Title | Sitwasyong Pangwika sa iba Pang Anyo ng Kulturang Popular |
---|---|
Author | Yukino Tokisaki |
Pages | 3 |
File Size | 21.9 KB |
File Type | DOCX |
Total Views | 229 |
Sitwasyong Pangwika sa iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba`t ibang paraan ng malikhaing paggamit ditto dala na rin sa impluwensya ng mga pagbabagong pinanalaganap ng media. Flip-Top Ito`y pagtatalong o...
Sitwasyong Pangwika sa iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba`t ibang paraan ng malikhaing paggamit ditto dala na rin sa impluwensya ng mga pagbabagong pinanalaganap ng media. Flip-Top Ito`y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama`t sa Flip-Top ay hindi nalalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Pick-up Lines May mga nagsasabing ang Pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na nakapaglalarawan sa pick-up lines masasabing ito`y nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy at masasabirin corny. Ito ay madalas na makikita sa Facebook wall, Twitter at iba pang social media network. Hugot Lines Ang hugot lines, kaiba sa pick-up lines ay tinatawag dig love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa`y nakakainis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso`t isipan ng manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang (hugot lines) ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan...