Karanasan sa Gitna ng Pandemya PDF

Title Karanasan sa Gitna ng Pandemya
Course Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Institution University of the Cordilleras
Pages 2
File Size 28.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 54
Total Views 158

Summary

The pandemic has given burden to our lives for the past two years. This essay details personal insights and experiences during the pandemic....


Description

Karanasan sa Gitna ng Pandemya Noong huling taon nagsimula ang pandemya ng Corona Virus dito sa Pilipinas at sa buong mundo na nagresulta ng malawakang lockdown. Dahil dito, nagkaroon ng limitasyon ang paggalaw ng mga tao at maraming aspeto ang apektado. Sa panahong ito, hindi maaaring lumabas ang karamihan kaya work from home ang naisakatuparan sa ilan na manggagawa at online classes naman o modular para sa aming mga mag-aaral. Sa loob ng panahong ito, mayroon akong mga naranasan o naobserbahan na mga pangyayari na nakapagbigay sa akin ng mga kaisipan at aral. Dulot ng malawakang lockdown, ang pag-aaral naming mga estudyante ay napalitan ng modular o online classes. Bago pa man ang pandemyang ito, ang online courses at modular na pamamaraan ay inaalok o nagiging opsyon ng ilan dahil sa mga personal na dahilan. Kasalukuyan sa University of the Cordilleras, online na pamamaraan ang ipinapatupad na kombinasyon ng synchronous at asynchronous na pamamaraan. Ang pamamaraan na ito ay nangangailangan ng mga materyal na bagay upang matugunan ang mga inaasahan. Sa kabilang banda, nabigyan ako ng pribilehiyo ng pagkakaroon ng mga materyal na bagay partikular na ang gadget at magandang internet. Ngunit hindi lahat ng estudyante ang nabigyan ng pribilehiyo katulad ng sa akin. Ang pagkakaroon ng ganitong pribilehiyo ay talaga naman na nakakatulong upang maging komportable ako sa online classes. Napagtanto ko na dapat maging mapagpasalamat ako sa mga pribilehiyong ito. Bukod dito, dapat ko din itong gamitin ng maayos at sa mabuting pamamaraan sapagkat may mga taong humihiling na magkaroon din ng mga pribilehiyo na mayroon ako. Kahit pa mayroon akong mga pribilehiyo, nahihirapan pa rin ako na pagtagumpayan ang mga hamon na dulot ng online classes. Sa patuloy na pagpapatupad ng online classes, napagtanto ko sa aking sarili na parang ginagawa ko lamang ang mga gawain sa paaralan para pumasa hindi para matuto. Kaya naman, ang karanasan na ito ay nakapagbigay sa akin ng pananaw na, sa anumang gawain iyan tiyakin na ito ay para sa tama at mabuting dahilan. Kahit mahirap ang online classes at naaapektuhan ang pagkatuto ng mga estudyante, hindi dapat mawala ang esensya o kahalagahan ng pag-aaral na kung saan ito ay para magkaroon ng mga kaalaman at matuto. Noong nakaraang taon nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng aming pamilya. Siya ay pinayagan na mag-home quarantine hanggang siya gumaling. Buti nalang at hindi masyadong malubha ang naranasan niya at asymptomatic ito. Noong nalaman ko na nagpositibo siya nakaramdam ako ng kaba na sakaling mahawa kami dahil nakakasama namin siya sa bahay. Gayunpaman, noong pina-test kami, lumabas na negatibo ang aming resulta kaya malaki ang pasasalamat namin sa Diyos. Kinailangan namin siyang alagaan habang patuloy kaming nagaalala sa kaniyang kalagayan. Ang aking paunang kaisipan ay, mahirap labanan ang isang hamon kung limitado ang iyong kaalaman at kayang gawin sa kung paano ito pagtagumpayan. Sa mga panahon ng paghihirap dulot ng mga hamon katulad nito, mahalaga ang paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Ang karanasan na ito ay mas lalong nagpa-igting sa aking tiwala sa Diyos. Napagtanto ko na hindi limitado ang aking kaalaman at kayang gawin sapagkat sa pagdarasal at pagtitiwala sa Diyos, at patuloy na pag-iingat sa sarili ay higit pa sa limitado. Bukod dito, naisip ko rin na ang mga maliliit na bagay na kaya at maaaring magawa ko ay makakapagbigay ng malaking epekto sa akin at sa ibang tao.

Noong nakaraang taon din ako nagdiwang ng aking ikalabing-pitong kaarawan. Ipinagdiwang ko ito kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Sa bawat kaarawan, isang taon ang naidadagdag sa aking buhay sa mundo at nagbabago din ang aking mga tungkulin. Ngayon na labing pitong gulang na ako at kaunting buwan na lamang ay maglalabing-walo, naisip ko na ang aking mga responsibilidad at prayoridad ay dapat umayon sa aking edad. Higit dito, ang aking mga kilos, paggawa ng desisyon, at mga pananaw ay sumasabay din dapat na mapabuti habang ako ay nagkaka-edad. Dito na din dapat mawala ang mga kilos pambata na nakagisnan noon. Nakapag-iwan ang mga karanasan na ito ng mga aral na aking napagisip-isipan at patuloy na isinasabuhay. Ang karanasan ko sa online classes ay tinuruan ako na maging mapagpasalamat sa mga bagay na mayroon ako, at sa anumang gawain siguraduhin na ito ay para sa tamang rason. Noong nagka-COVID naman ang isang miyembro ng aming pamilya mas umigting ang tiwala ko sa Diyos at napagtanto ko na ang mga maliliit na bagay na kayang gawin ng aking sarili ay maaaring magresulta ng malaking bagay. Higit pa rito, noong nagdiwang ako ng aking ika-labing pitong kaarawan, napag-isip ko sa aking sarili na ang aking mga tungkulin ay dapat umayon sa aking edad. Ang mga bagay na ito ay patunay na, kahit gaano man kalalala ang nangyayari ngayon sa mundo, mayroon pa rin itong mga magagandang bagay na naidulot. Kahit anumang sitwasyon iyan o karanasan, maganda o hindi, mahirap o madali, lagi itong nag-iiwan ng aral o kaisipan na maaari nating pagnilayan para sa ating ikabubuti....


Similar Free PDFs