Ang Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Kultura ng mga Bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Thailand at ang Epekto nito sa Interkultural na Pagkilala PDF

Title Ang Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Kultura ng mga Bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Thailand at ang Epekto nito sa Interkultural na Pagkilala
Author Sirius Marie Mauricio Daquigan
Pages 46
File Size 299.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 61
Total Views 565

Summary

Ang Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Kultura ng mga Bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Thailand at ang Epekto nito sa Interkultural na Pagkilala Isang pananaliksik Upang maisakatuparan ang mga pangangailangan Para sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Konteksto Tungo Sa Pananaliksik Sirius ...


Description

Ang Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Kultura ng mga Bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at Thailand at ang Epekto nito sa Interkultural na Pagkilala Isang pananaliksik Upang maisakatuparan ang mga pangangailangan Para sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Konteksto Tungo Sa Pananaliksik

Sirius Marie M. Daquigan Marianne B. Lanada Eara Jamille M. Mabunga Rica Gabrielle S. Ortiz

Ipinasa kay Propesor Emma Olila Sison, PhD

Ika-28 ng Nobyembre, 2016

Pamantasang De La Salle – Manila

I.

Ang Suliranin at ang Kaligiran A. Introduksyon Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba sa kultura

ng mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas sa mga aspeto ng edukasyon, social values, sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya, at pagdating sa relihiyon at pagpapakasal. Sa katapusan ng pananaliksik, napag-alaman ng mga mananaliksik na higit na nangingibabaw ang mga pagkakatulad sa kultura ng mga bansang nabanggit kaysa sa mga pagkakaiba. Sa kabila ng mga pagkakaiba, ang mga pagkakatulad ang siyang nagpapatibay ng interkultural na pagkilala sa pagitan ng apat na bansang nabanggit, at sa iba pang mga bansa. B. Batayang Teoretikal

KAALAMAN Kaalaman at pag-unawa sa kasaysayan, kultura, mga kaugalian at paniniwala.

Culturally PAGGAWA Pagkilos at pag-uugaling angkop sa kutura.

Capable

PAGKATAO Kamalayan, katotohanan at pagkabukas ng isipan sa sariling pagpapahalaga at paniniwala.

Teoryang Cultural Capability The Aboriginal and Torres Strait Islander Cultural capability ay isang teroyang gawa nina Aboriginal and Torres Strait Islander na nagbibigay ng basehan sa pagbuo ng cultural capability. Ang teorya ay pinapakita ang tatlong domain ng cultural capability, na kinuha sa the Knowing, Doing, and Being framework gamit nina Snook et al (2012) . Sa bawat domain, mayroong core at functional area ng capability na pwedeng gamitin sa kahit anong pag-uuri. Ang bawat indibidwal maging Malaysian, Indonesian, Thai o Pilipino man ay dapat maging culturally capable. Upang makamit ito, kailangan munang magtamo ng kaalaman at pagunawa sa kultura ng sariling bansa at maging ng ibang bansa. Ikalawa, kailangan maging angkop ang ugali at kilos sa kultura ng bansa. Panghuli, kailangang maging buo ang kamalayan at bukas ang isipan sa mga pagpapahalaga at paniniwala na nakapalibot sa bansang nasabi. C. Paglalahad ng Suliranin Mga Tiyak na Suliranin Paano nakakaapekto ang pagkakahawig at pagkakaiba sa kultura ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Thailand sa pagsusulong ng interkultural na pagkilala. Tiyak na Suliranin: 1. Ano ang iba’t ibang kultura ng bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Thailand. a.

Struktura ng edukasyon sa mga bansang nabanggit

b.

Mga umiiral na social values ng mga bansang nabanggit

c.

Mga umiiral na sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya

d.

Mga kaugalian pagdating sa kasalan at mga umiiral na relihiyon

2. Ano ang mga pagkakahawig sa kultura ng bansang Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Thailand. a.

Struktura ng edukasyon sa mga bansang nabanggit

b.

Mga umiiral na social values ng mga bansang nabanggit

c.

Mga umiiral na sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya

d.

Mga kaugalian pagdating sa kasalan at mga umiiral na relihiyon

3. Ano ano ang pagkakaiba sa kultura ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas at Thailand. a.

Struktura ng edukasyon sa mga bansang nabanggit

b.

Mga umiiral na social values ng mga bansang nabanggit

c.

Mga umiiral na Sistema at pagpapahalaga sa yunit ng pamilya

d.

Mga kaugalian pagdating sa kasalan at mga umiiral na relihiyon D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang pagkakahawig at pagkakaiba sa kultura sa aspeto ng edukasyon, pagpapakasal at relihiyon, pamilya, at etika ng mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas at kung paano ito nakakapekto sa interkultural na pagkilala. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong himukin ang mga Asyano na yakapi ang iba’t-ibang kultura at kaugalian na siyang magpapatibay sa interkultural na pagkilala. E. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang sistema ng edukasyon, kaugalian sa pagpapakasal at relihiyon, pagpapahalaga ng pamilya, at ang iba’t ibang alituntunin sa pag-uugali sa mga nasabing bansa.

Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga datos na kaugnay at patungkol lamang sa interkultural na relasyon ng mga tao mula sa Malaysia, Indonesia, Thailand at Pilipinas, at sa mga pinagkuhanan na ilang libro ukol sa iba’t ibang gawain ng apat na bansang nabanggit sa mga nasabing aspeto ng kultura: edukasyon, pagpapakasal at relihiyon, pamilya, at etika, kung kaya’t maaring hindi maturing na komprehensibo ang pag-aaral ng iilan. F. Terminolohiya 1. Arranged Marriage – Isang kasal na binalak at sinang-ayon ng pamilya ng babae at lalaking ikakasal na may kaunti o walang maipapahayag ukol sa kasunduan. 2. Bapak – mula Indonesia, tawag sa pinakamatandang lalaki sa pamilya, ang pinuno ng pamilya. 3. Budismo - isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Sakyamuni (Siddhartha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE 4. Comprehension – proseso ng pag-unawa; kakayahan ng isip na umintindi at umunawa; kahulugan ng isang katawagan; pagsasama-sama. 5. Compulsory – kailangan; iniuutos; ubligado. 6. Communitarianism - Isang idelohiya na nagbibigay atensyon sa responsibilidad ng bawat indibidwal sa komunidad at ang panlipunang kahalagahan ng yunit ng pamilya. 7. Consensual approach - Ang pananaw o desisyon ay base sa isang pangkalahatang kasunduan sa lahat ng mga kasapi. 8. Contextualisasyon (Theolohiya) – Ginagamit sa pag-aaral ng mga iba’t ibang salin ng Bibliya na may kaugnayan sa kanilang mga may-katuturang kultural na kapaligiran.

9. Electives – isang opsyonal na asignatura; kurso na pinipili ng isang mag-aaral sa maraming alternatibong pagpipilian. 10. Enhanced Basic Education Act of 2013 – batas na ipinapatupad ang implementasyon ng K-12 Curriculum sa lahat ng paaralan sa Pilipinas, at ang implementasyon ng karagdagang dalawang taon sa high school o Senior High School (Grades 11 at 12). 11. Evaluation – pagsusuri ng pisikal o mental na kalagayan ng isang mag-aaral 12. K-12 Program – isang programa ipinapaloob ang kindergarten at labindalawang taon ng basic education upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na maging bihasa sa iba’t ibang asignatura at maging “life-long learners”. 13. Kindergarten Education Act of 2012 – batas na ginagawang compulsory ang Kindergarten sa bansang Pilipinas. 14. Lower Secondary Evaluation – pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa Form 3, ang huling taon ng lower secondary level ng paaralang sekundarya ng Malaysia, bago magpatuloy sa upper secondary level at mamili sa tatlong specialized streams: Academic Stream, Technical and Vocational, at Religious. 15. Malaysian Certificate of Education Examination – pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa Form 5 ng upper secondary level ng paaralang sekundarya sa Malaysia bago magpatuloy sa sa kolehiyo o sa Form 6, isang opsyonal na baitang bago magpatuloy sa isang unibersidad; kinakailangan ang pagsusulit na ito upang makapagtapos ang isang mag-aaral ng paaralang sekundaryo sa Malaysia. 16. Matthayom – katumbas ng paaralang sekundarya o high school sa bansang Thailand.

17. National Educational Test – pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa Thailand sa katapusan ng bawat antas (Prathom 1-3, Prathom 4-6, Matthayom 1-3, at Matthayom 4-6) upang makapagtapos. 18. National-type Schools – mga paaralan sa Malaysia na gumagamit ng ibang wikang panturo tulad ng Chinese at Tamil. 19. Nonsectarian – tawag sa isang institusyon na hindi kaanib o limitado sa isang tiyak na relihiyon. 20. Nuclear family – binubuo ng mag-asawa at kanilang mga anak. Pinakasimpleng yunit ng pamilya. 21. Prathom – katumbas ng elementarya sa bansang Thailand. 22. Preschool – isang paaralan para sa mga batang edad tatlo hanggang lima kung saan tinuturuan sila ng alpabeto, mga numero, hugis, kulay, at iba pa sa pamamagitan ng paglalaro; baiting bago ang elementarya. 23. Primary School – elementarya; mababang paaralan. 24. Primary School Achievement Test (PSAT) – pagsusulit na kinukuha ng mga mag-aaral sa Year 6, ang huling taon ng elementarya sa Malaysia, bago magpatuloy sa paaralang sekundaryo. 25. Research – isang sistematikong pagsusuri at imbestigasyon sa isang paksa upang tumuklas ng mga bagong kaalaman o baguhin ang mga naunang tuklas, teorya, at iba pa. 26. Secondary School – paaralang sekundaryo; mataas na paaralan; isang paaralan sa pagitan ng elementarya o mababang paaralan at sa kolehiyo o pamantasan. 27. Tamil – wikang Dravidian ng mga Tamil na ginagamit sa mga bansang India at Sri Lanka.

28. Tertiary Education – ang susunod na antas ng edukasyon matapos ang paarang sekundarya. 29. Sin sod – terminolohiya mula Thailand. Seremonya ng paghahandog ng lalaki ng pera sa pamilya ng babaeng kanyang pakakasalan sa araw ng kanilang kasal. II.

Kaligirang Pangkasaysayan

A. Edukasyon sa Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas Ang Timog-Silangang Asya ay isang rehiyon na nagkakaiba sa maraming aspeto tulad ng heograpiya, pamumuhay, at tradisyon sa buong kasaysayan nito. Base sa mga mapa ng Timog-Silangang Asya, ang mga bansang Malaysia at Thailand ay nabibilang sa Mainland Southeast Asia, isang continental na bahagi ng Timog-Silangang Asya na matatagpuan sa silangan ng Indian subcontinent at timog ng Tsina, at napapalibutan ng Indian Ocean sa kanluran at Pacific Ocean sa silangan. Samantalang ang mga bansang Indonesia at Pilipinas ay nabibilang sa Maritime Southeast Asia, kung saan ang mga nananaig na kultura ay paglalayag sa karagatan dahil ang mga bansang kasama dito ay hiwa-hiwalay at napapalibutan ng mga katawan ng tubig na kabaligtaran ng Mainland Southeast Asia kung saan ang mga bansa ay magkakasama sa isang tangway. Dahil sa heograpiya na ito, iba’t ibang impluwensiya ang nakuha nila sa mga kanluranin at karatig na bansa kung saan umusbong ang sari-saring paraan ng pamumuhay at tradisyon ng mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas, at kabilang na dito ang sistema ng edukasyon na umiiral sa mga nasabing bansa. Ayon sa United Nations Development Programme o UNDP (1990), ang edukasyon ay kabilang sa limang pangunahing pangangailangan sa pag-unlad ng tao. Ang iba pa ay ang kalusugan, nutrisyon, kapaligiran, trabaho, at ang kalayaang pampulitika at ekonomiya.

Ayon kay Mohottige (2005), ang edukasyon ay itinuturing na pinakamabuting paraan upang simulan, makamit, at ipagpatuloy ang pag-unlad ng isang bansa. Higit rito, kaya ring mapagaan ng edukasyon ang pagkakaiba ng mga tao pagdating sa kanilang katayuan sa lipunan. Samakatuwid, ang edukasyon ay ang pinakamabisang instrumento sa pagkamit ng mga layunin ng isang bansa. *** Ayon sa Ministry of National Education and Culture, hindi kinakailangan pumasok ng isang bata sa preschool sa bansang Indonesia, ngunit ang baitang na ito ay may layon na ihanda ang isang mag-aaral sa pagpasok sa primary school. Sa Indonesia, kinakailangang pumasok sa paaralan ng labindalawang taon ang mga mamamayan nito. Maaari silang mamili sa mga non-sectarian na pampublikong paaralan na pinangangasiwaan ng Department of National Education, at mga pribadong religious schools (na kadalasan ay Islamic) na pinangangasiwaan naman ng Department of Religious Affairs. Ang unang semestro ay mula Hulyo hanggang Disyembre, at ang ikalawang semestro ay mula Enero hanggang Hunyo. Ang primary school sa Indonesia ay tumatagal ng anim na taon, ngunit ang ilang mga paaralan ay mayroong accelerated learning program kung saan ang mga mag-aaral na nangingibabaw ay maaaring makapagtapos sa loob ng limang taon lamang. Sinusundaan kaagad ng tatlong taon ng junior high school ang primary school, ngunit maaari ring matapos ng isang mag-aaral ang junior high school ng dalawang taon sa pamamagitan ng accelerated learning program ng iilang mga paaralan. Tatlong taon ng high school ang kasunod ng junior high, na maaari ring mabawasan ng isang taon dahil sa nasabing acceleration program. Sa makatuwid, kung ang isang mag-aaral ay napanatili ang kahusayan mula primary school hanggang high school, maaari niyang matapos ang basic education sa loob lamang ng siyam na taon sa halip na labindalawa.

Bukod pa sa high school, maaari ding mamili ang mga mag-aaral sa apatnapu’t pitong programa ng mga vocational at pre-professional high school na nahahati sa mga sumusunod na larangan: techonology and engineering, kalusugan, sining, turismo, information at communication technologies, agro-business at agro-technology, at business management. Bawat

larangan

ay

nangangailangan

ng

tatlong

taon

bago

matapos.

(http://www.kemdikbud.go.id) *** Ayon sa website ng Ministry of Education ng bansang Malaysia, ang sistema ng edukasyon ay nahahati sa preschool education, primary education, secondary education, postsecondary education, at tertiary education, at maaaring matamo mula sa pampublikong sistema ng paaralan ng pamahalaan ng Malaysia, sa mga pribadong paaralan, o sa pamamagitan ng homeschooling. Nagsisimula ang school year sa Enero at nagtatapos sa ikatlong lingo ng Nobiyembre. Ayon sa batas ng bansa, kinakailangang makapagtapos ng primary education ang mga mamamayan nito. Katulad ng ibang mga bansa sa Asya, nagbibigay ng mga standardized tests ang mga paaralan sa mga mag-aaral nito. Hindi kinakailangang pumasok ng isang bata sa preschool sa bansang Malaysia. Dahil dito, walang pormal na kurikulum ang preschool education sa bansa at sa mga lungsod lamang matatagpuan ang karamihan sa mga paaralang ito. Ang primary school ay nahahati sa dalawang antas, ang Level One (Year 1 hanggang Year 3), at Level Two (Year 4 hanggang Year 6). Ang mga mag-aaral ay nagpapatuloy sa susunod na baitang ano pa man ang kanilang kalagayan sa klase at kinakailangang pag-aralan ang Malay at Ingles sa lahat ng paaralan sa bansa. Mula taong 1996 hanggang 2003, ibinigay ang Level One Evaluation sa mga mag-aaral sa Year 3. Ang kahusayan sa nasabing pagsusulit ay maaaring gawing daan upang malaktawan ng isang mag-aaral ang Year 4 at

makapasok kaagad sa Year 5. Inalis ang pagsusulit sa taong 2001 dahil sa panggigipit ng mga magulang at guro sa mga mag-aaral na ipasa ang pagsusulit. Sa katapusan ng Year 6, ang huling taon sa primary school, isinasagawa sa mga paaralan ang Primary School Achievement Test na sumasaklaw sa anim na asignatura: Malay comprehension, Malay writing, English comprehension, English writing, Science, at Mathematics. Sa mga Chinese schools kabilang ang Chinese comprehension at writing habang sa mga Tamil schools, kabilang naman ang Tamil comprehension at writing. Malay ang wikang panturo sa mga paraalan pagdating sa secondary education, subali’t kailangan pa ding pag-aralan ng mga mag-aaral ang Ingles. Mula taong 2003 hanggang 2011, ang mga asignaturang Science at Mathematics ay itinuro sa wikang Ingles hanggang muling ibinalik ang wikang Malay sa pagtuturo ng mga ito sa taong 2012. Tumatagal ng limang taon ang secondary education sa Malaysia, at nahahati sa dalawang antas: ang Lower Secondary Level na kinabibilangan ng Form 1 hanggang 3, at ang Upper Secondary Level na kinabibilangan naman ng Form 4 at Form 5. Ang mga mag-aaral na nanggaling sa mga national-type schools, o mga paaralang hindi wikang Malay ang wikang panturo gaya ng mga Chinese at Tamil schools, ay kinakailangan magkaroon ng minimum grade na C sa kanilang Primary School Achievement Test at kung hindi nila maabot ang marking ito, kailangan nilang pumasok sa isang transition class bago payagang magpatuloy sa Form 1. Tulad ng sa primary education, ang mga mag-aaral sa secondary schools ay ipinahihintulutang magpatuloy sa susunod na baitang, ano pa man ang kanilang katayuan sa kanilang mga klase. Sa katapusan ng Form 3, ang huling taon ng Lower Secondary Level, kukuha ang mga mag-aaral ng isang pagsusulit kung saan ipapakita sa kanila ang pinakamagandang stream na maaari nilang pasukan sa Upper Secondary Level na naaayon sa

kanilang kakayahan na tinatawag na Lower Secondary Evaluation. Mayroong tatlong stream na maaaring pagpilian ang mga mag-aaral: ang Academic Stream, kung saan napapabilang ang sciences at arts, ang Technical and Vocational Stream, at ang Religious Stream. Sa katapusan naman ng Form 5, kinakailangang kuhanin ng mga mag-aaral ang Malaysian Certificate of Education Examination bago sila pahintulutang makapagtapos ng kanilang secondary education. Pagtapos ng Form 5, may isang opsyonal na baitang, ang Form 6 o pre-university, kung saan kukuha pa ang mag-aaral ng isang pagsusulit, ang Malaysian Higher School Certificate Examination. Ang mga kadalasang kumukuha ng Form 6 ay ang mga mag-aaral na nais makapasok sa mga lokal na pampublikong pamantasan sa Malaysia, kung saan mabigat ang pagsusuri sa mga matatanggap na mag-aaral. Ang institusyon na mayroong tertiary education ay kadalasang binibigyan ng subsidy ng pamahalaan. Bago ang taong 2004, ang mga guro sa mga pamantasan ay kinakailangang magkaroon ng post-graduate qualifications gaya ng Master’s degree at Doctorate degree. (http://www.moe.gov.my) *** Apat na taon na ang nakakaraan nang ibahin ng bansang Pilipinas ang sistema ng edukasyon mula na sampung taon na basic education tungo sa kasalukuyang K12 Program. Ayon kay Dating Pangulong Benigno Aquino III, ang K12 Program ay “naglalayon na bigyan ng pantay-pantay na pagkakataon ang lahat ng mag-aaral na magtagumpay sa buhay, makatanggap ng mataas na kalidad ng edukasyon, at magkaroon ng mga kapaki-pakinabang na mga trabaho.” Ayon sa website ng Department of Education ng bansang Pilipinas, ang K12 ay sumasaklaw sa kindergarten, anim na taon sa elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat

na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon ng senior high school (Grade 11 at 12). Libre ang edukasyon sa lahat ng pampublikong preschool, elementarya, at high school ngunit elementarya lamang ay itinakdang kinakailangang tapusin ayon sa 1987 Constitution. Binago ito ng Kindergarten Education Act of 2012 kung saan ginagawa nang compulsory ang kindergarten at ang Enhanced Basic Education Act of 2013 kung saan ginagawang compulsory ang elementarya, junior high school, at senior high school. Mayroong apat na track na maaaring pagpilian pagpasok ng senior high school. Ito ay ang Academic Track, Technical and Vocational Track, Sports Track, at ang Arts & Design Track. Ang mga mag-aaral ng senior high school ay magkakaroon ng karanasan sa pagtatrabaho hatid ng work immersion na kukuhanin nila sa Grade 12. Katumbas ito ng onthe-job training sa kolehiyo. Ang kurikulum ng senior high school ay binuo kasama ang kurikulum ng Commision on Higher Education (CHED) para sa kolehiyo upang masiguro na ang mga magtatapos ng senior high school ay mayroong mga kasanayan na kailangan nila pagtungtong nila ng kolehiyo. Isang epekto ng K12 ay ang pagkakaron ng mas kaunting General Education units pagpasok nila ng kolehiyo. Kinukumpleto ng senior high school ang basic education dahil inihahanda nito ang mga mag-aaral sa pagtatrabaho, pagnenegosyo, at pagpasok sa kolehiyo. Isa pang pagbabagong hatid ng K12 ay ang paggamit ng Mother Tongue bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Pagpasok ng mag-aaral ng Grade 1, ipinakikilala na ang Ingles ngunit hindi ito ginagamit na wikang panturo. Ang tertiary education sa Pilipinas ay nahahati sa apat na uri—ang State Universities & Colleges (SUCs), Local Universities & Colleges (LUCs), Special Higher Education

Insitutes (Special HEIs), at ang mga pribadong pamantasan. Ang SUCs ay pinangangasiwaan ng pamahalaan ng Pilipinas, habang ang LUCs ay pinangangasiwaan naman ng mga iba’t i...


Similar Free PDFs