong may mga alamat! Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig. Nariyan ang Alamat ng Malapad na Bato, batumbuhay na sagrado na sinasabing tahanan ng mga espiritu. Dito rin daw nagtatago ang mga

bandido na humaharang at nagtataob sa mga bangka na nagagawi doon bago pa dumating ang mga kastila. Nariyan din ang Alamat ni Doña Geromina na... na... umibig ng tapat at walang hanggan sa isang lalaki ng pinangakuan siya ng kasal. Hinintay niya ito ng matagal. Nariyan rin ang Alamat ni San Nicolas, isang Intsik ang namamangka nang siya ay atakihin ng demonyo na nagkatawang Buwaya. Nang matakot ay natawag niya ang pangalan ni San Nicolas at naging bato ang demonyo. At ang huli ay ang alamt ng Pili — Padre Sibyla: (Nagmamalaki at nag-halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan! Doña Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon? Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre? Padre Sibyla: (Naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo, inalala ang mga pangyayari) Sabi nila may isang estudyante — (Puputulin ang sinasabi ni Padre Sybila). Ben Zayb: Mawalang galang, ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra? Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (Pinalo ng pamaypay si Ben Zayb). Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig? (Natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya) (Musika: Kagimbal-gimbal ) Kapitan: (Itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun) Hindi sa kanya! Doon…tumingin kayo sa malayo. (Sabay tingin ng lahat sa malayo). Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay-dugo. Ngayo‘y hustong labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay mangyari. Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay... (Nabitin ang salita). Padre Sibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama! Padre Salvi: Hindi ba‘t isa rin siyang filibustero? Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra? Padre Camorra: (Patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi maaasahang magkaroon ng marangal na libing. Ben Zayb: (Nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula sa ganitong halos patak lang ng tubig ang laman? Kapitan: Dapat ninyong malaman na hindi ninyo maipaparis sa isang patak ng tubig ang lakbaying ito. Ang lawang ito ay higit na malaki sa alinmang lawa sa lahat ng lawa sa España pagsama-samahin man. Nakakita na ako ng mga sanay na mandaragat na nangahilo rito. Doña Vicorina: Ginoong Simoun, mabuti pa‘y bibigyan ko kayo ng gamot upang maalis ang inyong pagkahilo. Paulita paki abot mo nga sakin ang langis. Paulita: Tiya hindi niyo po nadala. Doña Victorina: (Hinila si Ginoon Simoun) Kung gayon sumama kayo sa akin at mayroon akong Bonamine sa aking bagahe.

(Lights off). Ikaapat na Tagpo Setting: Sa Bahay ni Kabesang Tales (Lights on: 3 Yellow, 3 Red).

Tagasalaysay: Anak na panganay ni Tandang Celo si Kabesang Tales. Sa tulong ng ama, asawa at talong anak, nilinis nila ang isang bahagi ng kagubatan na abot tanaw sa bayan. Alam niyang walang nagmamay – ari nito kaya malakas ang loob niyang magsaka rito. Ulanin at arawin ang nasabing lugar. Sa kakapusan ng pag kain at dahil na rin sa kapaguran ay namatay ang asawa ni Kabesang Tales sa sakit na Pulmonya. Hindi pa man nakakapagluksa ay sumunod namang namatay ang kaniyang anak na si Lucia. Nagkasakit ito ng matagal at sumunod sa hukay. Subalit hindi nawalan ng pag – asa si Kabesang tales kung kaya ay ipinagpatuloy pa rin ang pagsasaka sa tulong ng dalawa niyang anak na si Tano at Huli. Nagbunga ang kanilang paghihirap ngunit dumating ang mga kura at sila ay sinisingil sa lupang kanilang sinsaka, ngunit habang tumatagal ay palaki ng palaki ang sinisingil sa kanila. Anong buhay nga ba mayroon ang pamilya ni Kabesang Tales? Musika: Mahinahong maaliwalas na tugtog. Huli: (Nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kaya‘y makakapag-aral din sa Maynila tulad mo? Tano: Aba oo naman. (Lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo, lumapit si Huli at Tano kay Tales) Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral? Huli: Kuya... (Nag aalangan). Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynila katulad ng mga dalaga sa bayan. Huli: Talaga ama?! (Niyakap ang ama). Tano: (Nang aasar na tono). Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na pakasal sa kanya... Huli: (Pinandilatan Tano) Kuya naman. (Sabay takbo ni Tano, hinabol siya ni Huli) (Pagkaalis ng magkapatid). Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama. (Nag – aalala. Napabuntong hininga)....


Similar Free PDFs