Ang Pagtangkilik ng Millenials sa Wikang Banyaga PDF

Title Ang Pagtangkilik ng Millenials sa Wikang Banyaga
Course Translation
Institution Panpacific University
Pages 10
File Size 86.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 248
Total Views 448

Summary

Download Ang Pagtangkilik ng Millenials sa Wikang Banyaga PDF


Description

Ang Pagtangkilik ng Millenials sa Wikang Banyaga

KABANATA 1

Napakahalaga ang ginagampanan ng wika sa ating buhay, noon at ngayong kasalukuyan. Ang wika ang nagiging tulay upang tayo ay magkaunawaan nagiging tulay rin ito sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Nagkakaintindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino ang susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy nap ag-unlad ng ekonomiya sa Pilipinas.

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon tila paunti-unti ng nawawala ang orihinal na wika nating mga Pilipino. Maraming makabagong wika ang nagsusulputan at ginagamit ng mga makabagong henerasyon. Maraming millennials ang nahuhumaling sa mga wikang banyaga.Kung saan nagkakaroon ito ng malaking epekto sa orihinal na wika. Nakalulunglot mang isipin ngunit tuluyan ng nalilimutan ng mga kabataan ang mga sinaunang salita dahil mas tinatangkilik nilang gamitin ang wikang dayuhan o banyaga kay sa sa wikang Filipino.

Ang wikang banyaga ito ay salitang mula sa ibang wika. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal , pang-agham , simbolong pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.

Ang bawat miyembro ng Millennial Generation o Generation Y ay tinatawag na isang millennial , isang pangkat na binubuo ng mga taong ipinanganak sa pagitan ng simula ng 1980s at simula ng 2000s . Ang mga millennial, ayon sa mga sosyolohista, ay nagbabahagi ng ilang mga katangian na lampas sa pagkakaiba-iba ng indibidwal at kultura. Sa pangkalahatan, ang isang millennial ay sinasabing isang indibidwal na pamilyar sa paggamit ng digital na teknolohiya . Ito ang mga paksa na lumaki habang ang Internet ay naging popular at kung sino, sa loob ng balangkas na ito, ay nagpatibay sa virtual na uniberso bilang kanilang sarili.

Dapat malaman ng lahat lalo na sa mga Millenials na ang wikang Filipino aysumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano at meron sila. Kung mahalagatalaga ang ing Wikang Filipino gagamitin natin ito kahit kailan at saan man tayomagpunta. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito angginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Angekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa. Batay sa Suriang Wikang Pambansa (SWP) “Itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas. Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea). Pinili ang tagalog bilang batayan ng bagongpambansang wika.Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek.3 . Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpaunlad atpagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubongwika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas , ang Ingles at Kastila angpatuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.Kaugnay na Literatura Ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay isang mahalagang saliksa pansariling kaunlaran at pang-arawaraw na pamumuhay ng isang tao. (Mag-atas,1998). Ayon aymasistemang

nga kay Henry Gleason (1979), isang Linggwista, ang wika balangkas

ng

sinasalitang

tunog

na

pinili

at

isinaayos

sa

paraangarbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon naman kay Whitehood, isang edukador at pilosopong ingles ang wika daway kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinaad naman ni Mangahis (1994) nahindi mapapasubalian na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sapakikipagtalastasan. Ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang, higit ditto ay katangian,kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng ideya.

Nahihikayat nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito, ang wika ay instrument ngpaglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-isip upang magamit nang sukdulangkagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at angkingganap.Dagdag pa ni Santiago(1986)

. Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nangmalaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon ngmga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga datingdi-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon, sinonim, antonym, athayperonim ng mga bagong terminolohiya. Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What isLanguage?, wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaingpantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sapagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryoat kontrolado ng lipunan.Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et al., 2000)sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog napinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang saisang kultura. Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining ng paraan ng wastong pagpili atakmang paggamit ng salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyangsiyangpagpapahayag ng diwa. Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales; Mapanghamon, sapagka’t napakaraming balakid ang

susuungin ng

mga nagmamalasakit sa

wikang Filipino

upang

maisakatuparan ang adhikaing ito. Bagama’t nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada sa ating adhikaing pagpapalaganap sa wikang Filipino

bilangwikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, Kongresoat pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-dama naman ang pagtutol ng ilang mgakilalang taona ang wikang Filipino ay gawing wika ng pagtuturo at pakikipagtalastasanng ating pamahalaan.

OUPUT

apa Matukoy ang antas n Makapagbigay ng tugon sa antas na kahirapan sa paggamit ng Wika tib Matukoy ang positibo Makapagbigay ng tugon sa positibo at negatibong naidudulot ng wika pek Matukoy ang salik na n Makapagbigay ng tugon sa salik na nakaaapektu sa paggamit ng wika

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga maag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating lipunan.

Sa mga mananaliksik. Ang pag-aaral nito ay magbibigay sa kanilang panibagonglakas upang saliksikin na ang higpit na mahalagang bagay o ideya na makatutulongupang mapalawak ang hangarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa epekto nito sa Wikang Filipino.

Sa mga magulang. Sa panig ng magulang ,ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbingpaalala sa kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalagayan sa pag-aaral ng kanilang mga anak

Pangkalahatang Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Ang Pagtangkilik ng Millenials sa Wikang Banyaga” . Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang pangkalahatang suliranin ng pananaliksik na ito.

Mga tiyak na suliranin

1. Ano ang kahirapan sa paggamit ng Wikang Filipino ng mga millennials ? 2. Ano ang positibo at negatibong naidudulut ng wikang banyaga sa mga millennials? 3. Ano ang salik na nakaaapektu ng paggamit ng wikang banyaga sa wikang Filipino?

Kongklusyon at Rekomendasyon

Nakalahad sa bahaging ito ang mga nabuong kongklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa kanilang pag-aaral.

Kongklusyon 1. Ang kahirapan sa paggamit ng Wikang Filipino ng mga millennials

ay ang

kakulangan sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. 2. Ang positibong naidudulut ng wikang banyaga sa mga millennials ay nagbibigay daan tungo magandang pakikipagkapwa sa mga banyagang bansa at may mga mag-aaral na nagsasabing mabuti ang epekto nito sa kanila sa para ang mas tumataas ang lebel ng kanilang kumpiyansa sa sarili. Samantala sa negatibong naidudulut ng wikang banyaga sa mga millennials ay nakakalimutan ang sarling wika. 3. Ang salik na nakaaapektu ng paggamit ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas nabibigyan ng halaga ang wikang banyaga kaysa sa wikang Filipino.

Rekomendasyon 1. Gamitin ang sariling wika at mas bigyan ng halaga an gating sariling wika. 2. Maging mapanuri sa bawat salitang ginagamit at mahalin ang ating sariling wika at ito ay ating gamitin at payabungin. 3. Para sa mga susunod na mananaliksik, mas palalimin ang pag-aaral sa isyung ito para sa susunod na hnerasyon....


Similar Free PDFs