Kakasend ulit Pagbasa-at-Pagsusuri PDF

Title Kakasend ulit Pagbasa-at-Pagsusuri
Author Online Class
Course Management
Institution Saint Louis College
Pages 24
File Size 1.2 MB
File Type PDF
Total Downloads 306
Total Views 974

Summary

SHSPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t IbangTeksto Tungo sa PananaliksikIkaapat na Markahan – Modyul 1####### Pagbasa at Pagsususri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik####### Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Batayang Kaalaman sa####### Pananaliksik####### Unang Edisyon, 2020####### Karapatang s...


Description

SHS Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’ Iba’tt Ibang Teksto Tungo sa PPananaliksik ananaliksik Ikaapat n na a Markahan – Modyul 1

Pagbasa at Pagsususri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik Unang Edisyon, 2020 Karapatang sipi © 2020 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Aries G. Madarang, Jomari B. Banut at Rachelle S. Pulanco Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala: ATTY. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph.D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II

Pagbasa at Pagsususri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Sapulin Magandang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Narito na tayo sa huling yugto ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Batid kong ikaw ay nakahanda na sa sumusunod na araling nais mong pag-aralan. Sa Modyul na ito ay ating aalamin ang pananaliksik sa iba’t-bang larangan hindi lamang sa siyensiya at sa larangan ng medisina kundi pati na rin sa larangan ng panlipunan, wika at panitikan, sining at humanidades, edukasyon, ekonomiya politika at marami pang iba. Matutuklasan natin dito ang kahalagan at katuturan ng pananaliksik at maging ang mga katangian ng mabuting pananaliksik, mga disiplina, tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang sumusunod:

matatamo

mo

ang

mga

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik.Week 1 - 2 Handa ka na ba? Kung nakahanda ka na, maaari ka nang magsimula sa mga gawain at aralin.

2

Aralin

Katuturan at Kahalagahan ng Pananaliksik

1.1 Simulan Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Pinoy Henyo! Panuto: Sa pamamagitan ng Cloud Cluster, magbigay ng mga salitang maaring may kaugnayan sa salitang PANANALIKSIK.

3

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, sa kasunod na bahagi ng modyul ay ating matutuklasan ang kahulugan ng pananaliksik at iba pang konseptong kaugnay nito.

Kahulugan ng Pananaliksik Alam mo bang… Ang salitang pananaliksik ay madalas na ginagamit sa pang-araw-araw na buhay ng tao na nangangalap ng iba’t-ibang impormasyon, pag-unawa sa iba’tibang teorya, at pagtuklas ng mga bagong kaalaman patungo sa isang bagong produkto o awtput. Sa pag-aaral ng pananaliksik, maraming dalubhasa ang nagbigay ng kanikanilang kahulugan sa pagsulat ng pananaliksik. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod. 













Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito. Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko. Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik. E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga sagot ng mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o datos sa isang kontroladong kalagayan para mahulaan at makapaliwanag. Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanila, ito naman ay isang sistematiko at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpapaliwanag, at pagbibigay ng kahulugan ng isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ay ang palawakin sa mga limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao. Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obserbasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari

Iba-iba man ang mga binigay na kahulugan ng mga dalubhasa, mapapansin na hindi ito nagkakalayo sa bawat isa. Madalas na mabanggit sa mga katuturan ang mga salitang sistematiko, kontrolado sa kasagutan na tutugon sa isang katanungan, samakatuwid ang kahulugan ng pananaliksik ay isang masistematiko at maprosesong paghahanap ng mga impormasiyon na sasagot o lulutas sa isang suliranin. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil na rin sa walang tigil na pagbasa, pagsusuri, paglalahad o paglalapat ng interpretasyon. Lumalawak ang karanasan ng isang mananaliksik sa pagkalap ng mga mahahalagang datos, 4

paggalugad sa mga kaugnay pa nito. Nalilinang ang tiwala sa sarili at tumataas ang respeto nito sa kaniyang sarili. Maraming bumabagabag na mga katanungang maari lamang makuha ang sagot kung patuloy tayong kumuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng isang masusing pananaliksik. Ano-ano nga ba ang kahalagan nito para sa atin. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay naisasagawa ang pagkakategorya, paglalarawan at pagpapaliwanag, prediksyon, pagmamanipula ng isang sitwasyon sa kahit na anomang larangan ng pag-aaral. A. Pagkakategorya (Categorization) Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong upang maihanay ang mga bagay sa kapaligiran sa pamamagitan nito ay maihahanay ang mga bagay na magkakauri at ang mga bagay na hindi. Halimbawa: “Ano-anong bansa ang kabilang sa tinatawag na ASEAN” o di kaya naman ay “Aling bansa ang hindi kabilang sa ASEAN?” B. Prediksiyon Ang prediksyon sa pananaliksik ay tinatawag na HYPOTHESIS. Ito ay mga pahayag na mayroon pang kalabuan ngunit mabibigyang linaw sa pamamagitan ng isang masistematikong pag-aaral. Ito ay napakahalagang gamitin sapagkat nagagamit din ito upang higit na maging madali ang pagtukoy sa mga bagay na posibleng mangyari sa hinaharap. C. Pagmamanipula (Control) Ang tao ay walang kakayahang manipulahin ang kaganapan sa kanyang paligid kagaya ng magiging reaksiyon ng isang tao tungkol sa isang bagay, ang pagbabago ng panahon ang pagkakaroon ng sigalot at marami pang iba. Gayunpaman, kung mauunawaan ng tao ang mga bagay na may kaugnayan sa isang pangyayari, maaari ng paghandaan, iwasan o di kaya nama’y lutasin sa pamamagitan ng pananaliksik. D. Pagpapaliwanag (Explaining) Maraming bagay ang hindi lubusang nauunawaan ng tao sa mundo. Sa tulong ng mananaliksik, naipaliliwanag ng mas malinaw, makatotohanan, at may batayan ang isang pangyayari.

Samakatuwid ang kahalagahan ng pananaliksik ay nakatutulong sa: Sa sarili at pamilya Sa paaralan Sa lipunan Sa daigdig

Gawain 2: Pag-unawa sa Tinalakay Gawain 3: Ipaliwanag Mo! Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong sagutang papel. 1. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa ating lipunan? 2. Ipaliwanag kung bakit nasabing isang proseso ang komunikasyon? 3. Bakit nasabing ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko? Magbigay ng patunay nitong maiuugnay sa tunay na buhay. 4. Bakit kaya hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon? 5. Bakit nasabing komplikado ang komunikasyon?

Gawain 4: Karanasan Ko, Iugnay Ko! Panuto: Punan ng mga karanasang maiuugnay sa mga sagabal sa komunikasyon Mga sagabal ng komunikasyon 1. Semantiko 2. Pisikal 3. Pisyolohikal 4. Sikolohikal

Karanasang kaugnay sa mga sagabal ng komunikasyon

Paraan upang maiwasan o maagapan ang mga sagabal sa komunikasyon

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain! Sakali mang may mga konsepto kang hindi maunawaan, maaari mo itong balikang muli. Magpatuloy pa tayo upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman hinggil sa iba’t ibang konseptong pangwika.

Lakbayin Sa bahaging ito nais kong ikaw ay mas lalo pang sanayin ng maigi upang malaman nang husto kung ano nga ba ang iba’t ibang alam mong impormasyon sa ating napag-aralan tungkol sa kahalagahan ng pananaliksik. Nais kong bigyang linaw mo ang gawaing naihanda para sa iyo. Gawain 5: Pagtalakay Panuto: Mula sa tinalakay sa yunit na ito. Pumili ng pinaka- nagustuhan sa apat na kahalagahan ng pananaliksik at ipaliwanag mo ito gamit ang iyong sariling salita sa mga sumusunod:

PAMILYA

SARILI

PAARALAN

LIPUNAN

Galugarin

Gawain 6: Pagdurugtong Panuto: Dugtungan ang mga pahayag batay sa napag-aralan mo tungkol kahulugan at kahalagahan ng pananaliksik. Isulat sa isang buong papel.

Naunawaan mo bang maigi ang aralin? Batid kong oo, ngunit kung hindi, maaari mo ulit itong balikan upang iyo pang mas maunawaan. Kung oo, halika na’t isagawa mo pa ang kasunod na gawain upang mas mapayaman mo pa ang iyong kaalaman.

Palalimin Gawain 7: Sagutin Mo! Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang papel-pananaliksik?

2. Bakit mahalaga ang pananaliksik sa panahon ngayon?

3. Paano magiging maayos ang isusulat na papel-pananaliksik?

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga Gawain. Ipagpatuloy mo pa ito.

Aralin

1.2

Katangian ng Pananaliksik

Simulan Binabati kita mahal na mag-aaral. Napagtagumpayan mo ang mga aralin at gawain sa nakaraang bahagi ng learning material na ito. Ngayon, tayo’y magpapatuloy sa ating aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang gawain.

Gawain 1: Human Organizer Panuto: Sa pamamagitan ng isang Human Organizer na makikita sa ibaba. Ilagay ang mga natatanging katangian na alam mong taglay ng isang magaling na mananaliksik.

Lakbayin Alam mo bang … May anim na katangian ang pananaliksik ayon kina (Calmorin at Calmorin,1995). Ito ang mga sumusunod: 1. Empirikal- ang pangangalap ng datos ay nakasalalay sa praktikal na karanasan ng mananaliksik sapagkat batay ito sa tuwirang obserbasyon o karanasan ng mananaliksik. Halimbawa: Kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kaya’y hindi naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga diempirikal na datos. 2. Lohikal- ang isang mananaliksik ay sumusunod sa metodong siyentipiko, mayroong proseso sa pangangalap ng mga datos upang mapagkatiwalaan ang magiging resulta ng pananaliksik. Pinag-iisipan ang mga pamamaraan at prinsipyong ginagamit sa pananaliksik. 3. Siklikal o umiinog- nagsisimula sa suliranin at nagtatapos din sa panibagong siluranin. Sa pagtugon sa suliranin sa pananaliksik; batay sa konklusyon at rekomendasyon may panibagong suliranin ang nabubuo upang lalo pang mapagtibay ang paksa o isyung sinasaliksik. 4. Mapanuri o analitikal- kailangan ng masusing pagsusuri sa pananaliksik, simula pa lamang sa pangangalap ng mga datos hanggang sa pagsusuri ng mga ito. Ang anomang uri ng pananaliksik ay ginagamitan ng malalim na pagiisip. Sa historical na pananaliksik, nakatuon ang mga datos sa kasaysayan at pinagmulan ng mga isyung may kaugnayan sa isang paksa. Samantala, nakatuon naman sa kasalukuyang sitwasyon ang deskriptibong pananaliksik. Ang eksperimental na pananaliksik naman ay nakatuon sa hinaharap na implikasyon ng isang isyu. Sa kaso ng pag-aaral (case study) mahalaga ang pangangalap ng mga datos mula sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. 5. Nauulit- maaaring ulitin ang pananaliksik sa pareho o iba naming disenyo. Dito mapatutunayan ang validity o katibayan ng mga datos at konklusyon. 6. Kritikal- kinakailangan ang kritikal na pagsusuri sa mga datos at hindi lamang basta tinatanggap ang nakalap na mga impormasyon. Mahalaga ang maging maingat at tiyak sa pananaliksik upang maging mataas ang kumpiyansa sa ginawang pag-aaral.

Binabati kita! Nawa’y naunawaan mo nang mabuti ang mga katangian ng pananaliksik ayon kina Calmorin at Calmorin 1995. Isagawa mo na ang sumusunod na pagsasanay upang mahasa pa ang iyong kasanayan kung paano mo maiaaplay ang mabisang katangian ng pananaliksik.

Galugarin Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa Panuto: Magtala sa bawat kahon ng mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na pananaliksik.

A?

C?

B?

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PANANALIKSIK

D?

Palalimin Gawain 3: Isulat mo!

Panuto: Mula sa pagtalakay sa itaas na Gawain, pumili ng isa sa katangian ng isang mahusay na pananaliksik at ipaliwanag ito gamit ang iyong sariling salita. Gamitin ang iyong sagutang papel.

AralinTatlong Pangunahing Disiplina

sa Pananaliksik

1.3 Simulan Muli kitang binabati dahil malayo na ang iyong narating sa ating pag-aaral. Sa bahaging ito, panibagong aralin pa ang iyong matutunghayan. Mahalaga ito upang mas malinang ang iyong pag-unawa sa mga konseptong pananaliksik. Tatlo ang disiplinang pang-akademiko, sinasakop nito ang mga larangan na siyang punto ng dalubhasa. Nakatala sa ibaba ang mga disiplina kabilang ang mga larangang sumasailalim dito. A. Humanidades (Humanities) Wika (Linguistics o Language) Panitikan (Literature) Pilosopiya (Philosophy) Teolohiya(Theology) Mga Pinong Sining (Fine Arts) Arkitektura (Architecture) Teatro (Theatre) Sining (Arts Literacy, Visual) Musika (Music) B. Agham Panlipunan (Social Sciences) Sosya Oryentasiyon (Social Orientation) Sosyolohiya (Sociology) Sikolohiya (Psychology)

Paglilingkod Panlipunan (Social Work) Negosyo/Pangangalakal (Business and Trade) Ekonomiks (Economics) Arkeolohiya (Archeology) Antropolohiya (Antropology) Edukasyon (Education) Abogasya (Law) Kasaysayan (History) Agham Pulitika (Political Science C. Agham Pisikal (Natural Science) Mga likas na Agham Pisika (Physics) Exact Sciences Matematika (Mathematics) Kemistri (Chemistry) Biological Science Biyolohiya (Biology) Panggugubat (Forestry) Agrikultura (Agriculture) Botanika (Botany) Medisina (Medicine) Soolohiya Kahanga-hanga! Mahusay lahat ng iyong mga sagot sa gawain. Magpatuloy ka pa upang mas malalim pa ang iyong pagkatuto.

Lakbayin Alam mo bang ang… tao sa mundo. Layunin nitong gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito. (J. Irwin Miller) ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa kolektibon property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya, at matter.

Galugarin

Gawain 1: Layag-diwa Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong, isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Maaari bang mapagsama ang siyensa at teknolohiya? Ipaliwanag sa pamamagitan ng halimbawa.

2. Maaari bang magkasama ang (a) sining at siyensya; at (b) ang sining at teknolohiya? Ipaliwanag ang mga sagot. Magbigay ng mga halimbawa. a.

b.

3. Saan maaaring magamit ang matematika? Magsagawa ng pananaliksik o kaya’y interbyu sa mga guro at mag-aaral ng matematika.

Palalimin

Gawain 2: Salok-Dunong Panuto: Pumili ng isa sa mga disiplina sa larangan ng siyensya na ginawan ng isang sulatin o nabasang isang sulatin. Isulat ang pamagat nito at punan ang graphic organizer na maglalarawan ng metodong ginamit. Gumamit ng sagutang papel. PAMAGAT: Pahayag ng Problema

Pagkolekta ng Impormasyon

Pagbuo ng Hipotesis

Pagsubok ng Hipotesis

Kongklusyon: Resulta

Kongklusyon: Resulta

Aralin 1.4 Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Simulan Binabati kita mahal kong mag-aaral dahil nakarating ka na sa huling aralin sa modyul na ito. Magtiyaga ka pa sa pag-aaral para mas mapayabong pa ang iyong kaalaman sa iba pang konseptong pangwika. Tara na’t simulan na natin. Gawain 1: Katangian ko, Ibigay Mo! Panuto: Ibigay ang katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik. Gamitin ang salitang RISERTSER sa pagbibigay ng katangian ng isang mananaliksik: RISERTSER-

Humahanga ako sa iyong pagsagot sa gawain! Ngayon atin nang alamin ang mga tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik.

Lakbayin Katangian ng Mananaliksik Mahalagang isaalang-alang mabuti at taglayin ng isang mananaliksik ang katangian bilang gampanin sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dapat taglayin niya ang mga sumusunod na gampanin at responsibilidad. Ayon sa pag- aaral ni (Calmorin 1995) nagbigay siya ng mahahalagang katangian at ito ang mga sumusunod: 1.

2.

3.

4.

Matalino at masiyasat ng mga karunungan- ang mananaliksik ay mahilig mangalap ng impormasyon, magsiyasat ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid, at inaalam ng isang mananaliksik ang kaugnayan ng mga bagay sa isa’tisa at salik ng mga ito. May mahusay na paghuhusga- ang paggamit ng apat na M- Man (mapagkukunang tao ng impormasyon), Money (magagastos na salapi), Materyal (materyales o kagamitan), Machinery (makinarya) ay maiuugnay rito. Ang isang mananaliksiksik ay nagsasagawa ng kanyang pag-aaral sa tamang panahon, lugar ng matatalino, matipid at epektibo. Mapanuri- ang isang mananaliksik ay hindi agad-agad naniniwala sa kanyang mga nababasa, naririnig o namamasid. Mahusay na inaalam niya ang katotohanan ng mga impormasyong kanyang nakalap. Ito’y kanyang sinusuri ng husto upang ang mga datos ay may sapat na katibayan at kayang panindigan ang nabuong papel. Matapat- isinasaalang-alang ng isang mananaliksik ang wastong datos at hindi nangongopya upang maiwasan ang isyu ng plagyarismo. Hindi nandaraya at inilalahad ang katotohanan ng pananaliksik. Plagyarismo (PLAGIARISM) Ang isang mananaliksik ay dapat malaman kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang PLAGYARISMO. Ayon sa The New Lexicon Webster’s Dictionary, binigyan niya ng kahulugan ang salitang plagyarismo- ito ay tumutukoy sa paggamit o pangongopya ng kaisipan, imbenysiyon, sulatin, at iba pa na mula sa ibang tao na hindi binabanggit ang pangalan ng pinagkunan. Mga Dapat Isa-alang-alang upang maiwasan ang Plagyarismo 1. Palaging banggitin ang pinagkukunan ng mga impormasyon. Kung hindi tuwirang sisipiin ang mga tala mula sa sanggunian. Makabubuti na ihawig na lamang sa sariling pananalita ang kaisipan. 2. Lahat ng mga datos na makukuha ay itala sa isang note card upang hindi makalimutan ang sangguniang pinagkunan ng impormasyon. Lagyan din ng panipi (΄΄) ang mga direktang sipi.

3. Itala rin ang mga detalye ukol sa pinagkuhanan ng impormasyon katulad ng may-akda, taon kung kalian ito naisulat, nag-imprenta, pahina at iba pa upang maitala ito sa sanggunian o bibliograpiya. 4. Itala sa listahan ng mga sanggunian ang lahat ng mga datos na nakalap. Maaari ring gumamit ng parentetikal na dokumentasyon () sa pagbanggit ng pinagkukunan ng mga datos. 5. Sundin ang panuntunan ng pagsulat ng mga datos ayon sa estilo ng dokumentasiyon.

Galugarin

Narito ang halimbawa ng isang masinop at maingat na pagtatala. Ang pananaliksik ay “sistematiko, kontrolado, empirikal at kritikal na pagsusuri sa mga haypotetikal na proposisyon ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay sa isang phenomena.” (walliman 2011; mula kay Kerlinger 1970:8) Ayon kay Ko...


Similar Free PDFs