ANG INFORMATION TECHNOLOGY SA PILIPINAS DOC

Title ANG INFORMATION TECHNOLOGY SA PILIPINAS
Author A. Villalobos
Pages 2
File Size 42.5 KB
File Type DOC
Total Downloads 23
Total Views 154

Summary

ANG INFORMATION TECHNOLOGY SA PILIPINAS Ni Apolinario Villalobos Unang-una, nakakatawa ang sinabi ng isang survey agency na kasama sa limang bansa ang Pilipinas na may pinakamabilis na kakayahan sa pag- upload at pag-down load. Nahihibang na yata itong survey agency dahil sa pagkonekta nga lang sa s...


Description

ANG INFORMATION TECHNOLOGY SA PILIPINAS Ni Apolinario Villalobos Unang-una, nakakatawa ang sinabi ng isang survey agency na kasama sa limang bansa ang Pilipinas na may pinakamabilis na kakayahan sa pag-upload at pag-down load. Nahihibang na yata itong survey agency dahil sa pagkonekta nga lang sa server ay inaabot na ng siyam-siyam kahit ilang kilometro lang ang layo sa cell site ng user. Sa kabagalan sa pagkonek sa internet, by the time na naging successfuul, halos ubos na ang load ng user na gumagamit lang ng nilolodan na broadband at wif. Sa likod namin ay may tower ng Globe pero kapag nasa loob ng bahay ay hirap nang makipag-usap kapag Globe sim card ang gamit dahil kung hindi garalgal ang boses ay nawawala pa ilang saglit lang pagkatapos makakonekta….at kung hindi dalawa ay iisang guhit lang na signal ang nakarehistro sa cellphone at nawawala pa! Ibig sabihin palpak ang malapit tower! Lumabas ang survey na binanggit sa panahong nilalakad ang pagpasok ng isa pang server na siguradong papatay sa serbisyo ng Globe at Smart. Ang masaklap pa ay binigyan ng National Telecom ang mga kasalukuyang server ng isang taon na sobrang napakahabang palugit, upang patunayan na talagang may kakayahan sila, kaya hindi na kailangan ang isa pang server. Kung ilang taon nang kinakalampag ang Globe at Smart dahil sa palpak nilang serbisyo at mahal na singil, bakit ngayon lang sila nagkakandaugaga sa pag-ayos ng kanilang serbisyo? Sa isang banda, ang isyu dito ay ang kapasidad at kakayahan ng kanilang mga gamit upang sabay na maserbisyuhan ang mga customer nila, pero lumilitaw na wala talagang kakayahan dahil pagdating ng "peak hour" kung hindi man mga drop calls ang nadadanasan, ang mga internet users ay nadi-disconnect na. Para bang gusto nilang sabihin na, "O, yong kaninang madaling araw pa gumagamit ng internet, pagbigyan naman ang mga bagong kokonekta ngayong tanghali". Sa isyu naman ng mga CCTV, may mga kamerang nakakabit sa mga poste subalit, itim naman ang lumalabas sa monitor ng barangay….sira! Kaya kung may mga kasong nangyari sa isang lugar at kailangan ang fuootages ng insidente, ang pinapakiusapan na lang ng mga pulis ay mga may-ari ng private CCTV. Gusto ng gobyernong magkaroon ng national ID system, ganoong epektibong electronic connection nga lang ng mga ahensiya sa isatt isa ay WALA. Ang NBI ay hindi sistematiko ang fling system sa kanilang opisina kaya simpleng "same name" na kaso ay hindi nila maresolba on- the-spot….pababalikin pa ang aplikante ng clearance pagkalipas ng ilang araw. Kaylan lang ay nabistong kahit ang pinakabagong Philippine passport na pinagyabang nilang tinawag na "E- passport" ay hindi rin ligtas sa katiwalian dahil sa pagkasabat sa mga Indonesian na may hawak ng mga ito. Ang sistema ng Department ofu Tourism, Commissison on Election, at Department ofu Foreign Affairs ay minsan nang na-hack. Ang SSS at COMELEC at iba pang ahensiya ay hindi nakakapag-isyu ng matinong ID at ang pag-isyu ay inaabot ng siyam-siyam, national ID system pa kaya? Palpak ang sistema ng SSS na pinagpipilitang ipadala by courier ang ID sa halip na hayaang ma-pick up ng miyembro….at NAPARAKAMING PAGKAKATAON na ang nagpatunay na hindi sila talagang nadi-deliver ng maayos dahil ang mga aplikante ay nakatira sa ilalim ng tulay...


Similar Free PDFs