Aralin 3 Ang Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas DOCX

Title Aralin 3 Ang Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas
Author Ram Aquino
Pages 33
File Size 511.1 KB
File Type DOCX
Total Downloads 172
Total Views 318

Summary

Aralin 3 Ang Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas MAHAHALAGANG PAG-UNAWA 1. May tungkulin at responsebilidad ang bawat opisyal. 2. May mga patakaran (checks and balances) ang isang organisasyon upang maiwasan ang pang-aabuso ng kanilang mga opisyal at paglaganap ng katiwalian. 3. Mahalaga...


Description

Aralin 3 Ang Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas MAHAHALAGANG PAG-UNAWA 1. May tungkulin at responsebilidad ang bawat opisyal. 2. May mga patakaran (checks and balances) ang isang organisasyon upang maiwasan ang pang-aabuso ng kanilang mga opisyal at paglaganap ng katiwalian. 3. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pondo sa pagpapatakbo ng isang organisasyon. 4. 4. Walang idinudulot na mabuti ang pagiging makasarili. TALASAYSAYAN boleta – tiket o papel na nagbibigay ng karapatan sa nagmamay-ari nito na magkaroon ng bahagi o silid sa Manila Galleon na paglalagakan ng mga kargamento cacique – may-ari ng malawak na lupain cumplase – kapangyarihan ng gobernardor heneral na ipagpaliban o huwag ipatupad ang batas ng Spain o dekreto ng hari dahil hindi ito praktikal o hindi kayang isagawa sa panahong iyon encomienda – pagkakatiwala ng mga lupain at ang mga nakatira rito sa ilang mga opisyal na Espanyol kung saan tutulong sila sa pagpapakalat ng kulturang Espanyol, pagpapalaganap ng Katolisismo, at pagbibigay-proteksiyon at pagsingil ng tributo sa mga katutubo Patronato Real – kasunduan ng hari ng Spain at ng Santo Papa sa Rome na palaganapin ang Katolisismo sa mga lupaing sakop ng Spain; dito ay hinirang ang hari bilang Real Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya polista – isang manggagawa na naglilingkod sa polo polos y servicios – tinawag ding prestation personal; pagtatrabaho para sa komunidad ng mga lalaking may edad 16 hanggang 60 taon ayon sa itinatakda ng pamahalaan sa loob ng 40 araw sa bawat taon principales – mga nangungunang mama- mayan sa mga antas ng lipunang kinabibilangan ng mga dating datu ng mga sinaunang barangay reduccion – sapilitang pagtitipon sa mga katutubo sa iisang pook upang madali silang mapamahalaan ng mga Espanyol residencia – imbestigasyon tungkol sa mga natupad na tungkulin ng papaalis na gobernador heneral o opisyal ng pamahalaang kolonyal Vice Real Patron – titulo rin ng gobernador heneral bilang pinakamataas na kinatawan ng hari ng Spain Viceroy – itinalagang mamuno sa isang bansa, lalawigan, o kolonya bilang kinatawan ng pinuno na tulad ng hari visitador – opisyal ng pamahalaan ng Spain na ipinadadala sa kolonya upang siyasatin ang paraan ng pamamahala rito Nagsimula ang pananakop ng Spain sa Pilipinas noong 1565 na tumagal hanggang 1898. Sumaklaw ito ng 333 taon sa kasaysayan ng Pilipinas. Gayunman, noong 1571 lamang naging pormal na kolonya ng Spain ang Pilipinas nang italaga si Legazpi bilang gobernador heneral o kinatawan ng hari sa pamahalaang kolonya. Mula 1565 hanggang 1821, hindi direktang pinamahalaan ng Spain ang kapuluan dahil ang pamamahala ay dumaraan muna sa viceroy ng Nueva Espana (Mexico sa kasalukuyan). Bilang isang kolonya ng Spain, nanaig ang interes ng mga Espanyol sa pamamahala sa kapuluan ng Pilipinas. Nagpataw ng buwis ang mga administrador ng Espanyol sa mga...


Similar Free PDFs