Aba nakakabasanapala ako PDF

Title Aba nakakabasanapala ako
Course Values Education
Institution Ateneo de Davao University
Pages 6
File Size 3.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 14
Total Views 168

Summary

haha...


Description

I.

Pamagat : ABNKKBSNPLAko?! Si Bob Ong o Roberto Ong, ay ang sagisag panulat ng isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino.

II.

Buod Ang konsepto ng pelikula ay balikan ang mga alaala ng hayskul ni Robert (Jericho Rosales). Ilan sa mga bagay na tinalakay o inalala ay ang classic music, tanyag na palabas sa telebisyon at panonood ng box-office hits. Ikinuwento ni Robert na gusto ng kaniyang magulang na makatapos siya, na mayroon siyang mga istriktong guro, hindi nakakasundong kaklase, nakahihiyang mga karanasan at kuwento ng pakikipag-ibigan sa isang babae sa kaniyang paaralan.

III. Paksa Ang ABNKKBSNPLAko ay isang pelikula ng Viva Films na hango sa libro ni Bob Ong na may parehas na pamagat. Ang titulo ay pinaiksing katawagan na nangangahulugang ‘’Aba nakakabasa na pala ako’’. Ipinalabas ito sa mga sinehan noong ika-labingsiyam ng Pebrero, 2014. Pinagbidahan ito ni Jericho Rosales, Andi Eigenman, Vandolph Quizon at Meg Imperial sa direksyon ni Mark Meily. Ginawa niya ang aklat na itong maikli ngunit puno ng pananaw at quotable quotes. Dahil dito ito ay naging interesanteng basahin. Ang paksa ay hango sa tunay na buhay. Tinalakay ng pelikulang ito ang kanyang buhay bilang estudyante at bilang isang guro at pati na rin noong

siya ay college. Tinalakay niya dito ang nangyari sa kanya noong siya ay nag-aaral. Nagbigay rin siya ng advice tungkol sa buhay at pati na rin sa pag-aaral. Hindi lang niya tinalakay kung paano siya nag – aral tinalakay din niya tunay na layunin ng edukasyon.

IV.

Bisa Sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo ipinamalas niya ang kagalingan niya sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang libro kung saan nakaukit sa bawat pangungusap lahat ng pangarap, kamalian, katanyagan, masasaya at hindi masayang karanasan sa loob at labas ng eskwelahan bilang isang estudyante, kaklase, anak, kaaway, kaibigan, kabarkada, guro at bilang isang tao. Nakasaad dito ang pagiging buhayestudyante ni Bob Ong habang siya ay nasa elementary pa lamang hanggang sa siya’y nakatapos ng mataas na paaralan at kolehiyo. Mababasa rin sa librong ito ang mga posible at imposibleng nangyari sa buhay ng isang estudyante. May mga mababasang kasabihan tungkol sa pag-aaral mula sa mga tanyag na tao na kung susuriin mabuti at lalawakan ang kaisipan ay makakabuo ka ng isang kahulugan sa mga kasabihang ito kung saan pinapakita ang totoong estado ng ating pamumuhay bilang isang estudyante. Tulad ng isang normal na estudyante, sa elementarya naranasan ni Bob Ong ang pinakasimpleng mga problema na kung saan para sa atin noon ay napakahirap at napakakomplikado na – ang mga laruan. Naranasan din natin ang pagalitan ng mga guro sa hindi natin maintindihang kadahilanan. Si Miss Uyehara ang guro doon ni Bob Ong kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay pinalo siya sa hindi rin niya alam na kadahilanan. Isinalaysay niya sa mga unang pahina ang istura ng playground o palaruan ng mga elementaryang estudyante kung saan madalas ay nagiging Junior Divisoria ang labas ng kanilang paaralan dahil sa mga nagkalat ng tindahan at kung anu-anong tinda ng mga tindero at tindera. Sa Hayskul naman o mataas na paaralan nabunyag muli ang mga bagay na kadalasang ginagawa ng mga estudyanteng nagbibinata na at nagdadalaga. Dito nakasaad ang mga kalokohan ni Bob Ong noong

hayskul pa lang siya na aminin man natin o hindi ay mahirap talagang iwasan dahil ang hayskul ay isa sa mga pinakamasarap na parte ng iyong buhay dahil dito mo nakikilala ang mga totoong tao sa totoong buhay mo na kailangan mong harapin. Nakasulat din na hindi talaga maiiwasan ng mga estudyante na bigyan ng alyas ang mga gurong kinaiinisan nila. Pagpasok naman ng kolehiyo ay tulad ng karamihan sa atin, ang akala nila ay magiging madali pero akala lang nila yun. Maraming tinahak si Bob Ong noong siya’y papasok pa lang ng kolehiyo, nakasulat sa libro niya na hindi madaling makapasok sa isang unibersidad at hindi rin madaling makalabas lalo na kung wala kang pagpipilian. Malaking malaki ang ipinagkaiba ng Hayskul sa Kolehiyo, kung sa hayskul ay pinakamasayang parte ng buhay estudyante mo, sa kolehiyo mo mararanasan ang pinakamahirap ngunit malayang parte ng buhay estudyante mo at depende na lang sayo kung saan mo itutungtong ang sarili mong mga paa. Base sa nakasulat sa libro ni Bob Ong ay hindi naging madali para sa kanya ang kolehiyo dahil dito niya nalaman at sa kolehiyo siya nagising na hindi palaging piyesta. Dito nasubok ni Bob Ong ang katatagan niya sa pag-aaral, dito huminto panandalian ang buhay niya at umusad pa rin dahil na rin sa determinasyong angkin at sa tulong ng kanyang pamilya na kailanman ay hindi binilang at pinagtawanan ang mga pagkakadapa niya sa tunay na buhay na hinaharap ni Bob Ong. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging guro sa Computer si Bob Ong sa hayskul. Dito nasubok ang kanyang pasensiya pagdating sa pagtuturo. Naging ganado rin siya sa pagtuturo dahil alam niyang nakakapaghatid siya ng kaalaman sa mga batang tinuturuan niya. Sa pagiging guro rin niya nasagot ang mga katanungang matagal nang bumabagbag sa kanyang isipan. Nalaman niya na mahirap talagang maging guro at makuha ang respeto lalo na kung sa isang tulad niya na hindi gaanong sanay na humarap sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sa pagtuturo niya nalaman na marami pala talagang mga bagay na naituturo mo sa isang estudyante bukod pa sa mga nakasulat sa mga kwaderno nila at lesson plan mo. Ganoon din naman ang mga estudyante, kahit hindi pa propesyunal ay may naituturo silang mga bagay sa kanilang mga guro nang hindi nila nalalaman. Isinulat din ni Bob Ong ang mga uri ng estudyanteng nakaharap niya. Nandoon ang Clowns, Geeks, Hollow

Man, Spice Girls, Da Gwapings, Celebrities, Guinness, Leather Goods, Weirdos, Mga anak ni Rizal, Bob Ongs at ang Commoners na hinding hindi mawawala sa isang klase. Sa pagiging guro niya nasabi na ang pagtuturo ay isa sa mga pinakasagradong trabaho dahil hindi mo raw alam kung saan hihinto ang impluwensya mo sa mga magiging estudyante mo. Naisaad din sa libro ang malaking kakulangan ng gobyerno pagdating sa budget nila sa edukasyon na talagang makakapagbukas ng iyong mata sa totoong pangyayari na mayroon sa bansa natin. Nabanggit din ni Bob Ong sa bandang dulo ng kanyang libro ang pagiging tanyad at bayani ng sariling bansa ang mga guro dahil sa mga ginagawa nila upang makapagturo lang. Pagkatapos ng dalawang linggo ay bumalik na ulit si Bob Ong bilang isang estudyante. Sa buod ng kanyang libro, masasabing talagang mahirap maging estudyante pero mas mahirap ang maging isang taong wala narrating dahil sa katamarang ipinakita sa pag-aaral. Isang dekada lang tayong mag-aaral at kung palalagpasin pa natin ito ay limang dekadang paghihirap ang kapalit. Makakabalik tayo sa lugar pero hindi na sa panahon kaya dapat ngayon pa lang ay ayusin na natin ang pag-aaral natin upang maging mas matuwid ang landas na maaari nating tahakin sa ating buhay.

V.

Mensahe Marami na ang humanga at naging inspirado sa pag – aaral dahil sa libro na ito, karamihan ay ang mga estudyante pa lamang, ayon na rin ito sa mga kwento ng aking kaklase na bago ko pa nabasa ito ay kinuwento na nila sa akin. Dahil maski ako ay na – inspired, Masasabi ko na ito ay ang “Kwento ng bawat Batang Pilipino” dahil sino ba naman ang mga batang Pilipino sa mundo na di naranasan ang Mag – cutting, Mangopya, Maglaro, Kumain ng pagkain Galing sa tray, Maligo sa ulan, Mag cram sa Assignment, magkaroon ng Project, Matae sa salawal, Atbp. Oo inaamin ko, halos lahat ng andyaan ay nangyari na sa akin. Di naman ako Kritiko para husgaan ang libro, pero humahanga ako dahil mistulang binigyan tayo ni Uncle Bob ng time machine para balikan ang ating ala -ala, at ito ay sa pamamagitan ng ABA! Nagreview ka na ba?

game na siya mismo ang nagdisenyo (kung may gusto kayong malaman tungkol sa laro, ay iclick na lamang ang link na nasa itaas.

VI.

Teoryang Ginamit Eksistensyalismo – Ito ay nagpapakita na ang tao ay may kalayaang pumili at magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo ) Human existence).

Suring Basa (Nobela)

 ...


Similar Free PDFs