Konseptong papel revised PDF

Title Konseptong papel revised
Course Komunikasyon Sa Akademikong Filipino
Institution Far Eastern University
Pages 7
File Size 84.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 181
Total Views 229

Summary

Mga dahilan at implikasyon ng “Academic Stress” sa mga Mag-aaral ng Far Eastern University Senior High School sa Strand naSTEMIsang Konseptong Papel Bilang pangangailangan sa Asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoIpinasa nina: Alexandra Camille S. Alcala Lance David ...


Description

Mga dahilan at implikasyon ng “Academic Stress” sa mga Magaaral ng Far Eastern University Senior High School sa Strand na STEM Isang Konseptong Papel Bilang pangangailangan sa Asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ipinasa nina: Alexandra Camille S. Alcala Lance David Maria Sophia Lourdes T. Lovino Mark Danhill Egana Rhonel Kabigting Maurice Ethanniel Reyes Joven Mark N. Mamon Medlynne Cuyugan Nathalie Kyle Dianco Drahcir Ramos

Ipinasa kay: Gng. Yolanda S. Lingat

GRAPHIC ORGANIZER

I.

Rasyonal

Itinuturing ang “Stress” bilang isa sa mga problema ng karaniwang tao. Ito ay nasa ikatlong pwesto kasunod ang kamatayan (death) at buwis (tax) na nasa una at ikalawang pwesto. (Bernstein, et al, 2008). Ang stress ay isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay nakararamdam ng kahirapan, pagkabahala, labis na kapaguran at kawalan ng pagasa. Ito ay dulot ng isang matinding suliranin na dumating o maaaring dumating sa buhay ng isang tao. Ito ay may iba’t ibang anyo depende sa sitwasyon o pangyayari. Maaaring magmula ang stress sa mga problemang pinansyal, di pagkakasundo sa pamilya at trabaho, mababang sahod, aksidente, pagiging biktima ng karahasan o iba pang trauma, interaksyon sa kapwa (social interaction) at iba pa. Ang stress ay nakakaapekto sa kahit na sino, mapabata man o matanda, isa sa pinaka naaapektuhan nito ay ang mga estudyante.

Ang bawat mga magaaral ay nagdaranas ng isang malaking suliranin sa kanilang pagaaral. Sila ay humaharap sa stress na nakukuha sa paaralan na tinatawag na “Academic Stress”. Ito ay isang “mental distress” kung saan may kinalaman ito sa mga gawaing pang eskwelahan na lubhang nakakapagdulot ng kahirapan o kapaguran sa mga estudyante. Ito ay mga problema na kanilang kinakaharap kaugnay sa mga gawaing pampaaralan na sadyang hindi maiiwasan. Mga halimbawa nito ay ang pagkuha ng eksaminasyon (school examination), pagsagot sa mga tanong ng guro (oral

recitation), pagpapakita ng progreso ng pag-aaral sa iba’t ibang asignatura sa paaralan, pagintindi sa mga leksyon, kompetisyon sa mga kamag-aral at pagtupad o pagkuha ng matataas na grado base sa ekspektasyon ng guro at magulang. Ang mga pangangailangang ito ay maaaring labis sa kakayahan ng isang pangkaraniwang estudyante at ang pagkalabis nito ay nagreresulta sa “Academic Stress” o pagkapagod buhat sa pagtupad ng mga inaasahang gawain kaugnay ng pagaaral. Ito ay sumasalamin sa persepsyon ng isang indibidwal na may akademikong pagkabigo (Academic Frustration), akademikong problema (Academic Conflict), akademikong kagipitan (Academic Pressure) at akademikong pagkabalisa (Academic Anxiety). Ang Academic Frustration ay bunga ng maling gawi o pagtugon sa mga academic goals o layunin sa isang sitwasyon. Ang pagsailalim sa mabigat na pangangailangan ng oras at lakas upang matugunan ang mga layunin at gawain ay nakakapagdulot ng Academic Pressure sa mga ito. At ang panghuli ay ang Academic Anxiety na kung saan ang bawat magaaral ay nakararanas ng matinding pagkabalisa dulot ng paggawa ng mga layunin.

Ito ang mga dahilan na nag udyok sa amin upang lalo pang alamin ang mga detalye ukol sa “Academic Stress”. Sa pamamagitan ng papel na ito ay maipapakita naming kung ano ano ang nagiging epekto ng “Academic Stress” sa isang mag aaral. Ang isa pang dahilan ay hindi gaano natutuunan ng pansin ang mga ganitong isyu sa lipunan. Ito ay dahil hindi masyadong nakikita ang epekto nito kaya hindi ito gaanong pinoproblema ngunit kung ito’y pagtutuunan ng pansin ay maari itong makabawas sa isa sa pinakamabigat na problema ng mga mag-aaral. Lingid sa ating kaalaman, maraming estudyante, hindi lang sa FEU kun’di sa iba pang mga paaralan ang

nakararanas ng academic stress na lubhang nakakaapekto sa pagiging aktibo ng mga estudyante sa paaralan. Ito ang napili naming paksang talakayin upang mabigyang sagot ang mga katanungan kung ano nga ba ang academic stress at kung paano ito mabibigyang solusyon sa pamamagitan ng iba’t ibang alternatibong paraan.

Ang pangunahing makikinabang sa papel na ito ay ang mga estudyante. Ito ay dahil sila ang nakakaranas nito at maaring maging susi ang papel na ito upang mas lubusan pa nilang maintindihan ang kanila dinaranas araw araw. Hindi lamang epekto o dahilan ang makikita nila sa papel na ito dahil matututunan din nila kung paano mananalo sa suliraning ito at kung paano mapipigilan ng ibang alternatibong paraan ang pag implika ng mga mas malubha pa nitong epekto. Magbibigay rin kami ng ilang mga aplikableng paraan kung paano ito mapipigilan na pwede nilang gawin upang masolusyunan ang isyung ito. Ang mga magulang ay makakakuha rin ng benepisyo dito dahil gaya ng estudyante ay maiintindihan rin nila lalo ang kinakaharap ng kanilang mga anak at mas magagabayan pa nila ito sa kanilang buhay, Gayundin ang administrasyon ng paaralan, dahil dito ay maaari nilang ayusin ang kanilang kurikulum upang maisaayos ang problemang ito.

I.

Layunin

Ang konseptong papel na ito ay naglalayon na: •

Malaman at masuri ang pangunahing kadahilanan at pinagmulan ng pangakademikong tensiyon (academic stress).



Malaman ang mga mabuti at masasamang epekto na dulot ng tensiyon sa mga pang-akademikong gawain para sa mga estudyante ng Far Eastern University Senior High School sa strand na STEM.



Maglahad ng alternatibong pamamaraan kung paano mapapamahalaan, maiiwasan o masosolusyonan ang academic stress sa pagaaral ng isang estudyante.

III.

Metodolohiya Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman at masuri ang

pinagmulan ng akademikong tension na nakaka-apekto sa bawat magaaral. Dahil dito ay napag desisyunan ng aming grupo na gumawa ng sarbey sa isang seksyon sa mga mag-aaral ng Far Eastern University Senior High School sa strand ng STEM.

Magpapalaganap ang aming grupo ng mga katanungan at iimbestigahan rin ng grupo ang iba’t ibang bahagi ng academic stress tulad ng kurikulum na ginagamit, mga pangkatang gawain at assessment na isa sa mga pinagmumulan ng akademikong tensiyon. Ito ay hahatiin sa tatlong parte kung saan ang bawat

kategorya ay mayroong micro issues o sub issues. Mayroong tatlong micro issues na nakasailalim sa kurikulum na ginagamit, dalawang micro issues naman ang nakasailalim sa pangkatang gawain at dalawang sub issues sa assessment. Isasagawa ang pagaaral sa Far Eastern University na lalahukan ng 50 na magaaral na manggagaling sa strand na STEM. Upang malaman ang mabuti at masamang epekto ng akademikong tensiyon ay kokonsulta ang grupo sa limang eksperto kung saan sila rin ay magbibigay ng maaaring gawin o maaaring solusyon upang mapamahalaan ang akademikong tensiyon.

II.

Inaasahang Bunga

Sa pananaliksik na aming isinagawa ay inaasahan na mas magiging bukas ang isip ng kapwa naming kamag-aral sa maaring idulot ng akademikong tensiyon. Mabibigyang pansin ang masamang epektong dulot nito sa mentalidad, pisikal at emosyon ng isang tao. Inaasahan din na mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaaral ukol sa akademikong tensyon at mabigyan ng alternatibong solusyon upang mapamahalaan ang paksang aming pinag aralan. Ito rin ay nag lalaman ng mahahalagang datos na makakalap. Inaasahan rin naming na mas lubusan na maunawan ng aming kapwa magaaral ang mabuti at masamang epekto ng akademikong tension.

III.

Sangguniaan o Pinagkunang Datos

Bernstein, D.A; Penner, L.A; Stewart, A.C and Roy, E.J (2008) Psychology (8th edition). Houghton Mifflin Company Boston New York. Yumba, W. C. (2008). “Academic Stress: A case of the Undergraduate Students”. https://www.diva-portal.org/smash/get/diva2:556335/FULLTEXT01.pdf Loralaine.R. (2016). “Stress at Tensiyon: Ilang paraan para maiwasan ito”. http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/ang-stress-o-tensiyon-at-ilangparaan-na-maiwasan-ito.html...


Similar Free PDFs