Ang Paggamit ng Teknolohoya sa Pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at Epekto nito sa Kulturang Pilipino) Chapter I-II PDF

Title Ang Paggamit ng Teknolohoya sa Pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at Epekto nito sa Kulturang Pilipino) Chapter I-II
Author Yhen Choi
Course Bachelor of Science in Civil Engineering
Institution Nueva Ecija University of Science and Technology
Pages 21
File Size 281.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 351
Total Views 537

Summary

Republika ng Pilipinas Nueva Ecija University of Science and Technology Sumacab, Cabanatuan City, Nueva Ecija"Ang Paggamit ng Teknolohoya sa Pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at Epekto nito sa Kulturang Pilipino”Ipinasa nina: ARIVE, Genneia Marie B. BANTIQUE, Honey Grace DC. B AUTISTA, P...


Description

Republika ng Pilipinas Nueva Ecija University of Science and Technology Sumacab, Cabanatuan City, Nueva Ecija

"Ang Paggamit ng Teknolohoya sa Pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at Epekto nito sa Kulturang Pilipino”

Ipinasa nina: ARIVE, Genneia Marie B. BANTIQUE, Honey Grace DC. BAUTISTA, Paula Shaqyra DC. BONDOC, Jerel D. DAWANG, Jan Maureen B. LINGAS, Cayeanne Joie C. PATANGAN, Marvin Q. BSCE-1B

Ipinasa kay: Ma’am Ma. Lourdes R. Quijano, PhD May 2021

Kabanata I

AND SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Sa modernong panahon na kung saan ang musika ay isa sa mga bagay na mahalaga sa buhay ng tao sapagkat nakikita nila itong isa sa mga nakapagbibigay saya o aliw sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao. At sa kasalukuyang panahon ay mas dumarami ang mga kabataan na gumagamit ng teknolohiya sa iba't-ibang sulok ng bansa. Sa kadahilanang ito ay nakakakita sila o nagkakaroon sila ng ideya sa kung ano nga ba ang kultura ng ibang bansa at dahil nga bago sa kanilang isipan ang kanilang nakikita sa mga "social media", ay sinusubukan nilang gayahin ang kanilang nakikita dito. Katulad na lamang ng musika, hindi maitatanggi na may kagandahan ang nabubuong mga konsepto ng musika sa ibang bansa kung kaya't mas na eenganyo ang mga kabataan pati na rin ang mga matatanda na makinig dito. Dahil dito mas tinatangkilik ng mga pilipino ang musika na gawa sa ibang bansa kaysa sa musikang pilipino na ginagawa ng iba't ibang kompositor ng musika sa ating bansa. Dulot ng patuloy na pagbabago ng mga nahihiligang musika ng mga pilipino ay nakakalimutan na nilang tangkilikin o pahalagahan ang musikang sariling gawa sa ating bansa katulad ng mga "OPM Songs". Ang "OPM songs" o orihinal na musikang pilipino ay tumutukoy sa mga musikang sariling gawa ng iba't ibang kompositor ng musika sa Pilipinas. Sa mga nagdaang panahon ay mas umuulad o mas nagkakaroon ng mas makulay na konsepto ang OPM at mas nakapagpapahiwatig ito ng mas malinaw na mensahe sa mga tagapakinig. Noong taong 1980's - 1990's ay mas pinaunlad pa ang OPM sa ating bansa sapagkat

binigyan pa ito o dinagdagan ito ng iba't ibang uri pa ng genre katulad ng pop at rock. At sa kadahilanang ito ay nagkaroon na ng "Golden Age of Pinoy Music". At dahil dito, naglabasan muli ang mga magagaling na kompositor ng kanta na nagtataglay ng kahusayan sa pagbuo ng liriko ng isang musika at isa na rito ang banda na Rivermaya, Eraserheads, atbp. Ngunit nang mas tumagal pa at nasa taong 2005 hanggang sa kasalukuyan ay mas napaunlad pa ang paggamit ng teknolohiya kung kaya't nagkaroon ng daan upang mapalawak ang musika na ginagawa ng mga kompositor ng musika sa ibang bansa at isa na rito sina Katy Perry, Bruno Mars, at Ariana Grande. Dahil sa teknolohiya ay nagkakaroon ng daan upang mapakinggan ng nga Pilipino ang mga musikang ginawa ng mga banyagang kompositor ay nakalimutan na nilang tangkilikin ang musikang ginawa ng mga Pilipino. Lubos na nakakaapekto ito sa kultura ng mga Pilipino sapagkat mas kinikilala o mas tinatangkilik nila ang musikang banyaga kaysa sa musikang pilipino. Nagkakaroon ng unti-unting pagbabago sa kung paano nila ituring ang mga musika ng pilipino dahil nabubulag sila sa mga magagandang tunog na naibibigay ng musikang banyaga. Kung kaya't ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at talakayin ang "Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa Pagtangkilik ng Musikang Pilipino at epekto nito sa Kulturang Pilipino".

Paglalahad ng Layunin Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na matukoy ang epekto ng teknolohiya sa pagtangkilik ng OPM (Original Pilipino Music) sa kulturna Pilipino. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano-anong teknolohiya ang iyong ginagamit sa paglinang ng OPM (Original Pilipino Musics)? 2. Ano ang epekto ng pag-gamit makabagong teknolohiya sa pagtangkilik ng OPM (Original Pilipino Musics) sa kulturang Pilipino? 3. Sa paanong paraan maaring tayahin ang pag-gamit ng teknolohiya sa pagtangkilik ng OPM (Original Pilipino Musics) sa tuntunin ng: a. Pakikinig b. Pagsheshare 4. Paano maaaring makatulong ang makabagong teknolohiya sa pagtangkilik ng musika sa tuntunin ng: a. Kulturang Pilipino b. Wikang Pilipino c. Musikang Pilipino

Mga Layunin sa Pag-aaral Layunin ng mga mananaliksik na pag-aralan ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pagtangkilik ng musikang Pilipino at sa kultura ng mga Pilipino. Dahil sa pagbabago ng tinatangkilik na musika ng mga Pilipino nais malaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Malamang ang mga ginagamit na teknolohiya ng kabataang Pilipino. 2. Maunawaan ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pagtangkilik ng OPM (Original Pilipino Musics) sa kulturang Pilipino. 3. Maipakita kung sa paanong paraan nagagamit ang teknolohiya sa pagtangkilik ng OPM (Original Pilipino Musics). 4. Matukoy kung paano makatutulong ang makabagong teknolohiya sa pagtangkilik

ng musika. Kahalagahan ng Pagaaral Musika ang nagbibigay buhay at kasiyahan sa araw araw na pamumuhay. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ang siyang nagpapaulad sa isang musika at nagpapanatili sa kinagisnan na kultura. Muling mapapasigla ng makabagong teknolohiya ang mga musikang Pilipino, gayundin ang patuloy na pagyaman ng kulturang Pilipino. Ang benepisyo ng pag-aaral na ito ay para sa mga: Para sa mga mag-aaral, malalaman ang tunay na kahalagahan ng musika sa pagunlad ng kultura. Pati narin ang pagpapahalaga sa sariling mga awitin na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.

Para sa mga Pilipinong musikero at kompositor, muling maipapamalas ang talento ng bawat mang-aawit sa paglikha ng mga awiting nagbibigay kulay sa kulturang nakasanayan. Para sa mga mananaliksik, magkakaroon ng mas malawak na kaalaman patungkol sa kaugnayan ng makabagong teknolohiya sa mga musikang nagpapaunlad sa kulturang Pilipino. Para sa lipunan, makakatulog ito upang mas maunawaan ang kabuluhan sa pagtangkilik ng musikang Pilipino, gayundin ang muling pagbuhay sa kultura sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Saklaw at Limitasyon ng Pagaaral Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "Ang Paggamit ng Teknolohoya sa Pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at Epekto nito sa Kulturang Pilipino” ay ginawa upang matukoy ang epekto ng pagtangkilik ng OPM (Original Pilipino Music) gamit ang teknolohiya sa kulturang pilipino at maipakita sa mambabasa kung gaano kaepektibo ang paggamit nito. Isasagawa ang pag-aaral na ito mula Marso 2022 - Mayo 2022. _____ sampling ang gagamitin upang matukoy ang respondantre ng pag-aaral na ito. Ang paghahanda ng mga talatanungan, at sarbey ay isasagawa sa isang online platform (Google Form) at mga magaaral ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang magiging tagasagot ng naturang pananaliksik.

Teoritikal na Balangkas Ang Paggamit ng Teknolohoya sa Pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at Epekto nito sa Kulturang Pilipino Independent Variable

Dependent Variable

Teknolohiya

Pagtangkilik ng mga Kabataan



Sa Pakikinig ng Musika

Gamit ang Teknolohiya



Sa Pagsheshare ng Musika

(Pagsisiyasat ng mga datos sa pamamagitan ng talatanungan o

(Ang paggamit ng teknolohiya

questionnaire)

bilang paghihikayat sa pakikinig ng Original Pilipino Music (OPM) at epekto sa kulturang Pilipino)

Epekto sa Kulturang Pilipino (Malawak na eksplenasyon sa kahalagahan ng teknolohiya bilang susi sa pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at pag-unlad muli ng kulturang Pilipino)

Pigura blng. 1

Ang teoretikal na balangkas ay ipinakita sa pigura bilang 1. Ang independent variable ay sumasalamin sa teknolohiya kung saan nakapaloob ang pagkikinig at pagsheshare ng musika (OPM- Original Pilipino Music) . Ito ay nagsasaad ng paraan kung paano tutukuyin ng mga mananaliksik ang kanilang hinahanap na datos. Ang dependent variable naman ay pagtangkilik ng OPM ng mga kabataan gamit ang teknolohiya. Ipinalagay ng mga mananaliksik na ang paggamit ng teknolohiya sa pagtangkilik ng OPM ay epektibo sa paglinang ng kulturang pilipino. Ipinapakita rin ng pigura sa itaas ang mga pangunahing konsepto ng pag-aaral na naglalayong matukoy ang dulot ng teknolohiya sa pagtangkilik ng musika (OPM) ng mga kabataan. Ang pangunahing ideya sa modelong ito ay tungkol sa paggamit ng teknolohiya sa pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) at epekto nito sa kulturang Pilipino. Ilalahad din sa loob ng pananaliksik ang impluwensiya ng teknolohiya bilang tugon sa patuloy na pagyaman ng musika at kulturang Pilipino. Bilang paraan sa pagkalap ng mga datos at impormasyon, gagamit ang mga mananaliksik ng kuwantitatibong pag-aaral na may disensyong deskriptibo. Kaugnay din sa pag aaral na ito ay ang malaman ang epekto ng pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) sa kulturang Pilipino. Layunin din ng gagawing pananaliksik ang pagpapakita ng kahalagahan ng Original Pilipino Music (OPM) mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ang konseptwal na balangkas na ito ang magsisilbing gabay upang makakalap ng mas maayos na resulta. Hatid din nito ang matagumapay na pag-aaral patungkol sa paggamit ng teknolohiya sa pagsusulong ng orihinal na musikang Pilipino at ang epekto nito sa kulturang Pilipino.

Depinisyon ng mga Terminong Ginamit Upang makapagbigay ng kaliwanagan at matiyak ang pag-unawa sa mga nilalaman ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na termino ay binigyang depinisyon: Teknolohiya. Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Sa pag-aaral na ito, ang teknolohiya ay ang ginagamit ng mga respondante sa pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) katulad ng Social Media, Spotify, Youtube, at iba pang platforms. Pagtangkilik. Pagtanggap o pagmamalaki sa isang bagay na kinahuhumalingan. Ang pagtangkilik naman ay binigyang depinisyon ng pagaaral na ito bilang pagtugon ng mga respondante kung sa paanong paraan ba nila tinatangkilik ang Original Pilipino Music (OPM) gamit ang teknolohiya. Original Pilipino Music o OPM. Ang Original Pilipino Music (OPM) ay mga awiting orihinal na isinulat at kinantang mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay nakasulat sa wikang Filipino. Sa pag-aaral na ito, ang Original Pilipino Music (OPM) ay ang mga trending songs o mga nagtrending na Pilipinong musika ngayong taong 2022. Social Media. Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito naman ay tinutukoy ng pananaliksik na ito bilang isang platform kung saan tinatangkilik ng karamihan ang Original Pilipino Music (OPM).

Musika. Ang musika ay kilala bilang iniutos na kombinasyon ng ritmo, melody at pagkakaisa na nakalulugod sa mga tainga. Ang musika naman sa pag-aaral na ito ay ang Original Pilipino Music (OPM). Kultura. Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangitanging kaugalian, paniniwala at mga batas. Tinukoy naman ng pananaliksik na ito na ang kultura ay maaring maapektuhan dulot ng pagtangkilik ng Original Pilipino Music (OPM) gamit ang teknolohiya. Pilipino. Ang mga Pilipino ay mga mamamayan ng Pilipinas na ipinanganak sa Pilipinas at may mga magulang na Pilipino o mga taong naging mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas. Sa pag-aaral na ito, ito ay ang Pilipinong kabataan na magsisilbing respondante upang maisagawa ang layunin at makakalap ng mga datos.

Kabanata II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA Sa kabanatang ito ipinapakita ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay may nakabilang na mga paksa tungkol sa mga OPM (Original Pilipino Music) at ang epekto nito sa kulturang Pilipino. Ang mga sumusunod na pag-aaral ay mula sa Pilipinas at ibang bansa na mapagkukunan at natagpuan na may kaugnayan sa pag-aaral. A. Kaugnay na Literatura a. Sa Pilipinas Ang Pag-angat ng P-Pop ni FJ Deguilmo (2021). Ayon kay Deguilmo FJ (2021), hindi lang noong 2020 nagsimula ang Pinoy Pop. Nagmula ito sa mas malaking musical genre na kung tawagin ay OPM.

Mula sa

malumanay na tugtugin ng mga kundiman, nauso ang mga English at Filipino love songs. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng disco music na sinundan ng Pinoy rap at Pinoy rock. Para sa ilan, ito ang kino-consider nilang “golden era” ng OPM. Noong Dekada ’70, nakilala ang Pilipinas sa larangan ng musika noong may kantang lumabas sa “American Top 40” sa gitna ng kasikatan ng Western rock. Kakaiba ito noon dahil sa madamdaming lyrics at malumanay nitong tono. Kalaunan, dumami na ang mga artist na nag-release ng ganung uri ng mga kanta. Ito ang pinag-ugatan ng tinatawag natin ngayong “Pinoy Pop” o “P-Pop.” Ngayon, samu’t-sari na ang klase ng mga awiting naririnig natin mula sa kapwa natin Pilipino. Dahil mas nagkaroon tayo ng access sa musika ng ibang bansa, dumami ang mga impluwensya sa mga tugtuging ginagawa ng mga Pinoy artists at songwriters.

OPM Bahagi Ngpaglinang sa Wika at Kulturang Pilipino ni De Jesus R. (2020). Mapapansin na kaalinsabay ng pagsikat at ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga Original Pilipino Music ay ang pagtangkilik din sa sarili nating wika. Nagiging masigla din ang paggamit ng mga salitang Filipino sa pamamagitan ng musika. Ito’y isang paaraan ng pagpapalaganap ng wikang Filipino. Sa kabilang banda ay may nabubuong mga istorya sa mga awiting ito na sumasalamin naman sa ibat ibang aspeto ng kulturang Pilipino. Sa ganitong kalagayan ay hindi lamang ang wikang Filipino ang lumalaganap maging ang kulturang Pilipino ay nalilinang (De Jesus P., 2020). Ayon pa kay De Jesus, taong 90’s nang unang sumikat ang Original Pilipino Music o mas kilala sa tawag na OPM. Kinahumalingan ito ng mga Pilipino sapagkat akmang-akma ang mga awitin sa panlasang Pinoy tulad na lamang ng mga awitin ng mga bandang Eraser Heads, Rivermaya at True Faith at marami pang iba. Nang pumasok ang taong dalawang libo ay unti-unting tumamlay ang musika ng OPM sapagkat biglang sumikat ang mga Rhythm & Blues na mga awitin o mas kilala sa tawag na R&B. Kasunod na nito ang biglang pagsikat na ng mga dayuhang awitin partikular sa mga awiting Kastila at Koreano. Naging sikat ang mga ito sapagkat sinabayan pa ng mga palabas sa telebisyon na pumatok sa kulturang Pilipino bagamat ang wika nito ay nakasalin lamang sa wikang Filipino. Kaya naman isa ito sa naging hamon sa paglaganap ng wikang Filipino maging sa paglinang ng ating sariling kultura, ang kulturang Pilipino. Musika ng Bagong Henerasyon na sinulat ni Basinal (2019) Ayon naman sa artikulo ni Basinal J. (2019), Sa paglago ng teknolohiya at pagiba ng henerasyon ay kasabay nito ay ang pagbabago ng musika. Dati ay ang mga

instrumento ang ginagamit ng paggawa ng musika, ngayon ay maari nang gawin at gayahin ang mga tunog na nililikha ng mga ito gamit ang teknolohiya. Patan na nga ba ang OPM? ni Gallego (2019). Sa sinulat ni Don Jaucian na “The Life and Death”, sinbi niyang patay na ang OPM dahil wala nang bagong nag-iimbento nito. Aniya, pinuno nan ang cover songs at revivals ang industriya. Ang mga lumang kanta na kinanta ng bagong singer na lang ang maririnig sa radio, at kung may orihinal na gawa man ay bihira na ito. Sa katunayan, ang mga best selling album sa bansa ay mga cover album at teleserya sountrack. Para sakanya, isa sa mga rason kung bakit niya naisip na patay na ang OPM ay dahil hindi na ito katuld ng dati. Iba na ang tunog ng mga sikat na kantang kaniyang napakikinggan kumpara sa nakasanyan. Imbis banda o singer, artista na ang kumakanta. Ang malalala pa ay hindi nila sariling kanta ang kanilang kinakanta (Gallego J. 2019). Ang epekto ng teknolohiya sa ating wika at kultura? ni Obienbangahonbalug (2018). Malaki Ang naging epekto ng makabagong teknolohiya sa kultura ng mga Pilipino. Ang OPM o Original Pilipino Music Ang Isa sa naapektuhan sa paglaganap ng makabagong teknolohiya. Mas tinatangkilik ng mga Pilipino Ang mga kanta gaya ng Korean songs, English songs at mga Japaneses songs o Ang nga kanta sa anime series. Sa pagbabago ng panahon nagbabago rin ang mga Pilipino. Dahil sa teknolohiya unti-unting sinisira ang wika at kulturang Pilipino. kasi nakakalimutan na ng mga kabataan ngayon ang pag galang sa mga nakakatanda gaya ng mga salitang ito “po at opo” dahil mas inuuna nila ang pag hawak sa kanilang mga gadget. Kaya dapat natin itong mahalin, pahalagahan, at pagyabungin dahil ito ay sariling atin (Obienbangahonbalug, 2018).

Kritikal na Sanaysay ni Osorio L. (2014). Ayon naman sa pag-aaral ni Osorio, L. (2014), ang musika ang tinaguriang “Lenguwahe ng kaluluwa.” Sa pamamagitan ng awit ay maipahihiwatig mo ang iyong damdamin at kalooban. Maipahahayag mo ang iyong pagkamakabayan sa pamamagitan ng awit. Ang mga Pilipino ay kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na mang aawit at manunugtog sa buong mundo. Ito ay dahilan sa kanilang dedikasyon at labis na pagmamahal sa musika. Bago pa dumating ang mga kastila sa Pilipinas ang mga Pilipino ay marunong ng mag pahayag ng kanilang sarili sa musika. Ito ay sa pamamagitan ng mga katutubong awit, at sa pagtugtog ng mga katutubong instrumento. Sa panahong ito nawiwili na rin silang tumugtog ng plawta, pagtugtog ng nose flute at gitara na ginagamit nila sa panghaharana. Ganoon din sa mga selebrasyon nang kasal at sa mga anihan o sa mga pagaani. Ang ilan sa mga katutubong awit ng mga Pilipino ay binigyan pa nga ng mga makabagong interpretasyon bilang pagpapahalaga sa mga ito. Mula sa mga katutubong awitin hanggang sa maka bagong awitin ngayon ang mga Pilipino ay hindi rin pahuhuli. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ay pugad ng mga matatalinot, mahuhusay na mga musikero. Ang ilan pa nga sa mga ito ay naipakilala na ang kanilang sarili sa mga ilang international scenes. Sa kabila ng mga impluwensya ng makabagong musika ngayon nagagawa pa rin nilang maglabas ng mga awiting sariling atin o yung tinatawag nating OPM. Sinasabing ang unang foreign influence na natanggap ng mga Pilipino mula sa mga kastila ay ang “Awit” o “Corrido”. Isa itong pagtatanghal ng sayaw at pag awit, tungkol sa isang epiko. Ito ay nangyari ng maconvert ang mga Pilipino sa Kristyanismo. Ito ay naisalin din sa iba pang mga dayalektong Pilipino, tulad ng

Pampango, Ilokano, Ilongo, Tagalong, at Bikolano. Isa pang magandang halimbawa ay ang sarswela. Ito ay kombinasyon ng pagarte at pagsayaw. Ito ay ginagamit bilang isang pagtatanghal na kabahagi ng pag alala sa mayamang tradisyon ng mga Pilipino. Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang Panimulang Pag-aaral sa Musika at Lipunan ni Navaroo (2007). Pinatunayan ng pag-aaral ni Navarro R. (2007), ang musika bilang isa sa mga tagapagbuo ng kultura ay may malalim na impluwensiya sa kamalayan ng tao. Sa maikling sabi, ang musika ay nagsisilbing gamit sa sariling ekspresyon, kolektibo man o indibidwal. b. Sa Ibang Bansa Ang Dulot ng Teknolohiya sa Industriya ng Musika ng Southern Utah University (2021) Sa paglipas ng mga taon, ang teknolohiya ay may mahalagang papel sa paghubog ng industriya ng musika. Isaalang-alang ang pag-unlad mula sa ponograpo at analog tape machine patungo sa digital recording software at internet-based streaming services. Ang nakalipas na dalawang dekada ng mabilis na pagbabago sa mga digital na teknolohiya ay partikular na nakagambala sa negosyo ng musika sa bawat antas. Binago ng teknolohiya kung paano lumilikha ng musika ang mga tao. Ang mga kompositor ay maaaring gumawa ng mga marka ng pelikula mula sa kanilang mga home studio. Maaaring tumugtog ang mga musikero para sa mga tagahanga sa buong mundo sa pamamagitan ng mga livestream na palabas. Maaaring mag-record ang mga songwriter

ng mga album at i-release ang mga ito sa mga digital distribution at streaming platform nang hindi kailanman lumalapag o pumipirma ng isang record deal. Para sa propesyonal sa musika, ang mga pasikot-sikot ng modernong negosyo ng musika at mga teknolohiya ng musika ay kailangang-may kaalaman. Nag-aalok ang Southern Utah University ng online Master of Music na may diin sa Music Technology degree program. Sa mga opsyon para tumuon sa performance, stud...


Similar Free PDFs