Muling pagkakatawang tao sa mundo ng pantasya PDF

Title Muling pagkakatawang tao sa mundo ng pantasya
Author Charlie Villegas
Course Humanities and Social Sciences
Institution AMA Computer University
Pages 4
File Size 67.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 73
Total Views 149

Summary

THIS IS AN EXAMPLE OF STORY WRITING. ABOUT THE REINCARNATION OF HOW THE MAIN CHARACTER BECOME A HERO AND SAVE THE NEW WORLD. THIS IS BASED ON MUSHOKU TENSEI...


Description

MULING PPAGKAKATA AGKAKATA AGKAKATAWANG WANG WANG-TAO -TAO SSA A MUNDO NG PANTASYA Si Rudy ay hindi popular at hindi sosyaladong tao, siya’y biktima ng isang bully dahil sa itsura habang ito ay nag-aaral, at kahit na sa edad na tatlong put apat ito’y nalulong sa paglalaro ng online games at walang trabaho. Nang si Rudy ay lumabas para bumili ng makakain sa convenience store nakita nito ang isang studyanteng babae na masasagasaan ng isang humahararurot na bus agad niya itong itinulak at siya ang nahagip nito. Nang siya’y naghihingalo na ang mga huling salita nito ay “gusto ko lang naman mabuhay ng normal, siguro huli na ang lahat.” Sa pagpikit at pagmulat ng mata ni Rudy ay nagulat siya dahil may hindi kilalang mukha ang bumungad sakanya at dito na nagsimula ang panibagong buhay ni Rudy sa mundo ng pantasya kung saan ang iba’t ibang uri ng nilalang, mahika at kasanayan ay umiiral. Sa edad na tatlo nadiskubre ni Rudy na ang mahika ay umiiral sa mundo na kanyang panibagong kinatatayuan at hinasa nito ang kanyang sarili upang lumawak ang kanyang kapasidad sa pag-gamit ng mahika. Lumipas ang taon si Rudy ay inihambilin ng kanyang magulang sa isang kilala at bihasa sa pag gamit ng mahika na si Roxy tinuruaan siya nitong gumamit ng iba’t ibang mahika at ito ay namangha sa ipinapakita na kakayanan ni Rudy dahil ito ay may kakaibang kakayanan. Sa edad na apat nakapagtapos si Rudy sa pagtuturo ni Roxy sapagkat lahat ng itinuro nito ay nahigitan ni Rudy at itinuring itong isang henyo. Sa edad na anim si Rudy ay nagtungo sa unibersidad ng mahika upang mas lumawak pa ang kakayanan at kaalaman sa mahika nakapagtapos ito sa edad na labingdalawa. At dito na nagsimulang maglakbay si Rudy. Sa mundong ito ay may iba’t ibang uri ng nilalang tulad nalamang ng demonyo ang demonyo ay pinamumunuan ng isang marahas at napakabagsik na panginoon ng demonyo “Demon Lord” sa ingles, na may planong sakupin ang mundo. Si Rudy sa isa ng bihasa sa pag-gamit ng mahika at kilala na ng mundo dahil sa kakayanan nito sa mahika, at sa bihasang pag-gamit nito sa espada. Si Rudy ay nangingibabaw sa kakayanan nito at may apat itong naging parte ng kanyang panig. At ito’y sina Ruijerd, Ellis, Sylphie at kasama narin dito si Roxy ang kanyang dating guro, si Rudy ang lider ng panig na ito at ito’y tinatawag na patay na dulo o

dead end sa ingles. Ang layunin ng panig nila ay tapusin ang kasamaan ng panginoon ng demonyo. Nang sila ay naglalakbay patungo sa hilaga ay nakasalubong nila ang dalawa sa tatlo na pinakamalakas na tao sa kanilang mundo at ito’y sina Orsted at Nanahoshi. Ang tatlo na pinakamalakas na tao sa kanilang mundo ay pinamumunuan nang panginoon ng demonyo. Dahil si Rudy ay apostol ng diyos na taong tatapos sa paghahari ng panginoon ng demonyo. Orsted “Ano ang iyong pangalan binata?” at agad na sumagot si Rudy “Ang aking pangalan ay Rudy, saan kayo nanggaling at kayo’y nanggaling sa kuntenente na sinasakupan ng panginoon ng demonyo? masaya ako at kayo’y ligtas.” Orsted “Rudy? Naririnig mo ba ang boses ng diyos?” patanong na sinabi ni Orsted kay Rudy. At agad itong sumagot “Oo, naririnig ko ang boses nito kapag may mangyayari.” At biglang nilusob ni Orsted si Rudy at sinabing “Ikaw pala ang apostol ng diyos.” Agad na dinipensahan ni Rudy ang kanyang sarili at sinabing “Ano ang aking ginawa ba’t mo ako inatake?” at sinabi ni Orsted “Kailangan mo ng mawala sa mundong ito dahil ikaw ang sisira sa plano ng aming mahal na panginoon ng demonyo.” Nagpatuloy ang laban sa parte ni Rudy at ni Orsted. Dahil si Rudy ay may iba’t ibang kakayanan na ibinigay ng diyos sa kanya kaya nitong makita ang hinaharap na atake ng isang nilalang at agad na niwasan ang mga atake ni Orsted. Nang sa hindi inaasahang pangyayari sinaksak ni Nanahoshi si Orsted at trinaydor siya nito. Si Nanahoshi ay ipinatawag sa mundong ito at nanggaling sa earth na pinanggalingan ni Rudy bago siya magkatawang tao sa mundo na kanyang tinatayuan ngayon, gampanin ni Nanahoshi na pagmasdan ang ginagawang kilos ng panginoon ng demonyo at tulungan sa hinaharap si Rudy upang wakasan ang kasamaan ng panginoon ng demonyo. Si Orsted ay namatay at naging parte na ng panig ni Rudy si Nanahoshi at nagpatuloy sa paglalakbay nito patungo sa kuntente na sinasakupan ng panginoon ng demonyo. Lumipas ang tatlong buwan at nakarating na sila dito, pinagplanuhan nilang mabuti ang gagawing paglusob sa kaharian ng panginoon ng demonyo. Ang pagpaplano ay tumagal ng dalawang linggo at nagsimula na ang kanilang paglusob. Hinarap nila ang hukbo ng demonyo at nagtagal ang laban ng isang araw bago nila ito maubos. At nakarating na sila sa kaharian ng panginoon ng demonyo at sumulpot rito si Laplace ang nangunguna sa pinakamalakas na tao sa mundo na nakapanig sa panginoon ng demonyo. Hinarap ng panig ni Rudy si Laplace at nagtungo si Rudy kung nasaan ang panginoon ng demonyo. At nagharap na si Rudy at ang panginoon ng demonyo. Panginoon ng demonyo “Hanga ako sa iyong katapangan at nakarating ka dito.” Sinabi nito kay Rudy. “Nandito ako para wakasan ang iyong kasamaan.” sagot ni Rudy. Panginoon ng demonyo “Bibigyan

kita ng isang pagkakataon sumanib ka sa akin at tatapusin natin ang iyong diyos at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng iyong naisin.” Sinabi nito kay Rudy. At agad na sumagot si Rudy “Umiral ako sa mundong ito para wakasan ang iyong kasamaan, hinding hindi ko tatraydurin ang diyos dahil nagpapasalamat ako rito dahil binigyan ako nito ng isa pang pagkakataon na mabuhay.” “Kung ganon ay mawala ka sa mundong ito.” Agad na sinabi ng Panginoon ng demonyo. Nagsimula na ang paglalaban ng kabutihan laban sa kasamaan at sa di inaasahang pangyayari biglang naputol ang braso ni Rudy dahil sa itinatagong kakayanan ng Panginoon ng demonyo. Umatras muna saglit si Rudy upang gamitin ang kakayanan nitong pagalingin ang kanyang natamong mga sugat at isa na rito ang kaniyang putol na braso. Panginoon ng demonyo “Nasaan kana? Ngayon mo tawagin ang diyos diyosan mo, binigyan na kita ng pagkakataon at hindi mo ito tinanggap ngayon mawala kana sa mundong ito BWAHAHA!.” Si Rudy ay nanghihina na dahil sa natamo nitong mga sugat nang dumating ang kaniyang panig na sina Roxy, Ruijerd, Ellis at Sylphie at tinulungan siya nito. Natapos na ang pagpapagaling ni Rudy at nagplano kung pano tatapusin at tatalunin ang panginoon ng demonyo. Tumayo at hinarap ni Rudy ang panginoon ng demonyo. Panginoon ng demonyo “BWAHAHA! Akala ko’y tumakbo ka at umuwi sa iyong pinanggalingan, ngayon matatapos na ang iyong buhay.” Agad na nilusob ng Panginoon ng demonyo si Rudy, biglang ngumiti si Rudy at nagsulputan ang kaniyang panig na may surpresang atake sa panginoon ng demonyo. Nagalusan nila ito at galit nag alit ang panginoon ng demonyo dahil sa panglalamang ni Rudy, nagwala ang panginoon ng demonyo at lumusob ng hindi nag-iisip patungo kay Rudy. At biglang na kulong ang panginoon ng demonyo sa mahika na kakayanan ng buong panig ni Rudy, ang mahikang ito ay naghahangad ng napakataas na mana para magawa at dito na nakasalalay sa atakeng ito ang kapalaran ng mga tao upang matalo ang panginoon ng demonyo kung hindi ito tatama at magiging matagumpay ay maaari silang matalo dahil ubos na ang kanilang mana at isinalalay na nila ang lahat ng kanilang mana sa huling atakeng ito. Nang makulong ang panginoon ng demonyo ay nagsimula ng iitsa ni Rudy ang kanyang pangtapos na mahika at matagumpay nitong natapos ang buhay ng panginoon ng demonyo. Nawakasan ng panig ni Rudy ang paghahari ng masamang panginoon ng demonyo at nailigtas ang kuntenenteng nasasakupan nito at naibalik sa mga tao. Naging asawa ni Rudy si Ellis at Slyphie at nabuhay ng masaya. Lumipas ang anim na dekada sa edad na 77 namatay si Rudy at nakasulat na sa kasaysayan kung pano

tinalo ni Rudy at ng kanyang panig ang paghahari ng panginoon ng demonyo at dito na nagtatapos ang kwento.

Written by: Charlie Mac B. Villegas...


Similar Free PDFs