Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao DOCX

Title Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao
Author Kasper Ecle
Pages 1
File Size 22.2 KB
File Type DOCX
Total Downloads 36
Total Views 89

Summary

Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. M...


Description

Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas natng naririnig sa atng mga magulang na ang edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral mabut at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman. Edukasyon Edukasyon Posted by Nani on Wednesday, January 30, 2013 · Leave a aCaomment Prayoridad sa sektor ng edukasyon ang susi sa atng kaunlaran!Maraming beses na natn itong narinig. Ilang mga dakilang tao na rin ang paulit-ulit na sinasabi ito. Ilang pag-aaral na rin ang nagpapatunay na malaking bagay ang sapat at dekalidad na edukasyon ng mga mamamayan para sa kaunlaran ng isang bansa. Ngunit sa atng bansa, sa matagal na panahon ay napabayaan ng atng pamahalaan ang mahalagang sektor na ito ng atng lipunan. Sa kawalan ng magandang plano sa sektor ng edukasyon, maging ang mga college graduates natn ngayon ay hindi na nakakahanap ng trabaho. Sa pag-aaral ng Labor Force Survey ng Natonal Statstcs Ofce, lumalabas na kahit nakatapos sa kolehiyo, 18% ng mga walang trabaho sa Pilipinas ay mga college graduates. Pangatlo ang mga college graduates sa listahan ng mga madalas walang makuhang trabaho mula taong 2006 hanggang 2011. Hindi na nakakagulat ito dahil marami sa mga kolehiyo sa bansa ay nakakakuha ng zero passing rates sa mga professional examinatons. Sa lahat din ng professional exams sa lahat ng disiplina sa bansa, lubhang mababa ang average passing rates. Sa datos ng Commission on Higher Educaton o CHED, noong 2010 ay 33.91% ang average passing rate at noong 2011 naman ay tumaas lamang ito sa 35.37% average passing rate. Ibig sabihin, lubhang kakaunt lamang ang pumapasa sa mga exams dahil na rin sa hindi dekalidad na edukasyon sa maraming bilang ng mga colleges at universites sa bansa. Ang isa pang dahilan ng patuloy na mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kawalan ng mga mahuhusay na guro sa bansa. Kung ttngnan ang teacher-pupil rato ng Pilipinas kumpara sa mga karatng bansa nito, tunay na may problemang kinakaharap ito. Sa datos ng United Natons Educatonal, Scientic and Cultural Organizaton o UNESCO, noong 2009, sa bawat isang guro sa Pilipinas ay 39 pupils ang tnuturuan nito o may rato na 1:39. Samantala, ang teacher-pupil rato sa bansang Malaysia ay 1:13 lamang; Thailand ay 1:16; Indonesia naman ay 1:17 lamang; at maging ang bansang Vietnam ay may teacher-pupil rato lamang na 1:20. Tulad ng pagkain, trahan, at trabaho, isang karapatang pantao ang pagkakaroon ng sapat at dekalidad na edukasyon. Dapat itong pahalagahan dahil bahagi ito ng pangangalaga ng dignidad ng tao. Ayon sa turo ng Simbahan, ang edukasyon din ang nagbibigay kakayahan sa sinuman na makilahok sa pagpapatakbo ng lipunan at sa pagsisigurong ang lahat ay nakikinabang sa mga bunga ng pag- unlad. Ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay lamang ng napakalaking pagkukulang sa pangangalaga at pagtataguyod ng karapatang ito. Panahon na samakatuwid na iangat ang sektor ng edukasyon sa atng bansa. Kailangang matukoy ng pamahalaan ang napakahalagang kontribusyon ng mga paaralan sa kaunlaran ng atng bansa. Kailangan ang tunay, mabilis at epektbong reporma para sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas....


Similar Free PDFs