Filipino Akademik Q2 Week 1 validated PDF

Title Filipino Akademik Q2 Week 1 validated
Author Peralta, Justine Bryan M.
Course Filipino
Institution Caloocan City Business High School
Pages 11
File Size 450.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 239
Total Views 433

Summary

Modyul sa Senior High School - Filipino Piling Larang (Akademik)Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat upang magsilbing gabay ng mag-aaral sa pagkatuto. Layunin nito na tulungan kang makasulat ng isangakademikong sulatin, ang katitikan ng pulong. Gagabayan ka nito sa pag-aaralng mga bahagi ng kat...


Description

1

Aralin

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

1 Mga Inaasahan Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat upang magsilbing gabay ng magaaral sa pagkatuto. Layunin nito na tulungan kang makasulat ng isang akademikong sulatin, ang katitikan ng pulong. Gagabayan ka nito sa pag-aaral ng mga bahagi ng katitikan ng pulong upang masimulan mo ang iyong sariling sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan (CS_FA11/12PB-0m-o-90) 1. Nalalaman ang kahulugan ng mga terminong ginagamit sa pagpupulong. 2. Nakikilala ang mga bahagi ng katitikan ng pulong. 3. Natutukoy ang kahalagan ng akademikong sulatin na ito. 4. Nakasusulat ng isang organisadong halimbawa ng katitikan ng pulong.

Bago mo simulan ang iyong pag-aaral sa modyul na ito, subukin mo munang sagutan ang ilang mga katanungan sa ibaba na susukat sa iyong kaalaman sa paksang tatalakayin natin sa araling ito.

Paunang Pagsubok Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1.Sa anong bahagi ng pulong ginagawa ng tagatala ang paghahanda ng kinakailangang kagamitan at pagbuo ng balangkas mula sa adyendang tatalakayin. A. Ang mga ito ay isinasagawa bago pa simulan ang pulong. B. Makikita ang mga gawaing ito sa gitnang bahagi ng pulong C. Isinasagawa ang mga paghahandang ito bago matapos ang pulong. D. Inihahanda ito matapos maganap ang pulong. 2. Ito ay isang pormal at opisyal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang usapin at mga napagkasunduan sa ginanap na pagtitipon ng isang pangkat o samahan. A. Talaan ng mga ebidensya C. Katitikan ng pulong B. Opisyal ng resolusyon D. Talaan ng mga dumalo 3. Tumutukoy ito sa mga suhestiyon at panukalang paksa na maaaring talakayin sa susunod na pulong A. Pagbasa C. Pagpapatibay B. Pagsusuri D. Patalastas 4. Anong bahagi ng pagtitipon binabasa ang katitikan ng pulong bago ito ipasa sa kinauukulan para sa huling pagsusuri at pagwawasto? A. Matapos ang pulong B. Sa kalagitnaan ng pulong

Modyul sa Senior High School - Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Unang Linggo

2 C. Bago magsimula ang pulong D. Kapag nakauwi na ang mga dumalo sa pulong 5. Alin sa mga sumusunod ang tiyak na gampanin ng akademikong sulatin, ang katitikan ng pulong? A. Nagtatakda ng lalamaning paksa sa pulong. B. Nagtatalaga ng taong mangunguna sa pagpupulong. C. Tagasuri ng mga nabasang teksto mula sa mga dumalo. D. Nagtatala ng mga buo at kumpletong detalyeng napag-usapan sa isang pagtitipon. 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat taglayin ng katitikan ng pulong? A. Gumagamit ng intelektwal at komprehensibong pamamaraan sa pagsulat. B. Ito ay naglalahad ng malinaw na paglalagom ng mahahalagang paksang natalakay. C. Ito ay sumusunod sa proseso ng pagsulat ayon sa anyo nito. D. Ito ay tumatanggap ng opinyon ng iba. 7. Alin sa sumusunod ang HINDI paraan upang malinang kasanayan sa pagsulat ng mga akademikong papel? A. Pagsulat ng mga payak na ulat B. Pagsasagawa ng pananaliksik sa aklatan C. Pagbabasa ng mga tekstong di-akademiko D. Pagsasanay sa paglutas ng mga suliranin sa Matematika, Agham at iba pang asignatura. 8. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat na ilagay sa unang bahagi ng katitikan ng pulong? A. Lugar ng pulong B. Pangalan ng samahan o organisasyon C. Oras na magtatapos ang pulong D. Tagapagdaloy ng pulong at mga dumalo 9. Bakit kailangang isagawa ang pagsulat ng katitikan ng pulong sa isang pagtitipon? A. Nagtataglay ito ng mabisa at awtorisadong dokumento na nagpapatibay ng mga usapin ukol sa mga paksang napag-usapan. B. Nagsasaad ito ng talaan ng mga dumalo. C. Kinikilala nito ang kredibilidad ng taong namuno sa pagpupulong. D. Nagbibigay ito ng aliw sa mga makakabasa ng nilalamang usapin. 10. Sino-sino ang maaaring gumamit ng katitikan ng pulong bilang isang akademikong papel? A. Limitado ito sa mga mag-aaral na nasa loob ng akademya. B. Mga taong nagnanais magkaroon ng kompilasyon ng dokumento. C. Mga pribadong organisasyon na nagtitipon-tipon para sa isang usapin. D. Samahan o organisasyon sa kahit anong sektor ng lipunan na nagsasama-sama para talakayin ang mga paksang may kinalaman sa samahan.

Ngayon naman, bago tayo magpatuloy sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw Ba musunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel 1. Naatasang magtalumpati si Adeera Jaz sa darating na Buwan ng Wika na may temang “Ang Mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya”, alin sa sumusunod ang HINDI niya dapat isaalang-alang sa pagsulat ng introduksyon ng kaniyang talumpati. Modyul sa Senior High School - Filipino

Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Unang Linggo

3 A. Pagtatanong sa tagapakinig B. Pagbanggit sa paksa o tema C. Pag-iisa-isa sa mga layunin D. Panawagan sa mga tagapakinig na gumawa ng pagkilos 2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin sa pagsulat ng kongklusyon? A. Pagtatanong sa tagapakinig B. Pagbanggit sa paksa o tema C. Pag-iisa-isa sa mga layunin D. Panawagan sa mga tagapakinig na gumawa ng pagkilos 3. Nakapagsulat si Jack Juillien ng isang talumpati, humingi siya ng tulong sa kaniyang kaibigan na irebisa ang kanyang isinulat. Ano ang unang hakbang na dapat gawin ng kaniyang kaibigan? A. Paulit-ulit na pagbasa B. Pagwawasto ng estratehiyang ginamit C. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati D. Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras 4. Sa pagsulat ng talumpati, mas mainam na ______________. A. gumamit ng mahahabang pangungusap B. gumamit ng angkop na salitang pantransisyon C. gumamit ng mga abstrakto at mabibigat na mga salita D. laging basahin sa isipan ang talumpati habang isinusulat 5. Ang dapat bigyang-diin sa pagsulat ng talumpati ay ang __________ A. pagrerebisa C. pananaliksik B. paghahanda D. panlipunang gamit

Pagpapakilala ng Aralin Mahusay! Sa pagkakataong sisimulan na natin ang panibagong aralin, handa ka na ba? Tara! Alamin natin ang mga hakbang na dapat mong matutuhan sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kahulugan ng Katitikan ng Pulong o Minutes of the Meeting Ang katitikan ng pulong ay isang komprehensibong akademikong sulatin na naglalaman ng mga usaping pormal at legal ng isang samahan, institusyon o organisasyon. Ito ang silbing opisyal na dokumento at talaan ng mga napag-usapan, diskusyon, at desisyon sa pulong. Ang dokumentong ito ay maituturing na matibay na sanggunian at maaaring magamit na prima facie evidence, sa mga usaping legal at nagiging batayan upang makamit ang layunin ng isang pulong. Ang sulatin na ito ay dumadaan sa isang rebyu at pagwawasto bago ito tuluyang ilathala. Kahalagahan • Naipababatid sa mga dumalo at di-dumalo ang mga nangyari sa pulong at nagsisilbing gabay upang malaman at matukoy ang mga detalye ng napagusapan sa naganap na pulong. • Nagsisilbi itong dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon na maaaring maging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong. • Sa pamamagitan ng sulating ito, natitiyak na nasusunod ang mga paksa at adyenda na dapat talakayin sa oras ng pulong.

Alam muna kung ano ang gamit ng akademikong papel na ito, Ngayon samahan mo naman ako at ituturo ko sa iyo ang iba’t- ibang bahagi at mga nakasaad sa katitikan ng pulong. Tara na! Bahagi ng Katitikan ng Pulong Modyul sa Senior High School - Filipino

Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Unang Linggo



• •



• •



• •

• •

4 Pamagat ng Pulong (Heading)- Ito ay naglalaman ng pangalan at logo ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Sa bahaging ito rin nakasulat ang kung tungkol saan ang laman ng pulong. Paggaganapan ng Pulong (Meeting Location/ Date)- isinasaad dito kung kailan ito magaganap at saan magaganap ang pulong. Talaan ng mga kasapi (Attendance of the members )- Makikita sa bahaging ito kung sinosino ang mga dumalo at hindi dumalong kasapi ng samahan o institusyon. Ito din ang nagbibigay hudyat kung dapat nang simulan ang pagtitipon kapag nakamit ang kalahati o higit sa kalahating bilang (quorum) ng mga kasapi. Nakasulat rin sa bahaging ito ang pangalan ng panauhin at tagapagpadaloy o tagapamuno ng gaganaping pulong. Oras ng Pulong (Meeting Time)- Itinatala sa bahaging ito ang oras na nakasulat sa adyenda, ang aktwal na oras na ito ay nasimulan at kung sino ang naatasan na magtala ng pag-uusapan. Sa ibabang bahagi nito makikita ang maikling palatuntunan gaya ng panalangin, pambungad na pananalita bago simulan ang pormal na usapin. Panukalang Adyenda (Agenda)- Talaan ng mga paksang lalamanin ng pulong. Pagbasa ng nilalaman at napagkasunduan ng nakaraang pulong (Review of the previous meeting)- Inihahanda ito upang muling balikan ang napag-usapan at mga nagpakasunduan (action taken) nagdaaang pulong, at ipabatid ang maaaring kaugnayan nito sa kasalukuyang paksa. Talakayan ng bagong Adyenda (New Agenda)- Sa bahaging ito iisa-isahin ang pagtalakay sa mga paksa. Matutukoy sa katitikan ang mga taong magsasalita patungkol sa paksa na maaaring suhestiyon, rekomendasyon, at iba pa. Dito rin itatala ang pagpapatibay ng mga nai-mungkahing usapin sa oras ng talakayan. Karagdagang Paksa ng Pulong (Other Agenda)- Mga paksang matatalakay sa pagtitipon na wala sa minungkahing adyenda. Patalastas (Announcement)- Sa bahaging ito sasabihin ang ilang pabatid para sa samahan o organisasyon at maaari rin magmungkahi sa bahaging ito adyenda para sa susunod na pulong. Pagwawakas ng Pulong (Adjourment)- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras natapos ang pulong. Pagpapatibay ng katitikan (Minutes Prepared by and Approved by)- Sa bahaging ito lalagda ang naghanda ng katitikan. Matapos niya itong ihanda ay babasahin at lalagdaan din ito ng taong nasa katungkulan na siyang magbibigay ng aprubal sa nilalaman ng katitikan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong A. Bago Magsimula ang Pulong 1. Kung ikaw ay naatasan na magtala ng katitikan at hindi mo alam ang detalye ng mga paksa o adyenda, maaari kang magsagawa ng paunang pananaliksik ukol sa mga ito. 2. Bago dumalo sa pulong tiyakin na naihanda ang balangkas o pagsusulatan ng katitikan (template) ng sa gayon ay maiwasan ang pagkalito sa oras ng pulong. Kabilang din dito ang papel kung saan magtatala ng mga pangalan at lagda ng mga dumalo na ipapaikot habang nagaganap ang pulong. 3. Ihanda ang mga kagamitan na kakailanganin sa pagtatala gaya ng higit sa isang bilang ng bolpen, karagdagang papel na susulatan, o maaari namang gadgets tulad ng audio recorder, cellphone, laptop, tablet at iba pa. 4. Tiyakin na dumating ng mas maaga sa oras nakalaan sa pulong upang magkaroon ng pansariling paghahanda gaya ng pag-aayos ng sarili, paghahanda sariling tubig na inumin, at kung ano pa na sa tingin mo ay makakatulong sa iyo sa oras na iyon. B. Habang Nagpupulong 1. Maging sensitibo at alerto sa pag-unawa ng mga impormasyon tulad ng bahaging nagsasaad ng diskusyon, talakayan, at mga mosyon ng mga kasapi sa pulong. Modyul sa Senior High School - Filipino

Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Unang Linggo

5 2. Isulat ang mahahalagang detalye at impormasyon na sasabihin ng mga magsasalita sa nagaganap ng pulong. 3. Tiyakin na lahat ng mahahalagang impormasyon ay naitala lalo na kung ito ay napagkasunduan ng nakararaming kasapi ng pulong. C. Pagkatapos Maganap ang Pagpupulong 1. Huwag kalimutan na itala ang oras ng pagtatapos ng pulong. 2. Gumawa agad ng ulat ng katitikan na naglalaman ng mga detalyeng natalakay at napagtibay ng pangkalahatan. 3. Isumite ang salaysay ng katitikan sa namuno ng pulong upang rebyuhin, iwasto kung kinakailangan, at kung may pagsang-ayon na sa nilalaman ay agad itong malagdaan. 4. Bumuo ng resolusyon ng katitikan ukol sa adyendang napagtibay sa pulong. Sa bahaging ito, hindi na kailangan na itala ang proseso o daloy ng pulong. Ito ang papel na maaaring ipamahagi sa mga dumalo para sa kabatiran ng lahat.

HALIMBAWA NG KATITIKAN NG PULONG Pambansang Punong Rehiyon Sangay ng mga Paaralang Panlunsod HORACIO DELA COSTA HIGH SCHOOL Caloocan City BUWANANG PULONG NG MGA MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG HORACIO DELA COSTA

I. PAGGAGANAPAN NG PULONG Petsa: Agosto 24, 2020 Lokasyon: Online- Facebook Messenger Room II. TALAAN NG DUMALO Dumalo: Yza Baranda, Jian Dionaldo, Lowen Sedeño, Kian Sembrano, Jay Lequiron, Lore Durin, James Garlan, Max Lopez, Jhet Gonzaga, Mary Villanueva, Paulo Velasco, Eca Gacus, Mae Enano, Kyle Arandela, Rex Nitor, Kim Devero, Ian Mengala, Bien Patio, Mon De Guzman, Jay Dela Cruz, Julie Arat, Vince Gamis, Bille Guiwanon, Rion Bonita, Josh Franco (Ang bilang ay nasa quorum na at hudyat na maaari ng simulan ang pulong) Hindi Dumalo: Marie Romero, Joyce Celedonio, Lobenaria, Mark Millanes Tagapamuno: Gng. Jeane Cristine G. Villanueva III. ORAS NG PULONG Iskedyul ng Pulong Aktwal na nagsimula Tagapagtala

: : :

A. Pambungad na Panalangin : B. Pagtawag sa pangalan ng mga dumalo : C. Pambungad na Pananalita : D. Kamustahan

:

Lele

Ladra,

Jade

9:00 ng umaga 9:30 ng umaga Mary Villanueva Rex Nitor Jhet Gonzaga Gng. Jeane Cristine G. Villanueva Buong Klase

IV. MGA PANUKALANG ADYENDA ✓ Pagbubukas ng klase V. PAGBASA NG NILALAMAN AT NAPAGKASUNDUAN SA NAKARAANG PULONG

Modyul sa Senior High School - Filipino

Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Unang Linggo

6 Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Josh Franco ng katitikan sa nakaraang pagpupulong na naganap noong ika-5 ng Hulyo 2020 ang mga kinakailangang ihanda sa pagpapatala o enrolment tulad ng birth certificate, mahahalagang impormasyon ukol sa mag-aaral, magulang o tagapangalaga. Napagkasunduan ng buong klase na gagawa ng online caricature board para sa lahat ng mag-aaral na nabibilang sa pangkat HUMSS 12B. VI. TALAKAYAN NG BAGONG ADYENDA Pinamunuan ni Gng. Villanueva ang pulong sa pamamagitan ng paglalatag ng mga gawain para sa nalalapit na pasukan ngayon ika- 5 ng Oktubre 2020. ✓ Pagbubukas ng klase-

a. b. c. d. e.

Mga kinakailangang gawin ng mga mag-aaral bago magbukas ng klase (Gng. Villanueva). Pagdalo sa mga webinar na may kinalaman sa online balik eskwela. Pagsusumite sa messenger ng larawan ng nanonood at nakikinig ng webinar Pagdalo sa oryentasyon ng mga mag-aaral para malaman ang iskedyul at mga guro sa bawat asignatura. Pagbibigay ng mga mag-aaral ng facebook account ng mga magulang o kinikilalang guardian para sa monitoring ng mga gawain. Pagsusumite ng mga impormasyong gamit ang profiling data sheet na inilaan sa mga mag-aaral.

Bawat isa ay ipinaliwanag ng maayos ng gurong tagapayo nang sa gayon ay mas maunawaan ito ng klase. Tinanong ni Gng. Villanueva ang klase kung may mga katanungan ukol sa pagbubukas ng pasukan. Si Max Lopez ay nagtanong kung nakasuot pa ba ng uniporme sa online class. Agad namang tumugon si G. Villanueva na wala pang sinasabi ang pamunuan ng paaralan ukol dito. Kung sakaling mayroon na anunsyo ukol dito ay agad ipapabatid sa group chat ng klase. VII. KARAGDAGANG PAKSA ✓ Eleksyon ng mga opisyales- Ipinabatid ni Gng. Villanueva na magkakaroon ng eleksyon sa unang linggo ng pasukan matapos ianunsyo ng SSG na maaari ng bumuo ng samahan o opisyales ang bawat klase. VIII.

✓ ✓ ✓ ✓ ✓

PATALASTAS Muling nagpaalala si Gng. Villanueva na sundin ang mga pabatid ng pamahalaan para makaiwas sa Covid 19. Inisa-isa ng gurong tagapayo ang ilan sa mga mag-aaral upang matiyak na alam ng lahat ang mga dapat gawin sa panahon ng pandemya. Pananatili sa bahay ng senior citizens, at mga kabataang nabibilang sa 20 pababa ang edad. Palagiang paghuhugas ng mga kamay. Social distancing No mass gathering Pagpapanitili ng maayos na kalusugan tulad ng masustansiyang pagkain, pag-inom ng vitamins, sapat na pahinga at tulog, pag-inom ng 8 o higit pang baso ng tubig sa isang araw.

IX. PAGWAWAKAS Nagtapos ang pulong sa ganap na 11:16 ng umaga Inihanda ni: Mary Villlanueva Mag-aaral sa HUMSS 12B

Inaprubahan ni: Gng. JEANE CRISTINE G. VILLANUEVA Gurong Tagapayo ng HUMSS 12B Modyul sa Senior High School - Filipino...


Similar Free PDFs