Pdfcoffee title title title title title title title title title title title title title PDF

Title Pdfcoffee title title title title title title title title title title title title title
Course Philippine Historiography
Institution University of the Philippines System
Pages 63
File Size 2.6 MB
File Type PDF
Total Downloads 89
Total Views 176

Summary

title title title title title title title title title title title title titletitle title title title title title title title title title title title titletitle title title title title title title title title title title title title...


Description

MODYUL SA FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN Kagawaran ng Filipinolohiya

Inihanda ni: Leomar P. Requejo, MAF Dalubguro, Kagawaran ng Filipinolohiya Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

1

No part of this publication may be reproduced or copied by recording or other electronic/mechanical methods, without the prior written permission of the publisher/compiler via [email protected]. Faculty members whose names are printed on the cover are only compilers who collected materials from different authors. This is not for sale and the compilers have no intention to profit from this.

Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal ng walang nakasulat na pahintulot mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa pamamagitan ng [email protected]. Ang pangalan ng/ ng mga dalubguro na makikita sa pabalat ng kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang awtor. Tinitiyak ng mga naghanda ng kagamitang panturo / nagsagawa ng publikasyon na tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi gagamitin bilang rekurso.

2

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN GABAY SA KURSO

DESKRIPSYON NG KURSO: Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pag-unlad nito. Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang isang kaisipan na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa. Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-industriya. At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa bansa bilang bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa.

INAASAHANG KALALABASAN: 1. Naipaliliwanag nang may husay ang kahulugan at kalikasan ng Filipinolohiya na nakaugnay sa Wikang Filipino, nasyunalismo, siyensya at mamamayan. 2. Nakapaglalahad ng kalagayan at halaga ng Filipinolohiya sa pamamagitan ng paglalatag ng sitwasyong pangkultura, pangwika at panlipunan sa bansa at ibang bansa. 3. Natutukoy ang kronolohikal na kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa. 4. Nakapag-aanalisa ng kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa

3

5. Nakapagtatamo ng kaalaman at kasanayan sa Industriyal na Pananaliksik (critical research paper) pananaliksik Kritika sa industriya/larang (critical paper on industry). 6. Nakapagbubuo ng artikulong Pananaliksik.

AWTLAYN NG KURSO: Kabanata 1: Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng Kamalayang Bayan (Diskursong Makabayan, Mamayan at Agham Bayan) a. Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino b. Araling Pilipino, Philippine Studies at Filipinolohiya bilang Programang Akademiko Kabanata 2: Filipinolohiya: Pagpapahalaga sa Sitwasyong Pangkultura, Pampulitika, at Pang-ekonomiya a. Ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Pantayong Filipinolohiya b. Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba c. Wisyo ng Konseptong Filipino

Pananaw

at

Kabanata 3: Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran a. Ang Pambansang Industriya b. Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran Kabanata 4: Pagsulat ng Pinal na Kahingian

MGA MATERYALES NA GAGAMITIN: • • • • • • •

Abadilla, B. S. (2002). Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya. FILIPINOLOHIYA Abadilla, B. S. (2002). Epistemolohiyang Filipino sa Karungang Filipino. FILIPINOLOHIYA: Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipinolohiya AGHAM - Advocates of Science and Technology for the People. (2016). PRAYMER sa Pambansang Industriyalisasyon. Quezon City, Philippines. Apigo, M.V. (2002). Paghahabi ng Landas: Tugon sa hamon ng Ganap na Pag-unawa sa Filipinolohiya. Zalazar, Z. A. (2000). Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan. Bautista, V.V. at Pe-pua, R. (1991). Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik IBON. (2015, Nobyembre). PRAYMER: APEC at ang Opensiba ng Globalisasyon. Quezon City, Philippines

4

PLANO NG KURSO WEEK 1-5

6-7

KABANATA/PAKSA Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng Kamalayang Bayan (Diskursong Makabayan, Mamayan at Agham Bayan) a. Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino b. Araling Pilipino, Philippine Studies at Filipinolohiya bilang Programang Akademiko Filipinolohiya: Pagpapahalaga sa Sitwasyong Pangkultura, Pampulitika, at Pang-ekonomiya a. Ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Pantayong Pananaw at Filipinolohiya b. Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba c. Wisyo ng Konseptong Filipino

8-11

Kabanata 3: Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran a. Ang Pambansang Industriya b. Filipinolohiya tungo sa Pambansang Kaunlaran

12-16

Pagsulat ng Pinal na Kahingian

5

KABANATA 1 Filipinolohiya: Kahulugan, Kalikasan at Kasaysayan ng Kamalayang Bayan (Diskursong Makabayan, Mamayan at Agham Bayan)

6

Panimulang Gawain Batay sa iyong mga dating napag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga dayuhan sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag hinggil sa nakikita mong pangkalahatang epekto nito.

1.

6.

2.

7.

3.

8.

4.

9.

5.

10.

______________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Unang Talakay

Ilang Kabatiran sa Kamalayan at Kulturang Filipino Hindi na bago sa kaalaman ng bawat Filipino ang kasaysayan ng mahabang pananakop sa Pilipinas. Ang mga taong ginugol ng mga dayuhan ay hindi lamang nagdulot ng epekto sa materyal na kalagayan ng mga Filipino at ng bansa bagkus maging sa kamalayan nito. Makikita ito sa namamayaning pagpapahalaga ng mga Filipino sa aspetong Kultural, Ekonomikal at Pulitikal. Halimbawa sa aspetong kultural, higit na namamayani ang pagkilala at paggamit sa wikang banyaga katulad ng Ingles sa larangan ng diskursong pang-akademiko. Dito, nasasagkaan ang kabuuan at ganap na pag-unlad ng pambansang wika at iba pang mga wika ng Pilipinas. Ang pagkabansot ng potensyal ng sariling wika at mayroong malaking epekto sa kabuuang kultura ng bansa kung kaya’t lumalabnaw rin ang pagkakaunawa ng isang Filipino sa kanyang sariling pagkakakilanlan at ang kaugnayan niya sa kanyang sariling bayan. Sa isang bahagi ng papel ni Leomar P. Requejo na pinamagatang “Labas at Loob: Pagbasa sa Iba’t ibang Perspektibong Nakatuon sa Pagkakakilanlan ng mga Filipino” binanggit niya ang prosesong ito ng pagbago ng kultura na partikular sa panahon ng mga Kastila: “Matapos nilang masaksihan at mapag-aralan ang kultura at pamumuhay ng mga Filipino, sumunod na rito ang mga hakbang upang tuluyan itong baguhin o kung hindi man ay mai-proseso sa isang kamalayang hiwalay sa totoong kahulugan nito sa kulturang Filipino. Mula sa pisikal na kaanyuan, pagkain, mga kostumbre, tradisyon, relihiyon at iba pang salik ng kultura – naganap ang isang proseso ng unawa’t salakay sa mga Filipino. Totoong mabisa na mula sa pag-unawa ay higit na magiging madali ang pagsasakatuparan ng iba pang mga layunin ng mga dayuhan sa 7

Pilipinas. Ang kanilang mga isinagawang pagtatala o dokumentasyon at pagsasakaysayan sa kulturang dinatnan sa Pilipinas ay masasabing bahagi ng higit pang malaking hakbang ng pagsalakay.” Makikita sa pahayag sa itaas ang ideya ng unawa’t salakay na ginawa ng mga Kastila sa mga Filipino. Ang kanilang ginawang pag-aaral sa mga gawi at paraan ng pamumuhay ng mga Filipino ang higit na nagpadali sa kanilang mga layunin. Walang pambansang wika ang Pilipinas ng mga panahong ito, wala rin ang mismong konsepto ng bansa. Nakasentro sa iba’t ibang pangkat at lipunan ang pamumuhay ng mga Filipino na naninirahan sa Pilipinas. Sa madaling salita, iba’t iba ang kultura maging ang mga wikang ginagamit ng bawat rehiyon. Ang mga wikang ito ay inaral ng mga dayuhang Kastila upang higit na maging madali ang kanilang pagpasok at pagsasakatuparan ng kanilang mga layunin sa Pilipinas. Sinimulan rin nila ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa bansa na isang pagpapakilala ng bagong kamalayan sa mga Filipino. Mula dito unti-unting nagbago ang pagtingin ng Filipino sa kanyang sarili at sa kayang lipunang ginagalawan. Dahil nauunawaan ng mga Kastila ang kahalagan ng pag-aaral at dokumentasyon, masasabing isa sila sa mga unang nag-aral sa Pilipinas at sa mga naninirahan dito. Malinaw na ginamit nila ang proseso ng pagsasakaysayan sa paghubog ng kamalayan at kabuuang imahe ng mga Filipino sa loob ng Pilipinas at higit sa lahat sa iba pang bansa sa mundo. Higit na naging superyor ang imahe ng mga mananakop mula sa identidad hanggang sa paraan ng pamumuhay kaysa mga Pilipino. Sa kanila nakasentro ang pagdakila at pagtataas ng sarili habang ang mga Pilipino ang nagmumukang kawawa, kontrabida at iba pang uri ng panliiit. Isa sa kongkretong halimbawa nito ay ang bahagi ng sanaysay na History of the Inarticulate mula sa aklat ni William Henry Scott na Cracks in the Parchment Curtain kung saan tinukoy niya na hindi ang pagkiling ng mga Kastila sa kanilang pagsasakasaysayan ang pangunahing problema sa pag-unawa ng kasaysayan ng mga Filipino, kundi ang atuwal na hindi pagsama ng mga Kastila sa mga Filipino sa kasaysayan. Higit nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusulat ng kasaysayan sa mga ginawa nila sa Pilipinas at kung papaano nila ito ginawa. Mayroon lamang maliit na espasyo para sa mga Filipino katulad ng mga naganap na rebolusyon sa Pampanga hanggang Ilocos Norte noong 1660-1661 na ayon kay Scott ay maaaring humigit kumulang lamang sa 150 pahina sa kabuuan ang naging tala ng mga Kastila. At sa mga pahinang ito tanging isa lamang ang nakitang detalye na maaaring magtukoy na naging bida ang isang Filipino sa kasaysayan. Ang matinding galit ng isang Pedro Almazan sa mga Kastila na kanilang inilarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng mga kadena sa kaniyang bahay na nakalaan sa bawat Kastila sa kanilang probinsya. Sinabi ni Scott na nakalusot ang napakagandang detalyeng ito sa pagsasakaysayan ng mga Kastila sa kadahilanang nais nilang ipakita ang imahe ni Almazan bilang isang negatibong paksa sa kasaysayan – ngunit sa kabilang banda ay maaaring unawain ang mga tala tungkol kay Almazan bilang pagpapabatid ng kabayaninan ng isang Filipino. Ang maagang kasaysayan ng bansa ay hindi maikakailang nakaugnay sa mga aktibidad ng mga Kastila sa Pilipinas ngunit hindi ito nangangahuluhan na walang kasaysayan ang mga Filipino bago pa sila dumating. Maaring tingnan na nakita ng mga Kastila na ang mga Filipino ay isang lahing madaling manipulahin, sakupin o paayunin sa kanilang mga polisiya at pamamaraan, ngunit sa mga malalapit na pag-aaral sa mga polisiyang ito, makikita na naimpluwensyahan din ng mga Filipino ang mga Kastila sa kanilang mga polisiya. Isang malinaw na manipestasyon ng matibay na kultura ng mga Filipino na noong naunawaan ng mga Kastila ay kanilang tinugunan at pinamahalaan batay sa kanilang mga layunin. 8

Sa pamamagitan ng mga polisiyang inilatag ng mga Kastila na maaaring tugon sa kung anong pamumuhay mayroon ang mga Filipino, nabago o naapektuhan ang takbo ng pamumuhay o pagtingin ng mga Filipino sa kanyang sarili. Nagkaroon ng ibang pamantayan sa kung ano ang mabuti at masama mula sa mga aral na dala ng Kristyanismo sa bansa – itunuring na mga kampon ni Satanas ang mga Babaylan at ipinagbawal ang pagsamba sa mga anito at mga dyos ng kalikasan. Nagbago rin ang pamantayan maganda at pangit mula sa kulay ng balat, itsura, kisig ng pangangatawan, kasuotan at kabuuang anyo. Pinilit bihisan ang mga Filipino sa isang paraang hindi akma sa klima o panahon na mayroon sa Pilipinas. Ang pamantayan ng mga Kastila ang masusunod sa kung ano ang dapat at hindi at may kauukulang kaparusahan sa hindi pagtugon na lahat ay pumapabor sa interes ng mga Kastila. Pinababa ang katayuan ng mga babae sa lipunan, iniba ang unawa sa mga pinaniniwalaang kaugalian at tradisyon – lahat ay upang maisentro sa mga Kastila ang kapakinabangan. Ganito rin halos ang sinapit ng mga Filipino sa mga Amerikanong mananakop. Ngunit kaiba sa mga Kastila na relihiyon ang naging pangunahing armas sa pananakop ng kamalayan – edukasyon naman ang ginamit ng mga Amerikano. Masasabing isang napakabisang ideolohikal na aparato ang edukasyon dahil dito hinuhubog ang talino at kamalayan ng isang indibiduwal. Ang talinong mabubuo ay siyang magiging gabay niya sa paglikha ng mga pangagailangan niya at ng lipunang kanyang ginagalawan. Ito rin ang kanyang magiging pamantayan at batayan sa pagtingin sa iba’t ibang sitwasyon at mga lilikhaing desisyon. Katulad ng mga Kastila – nakita rin ito ng mga Amerikano. Nabatid nilang hindi sasapat ang kanilang militarisasyon at pisikal na opresyon sa mga Filipino upang umayon ito sa kanilang mga layunin. Sa kadahilanang handang ipagtanggol ng mga Filipino ang kanyang bansa hanggang kamatayan sa mga mananakop ay higit na minabuti ng mga Amerikanong sakupin ang kanilang rebolusyunaryong kamalayan sa pamamagitan ng pagpapalabnaw nito. Ang sistema ng edukasyong na ipinasok ng mga Amerikano sa mga Filipino ay nagdulot ng ilang malinaw na epekto sa kulturang una ng binago ng mga Kastila. Bukod sa mga kustumbre, tradisyon at paniniwala, ang isa sa higit na naapektuhan ay ang wika – nabansot ang sariling wika.

Gawain 1: Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino? 2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag. 3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino?

9

ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO 1 Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit wala pa tayong naririnig na organisadong pagkilos ng mga pinuno ng pamantasan para maging makabayan ang ating edukasyon. Bagaman marami sa ating mga lider sa edukasyon ang abala sa pagtatalakay at pagtatalo tungkol sa mas mabuting paraan at mga kasangkapan ng mahusay na pagtuturo, wala ni isa man sa kanila ang nanguna sa pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon. Totoong may ilang dalubhasa ang sumulat na ng mga akda tungkol sa iba’t ibang aspeto ng nasyonalismo sa edukasyon. Subalit wala pa ring nagagawang isang buong programang pang-edukasyon na maihahambing sa mga programa para sa pagpapalaya ng pulitika at ekonomya ng bansa. Ito’y isang kalagayang lubhang nakalulungkot. Sapagkat nangangahulugan ito na sa simula pa lamang ay lumpo na kaagad ang kilusang makabayan dahil ang mamamayan ay walang muwang sa mga saligang suliranin ng bayan at walang pakialam sa kapakanan ng ating bansa. Mga Bagong Pag-unawa Ang pananaw sa ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ng ilan nating lider pampulitika at pangekonomya ay nagkaroon ng pagbabago bunga ng muling pagsusuri sa ugnayan ng dalawang bansa sapul noong pagpalo ng ika-20 siglo. Ang kanilang pagkilos na naging isang anyo ng nasyonalismong pangkabuhayan at pampulitika ay isang pagtatangkang baguhin ang mga kamaliang nagawa ng mga lider na nauna sa kanila, gayundin upang tapusin ang pagkilos na pinasimulan noong 1896 ng ating mga rebolusyonaryong lider. Subalit patuloy pa ring binabakas ng nakararami sa ating mga lider sa edukasyon ang kanilang ugat sa mga sundalong Amerikanong naging unang mga guro at bahagi ng hukbong sumakop sa ating bayan. Waring hindi nila alam na ang namanang sistemang pangedukasyon at pilosopiya sa likod nito ay angkop lamang sa panahon ng kolonyalismong Amerikano. Ang sistemang pang-edukasyong pinairal ng mga Amerikano ay kinailangang umakma at sadyang iniakma sa pangangailangang pampulitika at pang-ekonomya ng kolonyalismong Amerikano.

1

The Miseducation of the Filipino—Unang nalathala sa Weekly Graphic, Hunyo 8, 1966.

10

Ang Pagbihag sa Kaisipan Ang pinakamabisang paraan ng paglupig sa isang bansa ay ang pagbihag sa kaisipan nito. Ang tagumpay militar ay hindi nangangahulugan ng paggapi sa bansa. Hindi masiseguro ng sinumang konkistador ang pananaig nito sa sinakop na bansa hanggang nananatiling nag-aalab ang diwang mapanghimagsik ng mga mamamayan. Mahusay itong pinamalas nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi nasindak ang mamamayang Pilipino sa malagim na paghahari ng rehimeng Hapones. Ang mga malupit nitong pamamalakad na lalong tumindi dahil sa matatag na paglaban ng mga Pilipino ay nagtulak lamang sa mga Pilipino na kasuklaman ang mga Hapon. Gayunman, nakita ng mga propagandistang Hapones at ng kanilang mga eksperto sa digmaang sikolohikal ang kahalagahang makuha ang kaisipan ng tao. Kung nagtagal pa sa Pilipinas ang mga Hapones, ang mga batang kanilang pinag-aaral ay malamang na naging matibay na haligi ng kanilang planong ipailalim ang buong Silangang Asya sa kanilang kapangyarihan. Ang isip ng mga batang ito’y maaaring mahubog na sunud-sunuran sa mga patakaran ng imperyalistang Hapones. Ang pagkahubog ng kaisipan ang pinakamabisang paraan ng pananakop. Kaya, ang edukasyon ay nagsilbing sandata sa mga digmaan para sa pagsakop ng mga bansa. Ang hindi maitatatwang katotohanang ito ay batid ng pinunong Amerikano sa Pilipinas noong panahon ng digmaang PilipinoAmerikano. Sang-ayon sa Sensus noong 1903: Iginiit at itinaguyod ni Heneral Otis ang muling pagbubukas ng mga paaralan at siya mismo ang pumili at ...


Similar Free PDFs