FIL-wikangfilipinoparasamagaaralnafil.docx DOCX

Title FIL-wikangfilipinoparasamagaaralnafil.docx
Author M. Santos
Pages 13
File Size 45.7 KB
File Type DOCX
Total Downloads 282
Total Views 378

Summary

KABANATA I: PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Panimula Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wikang panturo sa paaralan ngunit matagal na itong isyu sa larangan ng edukasyon sa kung a...


Description

KABANATA I: PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Panimula Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wikang panturo sa paaralan ngunit matagal na itong isyu sa larangan ng edukasyon sa kung ano ang mas dapat gamitin sa pagtuturo sa paaralan. Mayroong nagsasabing wikang Filipino ang mas dapat gamitin dahil mas naiintindihan ito ng mga mag-aaral ngunit sa kabilang banda, mayroon ding nagsasabing mas dapat gamitin ang wikang Ingles upang mas mahasa ang paggamit nito at ito ang universal language ng mundo. Layunin ng mga akademikong institusyon na epektibong ipaintindi sa mga mag-aaral ang bawat paksa at aralin ngunit obligasyon din ng bawat akademikong institusyon na tumupad sa mga itinakda ng batas. Itinakda ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan noong 1974-1975 ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nag-uutos ng makahiwalay na paggamit ng wikang Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya, intermedya at sekondarya. Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order No. 210 noong Marso 17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles. Kabilang sa probisyong ito ang pagtatakda na ituro ang mga asignaturang matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong baitang ng paaralang primarya. Bukod pa rito, inaatas ding gawing Ingles ang pangunahing wikang panturo sa paaralang sekundarya. Inilabas din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 26 noong Agosto 22, 2006 upang maipatupad ang nasabing utos. Sa pagsunod dito ng mga akademikong institusyon, hindi lamang sa loob ng silid-aralan ginagamit ang wikang Ingles ngunit maging sa labas nito, isang patunay dito ay ang mga nakapaskil sa paligid na English-speaking zone at pagbabawal sa mga mag-aaral na gamitin ang sariling wika. Sa kabilang banda, ayon sa Seksyon 6 ng Artikulo 14 ng Konstitusyong 1987, ang wikang pambansa ay Filipino. Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilingguwal na ang patakarang Bilingguwal ay...


Similar Free PDFs