Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas DOCX

Title Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Author L. Mendigoria
Pages 1
File Size 25.3 KB
File Type DOCX
Total Downloads 7
Total Views 1,036

Summary

Lester Joseph B. Mendigoria FIL01 G122 Bb. Rivera Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Sitwasyong Pangwika sa panahon ng Pagsasarili 1. Mahigit sa 100 wika at 400 na dayalek ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pag-aaral na ginagawa pa kaugnay ng wika ay nagpapakita ng pagkakatulad ng mga ito. Gayunman...


Description

Lester Joseph B. Mendigoria FIL01 G122 Bb. Rivera Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Sitwasyong Pangwika sa panahon ng Pagsasarili 1. Mahigit sa 100 wika at 400 na dayalek ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pag- aaral na ginagawa pa kaugnay ng wika ay nagpapakita ng pagkakatulad ng mga ito. Gayunman, sa kabila ng mga pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas, malaki pa rin ang problema dahil sa kolonyal na karanasan ng bansa kung saan ang isang banyagang wika ay nagpupumilit na magdomina sa isang lipunang nadodominahan sa bilang ng mga hindi nagsasalita ng wikang ito. 2. Nahahati sa panahon ng (1) Kastila, (2) Amerikano, (3) Hapon, at (4) Republika hanggang sa kasalukuyan Sitwasyong Pangwika sa panahon ng Kastila Ang pananakop sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay at pagbubukod-bukod sa mga Pilipino ay isinasakatuparan ng mga prayle sa pamamagitan ng pag-aaral nila ng mga wikang katutubo sa halip na ituro ang wikang Kastila. Ang dahilan ng mga prayle (hindi pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indio): a. gusto ng mga prayle na manatili sa kanila ang pamahalaan. b. dahil lumalakas ang kilusang liberal sa Espanya, nasuri ng mga prayle na higit na makabubuti para sa kanila kung hindi matututo ng wikang Kastila ang mga Pilipino at hindi makapagpapahayag sa pamahalaan. c. ang kaalaman sa wikang Kastila ay makahihikayat ng pag-aalsa sa panig ng mamamayan sapagkat mauunawaan nila ang mga batas ng pamahalaan. d. malakas ang paniniwala ng mga prayle sa kanilang sariling lahi, na sila'y superyor. Sitwasyong Pangwika sa panahon ng Rebolusyong Pilipino - nagkaroon ng Kilusang Propaganda noong 1872 na siyang naging panimula ng pagkapukaw pa ng iba upang maghimagsik. Sumilang ang Katipunan ni Bonifacio. Ginamit ang wikangTagalog sa kanilang mga kautusan at pahayagan. - ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino na ginawa noon at nang pagtibayin ang Konstitusyon ng Biac-na-Bato noong 1899. - sa pagkakatatag ng Unang Republika (Aguinaldo) nawala ang impluwensiya ni Mabini sa pagpapatibay ng Tagalog bilang opisyal na wika sapagkat nasaad sa...


Similar Free PDFs