LOKAL NG PAG-AARAL DOCX

Title LOKAL NG PAG-AARAL
Author Gan Mu
Pages 5
File Size 23.5 KB
File Type DOCX
Total Downloads 716
Total Views 799

Summary

LOKAL NG PAG-AARAL Ayon sa akda ni Christa Orcollo, isang miyembro ng NDT, malaki ang epekto ng mahabang pagklase sa pag-aaral lalo na at nakakapagod sa pisikal ang pagkaklase ng wala man lang pahinga o break. Ayon sa kanya, hirap daw ang mga estudyante na makapagpokus sa kanilang pag-aaral sapagkat...


Description

LOKAL NG PAG-AARAL Ayon sa akda ni Christa Orcollo, isang miyembro ng NDT, malaki ang epekto ng mahabang pagklase sa pag-aaral lalo na at nakakapagod sa pisikal ang pagkaklase ng wala man lang pahinga o break. Ayon sa kanya, hirap daw ang mga estudyante na makapagpokus sa kanilang pag-aaral sapagkat iba't iba ang kanilang pinag-aabalahan at nakakaragdag ito sa stress o kaya namam ay tensiyon na kanilang nararamdaman. Ang stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay nararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Ngunit ang stress ay lubhang nakakaapekto sa isang tao sa kaniyang pampisikal at sa pag-iisip. Ito ay maaaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso atbp. Dito mahihinuha na kinakailangan ng mga mag-aaral na magkaroon ng 'break time' upang sila ay makapaghanda at makapagpahinga ng kahit sandal lamang. Nakasaad sa akdang "Ang Buhay Estudyante ng Kolehiyo" ni Jane Bedes, na hindi talaga madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, dahil sa maraming mga pinapagawa ng kaniyang mga propesor at sa sobrang paggigipit niya sa oras. Ang kanyang dagdag panayam 'Lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa-practice ng sayaw sa P.E., dagdag pa natin ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang makapasok sa umaga (Bedes)'....


Similar Free PDFs