Kamding - dsadda PDF

Title Kamding - dsadda
Author Adamson Rad
Course Financial Accounting And Reporting
Institution Adamson University
Pages 2
File Size 36.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 32
Total Views 143

Summary

dsaddadafddf...


Description

Noong unang panahon may nag ngangalang Agatha na kung saan nakatira sa isang masulasok,maliblib at mausok na kapaligiran. Nakatayo ang kanilang bahay sa isang matayog na bundok na kung saan walang masyadong tao sa Baryo ng San Jose. Hindi mahahalata na may nakatira pala dito. Si Agatha ay may angking ganda na kung sino man ang makaakita sa kaya ay mahuhumaling agad. Si Agatha yung tipong gagawin ang lahat mapasaya at matugunan lang ang pangangailangan ng kaniyang mga magulang. Ang kaniyang Nanay Selda ay isang katulong at ang kaniyang Tatay Ernesto ay isang magsasaka. Sila ang pamilya na walang pakialam sa paligid. Sila yung nakapokus lang sa mga bagay na mas importante.Hindi sila nangengealam ng may buhay. Hindi sila nakikihalubilo sa mga tao. Kaya sila'y pina ngalanang Misteryong Pamilya sa Baryo San Jose. Isang araw lumabas ng bahay si Agatha para bumili ng mga gulay at prutas sa Bayan. Habang siya ay naglalakad lahat ng tao ay napapatingin sa kaniya dahil sa angking ganda nito. Pero may mga taong nanghuhusga dahil baka daw si Agatha ay isang aswang at nang-aakit ng lalake. Binalewala nalang ni Agatha ang mga pinagsasabi ng mga tao at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa bayan. Pumili ng sariwang prutas at gulay si Agatha at ipinatimbang ang ipinamili. Magbabayad sana siya kaso may ibang kamay ang nag abot ng bayad. Nilingon ni Agatha at napatigil siya dahil sa maamong mukha nito. Bigla silang nagkatitigan pero si Agatha na mismo ang pumutol ng tinginan sapagkat nahiya siya sa kaniyang inasal. Nagpakilala bilang Arvin ang lalake habang inaabot niya ang kamay ng dalagita pero bigla nalang tumakbo papauwi sa bahay si Agatha. Tumatatak lagi sa isipan ng dalagita ang pangalan ng lalake. Hindi siya makapokus sa kaniyang ginagawa . Tila ba parang nakuha agad niya ang puso ni Agatha, Parang natamaan siya bigla bigla ng di malaman laman ang dahilan.Kaya simula ng pangyayaring iyon humanap ng paraan ang dalagita para sila' y muling magkita. Pumunta siya ulit at ayon nag kausap sila ng masin sinan at tila nahulog na ang loob ni Agatha kay Arvin. Araw -araw palagi silang magkasama na para bang di nila kayang maghiwalay. Ilang araw , nagka mabutihan ang dalawa at ipinakilala ni Agatha si Arvin sa kaniyang magulang. Tila napako si Arvin dahil sa nakita niya sa loob ng bahay nila Agatha . Namumutla , nanginginig at pinagpapawisang lumabas ang binata sa bahay ng dalagita. Nagtaka ang magulang ni Agatha sapagkat di nila alam kung ano ang nangyari sa binata pero nagkausap naman sila ng masinsinan kahit sa sandaling oras. Dinahilan ni Arvin na masakit lang ang kanyang tiyan kaya siya nag kaganoon pero sa isip niya iba yung nakita at naramdaman niya sa loob ng bahay ni Agatha.Pagkatapos ng pangyayaring iyon, napag desisyunan ni Arvin na ligawan si Agatha. Humingi siya ng basbas sa mga magulang nito para sila'y maging legal . Hindi na nagpaligoy ligoy si Agatha kaya agad siyang nakasagot at ito'y ikinatuwa ng binata. Nag daan ang ilang araw naging matibay ang kanilang pagsasama.Habang papauwi si Agatha, hindi maalis sa kanyang isipan kung saan nagsimula ang lahat, kung bakit ganoon ang nangyari o Sadyag plinano siuro ito ni Arvin dahil may masama itong balak. Nagtatalo ang dalagita sa kaniyang sarili sapagkat kung ano ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Dumaan ang buwan, nagkalabuan na ang relasyon nina Arvin at Agatha. Palagi na silang nag aaway , sinabi lahat ni Arvin ang kaniyang plano. Kaya niya niligawan si Agatha para malamn niya kung ano ang sekretong tinatago nila sa kanilang bahay. Sinabi ni Arvin ang lahat na masasakit na salia. Hindi mipaliwanag ni Agatha ang kanyang nararamdaman sapagkat ngayon niya lang ito naranasan. May mga luhang dumadaloy sa kanyang mukha. Umalis si Arvin ng walang paalam at di na muling bumalik sa

kanyang piling. Dahil sa pangyayaring iyon naging mas malakas si Agatha gumawa siya ng plano para mawala na ng tuluyan si Arvin. Gumawa siy ng isang tubig na kung sino man ang makaka inom nito ay tiyak na mamamatay at magiging abo. Hinanap ni Agatha si Arvin at ayun nakita niya sa isang tindahan na may kasamang babae. Kaya pala nakipag hiwalay siya sa dalagita dahil naka bingwit ang binata ng mas maganda pa dito.Dahil sa nakita ng dalagita di na siya nag sayang ng oras at inilagay ito sa iinumin ng binata. Ayun , napahiga si Arvin ng dahan dahan , hawak hawak ang kanyang leeg na tila humihingi ng tulong at dahan dahang naging abo hanggang sa ito'y nawala na parang bula. Sa wakas ay nakapag higanti na si Agatha sa binata dahil sa ginawa nitong ka traydoran sa dalagita. Pagkatapos ng pangyayaring iyon bumalik sa normal ang buhay ni Agatha at kanyang magulang na tila walang nangyari. Walang nakakaalam na pinatay ng dalagita ang binata .Kaya nilihim nila ito at namuhay ng tahimik. Hanggang sa dumating ang panahon na sumulong lahat ng tao sa kanilang bahay at pinag tatapon ng bato , basura at apoy ang kanilang bahay. Pinatay ang mga magulang ni Agatha dahil sila daw ay mga aswang,mangkukulam,manananggal at isang mamamatay tao. Tinali nila sa punong kahoy si Agatha at pinalibutan ng apoy ang paligid . Tinatapunan siya ng masasakit na salita ng mga tao. Pero ang tanging nasa isip niya ay ang kaniyang magulang. Napapaisip siya kung sino talaga ang puno't dulo ng lahat. Nawala sa pag-iisip si Agatha na may isang lalake ang nagsasalita. Napatigil siya at napatulala , Naguguluhan kung paano at bakit siya nandoon. Alam na alam niya ang boses, boses ng kaniyang mahal na inakala niyang namatay pero hindi. Tumawa ng tumawa ng malakas si Arvin at may sinabi kay Agatha na ito'y ikanagulat niya. Biglang nilabas ni Arvin ang dala niyang baril na kung saan gagamitin niya ito para kay Agatha. Napahagulgol ang dalagita sapagkat hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ni Arviin. Ang huling sinabi ni Agatha bago pinutok ni Arvin ang baril sa ulong dalagita ay mah na mahal niya talaga si Arvin pero pinagtaksilan siya ng binata ng di niya alam. Makalipas ang ilang taon, naging matiwasay na ang lugar ng San Jose , sa ilalim ng puno kung saan nangyari ang pinkapait na pangyayari tunubo ang isang napakagandang bulaklak at binigyang ng simbolo o storya ng mga tao sa bayan na kung tawagin ay Bulaklak na kasing ganda ni Agatha....


Similar Free PDFs