Module Sinesos Prelims to Finals PDF

Title Module Sinesos Prelims to Finals
Author Belinda Cabading
Course Information Technology
Institution Baliwag Polytechnic College
Pages 31
File Size 1.6 MB
File Type PDF
Total Downloads 95
Total Views 248

Summary

Baliwag Polytechnic CollegeDalubhasaan Kong MahalUnang Semestre A. 2020 – 2021ModyulSaSINESOS(Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan)Inihanda ni: LUCIANA SURIO QUIJANOBaliwag Polytechnic CollegeDalubhasaan Kong MahalUnang Semestre A. 2020 – 2021GABAY SA PAG-AARALAng Modyul na ito ay isang kagamitang ma...


Description

Baliwag Polytechnic College Dalubhasaan Kong Mahal Unang Semestre A.Y. 2020 – 2021

Modyul Sa

SINESOS (Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan) Inihanda ni: LUCIANA SURIO QUIJANO

Baliwag Polytechnic College Dalubhasaan Kong Mahal Unang Semestre A.Y. 2020 – 2021 GABAY SA PAG-AARAL Ang Modyul na ito ay isang kagamitang mahalaga sa iyong pagkatuto. Ito ay naglalayong ikaw ay mag-aaral sa iyong sarili nang walang aklat at pamamatnubay ng guro. Ang mga gawain at kapamaraanang dapat sundin ay nakasaad dito na isasagawa sa tahanan. Kinakailangang gamitin mo ito nang buong husay at pagtitiyaga. Nakasalalay sa iyong mga kamay ang iyong pagtatagumpay. Sadyang inihanda ito upang hindi ka na lumabas ng tahanan na siyang kinakailangan upang makaiwas sa pagkahawa sa COVID 19, sa panahong ito ng pandemya. Maging matalino at huwag mag-aksaya ng iyong panahon. Ang mga sumusunod ay gabay at panuntunan na inaasahan mong sundin upang lalong mapadali ang iyong pagaaral gamit ang modyul na ito. 1. Gawin sa mga nakatakdang panahon ang pagsasakatuparan ng mga hinati-hating paksang gawain. 2. Sakaling magkaroon ng kalituhan o may mga bagay na hindi maunawaan, muling balik-balikan ang pagbasa sa mga paksang nakasaad o dili naman kaya ay humingi ng tulong sa mga kasamahan sa bahay. 3. Bago magsimula sa mga bagay-bagay na pag-aaralan, nararapat na magpokus sa mga dapat gawin at palaging isipin ang pinakamabuti mong magagawa. Pataasin ang antas at kalidad ng iyong pagkatuto. 4. Pag-isipan mo munang mabuti bago isagawa ang pagsagot. 5. Sagutin ang mga pagsasanay nang may kalinawan at sumusunod sa panuntunan ng pagsagot. 6. Kung magkakaroon ka pa rin ng pag-aalinlangan sa pagsagot, huwag mag-atubiling magbigay ng mensahe sa akin sa messenger o sa ibang kaparaanan na magagawa mo upang ikaw’y aking matulungan. 7. Sakaling nakatapos ka na sa isang yunit batay sa iskedyul na nakalaan ay maaari mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral sa mga susunod pang yunit hanggang makarating na sa pangwakas o pinal na markahan. 8. Dapat mong pakatandaan na ang modyul na ito ay laan para sa iyo, inaasahan na ikaw ang gagamit at sasagot sa mga katanungan. Maaari kang humingi ng tulong sa mga kasamahan sa bahay o sa kaibigan subalit ikaw pa rin ang tanging magsasagawa sa kabuuan. SISTEMA NG PAGMAMARKA Unang Markahang Pagsusulit Iba’t ibang gawain, maiikling pagsusulit Markahang pagsusulit Kodigo ng Kurso SINESOS

60% 40% Pahina 1

Pansamantalang Marka sa Ikalawang Markahan (30% +70% =100%) Kukuha ng 30% sa Unang Markahan at idadagdag ang 70% sa sinumang Ikalawang Markahan Hanggang makarating sa Pangwakas o Pinal na Grado Pangwakas na Marka – 100% Talaan ng Aralin at Iskedyul Petsa

:

Modyul/Aralin___________________________

1 -2 Linggo : Aralin 1 - Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan Agosto 3-14, 2020 : (Mga Teoryang Pampagsusuri) _______________________________________________________ _____________________________ 3 -5 Linggo : Aralin 2- Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikula : * Karakterisasyon/Mga Tauhan Agosto 17-31, 2020 : * Banghay/Plot ng Pelikula : * Sinematograpiya : * Panlipunan, Nilalaman/Social Content ng Pelikula _____________________________________________________________________________________ 6 -7 Linggo : Aralin 3- Iba’t ibang Panahon sa Pelikula Setyembre 1-14, 2020 : * Mga Pelikulang Kinahuhumalingan ng Milenyal : * Mga Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkasarian _____________________________________________________________________________________ 8 – 9 Linggo : Aralin 4- Pagsusuri sa ilang Pelikulang Napanood Setyembre 15-30, 2020 : - Pagbubuo ng Iskrip

Deskripsyon ng Kurso Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasaysayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa. Sa kurso ring ito ay maipakikita ang kaugnayan ng pelikula sa mundong ginagalawan ng tao. Inaasahan na makapaghahatid ng mga adbokasiyang panlipunan na siyang dapat makita sa mga pinanonood ng balana na magiging kapaki-pakinabang sa bawat isa.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 2

Modyul 1 Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

Tungkol saan ang Modyul na ito? Ang modyul na ito ay magtuturo ng mga mahahalagang bagay tungkol sa pelikula. Itatanim sa iyong isipan na ikaw ay nanonood ng sine hindi lamang sa pagnanais mong malibang, kung hindi mauunawaan mong mas mahalagang matuklasan ang mga diwang nakapaloob sa mga palabas. Ilalahad sa modyul na ito ang mga dapat at hindi mo dapat gayahin kung ikaw ay nanonood ng sine. Hindi lahat ng iyong makikita ay may katotohanan. Pauunlarin ang iyong kasanayan sa pagsusuri ng pelikula upang maihanda ka sa hinaharap. Matutuklasan mo ang mga bagay-bagay kung papaano binubuo ang bawat palabas maging ito’y teleserye o buong pelikula. Ang kagamitang ito ang makatutulong sa iyo upang matutuhan ang wastong paraan ng pagsusuri sa mga pelikulang kinahihiligan mo.

Ang Modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na aralin. Ito ay: Aralin 1

Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

Aralin 2

Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikula

Aralin 3

Iba’t ibang Kapanahunan sa Pelikula

Aralin 4

Pagsusuri sa Pelikula

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang: • • • • • •

Maipaliliwanag ang mga piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan. Matutukoy ang mga pelikulang panlipunan sa kontekstong Pilipino Magagamit ang Wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong pagsusuri ng pelikulang panlipunan Makapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan hinggil sa kabuluhan sa lipunan ng mga paksang pelikula. Mapalalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng kultura ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Mapipili ang mga dapat at hindi dapat gayahin sa mga pelikulang pinanonood.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 3

Anu-ano na ang mga alam mo?

Bago mo simulan ang paggamit ng modyul, sagutin mo muna ang mga bagay-bagay na hinihingi. Isaayos mo ang mga ginulong salita na may kaugnayan sa pelikula. Handa ka na ba? 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

ARATIST NGOOSTIH SELERYETE RAMEKA KULALIPE TATERO TRKONAABID SIKPIR SITONEMAGYARAPI REKDIROT

_______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________

Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang pagsasanay? _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

Magaling at kahit papaano ay sandali kang nalibang. Totoong paminsan-minsan ay kailangan nating magkaroon ng ehersisyong pangkaisipan upang sa panahong ito ng pandemya na hindi basta-basta nakalalabas ang mga tao sa bahay ay maiwasan ang labis na pagkalungkot. Ngayon maaari mo nang buklatin ang susunod na pahina upang pag-aralan ang unang aralin.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 4

Aralin 1 Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

*Ang SINESOS ay maaaring gumamit ng dulog na batay sa paksa (thematic) o kaya’y batay sa panahon. Sine-Sosyedad (SINESOS) Mga Teorya sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan • Marxismo • Realismo • Pormalismo • Feminismo Sa kasunod na paliwanag mapapansin mo na ang bawat pagsusuri ay may mga katanungang nakalakip sa bawat teorya. At sa mga katanungang ito ay matutukoy mo na ang tema ng pelikula. Sapagkat ang SINESOS ay magkalakip na SINE (Pelikula) at SOS (Sosyedad/Sosyolohiya) kung kaya’t hindi mapaghihiwalay ang kalagayang panlipunan sa bawat pelikulang napapanood. Marxismo • Anu-anong uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula? • Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula? • Sino ang nang-api at inapi ; nagsamantala at pinagsamantalahan? • Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi ang nagsamantala o pinagsamantalahan? • Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter? • Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter? • Aling uri ang nagtagumpay sa huli? Realismo • Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay? • Matapat ba ito o subersibo sa realidad? • Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad? • Dulog 1: realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari (parang totoo, pwedeng totoo) • Dulog 2: realismo = totoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera (realistiko, makatotohanan ang pagsalamin o paglalarawan sa realidad)

Kodigo ng Kurso

Pahina 5

Formalismo • Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula? • Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin) ang liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng pelikula? • Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga nabanggit na elemento? Feminismo • Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng babaeng karakter? • Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan? • Paaano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng karakter? • Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal? • Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal? • Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula? Pagbubuod:

Si Karl Heinrich Marx ay Prussian-Aleman na pilosopo, ekonomista, sosyologo, historyan, hornalista, at rebolusyonaryong sosyalista. Ang kanyang mga ideya ay gumampan ng isang malaking papel sa pagkakatatag ng mga agham panlipunan at pagkakabuo ng kilusang sosyalista. Wikipedia (Sa kanya isinunod ang teoryang Marxism o sa ating salin ay Markismo)

Marxismo – ang tema ng pelikula ay ang paglalaban ng malakas at mahina; mayaman at mahirap na kadalasang nauuwi sa pagkagapi ng walang kakayahang lumaban.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 6

Realismo – Damang-dama dito ang pagpapakita ng mga tunay na kaganapan. Bagama’t nakaririmarim at hindi katanggap-tanggap ay kailangan pa ring ipakita sapagkat tunay na nangyayari. At sa mga taong manonood katulad mo ng ganitong uri ng pelikula ay dapat matutuhang maiwasan ang mga ganitong kaganapan.

Formalismo – Tinatawag ding pag-aanyo o ang bagay na hinahanap ay kung papaano inihalayhay ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa pelikula. Katulad din ito ng pagsasagawa/paghahanda ng isang bagay na ipinakikita kung papaano sinimulan hanggang sa matapos. Halimbawa: Pagluluto ng isang espesyal na kakanin, pagsusulat ng akda at iba pa. Samakatwid , malinaw na proseso ang binibigyang diin.

Feminismo – Ipinakikita naman dito ang kakayahan ng isang babaeng makapagpasunod sa mga tao dahilan sa kanyang adbokasiya. Hinahangaan siya sa mga magaganda niyang nagagawa. Nadarama sa kanyang puso ang kadakilaan ng kanyang layunin.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 7

Bilang karagdagan may iba pang teoryang magagamit sa pagsusuring pampelikula. Ito ay:

• Sa pelikula ipinakikita dito ang interaksyon ng mga gumaganap sa lipunang kanilang ginagalawan, mga organisasyon o samahan, gobyerno, paaralan at mga katulad nito. • May kaugnayan din ito sa Historikal na pananaw sapagkat umiinog ang paglalahad sa mga kasaysayang naganap sa daigdig.



Ang ipinakikita naman dito ay ang maaaring magawa ng tao upang ipagpatuloy ang kanyang pagkabuhay gayundin ng kanyang mga mahal sa buhay kung kinakailangan. Nakagagawa ng masama katulad ng pagnanakaw kahit sa wakas ay alam niyang mananagot siya sa batas.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 8

Sa teoryang ito, ang palaging tinatanaw ay ang kabutihan ng tao. Kung minsan makikita ang kanyang ginagawa ay hindi katanggap-tanggap subalit kinikilala pa ring siya’y may kabutihan sa puso sapagkat ang lumikha ay mabuti-Diyos. • Maiuugnay pa rin ito sa moralistiko sapagkat inaasahan sa tao ang pagpapanatili ng ugaling maganda at umaalinsunod sa batas ng Diyos gayndin ng batas ng tao.



• Sa unang dinig ay masasabing lumulutang ang kasaysayan sa pag-ibig subalit ang mga pangyayari ay nakapokus sa mga di kapani-paniwalang pangyayari katulad ng sa “Ibong Adarna” ni Balagtas. Nang maihian ng ibon si Don Juan ay naging bato. Ang patuloy na pagpigil ni Bernardo Carpio sa nag-uumpugang bato upang hindi makapinsala sa tao. Ang kasaysayan ni Lam-Ang, epiko ng Iloko na nang maligo sa ilog ay nangamatay ang mga isda Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 9

Subukan mo ito A. Ibigay mo ang buod ng iyong pagkaunawa sa bawat isa. 1. Marxismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Realismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Formalismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Feminismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ B. Upang lubusang masukat ang iyong pagkatuto ay kilalanin ang mga sumusunod kung saang teorya kabilang ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang sa kaliwa. Marxismo

Realismo

Formalismo

Feminismo.

_______________ 1. “Mga hamak lang kayong manggagawa sa aking lupain, wala kayong karapatang magreklamo.” Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 10

_______________ 2. “Mga kabaranggay hinihingi ko ang inyong pakikiisa sa ating proyekto, ang magiliw na pakiusap ni Gng. Iluminada Delos Santos.” _______________ 3. “Kailangang magsimula tayo sa ibaba bago makarating sa ating tagumpay.” _______________ 4. Natagpuan si Jang Lucero na tadtad ng saksak sa kanyang minamanehong sasakyan at hanggang sa kasalukuyan ay hinahanap pa ang mga criminal. _______________ 5. “Diyos ko bakit pati matanda ay pinagsamantalahan ng mga bangag sa Droga?” _______________ 6. “Mga BTechenyos, manood tayo sa Idol sa Kusina ni Chef Boy Logro sapagkat ituturo niya ang paghahanda ng masarap at malutong na sizzling Pusit.” _______________ 7. “ Magsitigil kayo sa karereklamo at wala kayong mapapala, kung hindi ay palalayasin ko kayo sa aking pabrika.” _______________ 8. “Anak ang pangaral ng magulang ay makatutulong sa paghubog ng iyong pagkatao, sabay yakap sa pinakamamahal na anak ng nanay.” _______________ 9. Sinadyang sunugin ang bahay upang huwag matuklasan ang krimeng ginawa ni David. _______________10. “Parang awa na po ninyo, kailangan kong muling bumale ng kahit kaunti, may sakit ang aking anak at kailangan kong ipagamot.” C. Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang. _____ 1. “Yehey ang sarap sumakay sa lumilipad na ibon, habulin mo ako.” A. Romantesismo B. Sosyolohikal C. Eksistensyalismo D.Humanistiko _____ 2. “Patawarin po ninyo ako hindi ko itinatanggi na nagnakaw ako, wala na po talaga akong magawa may sakit ang nanay ko at walang pambili ng gamut.” A. Romantesismo B. Sosyolohikal C. Eksistensyalismo D.Humanistiko _____ 3. “ Kung babalikan natin ang lumipas sa panahon ng Batas Militar ng dating Pangulong Marcos, waring doon umusbong ang Green Revolution.” A. Romantesismo B. Sosyolohikal C. Eksistensyalismo D.Humanistiko _____ 4. “Hindi siya dating ganyan. Alam kong may pinagdadaanan lamang siya kaya’t bigyan pa natin ng pagkakataong magbago.” A. Romantesismo B. Sosyolohikal C. Eksistensyalismo D.Humanistiko _____5. Nakarating siya sa kweba ng kababalaghan nang hindi niya maalala ang nagyari. Nagising na lamang na napaliligiran ng mga higanteng langgam at sa pangangalaga ng magandang diwata. Kung nasagot mo ang mga katanungan nang wasto, magaling. Kung hindi naman makabubuting pagbalik-aralan mong muli ang Aralin 1 bago ka magpatuloy sa susunod na aralin.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 11

Aralin 2 Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikula

Sequence Iskrip - Ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa isang kwento sa pelikula. •

Nakatakda ang pagpasok at pagdadayalogo ng mga tauhan sa tanghalang ginaganapan ng mga artista.

Sinematograpiya - Ang pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa isang manonood ang tunay na pangayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. •

Nakapagpapalutang ng ganda ng isang tanghalan ang marangyang ilaw kung ang ginagalawan ng mga artista ay waring sa mundo ng mayayaman at malamlam na ilaw na nagpapahiwatig ng kahirapan.

Tunog at musika - Ang pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapsidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo. •

Nagdaragdag ng emosyon sa pag-ibig kung may mga awiting tinatawag na Love Songs o matinding pagkatakot sa mga dagundong ng kalabog na naririnig natin sa panonood. Naranasan mo na bang sobra kang natatakot sa iyong pinanonood? Nararanasan ko rin kung kaya’t upang makaiwas sa sobrang kaba ay hinihinaan ko ang tunog at musika sa gayon ay nagkakaroon ako ng kapanatagan.

Pananaliksik o research - Isang napakahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. •

Upang lalo pang maging mabisa ang panonood ng isang pelikula ay kailangang suriing mabuti ang kabisaan sa mga diwang nais ipaabot ng may akda ng kwento gayon din ng mga adhikain o adbokasiyang nais iparating sa sambayanan.

Kodigo ng Kurso-SINESOS

Pahina 12

Disenyong pamproduksyon - Ang nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento. •

May sadyang angkop na kasuotan ang mga artistang gumaganap. Kung Maharlika ang nais ipakita maaring nababalot ng mga alahas at kumikinang na damit samantalang kung mahirap maaring gula-gulanit, maging ang kapaligiran ay naglalarawan ng karukhaan.

Pagdidirihe - Mga pamamaraan at diskarte kung paano patatakbuhin ang kwento sa telebisyon o Pelikula.



Nasa maayos na pagpapasunod ng direktor ang mga galaw at pagsasalita ng bawat artista. Binibigyang diin ang lakas at hina ng pagsasalita ng mga gumaganap. Kung minsan ang mga pag-irap, pananakit sa pamamagitan ng sampalan, sabunutan ng mga artistang kumikilos pati na marahil ang paghinga ay mabusisi niyang ginagabayan

Pag eedit - Ito ay pagputol at padugtong-dugtong muli ng mga eksenang nakunan na. •

• •

Bakit kailangang putulin ang mga eksenang natapos na? Sapagkat may mga pangyayaring nasosobrahan at tila nagdudulot ng pagk...


Similar Free PDFs