BEED-MIDTERM DOCX

Title BEED-MIDTERM
Author Rhoj Lpt
Pages 2
File Size 60 KB
File Type DOCX
Total Downloads 18
Total Views 924

Summary

KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY Maniki, Kapalong, Davao del Norte -o0o- MIDTERM EXAM Fil. 101 PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1 UNANG SEMESTRE A.Y. 2019-2020 PANGKALAHATANG PANUTO: MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA GAYUN NA RIN ANG PAGPAPALIT NG BLUE BOOK. NO PERM...


Description

KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY Maniki, Kapalong, Davao del Norte -o0o- MIDTERM EXAM Fil. 101 PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1 UNANG SEMESTRE A.Y. 2019-2020 PANGKALAHATANG PANUTO: MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA GAYUN NA RIN ANG PAGPAPALIT NG BLUE BOOK. NO PERMIT NO EXAM. TAPUSIN SA ITINAKDANG ORAS ANG PAGSAGOT. HUWAG MANGOPYA. SUNDIN ANG PANUTO. (Bawas sa puntos ang hindi pagsunod.) I. Ibigay ang tinutukoy. Tukuyin kung ano o sino ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa unang pahina ng iyong blue book. (2-puntos bawat isa) 1. Isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso at iba pang mga Gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema. 2. Binanggit niya na nalilinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pangwika kasabay ng pagtatamo ng mga kasanayang akademik. 3. Isang wikang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal. Itoy behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo. 4. Ang naglarawan ng mga pangunahing lapit o pagdulog sa pagtuturo ng wika na ginagamit pa ng mga guro ng wika sa pagdaraan ng panahon. 5. Ang nanguna sa pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang edukasyon. 6. Isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa pilosopiya ng edukasyon ng humihikayat sa mga mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. 7. Layunin nitong mapagsunod-sunod at mailahad ang impormasyon upang higit na maunawaan, matandaan at mailapat. 8. Layunin ng estratehiyang ito ay malinang ang sariling ideya at palawakin ang ideyang nakuha sa iba. 9. Sa estratehiyang ito natatamo ang pinakamataas na antas ng kakayahan, matatamo ng mag-aaral at nararagdagan ang kanyang sariling kasiyahan. 10. Isa itong interaktibong estratehiya dahil nakabatay ito sa interaksyon at pidbak ng mga mag-aaral, guro at pangkat. II. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama at M naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa ikalawang pahina ng iyong blue book. 1. Para sa baiting IV-VI, ang pang-araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang ang sa baitang I-III ay ang nakabahagi ay 60 minuto. 2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 Minuto na naging 80 minuto. Walang dagdag sa baitang IV- VI. 3. Katulad ng Ingles, walang pagtaas ng bilang ng minute sa baiting IV-VI sa pagsasaalang-alang ng ang batayang kasanayan sap ag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong baitang. 4. Isa sa benepisyon matatamo sa paggamit ng Thematic Curriculum ay ang opurtunidad na mailantad ang malawakang mga karanasang awtentik. 5. Ang modelong magkahiwalay ay nakatuon sa paksa o tema. 6. Sa modelong magkasanib ang mga mag-aaral ay nagpa-enrol sa dalawang magkaugnay na kurso. Ito ay ang Theme o Topic course model. 7. Ang modelong batay sa Tema o paksa ng pag-aaral ay tuon sa mga paksa o tema nang naaayon sa Kurikulum. 8. Ang pagdulog sa Pagtuturong batay sa nilalaman ay nakapukos ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum sa pagkatuto. 9. Isa sa mga pangunahing salik sa lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum ay ang mga hadlang sa lugar ng paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagtutupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto. 10. Ang mga benepisyong matatamo para sa mga edukador na may positibong impak. III. Pagbibigay kahulugan. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod....


Similar Free PDFs