Activity 2 - Grade: 90 PDF

Title Activity 2 - Grade: 90
Course BS Tourism
Institution Batangas State University
Pages 3
File Size 66.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 710
Total Views 917

Summary

ACTIVITY 3 May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae?ano sa palagay ang epekto sa a.) emosyonal b.) sosyal at c.) sikoholikal Sa pananaw ng mga gaya nating nabubuhay sa modernong mundo, walang ano mang kabutihan ang nagagawa ng Female Genital Mutilation o FGM sa mga kaba...


Description

ACTIVITY 3 1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae?ano sa palagay ang epekto sa a.) emosyonal b.) sosyal at c.) sikoholikal Sa pananaw ng mga gaya nating nabubuhay sa modernong mundo, walang ano mang kabutihan ang nagagawa ng Female Genital Mutilation o FGM sa mga kababaihan. Iba’t iba ang epekto nito sa pagkatao ng mga dumadanas nito.  



Epektong Emosyonal - maaaring makaramdam ang dalagita ng kakulangan at kababaan ng pagkatao. Epektong Sosyal - ang epekto nito ay malaki lalo na sa babaing makakaranas na makisalamuha sa mga taong mula sa ibang kultura. Ito ay matapos niyang malaman at maikumpara ang tradisyon niya sa mga kasama. Epektong Sikolohikal - ito ay mararamdaman niya matapos ang epektong Sosyal. Tuwing mapapagisa siya ay maaaring isipin niya ito. Maaaring pagmulan ito ng gulo sa pamilya bunga ng paninisi.

2. Bakit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng fgm sa rehiyon ng africa at kanlurang asya? Noon pa man ay mayroon ng malawakang hakbang upang kumbinsihin ang mga nagsasagawa nito na itigil na ang FGM o Female genital mutilation. Ito ay sinuportahan ng United Nations General Assembly noong 2012. Ngunit may ilan pa ding hindi sang-ayon dito tulad na lamang ni Eric Silverman, isang antropolihista. Ayon sa kanya, ang FGM ay naging bahagi na ng isa sa mga sentrong aralin sa antropolohiya, na nagsusulong ng mga katanungan patungkol sa cultural relativism, tolerance, at sa pangkalahatan ng karapatang pantao. Samakatuwid, patuloy padin ang Gawain na ito lalo na sa Aprika dahil na din sa naging bahagi na ito ng kanilang kultura. 3. Ayon sa binasa,pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa africa at kanlurang asya?magbigay ng patunay.  Ayon sa aking nabasa, hindi pantay ang pagtingin ng mga bansa Africa at Kanlurang Asya sa mga miyembro ng LGBT dahil inaabuso nila ang mga kababaihan mapa bata man o matanda para lamang mabago ang seksuwal na orentasyon nila. Patunay na dito ang mga lesbian kung saan kanila itong ginagahasa at ang Female Genital Mutilation (FGM). 4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang mga kababaihan at mga miyembro ng lgbt sa bahaging ito ng mundo?patunayan ang sagot.  Oo lahat naman ng tao ay may karapatan. Karapaan sa pagpili at sa laht ng bagay kahit na sila ay bakla tao parin sila na katulad natin tayo ay nilikha ng siyo nang pantay pantay kaya wla tayong karapatan na tratuhin ng masam anag bawat isa. Dalawa ang bahagi ng Kanluraning Asya at kontinente ng Aprika kung saan masasabi na walang total o kumpletong kalayaang tinatamasa ang mga mamamayan, partikular na ang mga kababaihan at ang mga taong parte ng LGBTQ+ community. Ating napag-aralan sa kasaysayan na noong sinaunang panahon ay hindi malaya ang mga kababaihan, lalo na pagdating sa pagpapahayag ng kanilang mga damdamin at opinyon. Ngunit ito ay nagbago na 



sa mga nakaraang taon at umunlad na rin ang estado ng mga kababaihan. Gayunpaman, may iilan pa ring bahagi sa mundo, tulad nang nabanggit sa Kanluraning Asya at Aprika, kung saan humaharap pa rin sa diskriminasyon ang mga babae at maging na rin ang mga LGBTQ+.

TANONG: 1. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong pangkulturang pangkat nabanggit ni Margaret Mead?  Maaaring nagkakaiba ang mga gampanin ng mga lalake at babae sa mga tribo sa Papua New Guinea dahil sa kanilan lokasyon at kawalan ng organisadong paraan ng pakikipag-usap sa pagitan ng mga tribo nito. Bukod dito ay malaking salik d kultura at tradisyon sa pagkakaiba ng kanilang mga gampanin. Dahil sa kakulangan ng komunikasyon sa isa't isa at teknolohiya, maaaring ang bawat tribo ay nagkaroon ng kani kaniyang mga pamamaraan sa pamumuhay labas sa impluwensiya ng ibang tribo na nakapaligid. 2. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng personalidad at pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na kaanyuan?  Sa aking palagay, mas matimbang na salik ang ating kapaligiran sapagkat bilang tao at likha ng diyos, tayo ay nakikipagkapwa at nakikisalamuha sa iba't ibang uri ng tao at ang mga taong nakakasalamuha natin ang may higit na impluw sa ating paghubog ng personalidad kaysa sa ating pisikal na kaayuan.

TANONG: 1. Ayon sa teksto, sino ang matatawag na unang LGBT? Sa aling panahon sa kasaysayan ito nagsimula?  Sa tekstong naglalahad ng kasaysayan ng LGBT, inilahad na ang mga babaylan ang unang matatawag na LGBT. Ang pagkakaroon ng babaylan ay nagsimula noong ika-16 hanggang ika-17 na siglo. Ang mga babaylan ay maaaring maging lalake o babae. Kung lalake ang babaylan ay nagdadamit at nagkikilos babae ang mga ito. 2. Kailan nagsimulang lumawak ang kamalayan ng mga pilipino sa LGBT ? Ano-anong pangyayari ang nagbigay daan dito?  Nagsimulang lumawak ang kamalayan ng mga pilipino sa LGBT noong dekada 60 pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang naithala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. Sa Pilipinas ang mga umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ang

lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, maraming pasulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT, isa sa mga halimbawa nito ay Ladlad. 3. Ano ano ang mahalagang ideya ang naitala mo? Bakit mo nasabing mahalaga ito? 

Dekada 90 ang simula ng LGBT movement



Sa Pilipinas, ang umiiral na konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensya ng international media at lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang bansa. Mahahalaga ito Kasi it ay mga suportang detalye ( supporting details ) sa pagsimula ng paglawak ng LGBT sa bansa.

...


Similar Free PDFs