SABAYANG PAGBIGKAS DOCX

Title SABAYANG PAGBIGKAS
Author Eloisa May Lanuza
Pages 1
File Size 21.5 KB
File Type DOCX
Total Downloads 680
Total Views 866

Summary

ELOISA MAY B. LANUZA IV-8 BEED ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS ? Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang akdang pampanitikan. Mga Mungkahing Paraan sa Paghahanda ng Sabayang Pagbigkas 1. Piliin ang akda (maaaring tula, sanaysay, talumpati, o alama...


Description

ELOISA MAY B. LANUZA IV-8 BEED ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS ? Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang akdang pampanitikan. Mga Mungkahing Paraan sa Paghahanda ng Sabayang Pagbigkas 1. Piliin ang akda (maaaring tula, sanaysay, talumpati, o alamat) na angkop sa pampanitikang pagpapahalaga ng bata: sa damdamin, kaisipan, kaugalian. 2. Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon sa tinig: babae-soprano, kontraalto, alto; lalaki-tenor, baho (bass). 3. Basahin nang malakas at pabigkas ang akda. Bigyan ng pansin ang mga kamalian sa pagbigkas at iwasto ang mga ito. 4. Unawain ang nilalaman ng akda. 5. Isaayos ito para sa panabayang pagbigkas sa tulong ng pangkat. 6. Bigyang-laya ang bawat nagnanais na magpasok ng mga mungkahi sa pagsasaayos ng akda. 7. Kung kailangan ng mga soloista, pumili sa pamamagitan ng pagsubok. 8. Gawing magaan at natural ang tinig. Maaaring palakasin ang tinig ngunit hindi pahiyaw; hindi dapat pilit ang pagpapalabas nito. 9. Ang akda ay kusang naisasaulo kapag ito'y binabasa, lalo na kung panabayan. Mga Uri ng Pagsasaayos para sa Sabayang Pagbasa 1. Antiponal. Ang pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig: mataas at mababa o malaki at mallit o lalaki at babae. Angkop ang uring ito sa akdang may usapan. Ang usapan ay maaaring anyong tanong-sagot o pakiusap. Ang unang pangkat ang nagtatanong o nakikiusap at ang ikalawa ang sumasagot. 2. Refrain. Pinakapayak ang uring refrain sa pagsasaayos at angkop para sa mga nagsisimulang bumigkas nang panabayan. Ang akda ay pinaghati-hati. May mga taludtod o pahayag para sa isa o mahigit pang soloista at mayroon ding para sa koro. Kadalasan, ang taludtod/pahayag para sa koro ay inuulit na taludtod/pahayag. 3. Line-A-Child. Gumagamit ang uring line-a-child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may kanya-kanyang bibigkasin. Kadalasan, ang paraang ito ay itinatambal sa unison. 4. Part Arrangement. Ang uring part arrangement ang pinakamahirap isaayos ngunit ito ang pinakakawili-wiling pakinggan. Ang bawat tinig ng korista ay inuuri ayon sa taas o baba (pitch) at laki o liit (timbre) gaya ng halimbawang sumusunod: lalaki-tenor, baho; babae-soprano, kontraalto, atb. Kadalasan ang mga taludtod/pahayag na katatagpuan ng maraming patinig i ay para sa mga soprano at yaong may a at o ay para sa may mababa o malaking tinig. Isinasaalang-alang din ang kalagayan (mood) at pinapaksa...


Similar Free PDFs