SOSLIT lecture notes PDF

Title SOSLIT lecture notes
Course Bs accountancy
Institution Mindanao State University
Pages 147
File Size 3.7 MB
File Type PDF
Total Downloads 574
Total Views 602

Summary

IntroduksyonKung paanong napahuhusay ang pagtalakay at napapalalim ang pagsusuri ng isang akdang pampanitikan ay masasabing nakasalalay sa mga pananaw at teoryang pampanitikan. Mga salalayang paniniwala itong ang hatid ay kaalaman at kasiyahan, na siyang dalawang pangunahing dahilan ng panitikan. An...


Description

KABANATA I

MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Introduksyon Kung paanong napahuhusay ang pagtalakay at napapalalim ang pagsusuri ng isang akdang pampanitikan ay masasabing nakasalalay sa mga pananaw at teoryang pampanitikan. Mga salalayang paniniwala itong ang hatid ay kaalaman at kasiyahan, na siyang dalawang pangunahing dahilan ng panitikan. Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwala o persepsyon ng isang indibidwal o isang pangkat. Samantala, ang teorya ay tumutukoy sa simulain o prinsipyo ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay. Sa pag-aaral ng panitikan, malaking tulong ang nagagawa ng pag-alam sa kahulugan, kasaysayan at katangian ng iba’t ibang pananaw at teoryang pampanitikan. Sa pamamagitan kasi ng matalinong pagpili ng angkop na pananaw o teorya, ang pagtalakay at pagsusuri ng isang particular na akda ay nagkakaroon ng batayan at direksyon. Nalilimiyihan din ito ang saklaw ng talakayan at ng panunuri, at dahil may limitasyon ay nagkakaroon ng lalim (Villafuerte, et al., 2006; Villafurte & Bernales, 2019).

Pangkalahatang Layunin 1. Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na kaalaman at pag-unawa sa mga araling sumusunod gaya ng: kahulugan ng panunuring pampanitikan, mga sangay ng pagsusuri, simulain at katangian sa pagsusuri.

Introduksyon Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ito ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang ay umunlad. Ang kahalagahan ng pagsusuri ay upang malaman ang ibig sabihin ng binabasa mo o upang lubos mong maunawaan ang binabasang teksto.

Mga Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan; 2. Natutukoy ang mga katangian ng mahuhusay na akdang pampanitikang may kabuluhang panlipunan; 3. Nabubuod ang mahahalagang kaisipan sa akdang binasa; at 4. Napapalalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.

Aralin I: Katuturan ng Panunuring Pampanitikan Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Dalawang Sangay ng Pagsusuring Panitikan Sosyodad at Literatura

2

1. Pagdulog Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang Sikolohikal, at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.

Pormalistiko - Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo,o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo, tulad ng histori,politika,at talambuhay. Halimbawa: Suyuan sa Tubigan Moralistiko - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit. -

pinahahalagaan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.

-

nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan, kaisipan, at damdamin ng tao.

-

binibigyang diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan.

-

hahamunin ng guro ang mga mag-aaral na matamang magsuri at magtimbang-timbang ng lakas at kahinaan ng tatag at karupukan ng tao sa harap ng mga pagsubok sa kanyang pakikipagtunggali sa buhay

Halimbawa: Liwanag at Dilim Sikolohikal - makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay, paninindigan, paniniwalaan, pinapahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda. -

mainam na gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan

-

binibigyang pansin ang ugnayang sosyo-kultural politikal, kapamuhayan at damdamin, asal, kilos, reaksyon ng tao dito.

Sosyodad at Literatura

3

-

maituturing na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang akda.

-

mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay nakatauhan ng indibidwal.

-

sa kaisipang Freudian, sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang nakagawian na o paulit-ulit na kilos o gawi ng tao.

-

sa pagsusuri ng akda tinatalakay ang mga: kaimbihan o dili kaya’y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao.

-

sa ganitong dulog, ang sistema ngpagpapahalaga sa lipunan ang binibigyang-pokus.

Halimabawa: Noli me tangere at El Felibusterismo ni Jose Rizal *Banaag at Sikat ni Lope K.Santos 2. Pananalig Binubuo ito ng mga teorya at katangian Teorya

Bayograpikal

Katangian Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Halimbawa

Ang teoryang ito ay patungkol sa mayakda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. Sosyodad at Literatura

4

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Historikal

Klasismo

Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya. Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang-tuon ang kalakasan mabubuting katangian ng tao gaya talino, talento atbp.

Humanismo

na ay at ng

Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, "Paalam sa pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan Aking ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maPagkabata" ni ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa Zantiago pagpapahayag sa saloobin sa Pepito pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura. Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

Sosyodad at Literatura

5

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Romantisismo

Ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat PAG-IBIG ni ang higit na pinahahalagahan ng Jose Corazon de Jesus romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyopulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Realismo

Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng Realismo ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mang pwedeng mapatunayan sa pamamagitan ng pagiisip ng tao. Higit na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang

Noli Me Tangere

Sosyodad at Literatura

6

tao at hindi ng mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor

Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Mga Tula, Tulang Panambitan

Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya.

Pormalismo

Siko-analitiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa

Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Nakatuon sa kalagayan ng isang tao. Maaaring sa pag-iisip o sa kanyang paguugali. Pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at pananalitang ginagamit ng tauhan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Eksistensyalismo Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

Sosyodad at Literatura

7

Dekonstruksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa mayakda na sumulat kundi ang pinaghaluhalong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo. Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!

Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D Bas

Ang Feminismo ay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.

Arketaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

"Sa Tabi ng Dagat" ni Idelfonso Santos

Sosyodad at Literatura

8

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan. 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangan mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. 3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad 4. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad ng damdamin at lawak ng pangitain nito. 5. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan. 6. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan 7. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag uugnay ng mga sangkap ng pagsulat. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko • Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining. • Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya. • Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan. • Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp. • Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.

Sosyodad at Literatura

9

• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

BUOD NG KABA KABANATA NATA I Ang panunuring pampanitikan ay isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya. Sangay ng pagsusuring panitikan ay una, Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan. Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Bimubuo ito ng maraming teorya at katangian. Ang mga teorya nito ay bayograpikal, historical, klasismo, humanism, romantisismo, realismo, imahismo, pormalismo, siko-analitiko, eksistensiyalismo, dekonstruksyon, peminismo, arketaypal, naturalism, impresyunalismo, ekspresyunalismo at simbolismo. Ang mga simulain sa panunuring pampanitikan ay ang mga sumusunod: Ang pagsusuri sa akda ay dapat may angking talino, seryoso at matapat, mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok, maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad, sa pagsusuri ng tula, dapat may sikad ng damdamin at lawak ng pangitain nito, napapanahon, may masinop na pag uugnay ng mga sangkap ng pagsulat. Katangiang dapat taglayin ng isang kritiko ay matapat, kilala ang sarili, laging bukas ang pananaw, iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko, at matapat na kumikilala sa akda.

Sagutin ang sum sumusunod usunod na katanu katanungan: ngan: 1. Ano ang dalawang sangay ng pagsusuring pampanitikanI? Ipaliwanag ang bawat isa. 2. Ano-ano ang kahalagahan ng mga pananaw at teoryang literari sa pagaaral/pagsusuri ng mga akda? Ipaliwanag ang bawat isa. Sosyodad at Literatura

10

Mungkahing Gawain 1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez. -

Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?

-

Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.

-

Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita. 3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez. -

Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.

Repleksy Repleksyong ong Papel Pangalan: ____________________________ Taon at PangkaT: __________ Guro: _______________________ Petsa: ____________ Marka: _________ Sumulat ng repleksyong papel hinggil sa iyong mga inaasahan sa pagaaral ng asignaturang ito at hinggil sa iyong mga ipinapangako sa sarili upang maging matagumpay ang iyong pagsusuri ng mga akdang pampanitikan tungko sa lipunang Pilipino.

______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Sosyodad at Literatura

11

______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Sanggunian: Bernales, Rolando A., Zafra, Reynele Bren G., De Laza, Crizel S., Ravina, Elimar A. 2020. Sosyedad at Literatura. Malabon City: Mutya Publishing House. Lalic, Erlinda D., Matic, Avelina J. 2004. Ang ating Panitikang Filipino. Bulacan: Trinitas Publishing Inc.

Sosyodad at Literatura

12

KABANATA II

PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

Introduksy Introduksyon on Magkaiba ang mukha ng kahirapan. Dahil magkakaiba ang danas sa penomenong ito na siyang pinakapangunahin at batayang suliranin ng maraming bansa sa mundo. May kahirapan maging sa mga mauunlad na bansa, ngunit higit ang kahiran sa mga tinatawag na third world at developing countries. Magkakaiba rin ang pamantayan sa pagsukat ng kahirapan sa iba’t ibang mga bansa, bagaman mayroong mga rekomendadong panukat sa insidente ng kahirapan sa daigdig.
...


Similar Free PDFs