FIL-11 Q4 W1 Pagbasa-at-Pagsusuri Fernandez bgo Linggo 1-2 PDF

Title FIL-11 Q4 W1 Pagbasa-at-Pagsusuri Fernandez bgo Linggo 1-2
Course Philosophie
Institution StuDocu University
Pages 16
File Size 482.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 644
Total Views 790

Summary

iPagsusuri ng Ilang Pananaliksik saFilipino ayon sa Layunin at GamitModyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibangTeksto Tungo sa PananaliksikIkaapat na Markahan •Unang LinggoNILDA A. FERNANDEZTagapaglinangKagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng CordilleraiiRepublika ng PilipinasKagawaran...


Description

Pagsusuri ng Ilang Pananaliksik sa Filipino ayon sa Layunin at Gamit Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikaapat na Markahan •Unang Linggo

NILDA A. FERNANDEZ Tagapaglinang Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera i

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong Administratibo ng Cordillera Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto Rehiyong Administratibo ng Cordillera PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI 2021 Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii

Aralin 1: Pagsusuri

ng Ilang Pananaliksik sa Filipino ayon sa Layunin at Gamit MGA INAASAHANG MATUTUHAN: Magandang araw sa iyo! Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang mga naunang modyul. Ngayon ay sisimulan mo na ang mga modyul sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalagang magpatuloy ka pa rin sa iyong pagpupursigeng matuto ng mga aralin sa Pagsulat ng Pananaliksik. Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa pagsusuri ng ilang pananaliksik sa Filipino ayon sa layunin at gamit.

SUBUKIN Gawain 1:Piliin Mo! Panuto: Suriin ang bawat aytem at isulat ang letra ng tamang sagot sa IYONG SAGUTANG PAPEL. 1. Ano ang tumutukoy sa proseso ng pag-ayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo? A. Pagsulat C. Pagbasa B. Pananaliksik D. Pagsasarbey 2. Ano ang tawag sa pangunahing ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik? A. Suliranin C. Balangkas B. Paksa D. Banghay 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita bilang pang-araw-araw na gawain na gamit ng pananaliksik? A. Pag-iimbestiga C. Pakikipanayam B. Pagpunta sa silid-aklatan D. Pag-angkin o pangongopya 4. Ano ang tawag sa mga talang nakalap bilang gagamitin na batayan sa pagtiyak ng katotohanan sa anumang isusulat? A. datos C. layunin B. dulog D. sanggunian 5. Ano-ano ang mga detalyeng nais hanapan ng kasagutan sa pamamagitan ng datos? A. Pangkalahatang layunin C. Paglalahad ng haypotesis B. Konseptwal na balangkas D. Tiyak na layunin 6. Ano ang pinakamahalagang kasanayan na kailangang taglayin ng isang mananaliksik? A. Maging mapanuri sa bawat impormasyong mahahanap. B. Itala at kopyahin ang lahat ng mga impormasyong makikita. C. Mangalap muna ng paunang impormasyon. D. Pag-aralan ang napiling paksa 7. Alin ang naiiba sa binanggit ni Sauco (1998) tungkol sa kahulugan ng pananaliksik? A. Sistematiko C. Masaklaw na pagsasagawa B. Pormal D. Maingat 2

8. Alin ang HINDI pinag-uukulan ng panahon sa simula ng pananaliksik? A. Pagpapasya kung anong layunin ang kaniyang sasaliksikin. B. Pagpapasya kung anong pamagat ang kaniyang sasaliksikin C. Pagpapasya kung anong paksa ang kaniyang sasaliksikin D. Pagpapasya kung anong katanungan ang kaniyang sasaliksikin 9. Alin sa mga bahagi ng konseptong papel ang kinapapalooban ng mga tanong na sisikaping sasagutin sa pag-aaral? A. Layunin C. Output o Resulta B. Metodolohiya D. Saligang Katwiran 10. Binubuo ang abstrak at inilalagay ito bago ang panimula pagkatapos na maisulat ang kabuuan ng sulating pananaliksik. Ano ang abstrak? A. Nilalaman nito ang buod ito ng pananaliksik. B. Nilalaman nito ang mga natuklasan sa pag-aaral. C. Nilalaman nito ang mga kongklusyon ng pag-aaral. D. Nilalaman nito ang mga layunin at resulta ng pag-aaral. 11. Ano ang pinakamahalagang kasanayan na kailangang taglayin ng isang mananaliksik? A. Maging mapanuri sa bawat impormasyong mahahanap. B. Itala at kopyahin ang lahat ng mga impormasyong makikita. C. Mangalap muna ng paunang impormasyon. D. Pag-aralan ang napiling paksa 12. Ano ang batayan sa pagpili ng paksa para sa pananaliksik? A. Paksang likha ng imahinasyon B. Paksang nakakatakot C. Paksang pantasya D. Paksang napapanahon at makatotohanan 13. Alin ang HINDI kabilang na layunin ng isang pananaliksik ayon kay Lartec, 2011? A. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid. B. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamaraan at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto. C. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na disiplina D. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman. 14. Anong bahagi ng konseptong papel nailalahad ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik at ninanais na tuklasin ng mga mananaliksik? A. Interpretasyon C. Metodolohiya B. Layunin D. Haypotesis 15. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga talang ginagamit bilang batayan ng mga mananaliksik upang mabigyan ng lutas o linaw ang paksang sinasaliksik? A. Interpretasyon C. Metodolohiya B. Layunin D. Haypotesis

BALIKAN Bago ka tuluyang pumalaot sa iyong paglalakbay, subukin mo muna ang iyong sarili kaugnay sa iyong natutuhan sa nagdaang aralin tungkol sa pananaliksik. Gawain 2: Hanapin Mo! Panuto: Basahin at unawain ang talata. Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

3

Ang ____________________ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa __________________masagot ang mga katanungan ng isang _______________________. Ang pananaliksik ay ___________________ sa ating buhay sapagkat malawak ang benepisyong ininibigay. Ang ________________ ng pananaliksik ay pampayaman ng kaisipan, lumalawak ang karanasan, nalilinang ang tiwala sa sarili, at nadaragdagan ang kaalaman. Ang ___________ ng pananaliksik sa lipunang Pilipino ay nakatutulong sa pang-araw-araw na gawain, akademikong gawain, kalakal/bisnes, iba’t ibang institusyong panggobyerno at mga institusyong pribado at digobyerno. Kaya ang pananaliksik ay isang masalimuot na gawain at kinakailangan ang mahabang oras at panahong ilalaan. anyo

gamit

mananaliksik

kahalagahan

layunin

napakahalaga pananaliksik

TUKLASIN Gawain 3: Basahin Mo! Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang teksto at sikaping sagutin ang pamprosesong tanong. Abstrak KARANASAN NG ISANG BATANG INA LPU Laguna Journal Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015 Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspekto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non random convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience ”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. Mga Susing Salita:

Emosyonal, sosyal, relasyonal, espiritwal

4

Naunawaan mo ba ang halimbawa ng abstrak ng isang pananaliksik? Upang mailahad ang mga tugon o reaksyon sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang pangunahing layunin ng inyong binasang abstrak ng pananaliksik? 2. Ano ang pangunahing gamit ng binasang abstrak ng pananaliksik? 3. Ano ang pangunahing layunin ng binasang abstrak ng pananaliksik?

SURIIN Magpatuloy ka sa pagbasa upang maunawaan mo nang lubos ang aralin. Kahulugan ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay pahayag sa mataas na lebel ng pagsulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng mga datos,pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay-hinuha at sa pagtatapos ay pagbibigay konklusyon at rekomendasyon. Ayon kay Sauco (1998), ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan, inaayos ang mga ito at pagkatapos ay isinusulat at iniuulat. Ayon kay Mercene (1983), ang pananaliksik ay sistematikong pag-uusisa upang patunayan at makuha ang anumang kabatirang hinahangad natin. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito. Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya,ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyonhinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon kina Manuel at Medel (1976) , masasabing an g panana liksik ay isa ng pro seso ng pangangalap ng mga datos o inpormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan. Ayon sa libro nina Ordonez et. al. (2007), may apat na kahalagahan ang pananaliksik:

5

Kahalagahan ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay kasangkapan ng patuloy na pagkilos o pagsasagawa. Dahil sa pananaliksik, ang lipunan ay hindi natutulog sa mga pagbabagong nagaganap at maaaring maganap, patuloy ang pagkilos upang makamit ang pambansang kaunlaran at layunin. Ang pagtatangka ng umuunlad na mga bansa na gamitin ang pananaliksik sa pagtatamo ng kaunlaran at modernisasyon ay malinaw na pagbibigay halaga at paniniwala sa tulong na nagagawa ng pananaliksik. Kung ganoon, ang pananaliksik ay gumaganap ng tungkuling tagapaghubog ng kinabukasan ng isang bansa at tagapagbigay ng kaunlaran at mabuting pamumuhay para sa lahat. Sa kasalukuyan, walang mag-aaral sa kolehiyo ang makaiiwas sa gawaing pananaliksik. Ito ay nararapat lamang bilang pagpapatunay ng mataas na kaalamang naabot patungo sa mundo ng mga propesyunal. Tandaang ang pananaliksik ay hindi lamang patitipon ng mga nabasang ideya ng mga manunulat kundi ito ay pagsasama-sama ng kanilang mga sari-sariling pananaw upang maipakita ang ugnayan ng nasabing magkakaibang ideya sa pagbuo ng konklusyon batay sa mga nabasa. Sa pagkakataong ito,malinaw na ipinakikita ang kaugnayan ng mabisang pag-unawa sa mga binasang akda sa pagsulat lalo na kung ang isusulat ay sulating pananaliksik. Bilang mga magiging mananaliksik, napakahalagang malaman ng bawat isa ang kaakibat na mga tungkulin at responsibilidad ng kanilang papasuking larangan, ang pananaliksik. 1. Pampayaman ng kaisipan 2. Lumalawak ang karanasan 3. Nalilinang ang tiwala sa sarili 4. Nadaragdagan ang kaalaman Layunin ng Pananaliksik Sa sikolohiya ng kaisipan ng tao, kinikilalang ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkilos ng isang tao ay ang pangangailangan inyang mabigyang-kaisipan ang kanyang kuryusidad. Kung iisipin ang natural na motibo na nagtutulak sa isang siyentista na magpatuloy sa kanyang propesyon, makabubuo ng konklusyong nagsasagawa siya ng pananaliksik dahil sa pagmamahal at interes niya sa pagtuklas. Ang isang siyentista ay nagnanaisna laging nakikipagbuno sa kahit anong bagay na mahirap isipin. Mahabang oras ang kanyang ginugugol sa pagsasaliksik, nililimot ang ibang gawain at personal na kasiyahan ngunit kakaunti lamang ang kanyang nagiging pakinabang kung sa ngalan ng salapi ito tititmbangin, ngunit malaking tagumpay naman para sa kanyang sarili. Sa kasaysayan ng pananaliksik-pang-agham, ang pagsasagawa ng pag-aaral ay pag-aalay ng sakripisyo.Sa ibang larangan, ang mananaliksik ay nagsasagawa ng pananaliksik para sa mga tiyak na layunin. Ang mga ito ay: masagutan ang mga tiyak na katanungan at malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersya.

6

A. LAYUNIN NG PANANALIKSIK ( Lartec , 2011) 1. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid. 2. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamaraan at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto. 3. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na disiplina. B. LAYUNIN NG PANANALIKSIK (Austero, et al. (2006) 1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na 2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa naganap na nalutas 1. Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto 2. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento (komposisyon o kabuuan ng isang bagay) 3. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya, regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan 4. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik 5. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman GAMIT NG PANANALIKSIK SA LIPUNANG PILIPINO Gamit ng Pananaliksik(Constantino & Zafra,1997)  Pang-araw-araw na gawain  Akademikong gawain  Kalakal/Bisnes  Iba't ibang institusyong panggobyerno  Mga institusyong pribado at di-gobyerno Pang-araw-araw na Gawain Karaniwang ginagawa ito ng ordinaryong indibindwal sa kanyang pang-arawaraw na buhay. Kailangan mong gumawa ng pagpapatunay, paglilinaw, pagpapatibay, pagpapasubali o pagdaragdag ng kaalaman upang matiyak mo ang tunay na dahilan. Akademikong Gawain Pinag-aaralan ang paggawa ng pananaliksik kaya inaakala ng marami na sa akademya lamang nauukol ito. Para sa mga nag-aaral pa, tinatawag na sulating pananaliksik o pamanahunang papel (term paper) ang bunga ng gawaing ito. Kalakal/Bisnes Bago pumasok sa isang bisnes, karaniwang gumagawa muna ng feasibility study upang malaman ang potential sa marketat tubo ta sa sa ikatatagumpay ng ipinagbibili, atbp. Iba't Ibang Institusyong Panggobyerno Para sa serbisyong panlipunan, ang mga opisina o institusyong panggobyerno ay nagsasagawa ng pananaliksik para sa kani-kanilang pangangailangan.

7

Institusyong Pribado at Di-Gobyerno Dumarami ang pribadong institusyon, mga nagsasagawa ng mga pag-aaral sa kapaligiran, etnikong grupo, kababaihan, at iba pa. Ang nagsasagawa ng mga pagaaral na ito ay nagsisilbing suporta at tulong sa gobyerno at mamamayan.

PAGYAMANIN Gawain 4: Suriin Mo! Panuto: Suriin at unawain ang ikalawang halimbawa ng abstrak at sagutin ang mga sumusunod na tanong. (15 puntos) Abstrak KAHIRAPAN SA PAGKATUTO AT PAGTUTURO NG FILIPINO SA MGA MAGAARAL NA MAY DALAWANG PAGKAMAMAMAYAN Mga Guro ng Kagawaran ng Filipino, Paaralan ng Edukasyong Pangguro,Saint Luis University Jane K. Lartec- Tagapangulo at Punong Editor Crizel P. Sicat- Katuwang na Editor

Maraming salik ang nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaaral ng pangalawang wika gaya ng kanyang unang wika, saloobin at paraan ng pagtuturo. Sa kaso ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa Saint Louis University, kapuna-puna ang mga suliraning kanilang kinakaharap sa pagkatuto ng Filipino bilang pangalawang wika. Ang Pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsisiyasat sa mga saloobin ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan na kinakailangang kumuha ng kursong Filipino alinsunod sa kurikulum ng kolehiyo. Sa pamamagitan ng panayam, sinuri ang pagkakaiba-iba ng mga saloobin at reaksyon ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa pagkuha ng kursong Filipino. Ginamit din ang talatanungan upang masuri ang antas ng kahirapan ng mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan sa pagkatuto ng Filipino at ang suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na may dalawang pagkamamamayan. Mga Susing Salita: Dalawang Pagkamamamayan, Pagkatuto, Pagtuturo, Filipino 8

Naintindihan mon a ba ang binasang pangalawang halimbawa ng abstrak. Ayon sa inilahad na nilalaman nito, tukuyin ang layunin, gamit at kahalagahan. Isulat sa sagutang papel. 1. Layunin ng pananaliksik na ___________________________________________ 2. Mahalaga ang resulta ng pananaliksik sa mga __________________________dahil _____________________________________________________________________. 3. Anumang resulta ng pananaliksik na ito ay magagamit sa ______________________ na magiging gabay ng mga ______________________________sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay katulad ng _____________________________.

ISAISIP Gawain 5: I-buod Mo! Panuto: Balikan ang ginawang pagsusuri sa TUKLASIN at PAGYAMANIN, ibuod ang pagsusuri gamit ang talahanayan. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka ng gawain. (20 puntos) Abstrak 1

Abstrak 2

Layunin Gamit

Kahalagahan

Rubriks sa pagsusuri ng Abstrak 1 at 2 Kraytirya Nilalaman

Organisasyon

Napakahusay 10 Puntos Kumpleto at komprehesibo ang nilalaman ng sulat/talata. Wasto ang lahat ng impormasyon

Organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod-sunod ang presentasyon ideya sa talata/sulat. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan.

Mahusay 8 Puntos Kumpleto ang nilalaman talata/sulat. Subalit may 1-2 impormasyon na hindi wasto ang paglalahad. Malinaw at maayos ang presentasyon ng mga ideya sa sulat. Malinaw ang daloy ng paglalahad ng kaisipan. Ngunit may 1 hindi malinaw ang ideya sa pangungusap.

9

Nalilinang 6 Puntos May 3-4 na kakulangan sa nilalaman ng talata/sulat at maling impormasyon sa nabanggit.

Nagsisimula 5 Puntos May 5-6 na kulang ang nilalaman ng talata.

Maayos ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya. May 2-3 bahaging hindi gaanong malinaw ang presentasyon ng ideya.

May 4-5 na talata ang hindi maayos ang gramatika at hindi maayos ang pagkakasulat.

ISAGAWA Gawain 6: Suriin Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang ikatlong abstrak. Sipiin ang layunin at gamit ng pananaliksik sa binasang abstrak gamit ang talahanayan. (20 puntos) Abstrak Ang Implikasyon ng Kahirapan sa Identidad at Saloobin ng mga Batang Kargador sa Crossing, Calamba Jasmin L. Bathan Joanna Lou A. Aguja Airess R. Villaluz Discipline: Psychology Ang pag-aaral ay naglayong alamin kung ano ang implikasyon ng kahirapan sa identidad at saloobin ng mga piling batang kargador sa Crossing, Calamba, Laguna. Ito ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan kung saan purong mga salita lamang ang ginamit at hindi malalalim na istatistika. Case study ang espisipikong ginamit sa pag-aaral kung saan indibidwal na pakikipanayam, pampangkat na talakayang may pokus o FGD, at pagsulat sa journal ang naging metodolohiya sa pagkalap ng mga datos na kinakailangan. Nabatid sa pag-aaral na ito na ang mga batang kargador ay mayroon positibong paningin sa sarili bilang isang bata ngunit nagiging negatibo kung titingnan nila ang sarili bilang isang batang kargador. Bata ang pagtingin nila sa sarili kapag edad ang pagbabatayan ngunit kung pagtatrabaho at mga gawain ang bibigyang-pansin, matanda ang pagtingin nila sa sarili. Nang dahil sa kahirapan, napilitang magtrabaho ang mga batang ito at nagtamo ng hindi matatag na pagtingin sa sarili. Malaking impluwensya ang kahirapan sa hindi pagbuo ng identidad ng mga batang kargador. Resulta nito, ang mga batang ito ay naging hirap sa pagbabahagi ng kanilang saloobin sa ibang tao dahil na rin sa bigat ng epekto nito sa kanila. Ang kanilang saloobin sa kahirapan, edukasyon, pagtatrabaho, at mithiin ang apat na aspetong pinakinggan at sinuri sapagkat ang mga ito ay may kinalaman sa kanilang kalagayan na maaaring magdikta sa saloobin nila. Sa kabilang banda, may positibong saloobin ang mga batang kargador sa edukasyon at mithiin habang negatibo para sa kahirapan at pagtatrabaho. Mga Susing Salita: layunin

Identidad, Saloobin, Kargador, Kahirapan gamit

10

kahalagahan

Rubriks sa pagsusuri ng Abstrak 3 Kraytirya

10

8

6

4

Nilalaman

Malinaw ang punto, paliwanag at nilalaman ng pagsusuri

May 1 kaisipan na hindi gaaanong malinaw ang...


Similar Free PDFs