Sample/practice exam 11 September 2019, questions PDF

Title Sample/practice exam 11 September 2019, questions
Course Sanaysay at Talumpati
Institution Batangas State University
Pages 3
File Size 54.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 335
Total Views 397

Summary

Pagsusulit sa Sanaysay at Talumpati LIT 103Pangalan:____________________________ Iskor:_____________I. Unawain at tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang. Ito ay nagsasaad ng mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pan...


Description

Pagsusulit sa Sanaysay at Talumpati LIT 103 Pangalan:____________________________ Iskor:_____________ I. Unawain at tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang. 1. Ito ay nagsasaad ng mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp. 2. Nagsisilbing paghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. 3. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. 4. Ginagamit ito para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. 5. Ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos. 6. Bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. 7.Salitang naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. 8. Naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay 9. Tinutukoy nito ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap. 10.Ito ang nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

II. Sa espasyo na nakalaan sa unahan ng bawat bilang, isulat ang uri ng tayutay ayon sa isinasaad ng mga pangungusap. 1. Ang kanyang buhay ay parang bukas na aklat. 2. Hubog kandila ang kanyang mga daliri. 3. May tao kayang magtatagumpay king hindi magsisikap? 4. Isa kang huwarang asawa, hindi ka umuuwi tuwing araw ng sweldo. 5. Magdaraan ka muna sa butas ng karayom bago mko marating ang tagumpay ng iyong ina. 6. Kabiguan, layuan mo ako. 7. Sampung pinto ang pinasok niya bago siya nakalabas. 8. Ibig pa sana kitang bigyan ng pangalawang pagkakataon ngunit inabuso mo ang kabaitan ko. Ikinalulungkot ko ito. 9. Aalisin k aba sa trabaho kung wlang katibayang nagpabaya ka? 10. Ang sarap magmahal ng mga magulang mo, kahit sa harap ng maraming tao nag-aaway sila. 11. “O pagsintang labis ng kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw…” 13. Humitit, bumuga, bumuntunghininga. 14. Kapuri-puri kang Pilipino, higit mong kinakapatid ang mga dayuhan kaysa sa sarili mong kababayan. 15.Ang karuwagang ipinakita niya’y katapangan. 16. Ang pag-asa mo’y tulad sa gripong mahina ang agos. 17. Hiram na bintana kay lungkot dungawan. 18. Liligaya pa kaya ako pagdating ng araw? 19. Asang – asa siya, ang hindi niya alam, tigang na lupa ang kaniyang kabiyak. 20. Matamis na halik ang idinantay ng hangin sa kanyang pisngi

21. Namangha siya nang isang Helen pala ang sa kanya ay naghihintay. 22. Hindi sapat na katibayan ang pag – urong niya sa laban upang hatulan mo siyang isang duwag. 23. “Buhay ay langit sa piling mo.” 24. Walong bibig ang umaasa sa trabaho ng kanilang ama. 25. Nabubuhay ako nang dahil sa iyo kaya mamamatay ako nang dahil pa rin sa iyo. 26. Pag pala pupunta ng palengke pusturang – pustura ang primadonang donya. 27. Harap mo’y likod ko, likod ko’y harap mo. 28. Dumagungdong, rumagasa, naminsala ang lahar. 29. Sa baha nalibing ang Ormoc, sa lahar namatay ang Angeles, sa lindol naghingalo ang Baguio. 30. Sa katutuka sa mga namatay, nakalimuan ng kalapating umuwi hanggang isumpa ito ng Diyos na magitim na uwak.

III. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na tayutay. 1. Pagpapalit – tawag 2. Pagtanggi 3. Pagtatambis 4.Pagsusukdol 5. Pag – uulit (Aliterasyon, Anapora, Anadiplosis, Epipora, Empamodos)

IV. Punan ang kahon ng mga hinihinging salita. Gawing gabay ang mga salitang ugat.

Salitang ugat Takbo Ligo Lakad Iyak Luha

Perpektibo

Imperpektibo

Kontemplatibo

V. Salungguhitan ang salitang dapat gamitin sa pangungusap. 1.(Nang, Ng) magsikap si Nico ay natamo niya ang tagumpay. 2.Sa likod ng ulap ay (magkaroon, may) nakakubling liwanag. 3.Hindi kumikibo (si, ang) babaeng naghahanap ng kanyang nawawalang anak. 4.(Subukin, Subukan) nating isama si Reyster sa ating mga gawain....


Similar Free PDFs