Kabanata-1 PDF

Title Kabanata-1
Course International business
Institution University of the Philippines System
Pages 207
File Size 2.3 MB
File Type PDF
Total Downloads 186
Total Views 584

Summary

Kabanata 1FILIPINO BILANG WIKANG NAKAUGAT SAPANGANGAILANGAN NG SAMBAYANANAng wika ang siyang sumasailalim sa identidad ng bawat tao. Sa wikang kanyang sinasalita, naipamamalas niya kung saan siya nagmula, kung saang klasipikasyong pang-ekonomiko siya kabilang, kung anong edukasyon mayroon siya, kung...


Description

Kabanata 1

FILIPINO BILANG WIKANG NAKAUGAT SA PANGANGAILANGAN NG SAMBAYANAN Ang wika ang siyang sumasailalim sa identidad ng bawat tao. Sa wikang kanyang sinasalita, naipamamalas niya kung saan siya nagmula, kung saang klasipikasyong pang-ekonomiko siya kabilang, kung anong edukasyon mayroon siya, kung anong kultura ang dala-dala niya, kung anong pagpapahalagang pantao ang naipamamalas niya, at marami pang iba na nagpapakita ng kanyang sariling identidad sa komunidad na kanyang ginagalawan. Sa aspetong sosyo-kultural, nangingibabaw ang wika sapagkat ito ang nagpapahayag ng mapanimbang na pag-iisip o pagmunimuning sanhi ng mapanuring kamalayan. Ayon kay Constantino (Francisco, 2006), pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan ang wika. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Isa rin itong behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay nagpapakita lamang ng yaman ng Pilipinas sa iba’t ibang wika na siyang nagdidikta ng pangangailangan ng isang wikang nagbubuklod sa mga mamamayang Pilipino.

Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:  Maipaliwanag ang ugnayan ng function ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan

Sa pagpapanatili ng wikang Filipino, patuloy itong tinatangkilik sa paraang pangkomunikasyon sa iba’t ibang institusyon gaya sa midya,

FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 1

pampublikong tanggapan, sa komersya o kalakalan, at sa edukasyon bilang asignatura at midyum ng komunikasyon sa piling kurso sa tersiyarya. Kagaya ng Ingles, dineklara itong opisyal na wika sa bansa kung kaya ang pagpapaunlad nito ay marapat tukuyin, suriin, at ipaalam sa tao upang sa ganuon ay mabigyan ang bawat Pilipino ng impormasyon sa kasalukuyang posisyon nito bilang wika na siyang naglalarawan ng magkakaibang kalinangan at karanasan ng lahing Pilipino. Malaki

ang

tungkulin

ng

edukasyon

sa

pagpapanatili

at

pagpapaunlad ng wikang Filipino. Marapat pagtuunan ng pansin ang programang ukol dito sapagkat magiging basehan ito ng pagpapalawak at paggamit ng wikang Filipino sa larangang pang-edukasyon. Nagsisilbing salamin ang antas ng pagpapaunlad nito ng mga mag-aaral na nagsisikap pag-aralan ang wikang Filipino. Sa larangang kurikular at ko-kurikular mahahasa ang katatasan nila sa wika at paglabas nila sa akademikong institusyon, maipapamalas nila ang natutunan at kasanayang napagyaman sa mga panahong pormal na nalinang ang kanilang kasanayan sa pakikinig, pagbabasa, pagsasalita, at pagsulat gamit ang wikang Filipino.

UGNAYAN NG MGA FUNCTION NG WIKANG FILIPINO Matutunghayan sa ibaba ang pagpapaliwanag sa ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

1. Ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa Ang wikang pambansa ay isang diyalekto o wikang natatanging kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan ng lahi o bansa. Ito ang namamayaning wika na sinasalita ng karamihan ng mga tao sa loob ng teritoryo ng bansa. Itinatalaga ito ng pamahalaan ng isang bansa upang magkaroon ng malinaw at tiyak na wikang gamit sa political at legal na diskurso.

FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 2

Sa Pilipinas , ang wikang pambansa ay Filipino. Kahit kaniya-kaniya tayong katutubong wika, ang wikang Filipino ang nagsisilbing pangunahing wika. Nakabubuo ito ng barayti bunga ng impluwensiya ng ating kaniyakanyang unang wika. Kung kaya’t ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wika, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag, Ang wikang Filipino ay sumasailalim sa ebolusyong hindi lamang limitado sa gramatika at palaugnayan kundi maging sa mga pahiwatig at pakahulugan. Ito ay patuloy na nilalahukan ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang panrehiyon at pandaigdigan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa pagpapaliwanang ng panitikan o sa Araling Panlipunan, bagkus maging inhinyeriya at medisina, agham at teknolohiya, batas at matematika, at iba pang larang. Maliban sa posisyon ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, ito rin ay ginawang wikang opisyal kasama ang Ingles. Ang dalawang mahalagang wikang ito ay opisyal na nakasaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas (Art XIV, Sek. 6).

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon ( Art. XIV, Sek. 6). Ang

paghahain

ng

panukalang

pangwika

ay

hindi

naging

makabuluhan sa bansa hanggang sa naisabatas noong 1936 ang wikang FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 3

pambansa sa ilalim ng gobyernong Komonwelt. Sa panahon ng pagsasaayos sa nasabing batas noong 1935, napagkasunduan ng mga eksperto at mamayang Pilipino na ang wikang pambansa ay pagyayamanin mula sa isang wika sa Pilipinas. Hangga’t hindi pa ito naisasabatas noong mga panahong iyon, ang Ingles at Kastila ay patuloy pa ring ginagamit bilang wikang opisyal. Sa pagkakasabatas ng Wikang Pambansa noong 1936, inatasan ang Surian ng Wikang Pambansa na pumili ng isang katutubong wika na gagamiting batayan sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas, kaya Tagalog ang napagpasyahang batayan sa pagpili ng Wikang Pambansa. Ito ang nagdikta sa mga eksperto ng wika na gumawa at pagyamanin ang balarila ng Tagalog ganuon din ang bilingguwal na diksyunaryo (Ingles at Tagalog) noong 1939 na siyang nagdulot ng isa pang kautusan na simulang ituro ang Tagalog sa mga mag-aaral sa paaralang normal at sa mga ika-apat na baitang sa hayskul noong 1940. Maraming tumutol sa paggamit ng “Balarila” ni Lope K. Santos sapagkat ito ay sadyang tradisyonal at preskriptibo. Subalit ito pa rin ang naging basehan sa pagtuturo ng Pilipino sa lahat ng paaralan sa Pilipinas at hanggang ngayon ang mga panuntunan nito ukol sa wikang Pilipino ay sinusunod pa rin sa pormal na pagsulat. Noong 1946, naging opisyal na wika ang Tagalog at ito ay sinimulang gamiting wikang panturo mula sa unang baitang sa elementarya hanggang sekundarya. Ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay inatasang pagyamanin, pagyabungin, at magsagawa ng pamantayan ukol dito. Samantala ang Konstitusyon ng 1973 ay tumututol sa Tagalog bilang basehan ng wikang Filipino. Inatas sa Batasang Pambansa na magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang pangkalahatang wikang pambansa. Kaya noong 1987, napagkasunduan na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 4

Layunin

ng pagkakaroon

ng

isang

wikang

pambansa

ang

pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Sa malawakang gamit nito sa bansa, maging ang nangungunang wikang Ingles, ay nangangailangan ng sariling pagkakakilanlan at posisyon sa akademya upang lalong mapalawig ang masusing pag-aaral at wastong gamit tungo sa lalong pagpapaunlad at pagpapahalaga sa wikang nagpapamalas ng ating sariling kultura at lahi. Tunghayan ang maiksing kasaysayan ng wikang Filipino sa ibaba upang mas malinaw na maintindihan ang kasaysayan ng wikang pambansa ― kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalmama ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino.

Taon 1935

Isinulat

ang

1935

Kaganapan Konstitusyon na

nagbabanggit

ng

pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang 1936

pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang

1937

batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon

ang

Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 5

1940

“Ama ng Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Binuo ni Lope K. Santos ang

Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y. 1946

Naging opisyal na wika ang Tagalog at ito ay sinimulang gamiting wikang panturo mula sa unang baitang sa elementarya hanggang sekundarya. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay inatasang

1959

pagyamanin,

pagyabungin,

at

magsagawa

ng

pamantayan ukol dito. Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na

1971

tawag sa wikang pambansa. Pinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z. Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j,

1973

k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z. Noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Samantala ang Konstitusyon ng 1973 ay tumututol sa Tagalog bilang basehan ng wikang Filipino. Inatas sa Batasang Pambansa na magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang pangkalahatang wikang

FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 6

1987

pambansa. Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa

2001

umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x,

2006

z. Ang implementasyon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ay pansamantalang ipinatigil at iminungkahing ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ang gamiting sanggunian sa pagtuturo at sa korespondensiya opisyal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran

2009

Blg. 42, s. 2006. Ang Komisyon ng Wikang Filipino ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay. Tinawag itong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

2. Wikang Filipino bilang Wika ng Bayan Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Ang mahalagang gampanin ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng mga unibersidad at kolehiyo FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 7

sa bansa ay marapat malirip at magamit na sanligan sa pag-aaral ng wikang nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan. Nagsisilbi ang mga paaralang ito sa mga komunidad na may iba’t ibang katutubong wika at para mas matugunan ang kanilang programa, ang wikang Filipino ay may malaking tunguhin sa kanilang pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan. Dito ngayon masusumpungan ang ibig sabihin ng linggwa franka sa isang rehiyonal na konteksto. Ang linggwa franka ay tumutukoy sa wikang karaniwang ginagamit ng mga mamamayang may iba’t ibang sinasalitang wika. Filipino ang linggwa franka sa mga lugar na kung saan ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang grupong etniko ay may kani-kanilang unang wikang sinasalita, at sa panahong nagkakatipon-tipon at kailangang magpahayag ng damdamin at kaisipan, ang linggwa franka ay wikang Filipino, ang wikang pambansa ng sambayanang Pilipino. Halimbawa, and dayalek ng Tarlac ay Kapampangan at Iluko samantalang ang Pangasinan naman ang sa Pangasinan. Hindi sila magkakaunawaan kung gagamitin nila ang kanilang sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang wikang Filipino na siyang linggwa franka ng ating bansa, ang komunikasyon ay nagiging posible.

Ito

ang

nagbubuklod

sa

mga

mamamayan

tungo

sa

pagkakaunawaan. Noong Agosto 25, 1988, kung kailan nilagdaan ng dating pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order Bilang 335 na humihikayat sa lahat ng ahensya at departamento ng gobyerno na magsagawa ng mga hakbangin upang gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon at komunikasyon. Ang kautusan ay inilabas ayon sa paniniwalang ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng transaksyon at komunikasyon sa mga ahensiya ng gobyerno ay magdudulot ng mas malawak na pagkakaintindihan at pagpapahalaga sa mga programa, proyekto, at gawain ng gobyerno. Kaya bilang instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran, binigyang-diin ni Espiritu ang mga sumusunod na panuntunan ng lahat ng sangay ng gobyerno: (1) Magsagawa ng mga hakbangin upang mapagyaman ang Filipino bilang FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 8

wika sa opisyal na komunikasyon at transaksyon ng mga kaukulang nasyonal o lokal na opisina; (2) Kung kinakailangan, magtalaga ng isa o higit pang empleyado sa bawat tanggapan na mangangasiwa sa mga komunikasyong nakasulat sa Filipino; (3) Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng mga opisina, gusali, pampublikong edipisyo, mga karatula ng lahat ng tanggapan at ang kanilang sangay at kaparaanan na kung saan ang Ingles na salin ay nakalagay sa ibaba sa mas maliit na pagkakasulat; at (4) Gawing Filipino rin ang panunumpa ng opisina para sa mga opisyal at kawani sa gobyerno. Isinama sa mga programa ang isang pagsasanay ukol sa kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na transaksyon at komunikasyon na lilinang sa pag-unlad ng kasanayan ng mga kawani ng bawat ahensiya.

3. Wikang Filipino bilang Wika ng Pananaliksik Hindi maikakaila sa pagkakakilanlan sa mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo na sila ang mga pangunahing akademikong institusyon na nagbibigay ng edukasyong may kalidad at iniaabot ang oportunidad na ito sa mga nabibilang na komunidad sa buong kapuluan lalo na ang mahihirap at mga kasapi ng lipunang kulang sa prebilehiyong sosyal. Mas nakararami ang mga mag-aaral na nabibilang sa mababang sosyo-ekonomikong bahagdan ng lipunan kaysa sa mga mag-aaral na may mas mapapalad na posisyon sa aspetong ekonomiko.

Kung kaya ang

paggamit sa tinubuang wika o ang unang wika ay sadyang napakahalaga sa kanilang

pakikipagtalastasan

dahil

ang

wikang

Filipino

ay

may

kapangyarihan na magdikta sa pangangailangang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral na kabilang sa iba’t ibang etnikong grupo. Naipamamalas ang kapangyarihan ng wika sa kahandaan sa anumang pagpapaunlad nito nang sa ganoon ay lalo pang magamit ng may katatasan. Ang pagtangkilik sa wika ay nangangahulugan din ng pagkaunawa ng tao sa kapangyarihan nito. Sa iba’t ibang pagkakataon, ang tao ay may kalayaang gumamit sangayon sa sitwasyong pangkomunikasyon at sa mga panahong pumapasok FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 9

ang konsiderasyon sa wika ng taong kausap at sa wikang mas nakapagpapahayag ng damdamin at kaisipan, ang wikang Filipino ang hinahagilap ninuman. Sa aspetong sosyal ng wika, ang pagpapanatili at pagpapaunlad nito ay marapat bigyang pansin. Ang akademikong institusyon ay may mahalagang tungkulin upang ang wika

ay

lalong mapalawig at

maging kapaki-pakinabang sa

sambayanan. Sa pamamgitan ng pananaliksik na nasusulat sa Ffilipino, malaki ang bahagdan ng pagkakaintindihan at pakikipag-ugnayan. Subalit, mapapansin ang kakulangan ng mga pananaliksik o publikasyong nasusulat sa Filipino. Ingles ang wikang kinikilala sa pananaliksik at masusumpungan lamang ang Filipino sa mangilan-ngilang pag-aaral sa mga mag-aaral na nasa erya ng pagpapakadalubhasa sa Filipino, at alternatibong wika naman ito sa mga pananaliksik sa Kasaysayan o history at sikolohiya. Dahil iilan lang din naman ang mga institusyon sa Pilipinas ang nag-aalok ng Filipino bilang isang disiplina sa batsilyer at gradwadong antas, kokonti o halos wala ka nang mahagilap sa mga silid-aklatan na mga pananaliksik na nasusulat sa Filipino. Dahil alternatibong wika lamang din ito sa ibang erya ng pananaliksik, hindi naging malawak at maigting ang pananaliksik gamit ang wikang Filipino. Hindi rin ito naging kaaya-aya sa mga mag-aaral sapagkat kulang ang mga reperensiyang aklat, jornal, tesis, at disertasyon na nasusulat sa wikang Filipino kaya sa tingin nila ay sadyang mahirap makakuha ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na maaring magamit sa kanilang papel. Kung pipilitin man, kailangan nila nang sapat na kaalaman sa pagsasaling-wika upang matugunan ang pangangailangan nila. Gayundin naman sa mga pananaliksik na nakalimbag sa mga propesyonal na jornal ng mga unibersidad at kolehiyong kasangkot sa pagaaral, masuwerte na kapag may isang kontribyutor o mananaliksik na nakapagpalimbag ng artikulo sa wikang Filipino. Hindi kaaya-aya at sadyang mahirap para sa mga guro ang magsulat ng artikulo gamit ang Filipino sapagkat ang ortograpiya, kaugnay na panitikan at pag-aaral na FILDIS – Aganon; Manzano; at Cura

Page 10

nasusulat sa Filipino, at kakulangan sa kasanayang pagsulat sa Filipino ang naging mg...


Similar Free PDFs