Project 1 PDF

Title Project 1
Course Drug Education, Consumer Health Education, and Healthy Eating
Institution Our Lady of Fatima University
Pages 2
File Size 62 KB
File Type PDF
Total Downloads 425
Total Views 771

Summary

E.S.Batas Pangkaligtasan:1. Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (RA 7610)----- Isinabatas upang maprotektahan ang mga kabataan na nasa edad 18 pababa or iyong mga edad 18 pataas na walang kakayahang protektahan ang kanilang sarili laban sa pang aabuso, d...


Description

E.S.P. Batas Pangkaligtasan: 1. Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (RA 7610) ----- Isinabatas upang maprotektahan ang mga kabataan na nasa edad 18 pababa or iyong mga edad 18 pataas na walang kakayahang protektahan ang kanilang sarili laban sa pang aabuso, diskriminasyon at eksploytasyon sa kanilang pagkatao. 2. Anti Violence Against Women and Children Act of 2004 (RA 9262) ----- Isa sa mga pinakakilalang batas para sa mga kabataan at kababaihan. Dito ipinagbabawal ang physical, sexual, phychological at economic abuse, maging ang pananakot at pag-alis ng kalayaan sa mga kababaihan at kabataan.

Batas Pangkalusugan: 1. 105-day Expanded Maternity Leave Law (RA11210) ----- Dahil nga upang maiparamdam ng gobyerno sa mga ina at magiging ina na magkakaroon ng anak ang pagmamahal at kahalagahan nila, pinalawig ng batas na ito ang dating 60-day paid maternity leave ng hanggang 105 na araw. 2. Universal Health Care (UHC) Law (RA11223) ----- Layon ng batas na ito na gawing miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bawat Pilipino at gawing abot-kaya ang tulong medical lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar.

Batas Pangkalinisan: 1. Philippine Clean Water Act (RA 9275) ----- Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga katubigan sa bansa mula sa polusyon. 2. The Ecological Solid Waste Management Law (RA 9003) ----- Ang batas na ito ay nagsasaad ng mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas-yaman at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang agad lamang tinatapon. Layunin din nito na maipaliwanag ang benepisyo ng pagkakaroon ng

pasilidad sa bawat lugar na maaaring pag imbakan ng balik-materyales o lugar para i-proseso ang mga ito.

Batas Pangkalikasan: 1. Revised Forestry Code (PD 705) ----- Ang batas na ito ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahyyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan para dito. Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas ay ang pangagasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaring putulin. Bureau of Forest Development ang naitalagang tagapamahala sa pangangasiwa dito. 2. Philippine Clean Air Act (RA 8749) ----- Ang batas na ito ay naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Layon din nito na ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin. Ayon sa batas na ito, mas kailangang bigyang pansin ang pagpapatuloy ng mga Gawain na nagpapalinis ng hangin kaysa sa pagpapadumi ng malilinis na na hangin. Agn batas na ito ay nagsasaad din na hindi lamang ang pamahalaan ang may tungkulin sa pagpapanatili ng kalinisan ng hangin subalit pati na rin ang mga mamamayan ng bansa. Kasama sa batas na tio ang pagpaplano ng mga paraan upang epektibong mawaksi ang mga sanhi ng maduming hangin at maghanap ng mga paraaan upang mabawasan ang polusyon sa hangin.

Batas Pangkapayapaan: 1. Bangsamoro Organic Act (RA 11054) ----- Ang batas na ito ay kilala din sa tawag na Bangsamoro Basic Law (BBL) na naglalayong magbigay daan sa pagtatatag ng mga kababayan nating Muslim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). 2....


Similar Free PDFs