Title | Konseptong Papel - Grade: 90 |
---|---|
Author | Ellaine Aguirre |
Course | Panitikang Pilipino |
Institution | Adamson University |
Pages | 3 |
File Size | 93 KB |
File Type | |
Total Downloads | 12 |
Total Views | 59 |
Konseptong Papel Pamagat ng Pananaliksik Pagpopondo ng mga institusyong nangangalaga sa wika at pana naliksik ng ating bansa. Pangunahing Layunin Mahalaga ang Pananaliksik sa ating buhay, maaaring hindi ito alam ng nakakarami pero ang pananaliksik ang dahilan kung bakit mayroon tayong nagagamit na ...
Konseptong Papel Pamagat ng Pananaliksik Pagpopondo ng mga institusyong nangangalaga sa wika at pananaliksik ng ating bansa.
Pangunahing Layunin Mahalaga ang Pananaliksik sa ating buhay, maaaring hindi ito alam ng nakakarami pero ang pananaliksik ang dahilan kung bakit mayroon tayong nagagamit na gadget, pano natin nalalaman kung pano gumagana ang isang bagay, paano natin natutunan ano ang mga solusyon sa isang matematikal na problema, ang lahat ng mga yan ay nanggaling muna sa isang matindi na pagsusuri. Ang layunin ng konseptong papel na ito ay mapaabot sa ating mga gobyerno o kahit sa mga pribadong sektor na magnanais na bigyan ng pondo ang mga pambansang institusyon na nangangala sa ating wika at nagtataas ng pamantayan sa pananaliksik gaya na lamang ng P hilippine Institute for Development Studies, National Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino, at National Research Council of the Philippines. Maaari din maging reperensiya ito sa mga nagbabalak na gumawa ng pananaliksik na maitutulad sa paksa ng papel na ito. Mga Tiyak na Layunin a. Malaman
kung
paanong
paraan
mapangangalagaan
ang
larangan
ng
pananaliksik sa bansa b. Mabigyan kaalaman ang mga Pilipino kung ano ang importansya ng mga institusyong nangangalaga sa wika at pananaliksik ng bansa. c. Maibigay ang benepisyo sa pagbibigay ng pondo sa mga instituyon na nagtataas ng pamantayan ng pananaliksik.
Metodolohiya Pagi-interybyu - Ang pag-iinterbyu ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong
agsasagawa ng interbyu ang paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito. M mananaliksik ng konseptong papel na ito sa presidente ng mga institsyuong paksa ng pananaliksik sa kadahilanang makapagbibigay sila ng magandang dahilan o benepisyo na makakatulong upang maaprubahan ang konseptong papel. Sarbey - Magpaikot-ikot sa mga unibersidadna kilala sa bansa at magpakalat ng kwestiyonaryo. Magagamit ito upang malaman kung ano ang alam ng mga estudyante sa pananaliksik at ano ang magandang hangarin nito para sa kanilang buhay bilang magaaral. Swot-Analysis -
Tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan at kahinaan (weaknesses)
ng isang programa/plano, at mga oportunidad o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa/plano.
Kaugnay na Literatura
Sa pagsusuri ni Batan (2015), Filipino sa larangan ng Sosyolohiya, lalo na sa pananaliksik ay masasabing binabaybay ng kondisyong estruktural na nag-uugat sa banyagang kasaysayan nito, sa banyagang pagsasanay ng mga nagtuturo nito na humugis at patuloy na humuhugis ng kolonyal na Sosyolohiya dahil nga, mas maraming Ingles ang ginagamit kaysa sa likas na wika ng lipunan.
Kaugnay na Pananaliksik
Ayon kay Demetrio (2015), dapat munang tutukan ang sariling kahusayan para maging mas makabuluhan, mas kapaki-pakinabang at mas sustenable ang gagawing paglahok sa dimensyon ng internasyonalisasyong akademiko. Ang ibig sabihin nito ay dapat muna tayo mag pokus sa ating husay bago tayo humanga at mainggit sa iba. Alam natin ang ating kakayahan ngunit tayo ay hindi parin kaya makipagsabayan sa iba dahil hindi natin binibigyan ng atensyon ang ating mga kahusayan.
References: Batan, C. M. (2015). Wikang Lokal at Filipino sa Pananaliksik: Isang Naratibong Sosyolohikal. HASAAN, 2(1), 1-1. Retrieved from.
https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-II-2015-107-115.pdf . Demeterio III, F. P. A., & Felicilda, J. M. B. (2015). Ang Ugnayan ng Wika, Pananaliksik, at Internasyonalisasyong Akademiko/The Inter-relafionship of Language, Research, and Academic Internafionalizafion. Malay , 28, 11-25. Retrieved from. https://www.researchgate.net/publication/343577569_Ang_Ugnayan_ng_Wika_Pananaliksik_at_Int ernasyonalisasyong_Akademiko...