Panalangin-para-sa-Kaluluwa A4 PDF

Title Panalangin-para-sa-Kaluluwa A4
Course AC Machinery
Institution Lyceum of the Philippines University
Pages 10
File Size 428.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 71
Total Views 137

Summary

Death penalty is a kind of capital punishment which refers to the sentence of death over a person who has been decided by the government as guilty of committing capital crimes or offences.Death penalty is a kind of capital punishment which refers to the sentence of death over a person who has been d...


Description

Panalangin para sa Kaluluwa

1|Pa nalangin Para sa Kaluluwa

Namumuno: Ave Maria Purisima Tugon: Sin Pecado Concebida Lahat: Sa Ngalan ng (+) Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. PAGSISISI Lahat: Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang kasalanan ko. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo, nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus alang-alang sa akin. Amen. Namumuno: Buksan Mo, Panginoon namin, ang mga labi namin, palusugin ang aming mga loob at pakalinisin sa mga walang kapakanang mahahalay at linsong akala; papagningasin Mo ang aming puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang Kamahalmahalan Mong pinagdaanang hirap at kamatayan, sampu ng kapaitpaitang dinalita ng Iyong marangal na ina, at ng maging dapat kaming dinggin sa harapan ng Iyong di-matingkalang kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari, magpasawalanghanggan. Tugon: Amen. ANG SAMPUNG PANALANGIN Namumuno: Lubhang maawing Hesus ko, lingapin Mo ng matang maamo ang mga kaluluwa ng mga bininyagang nangamatay, lalo na ang kaluluwa ng namatay naming kapatid na si __________________. Na dahil sa kanila ay nagpakasakit ka at namatay sa krus. Tugon: Amen. 1.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng manalangin Ka sa Halamanan. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni

2|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

__________.

2.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng Iyong kagalang-galang na mukha. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

3.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

4.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa nagsitimo sa kasantu-santuhan Mong ulo.

koronang

tinik

na

Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________. 5.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa paglakad Mo sa lansangan ng kapaitan ng krus ay Iyong kababaw-babaw. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

6.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong mukha na naliligo sa dugo ay Iyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

7.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa damit Mong natitigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa Iyong katawan niyong mga tampalasan. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

8.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa kasantu-santuhan Mong katawan na napako sa krus. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

3|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

9.

Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa Iyong mga kasantusantuhan mong paa at kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________.

10. Namumuno: Hesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat ay binukalan ng dugo at tubig. Tugon: Kaawaan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ____________. Namumuno: Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan. Tugon: At walang katapusang liwanag ang tumanglaw sa kanya. Namumuno: Mamahinga nawa siya sa kapayaan. Tugon: Amen. (dadasalin ANG SAMPUNG PANALANGIN ng tatlong beses)

Namumuno: Isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Requiem Aeternam, patungkol sa kalahat-lahatang kaluluwa sa purgatoryo, lalo’t higit sa kaluluwa ni __________________. REQUIEM AETERNAM Namumuno: Requiem æternam dona eis, Domine Tugon: Et lux perpetua luceat eis Namumuno: Requiescant in pace. Tugon: Amen. PANALANGIN

4|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

Lahat: Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan, ay inibig mong Ikaw ay ipanganak; tumulo ang Iyong mahalang dugo sa pagsusugat; alipustahin ng mga Hudyo; mapasa kamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni Hudas; gapusin ng lubid; dalhin sa pagpaparipahan sa Iyo, tulad sa Korderong walang-sala; iniharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at Herodes; nilurhan at pinaratangan, na pinatotohanan ng mga saksing sinungalin; tampalin; maging alimura; matadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina; putungan ng koronang tinik; natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura; sa pagpapalibhasa sa Iyo ay nalagay Ka sa isang pagkahubong kahiyahiya; napako sa krus at natindig sa kanya; napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila; painumin ng apdong nilahukan ng suka; at, ang Iyong tagiliran ay sulain ng isang sibat. Hanguin Mo na Panginoon ko, alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para sa dalitaan Mo, ang mga kaluluwa sa purgatoryo, sa pagdurusa nila, iakyat Mo silang matiwasay sa Iyong kaluwalhatian; iligtas Mo kami alang-alang sa mga karapatan ng Iyong kasantu-santuhang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus, sa mga hirap sa impiyerno, ng kami ay maging dapat na pumasok sa payapang kaharian, na iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakasama sa iyong naripa sa krus; nabubuhay Ka at naghahari, kasama ng Diyos Ama at ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.

LITANIYA PARA SA KALULUWA Namumuno: Panginoon, maawa Ka sa kanya. Tugon: Kristo, maawa Ka sa kanya. Namumuno: Panginoon, kahabagan Mo siya. Tugon: Kristo, kahabagan Mo siya. Namumuno: Panginoon, pakapakinggan Mo siya. Tugon: Kristo, pakapakinggan Mo siya. Namumuno: Diyos Ama sa langit. Tugon: Maawa Ka sa kanya. 5|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

Namumuno: Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan. Tugon: Maawa Ka sa kanya. Namumuno: Diyos Espiritu Santo. Tugon: Maawa Ka sa kanya.

Namumuno: Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos. Tugon: Maawa Ka sa kanya. (tugon sa bawat paghibik: Ipanalangin mo siya) Santa Maria, Santang Ina ng Diyos, Santang Birhen ng mga Birhen, Ina ni Kristo, Ina ng Simbahan, Ina ng awa Ina ng grasya ng Diyos, Ina ng pag-asa, Inang kasakdal-sakdalan, Inang walang malay sa kahalayan, Inang di malapitan ng masama, Inang kalinis-linisan Inang kaibig-ibig, Inang kataka-taka, Ina ng magandang kahatulan, Ina ng mapag-adya, Birheng dapat igalang, Birheng dapat ipagbantog, Birheng makapangyayari, Birheng maawain, Birheng matibay na loob sa magaling, Salamin ng katwiran, Luklukan ng karunungan, Mula ng tuwa namin, Sisidlan ng kabanalan, 6|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

Sisidlang bunyi at bantog, Sisidlang bukod na mahal na makusaing sumunod sa Panginoong Diyos, Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, Tore ni David, Toreng Garing, Bahay na Ginto, Kaban ng Tipan, Pinto ng Langit, Talang maliwanag, Mapagpagaling sa mga taong makasalanan, Aliw ng mga nangingibang-bayan, Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, Reyna ng mga Anghel, Reyna ng mga Patriarkas, Reyna ng mga Propetas, Reyna ng mga Apostoles, Reyna ng mga Martires, Reyna ng mga Confessores, Reyna ng mga Birhenes, Reyna ng lahat ng mga Santo, Reyna ng Kasantu-santusang Rosaryo, Reynang tigib ng lumbay, Reynang iniakyat sa langit, Reyna ng kapayapaan, Namumuno: Kordero ng Diyos, na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan. Tugon: Patawarin Mo siya, Panginoon namin. Namumuno: Kordero ng Diyos, na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan. Tugon: Pakapakinggan Mo siya, Panginoon namin. Namumuno: Kordero ng Diyos, na nakakawala ng mga kasalanan ng santinakpang langit. Tugon: Kaawan Mo siya, Panginoon.

7|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

Namumuno: Sa ilalim ng Iyong pagkakandili, O santang Ina ng Diyos, kami ay lumililong, huwag mong talikdan ang aming pag-aamoamo, kung dinatnan ng kasalanan, bagkus Iyong iadya kami sa dilang panganib Birheng Mahal at maluwalhati.

ABA PO Lahat: Aba po, Santa Mariang Harì, Iná ng Awà, ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba, pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw ng taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbúbuntuhang-hiningá namin ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay! Abá pintakasi ka namin, ilingón mo sa amin ang mga matá mong maawaín, at saká kung matapos yaríng pagpanaw sa amin, ipakità mo sa amin ang iyóng Anak na si Hesús. Santa María, Iná ng Diyos, maawaín at maalám at matamís na Birhen. Namumuno: Ipanalangin mo kami, Oh Santang Ina ng Diyos. Tugon: Nang kami’y maging dapat na makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon. PAGTATAGUBILIN Namumuno: Panginoon namin, dinggin Mong nalulugod ang aming pagaamo-amo at dumating nawa sa Iyong tainga ang aming pagtangis. Ipinagtatagubilin naming sa Iyo, Panginoon namin, ang mga kaluluwa sa purgatoryo at ang kaluluwa ng aming kapatid na si __________________ sapagkat pumanaw na siya sa mundo. Mangyaring Iyong ipatawad sa kanya, alang-alang sa walang katapusan Mong awa, ang mga kasalanang nagawa, at laging mabuhay sa Iyo, magpasawalang-hanggan.

8|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

Tugon: Amen. Namumuno: Panginoon kong Diyos, yamang inilagak Mo sa amin ang mga bakas ng Iyong Mahal na Pasyon, sa mahal na kumot na ibinalot sa iyong kabanal-banalang katawan ng ibaba ka ni Jose sa krus. Ipagkaloob Mo po sa amin, mahabaging Panginoon alangalang sa iyong kamatayan at paglilibing, na sila ay dalhin doon sa kaluwalhatian ng pagkabuhay na mag-uli na kinabubuhayan Mo at pinaghaharian sa kasamahan ng Diyos Ama at pakikipagkaisa ng Diyos Espiritu Santo, magparating man at magpasawalanghanggan. Tugon: Amen. Namumuno: Huwag mo siyang ipahintulot, Panginoon ko. Pakaingatan Mo siya sa masama. Sa pinto ng impiyerno, iilag mo ang kanyang kaluluwa. Mapanatag nawa siya sa kapayapaan. Tugon: Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN Lahat: O Diyos ko, na sa kaginhawahan ng tao, hinihingi namin na kaawaan Mo na ang kaluluwa ng alipin mong si __________________, ang aming mga magulang, kapatid, kamaganak at kaibigan na namatay na dito sa katipunan nitong mapagampong Ama at sa tulong ng parating Birheng Maria, patawarin ang lahat ng kasalanan, ayon sa indulhensiyang kanilang ninanasa, pakundangan sa Iyong awa, at magsasamang parati doon sa kahariang walang-hanggan. Amen. Namumuno: Pagkalooban Mo siya Panginoon ng kapayapaang walang hanggan. Tugon: At walang katapusang liwanag ang tumanglaw sa kanya. Namumuno: Mamahinga nawa siya sa kapayaan. Tugon: Amen. Lahat: O Hesus na kasantu-santuhan at kamahal-mahalan, sa pagkamatay mo po sa Mahal na Santa Krus, kaawan at patawarin ang kaluluwa ng aming kapatid na si __________________. 9|Pa nala ngin Para sa Kaluluwa

(dadasalin ng tatlong beses) Lahat: Birhen itong aming hain, di man dapat tanggapin ang kaluluwa’t katawan namin, kaawaan mo’y ampunin sa kamatayang darating at ipag-amo-amo mo rin ay Hesus na Poon namin upang kami rin ay lingunin at kami’y patawarin sa salang nagawa namin. Amen. Namumuno: Alang-alang sa maralitang pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo at sa pitong sakit ni Santa Maria, siya nawang ikaginhawa at ikaluwalhati ng lahat ng mga kaluluwang nagpapakasakit sa purgatoryo. Tugon: Amen. BENDITO Lahat: Purihin at ipagdangal ang kasantu-santuhang sakramento sa altar at ang kalinis-linisang paglilihi kay Santa Maria, Ina ng Diyos at ating Panginoon, na di nagmana ng kasalanang orihinal sa mula’t mula, kailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.

Namumuno: Ave Maria Purisima Tugon: Sin Pecado Concebida Lahat: Sa Ngalan ng (+) Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

10 | P a n a l a n g i n P a r a s a K a l u l u w a...


Similar Free PDFs