ESP 7 Q1 2 - A learning module for EsP 7 PDF

Title ESP 7 Q1 2 - A learning module for EsP 7
Course BSED- Filipino
Institution Bohol Island State University
Pages 206
File Size 9.4 MB
File Type PDF
Total Downloads 391
Total Views 509

Summary

EDUKASYON SAPAGPAPAKATAOGrade 7(Units 1 & 2)Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao I####### Unang MarkahanMODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANGKAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NGPAGDADALAGA/PAGBIBINATA####### Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin ...


Description

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade 7 Learner's Material (Units 1 & 2)

Edukasyon sa Pagpapakatao I Unang Markahan

MODYUL 1:

MGA ANGKOP AT INAASAHANG

KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw?

Marahil

napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya. Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin ngayon. At maging ang mga tao sa iyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo.

Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa yugtong ito. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa a. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad, (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa at sa lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

1

b. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata c. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: 

pagkakaroon ng tiwala sa sarili



paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya), at



pagiging mabuti at mapanagutang tao

d. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik b: a. May nabuong mga tiyak na hakbang sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos b. May kalakip na mga patunay ng pagsasakatuparan ng mga hakbang sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos Bilang panimula ay subukin mo ang iyong sarili sa mga konseptong iyong matututuhan sa aralin na ito. Mahalaga ang bahaging ito upang mataya ang iyong dating kaalaman sa konseptong pag-aaralan

PAUNANG PAGTATAYA

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa: a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad

2

d. Nagsisilbing

pangganyak

o

motibasyon

upang

gawin

ng

isang

nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan 2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______. a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4 . Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad. Hango sa: http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0

3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay? a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata. c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata

3

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at nagbibinata? a. Ang

nagbibinata

ay

walang

seguridad

at

ang

nagdadalaga

ay

nakararamdam ng kalituhan b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan. c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos. d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae. 5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi? 

Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.



Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.



Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.



Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

a. tapang

c. tiwala sa sarili

b. talento at kakayahan

d. positibong pagtingin sa sarili

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad? a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

4

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon

ng

tinedyer

ng

kasintahan

(girlfriend/boyfriend).

Ang

pangungusap ay: a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon. b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap. c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon. d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer. 8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe? a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din. b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao. c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral. d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama. 9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa. b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan. c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto. d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

5

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard? a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan. b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan. d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.

Gamit ang Susi sa Pagwawasto (Key to Correction) na matatagpuan sa Annex 1, alamin kung tama ang iyong mga naging sagot. Nasiyahan ka ba sa iyong naging iskor? Nasiyahan ka man o hindi, nararapat lamang na ipagpatuloy mo ang susunod na mga gawain.

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Gawain 1

Panuto: Sa iyong kuwaderno, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa kuwaderno. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.

6

a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad

1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki. 2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon 3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush. 4. Iniiwasan ang pakikipag-away 5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan

Ngayon, ikaw naman: a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________

7

c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ Gawain 2: Profayl Ko, Noon at Ngayon Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon. Profayl Ko, Noon at Ngayon Ako Noon (Gulang na 8-11)

Ako Ngayon

Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad

Hal. Kalaro ko ang aking mga kaibigan.

Papel sa lipunan bilang babae o lalaki

Hal. Tungkulin ko ang maging isang mabuting mag-aaral.

Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa

Hal. Masunurin ako sa utos ng aking mga magulang dahil alam nila ang mabuti para sa akin. Hal. Ang aking mga magulang ang nagpapasya para sa akin

Hal. Karamay ko ang mga kaibigan ko sa mga hinaharap na suliranin. Hal. Nagtatrabaho at nag-aaral ako para makapasok sa mas mahusay na trabaho. Hal. Sumusunod ako sa batas upang makaiwas sa suliranin.

Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasiya

8

Hal. Ginagawa ko kung ano ang alam kong makabubuti sa akin at sa aking pamilya.

Ikaw naman: Ako Noon (Gulang na 8-11)

Ako Ngayon

Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad Papel sa lipunan bilang babae o lalaki Pamantayan sa Pagkilos Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon. Tayain kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa iyong sarili.

Panuto: Sundan ang linya ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon”. Bawat magkatapat na pagbabago at katangian ay isang linya. Kung ang pagbabago ay positibo, gamitin ang linyang paakyat ( (

); kung negatibo naman ay gamitin ang linyang pababa

). Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Halimbawa: Batay sa naunang mga halimbawa sa “Tsart ng Profayl Ko, Noon at Ngayon” ay nagawa ang sumusunod na “Linya ng Profayl Ko, Noon at Ngayon”. Dito ka magtatapos d c

b

Dito ka magsimula.

a

9

Linya ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon” Ikaw naman:

Dito ka magsimula

Linya ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon”

Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging pagbabago sa iyo. Kung hindi ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa positibong pagbabago sa iyo.

Gawain 3 Sa iyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing na iyong ginawa. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba. 1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon? 2. Naibigan

mo

ba

ang

mga

pagbabago

sa

iyong

sarili

bilang

nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag. 3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata? 4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?

10

5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan? 6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?

Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong nagaganap sa iyo. Ang lahat ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pagunlad bilang tao. Sa huli, ang lahat ng mga pagbabagong ito ay makatutulong upang magampanan mo nang maayos o epektibo ang iyong mga tungkulin sa lipunan.

TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa aralin? Sagutin ito gamit ang graphic organizer sa ibaba. Sagutin din ang kakailanganing tanong, na, “Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?

Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

ay nakatutulong sa

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/ nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.

11

Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t ibang aspeto:  Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan  Mas nakapagmememorya  Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto  Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip  Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap  Nahihilig sa pagbabasa  Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwalaan

Pangkaisipan 

Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang



Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o pagmamahal



Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang; nagiging rebelde



Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya

 Panlipunan

Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian



Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki



Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit



Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan

Pandamdamin



Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer



Nagiging mapag-isa sa tahanan



Madalas malalim ang iniisip

12



Alam kung ano ang tama at mali



Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon

Moral

Balikan

ang



Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa



Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa



Hindi magsisinungaling

sumusunod

na

palatandaan. Alin dito ang sa iyong palagay ay naglalarawan sa iyo? Ilang palatandaan ang naglalarawan sa iyo sa bawat aspeto? Ang lahat ng mga pagbabagong ito ay kailangan mo upang makatawid sa susunod na yugto ng buhay, ang pagiging ganap na binata o dalaga. Pamilyar

ka

ba

sa

kuwentong Alice in Wonderland? Isa itong popular na kuwento na isinulat ni Lewis Caroll noong 1865 at ginawang animated

Mga larawan hango mula sa http://www.disneypicture.net

film ni Walt Disney at nitong huli’y ginawang pelikula ng Direktor na si Tim Burton. Bagama’t ito ay isang kuwentong pantasya, napapailalim sa kuwentong ito ang tungkol sa mga pagbabago sa buhay ni Alice bilang nagdadalaga.

Nais mo marahil malaman kung ano ang nakapaloob sa kuwento tungkol sa pagdadalaga ng pangunahing tauhan sa sikat na akdang ito.

13

Hiramin ang aklat na ito sa malapit na pampublikong aklatan sa inyong lugar o kaya’y umarkila o manghiram ng CD o DVD ng animation o pelikulang hango dito. Panoorin o basahin ang kuwento. Isaalang-alang ang gabay na mga tanong: 1. Ano ang tema ng kuwento?

2.

Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring makapagpalaki sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas matututo”. (Food can make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and experience can make you wise.)? Ipaliwanag.

3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwen...


Similar Free PDFs