WIKA1 Sek12LE 0000111 PDF

Title WIKA1 Sek12LE 0000111
Author turba decipiat
Course Pag-Aaral Sa Rehiyonal Na Wika At Kultura
Institution Far Eastern University
Pages 3
File Size 76 KB
File Type PDF
Total Downloads 113
Total Views 291

Summary

Wika 1-12 │ Mahabang PagsusulitI. Tama o Mali 1. SANA ALL 2. SANA ALL 3. SANA ALL 4. SANA ALL 5. PAGMAMAHAL 6. EDI WOW 7. SANA ALL 8. PAGMAMAHAL 9. EDI WOW 10. PAGMAMAHAL 11. EDI WOW 12. SANA ALL 13. SANA ALL 14. EDI WOW 15. SANA ALLII. Sanaysay 1. Sa sarili mong salita, paano mo ipapaliwanag ang ko...


Description

Wika 1-12 │Mahabang Pagsusulit I.

Tama o Mali 1. SANA ALL 2. SANA ALL 3. SANA ALL 4. SANA ALL 5. PAGMAMAHAL 6. EDI WOW 7. SANA ALL 8. PAGMAMAHAL 9. EDI WOW 10. PAGMAMAHAL 11. EDI WOW 12. SANA ALL 13. SANA ALL 14. EDI WOW 15. SANA ALL

II.

Sanaysay 1. Sa sarili mong salita, paano mo ipapaliwanag ang konsepto ng Linguistic Relativity sa 10-taong gulang na bata? Ang konsepto ng Linguistic Relativity ay nagsasabing ang mga wikang ating ginagamit ay makakaapekto sa paraan ng ating pag-iisip. Sa kabilang banda, maaaring mangahulugan ito na ang daloy ng ating pag-iisip ay ating mauunawaan sa pamamagitan ng pag-unawa rin sa anyo at pagbabago ng paraan ng paggamit natin ng wika at ng wika mismo. Maaari ko itong maipaliwanag sa pamamagitan ng pag papaintindi sa kanya na mayroong epekto ang wika sa kung paano tayo mag-isip. Halimbawa, ay ang paggamit ng honorifics o mga salitang ginagamit para magpakita ng respeto, sa US ay wala silang ganito ngunit tayong mga Filipino o ang mga Hapon ay mayroon. May salita tayong “Kuya”, “Ate”, at sa Japanese naman ay “Senpai”, “Onii”, “Onee”, sa Ingles ay wala, kaya’t kung sila ay makikipag-usap sa nakakatanda sa kanila ay tinatawag lamang nila ito sa pangalan kaya siguro hindi nila nabibigyan ng ganoong respeto ang mga taong may awtoridad kaysa sa kanila. Kung tayong mga Filipino, kapag nakakita tayo ng

Wika 1-12 │Mahabang Pagsusulit taong mas nakatatanda sa atin ay nakikipag-usap tayo na puno ng galang at respeto dahil iniisip nating mas mababa ang ating sarili sa kanila ngunit sa ibang bansa naman ay pantay lamang ang tingin nila sa lahat. Maaari kong sabihin na dahil ito sa wika natin mismo dahil sa wikang ating gingamit pa lang ay pini[ilit na tayong rumespeto sa isang tao kahit natin kilala. Kumbaga ay sa salita pa lang natin, kinokondisyon na tayo kung trumato ng ating kapwa. 2. Paano naisasaalang-alang ang elemento ng kultura at Pananaw-Mundo sa pagbuo at pagpapalago ng wika? Bawat pagbabago at pag-unlad na nangyayari sa ating wika ay naka konekta na sa ating pamumuhay at nagiging parte ng ating kultura. Alam naman natin na ang wikang ginagamit ay nakakaimpluwensya sa ating pagtingin o pananaw sa mundo, kaya’t naisasaalang-alang ang elemento ng kultura at Pananaw-Mundo sa wika dahil nga ay nagiging parte natin ito sa bawat pagbuo at pagpapalago nito. Ang ating bansa na binubuo ng iba’t-ibang grupong may iba’t-ibang wika, kultura, at karanasan, maiiisip mo talaga kung paano maiimpluwensyahan ng wika ang ating pag-iisip. Dahil nga lahat naman tayo ay magkaka-ugnay at mas lalo pa tayong pinag-uugnay ng wika, nabibigyan talaga ng halaga ang kultura natin at mas napapalawak nito ang ating pananaw mundo. 3. Sa anong mga pagkakataon nagiging ahensya o sagabal ang wika sa usapin ng Kasarian at Panlipunang Katarungan? Unang una ay pagdating sa pronouns o mga panghalip. Sa wikang Ingles ay mayroong “he/she/they” ngunit kung isasalin mo ito sa wikang Filipino ay ang salitang “siya” lang ang mayroon tayo. Ang basic rule ng Ingles ay anti-feministy pinapakita dito na mas binibigyan ng kahalagahan ang panghalip ng mga lalaki na “he” kaysa sa panghalip ng mga babae na “she”. Kapag nagsalita ka tungkol sa kabuuan ng sangkatauhan, “he” ang panghalip na ginagamit at ang he/she ay hindi kasama sa mga non-binary/genderqueer na mga tao. 4. Sa iyong opinion, gaano na ba tayo katatas bilang isang bansa sa paggamit ng Filipino sa pang siyentipiko at akademikong antas?

Wika 1-12 │Mahabang Pagsusulit Sa tingin ko po ay malayo pa tayo sa pagiging matatas sa paggamit ng ating wikang Filipino. Nangangailangan pa tayo ng ibayong pagsasanay at pag-aaral sa kung ano ka lalim at kalawak ang ating wika. III.

Bonus 1. Dahil lodicakes ka, tanggapin mo itong +3 pts bilang pabuya sa iyong pagsisikap sa kabila ng mga pagsubok ngayong sem. Salamat Master! 2. Pangalanan ang sakit na may ganitong sintomas: Giniginaw, hindi makagalaw, nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw Ang mga ganitong sintomas ay nagpapahiwatig lamang ng isang malalang karamdaman na pinaniniwalaan kong magdudulot nga ng matinding sakit sa kung sino man ang nakararanas nito. Ayon sa aking diagnosis ay, kapag nangyari sa’yo ang lahat ng mga nasabing sintomas ay mayroon kang stage 4 ng pagka martyr at nangangailangan na ng madaliang paglunas. Kinakailangan mo ng awatin ang sarili mong ibigin siya at pilitin ang sarili na umiwas sa mga bagay na magpapa alala sa kanya, in short, SIYA mismo dahil kung magtuloy tuloy kapa ay maaaring ikamatay ng puso mo ng katotohanang hinding-hindi magiging kayo sa huli. 3. Bakit mapait ang kape kapag wala kang pera? Ipaliwanag. Dahil nga natural na mapait ang kape, natural din na wala tayong pera. Charot! Ang masasabi ko lang siguro ay dahil nga sa kawalan ng salapi sa ating mga bulsa ay nawawalan din tayo ng chansang makabili ng asukal. Hindi talaga ito tatamis kasi wala tayong asukal, walang asukal kase walang pambili dahil nga wala tayong pera. Lasapin na lamang ang pait ng kape dahil wala ng mas papait pa sa wallet nating walang lamang pera....


Similar Free PDFs