Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto PDF

Title Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto Panukalang-proyekto
Author Jelyn Del Rosario
Course Educational Technology
Institution De La Salle University
Pages 4
File Size 134.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 202
Total Views 581

Summary

PANUKALA SA PAGGAWA NG HEALTH CARE CENTERPARA SA BARANGAY TABONMula kay John Sebastian MangilinEasyGone Skincare CompanyTuscany, GF Unit RGM Bldg 5, McKinley Hill Exit,Taguig, Metro ManilaEasygoneskincare@hotmailIka-23 ng Abril 2021Haba ng Panahong Gugulin:I. Pagpapahayag Ng SuliraninIsa ang Baranga...


Description

PANUKALA SA PAGGAWA NG HEALTH CARE CENTER PARA SA BARANGAY TABON

Mula kay John Sebastian Mangilin EasyGone Skincare Company Tuscany, GF Unit RGM Bldg 5, McKinley Hill Exit, Taguig, Metro Manila [email protected] Ika-23 ng Abril 2021 Haba ng Panahong Gugulin: I. Pagpapahayag Ng Suliranin Isa ang Barangay Tabon sa may pinakamalawak na sakop. Ito ay matatagpuan sa bayan ng San Isidro. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinahaharap ng barangay (Tabon) sa kasalukuyan ay ang kakulangan sa mga Health Center kung saan sila ay maaaring magpapacheck-up. Nararanasan din ng mga mamamayan ang pagkabahala sapagkat hindi nila alam kung saan maaaring magpatingin lalong-lalo na’t limitado ang ilang mga klinika at ospital dahil sa pandemya. Nahihirapan na rin ang mga mamamayan sa paghanap ng ibang mapaggagamutan sapagkat may ibang mga klinika na hindi sapat ang mga kagamitan para sa panggagamot na kanilang kinakailangan. Dagdag pa rito ang gastos sa pamasahe dahil sa layo ng lokasyon ng mga Health Center na kanilang pinupuntahan. Dahil dito, nangangailangan na makapagpatayo at makagawa ng Health Center sa Barangay (Tabon). Kung ito ay maipatatayo, tiyak na mas madali para sa mga mamamayan ang pagpapagamot at pagpapatingin sa Health Center ng hindi na kailngan pang dumayo sa ibang lugar at nang hindi na rin dagdag gastos sa pamasahe. Higit sa lahat, sa pagpapatayo nito sa lalong madaling panahon ay mas matitiyak ang magandang kalusugan at pangangatawan ng mga mamamayan ng barangay (Tabon) lalo na sa kasalukuyang pandemya. Sa pagppapatayo rin ng klinika ay hindi na mahihirapan ang mga mamamayan na pumunta pa sa iba kung may bigla silang hindi magandang karamdaman.

II. Layunin Makapagpagawa ng health center sa mga susunod na buwan na makatutulong upang makapagbigay ng mas malapit at abot-kayang serbisyong pangmedikal sa mga mamamamayan, lalo na ang mga walang kakayahang magpatingin at magpakonsulta sa mga malalayo o sa mamahaling ospital, upang matiyak ang kanilang kalusugan mula sa mga sintomas ng kahit anumang sakit at maging ang kanilang kapakanan at kaligtasan mula sa mga hindi inaasahang sakuna na maaaring makapagdulot ng peligro at banta sa kanilang kalusugan. III. Plano na Dapat Gawin 1. Pagpapasa, paghahanda, at paglalabas ng budyet. - (1 linggo) - Gagawin din sa linggong ito ang pag-aapruba ng proyekto 2. Pagsasagawa ng bidding sa mga kontraktor at magongontrata sa pagpapagawa ng Health Center. - (2 linngo) -Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng Health Center kasama ang gagamiting plano para rito. 3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa at magpapatayo ng Health Center. - (2 araw) Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa kabatiran ng nakararami. 4. Pagsasagawa at pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng barangay ____ -(4 na buwan) 5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center na ipinatayo. - (1 araw)

IV. Panukalang Badyet Para Sa Barangay San Isidro Health Center

Mga Gastusin

Pagpapatayo ng Health Center

Base sa subastang isinumite ng JC Rodriguez Construction Corporation (Para sa 1palapag, 2 silid, konkretong gusali na may mga pangunahing

Halaga ₱2,250,000.00

bahaging panggusali. (kasama na rito ang lahat ng materyales at suweldo ng mga trabahador.) Suweldo ng mga kawani ₱5,000.00/buwan sa loob ng dalawang taon (para sa tatlong kawani) ₱360,000.00 Kagamitan sa loob ng Health Center

₱300,000.00

Medical Supplies

₱150,000.00

Seremonya para sa pagbubukas

₱30,000.00

Kabuoang Halaga

₱3,090,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito Ang mga Pilipino ay takot magpatingin sa doktor. Maaring dahil sa presyo nito okaya't sila'y takot na kakailanganin nilang baguhin ang kanilang buhay sa harap ng kanilang diagnosis. Dahil dito, minsanan lang silang lumalapit sa mga klinik okaya't mga ospital. Sa kalalaan lang ng kanilang sakit ay dun sila lumalapit sa mga medikal na propesyonal. Imbes na umaasa na lamang sila sa mga alternatibong medisina, tulad ng essential oils at iba pa. Inaasahan na ang proyektong ito ay makakatulong na magtaguyod ng mura at episyenteng medikal na serbisyo. Nais din itaguyod ng proyektong ito na maiwasan ang paglala ng sakit ng mga mamayan at mabawasan ang kanilang takot na magpatingin kapag sila ay may nararamdaman. Matitiyak rin ang buhay ng mga mamamayan sapagkat ang klinika na ipapatayo ay may sapat na kagamitan at sapat na tauhan upang matugunan ang problema ng mga mamamayan....


Similar Free PDFs