Modyul sa Sining ng Komunikasyon PDF

Title Modyul sa Sining ng Komunikasyon
Author Anonymous User
Course Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Institution Cebu Technological University
Pages 19
File Size 469.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 219
Total Views 502

Summary

UNANG BAHAGI: ANG WIKANG FILIPINO SA PANAHON NG IMPORMASYONPonolohiya (Palatunugan) Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog. Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating...


Description

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

UNANG BAHAGI: ANG WIKANG FILIPINO SA PANAHON NG IMPORMASYON

Ponolohiya (Palatunugan) Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog. Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-aaral ng wikang Fili pino. Bilang panimula, atin munang pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa taguring OSCAR.

ANG MGA PRINSIPAL NA SANGKAP NG PANANALITA Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging nagmumula sa baga hanggang sa ito'y makalabas sa babagtingang tinig hanggang sa paglabas sa labi o dili kaya'y sa ilong. ANG PAGSASALITA Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya'y nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod:

1|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya 2. artikulador o ang pumapalag na bagay 3. resonador o ang patunugan Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit. nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga. Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang nagpapapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang nagsisilbing mga resonador. Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod: 1. dila at panga (sa ibaba) 2. ngipin at labi (sa unahan) 3. matigas na ngalangala (sa itaas) 4. malambot na ngalangala (sa likod) Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matututuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema.

2|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

KATUTURAN NG PONEMA Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. May tiyak na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng dalawampu't isang (21) ponema labing-anim (16) na ponemang katinig at limang (5) ponemang patinig: Mga Katinig - / p, t, k, 2, b, d, g, m, n, ŋ, s, h, l, r, w, y/ Mga Patinig- / i, e, a, o, u, /

TSART NG MGA PONEMANG KATINIG Binubuo ang wikang Filipino ng labing-anim na (16) na ponemang katinig. Makikita sa ibaba ang tsart ng ponemang katinig na isinaayos batay sa paraan at punto ng artikulasyon.

?

3|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

Dapat na maunawaan ng mga estudyante na ang pagkakaayos ng mga ponemang katinig sa tsart ay batay sa saggittal diagram na tinaguriang OSCAR. Ang /?/ ay tinatawag na ponemang glottal o impit na tunog, samantalang ang /n/ ay katumbas ng kambal-titik o digrapong ng sa ating alpabeto. Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng anim na punto ng artikulasyon ay mailalarawan natin ang ponemang katinig ng Filipino. 1. Panlabi - dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas. / p, b, m/ 2. Pangngipin- dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila. / t, d, n/ 3. Panggilagid - lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. /s, 1, r/ 4. Pangngalangala -lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. / y/ 5. Velar - dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. / k, g, ŋ, w/ 6. Glottal- lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog. /?, h/

Ang paraan ng artikulasyon naman ay naglalarawan kung ano sa mga artikulador (dila, mga labi, velum, mga babagtingang pantinig) ang gumagana o kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong kapag binibigkas ang anuman sa mga ponemang katinig. Maaari itong hatiin sa anim na pangkat tulad ng makikita sa ibaba. 1. Pasara o Istap- harang na harang ang daanan ng hangin. / p, t. k, ?, b, d, g/ 2. Pailong o Nasal sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi sa bibig. / m, n, ŋ/ 3. Pasutsot- ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya'y ng mga babagtingang pantinig. / s, h/ 4. Pagilid o Lateral - ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila. / l / 4|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

5. Pakatal o Trill- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila. /r/ 6. Malapatinig o Glayd- katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito'y nagkakaroon ng galaw ula sa isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon. /w, y/ Pansinin na sa ibang aklat, ang / w/ ay itinuturing na panlabi. Tama rin ang ganitong kaayusan sapagkat talaga namang sa pagbigkas nito, ang unang gumagana ay ang labi, paloob patungo sa lalamunan hanggang velum. TSART NG MGA PONEMANG PATINIG Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o mababa) tulad ng makikita sa ibaba:

5|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

TSART NG MGA DIPTONGGO Binubuo ang wikang Filipino ng pitong diptonggo. Ang mga ito ay ang iw, ny, ey, aw, oy, ay at uy. Itinuturing na isang diptonggo ang anumang patinig na sinusundan ng pantig. Subalit kung ang /y/ o /w/ ay napapagitnaan ng malapatinig na mga ponemang /y/o/w/ sa loob ng isang dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig. Sa ganitong pagkakataon, hindi na ito maituturing na diptonggo sa Filipino na naglalarawan kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang diptonggo (harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna, mababa).

Matutunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng diptonggo: Tulay

bukey

Giliw

unggoy

Kasuy

aruy

Beywang

kami'y

Sabaw

sampay

aray

sisiw

6|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

ANG MGA KAMBAL-KATINIG 

Sa Filipino, ang mga katinig na maaaring maging pangalawang katinig ay ang s, 1, r, w, at y. Samantala, ang katinig na tay maaari lamang na maging unang katinig kapag kasama ng katinig na s. Mga halimbawa:

Tseke

tsip

Tsaa

tsaleko



tsapa

tsamporado

tsamba

tsinelas

tsampyon

Maaari ring makita ang kambal-katinig sa posisyong midyal katulad ng mga sumusunod na halimbawa:

Mga Halimbawa: Kontrata

mantsa

Pantrabaho kongreso 

programa

sombrero

kongklusyon eskwela

timpla

Gayundin, maaari ring makita ang kambal-katinig sa posisyong pinal.

Mga Halimbawa: Tsart

nars

sandwits

beysment

kyuteks

Isport 

Ang mga salita sa itaas ay pawang mga salitang hiram. Sa wikang Tagalog na naging batayan ng wikang Filipino, walang kambal-katinig sa iisang pantig. Bilang pagpapatunay, tunghayan ang mga sumusunod na halimbawa:

siksik sik-sik

lambat-lam-bat

sikhay - sik-hay

tuldok-tul-dok

paslang -pas-lang

dukha-duk-ha

tingkad-ting-kad

hukbo-huk-bo

pinto-pin-to

masdan-mas-dan Sa Alpabetong Filipino, ang katinig na ng ay tinatawag na digrapo o kambal-titik. Tandaan na ito ay isang katinig at hindi dalawang katinig. Sa paghahanap ng kambalkatinig sa loob ng isang salita, pantigin muna ito. Tandaan na ang kambal-katinig ay dapat na nasa loob ng isang pantig.

7|Page

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN Ang wikang Filipino ay may mga salitang mapagkikitaan ng mga ponemang malayang nagpapalitan. 1. /o/ at /u/ Totoo

noon

Tutoo

nuon

2. /e/ at /i/ Lalake

lalaki

Babae

babai

3. /d/ at /r/ Diyan

dito

Rito

riyan

doon

daw

roon

raw

4. /1/ at /r/ lugal

lugar

Tandaan na ang pares ng mga salita sa itaas ay iisa lamang ang kahulugan.

ANG MGA PARES-MINIMAL Ang pares-minimal ay dalawang salitang magkaiba ng kahulugan subalit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran. Matutunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay na ponema. Tela

tila

Mesa

misa

8|Page

MODYUL

Belo

bilo

Diles

riles

Butas

botas

Ewan

iwan

SINING NG KOMUNIKASYON

Pansinin na ang mga pares ng salita ay may magkaibang kahulugan.

MGA SALITANG NAGBABAGO ANG KAHULUGAN DAHIL SA PAGBABAGO NG DIIN Maraming salita sa wikang Filipino na dahil sa pagbabago ng diin ay nagbabago rin ang kahulugan. Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa: 1. bata: / bata:h/

- to suffer

/ba: ta? /

- child

/ba: tah/

- bathrobe

2. tubo: / tu: bo?/

-profit

/ tu: boh /

-pipe

/ tu: bo:h/

- sugar cane

3. baka: / ba: kah/ / baka: h /

4. daga: / daga? / / da: gah /

9|Page

-cow - maybe

- rat - dagger

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

MGA TEORYA NG WIKA Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit may mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito. Nahahati sa dalawa ang mga hinuha at haka-haka hinggil sa pinagmulan ng wika. Una ay ang batay sa Bibliya at ang ikalawa ay ang batay sa Agham. A. Biblikal 1. Kwento ng Tore ng Babel- (Tower of Confusion) Mababasa ang kwento sa aklat ng Gen. 11:1-9. Ito ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng mga tao ng toreng napakataas na abot hanggang langit. Nagawa ng mga tao ito dahil sila ay nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng Diyos ang ginawa nilang ito kung kaya pinag-iba-iba niya ang kanilang wika. 2. Ang mga Apostol Sa bagong Tipan, mababasa naman sa mga Gawa ng mga Apostol na ang wika ay nagsisilbing biyaya upang maipalaganap nila ang salita ng Diyos, Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo nakapagsalita ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman upang maituro ang ebanghelyo sa iba‟t ibang tao. B. Teorya batay sa agham panlipunan 1. Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig nila sa kalikasan. (Langitngit ng puno ng kawayan, hampas ng alon sa malaking bato, Ungol ng salita ng mga hayop 2. Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may kaugnay na tunog. Panggagaya pa rin sa tunog ang batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng mga tunog ng bagay sa paligid na naging batayan din ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng dingdong ng kampana, “bangbang” ng baril at “boom” ng granada.(ex. Simbolo- puso(pagibig) at mga simbolong pantrapiko at babala 3. Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang naunang sumensyas ang tao kaysa magsalita. Subalit dumating ang panahong kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Isang halimbawa dito ang pagtango kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling kasabay ng pagsasabi ng hindi. 4. Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito. Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam sa mga Pranses. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pagtaas at pagbaba ng 10 | P a g e

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

kamay ay nangangahulugang nagpapaalam. Subalit sa panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong kilos ng kamay naipapakita ang pagpapaalam kundi maaari ding iwagayway upang magpaalam. 5. Pooh-pooh –Pinatutunayan ng teoryang ito na kailangang ibulalas ng tao ang kanyang damdamin. Ang tao ay lumikha ng wika upang maipahayag ang iba‟t ibang damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, awa, tuwa, galit, lungkot at iba pa. ex. Takot-o-oo-h, naku! 6. Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha bunga ng pwersang pisikal sa kanyang ginagawa. Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng isang inang nanganganak kapag umiire. Kasama na rin ang mga salitang nabibigkas ng isang karatista at isang boksingero. Halimbawa ng Yo-He-Ho Pagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ug Pagsuntok –hu-hu-hu, bug-bug Pagkarate –ya-ya-ya Pag-ire –hu-hu-e-e-e 7. Musika- Ipinalagay ng dalubwikang Danish na si Otto Jerpensen na ang sinaunang wika ay may melodiya at tono. May kakulangan umano sa detalye ang wikang ito at walang kakayahang gamitin sa pakikipagtalastasan. 8. Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas na sosyal, ang teoryang ito ay naniniwalang ang tao ay lumikha ng kanyang wika upang magamit sa pakikipagugnayan sa kapwa. 9. Navya-Nyaya- Ang teoryang ito ay mula sa India. Pinaniniwalaan nito na ang lahat ng nasusulat na komunikasyon ay mula sa tunog na nalikha ng tao. Samakatuwid nagugat ang pasulat na komunikasyon sa pasalitang komunikasyon. 10. Tarara-boom-de-ay- Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang tao ay natututong bumuo ng mga salita mula sa mga ritwal at seremonya sa kanilang ginagawa. Hal. Ta-ra-ra-boom-de-ay - Paglututo at paglilinis ng bahay---tarara-raray-ray - Pakikidigma at pag-aani- da-da-da, bum-bum 11 | P a g e

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

URI / BARAYTI / BARYASYON NG WIKA Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at mga tao rin ang lumilinang sa kani-kanilang mga kultura. Hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakaibaiba sa paniniwala, gawi, kasama na ang pagkakaiba-iba sa wika. Nalilikha ang tinatawag na baryasyon o barayti ng wika o sub languages na maaaring iklasipika sa higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng tinatawag na idyolek, dayalek, sosyolek, rejister, estilo at moda, edukasyon, midya at iba pa. 1. DAYALEK- Ito ay mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba‟t ibang baying nasasakupan. Halimbawa: Tagalog-Maynila Tagalog-Cavite Tagalog-Bulacan Tagalog- Quezon Tagalog-Batanggas Tagalog-Laguna 2. Ekolek- Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito. Halimbawa: Pappy = ama Mumsy =ina Mc Guyver =karpintero Lady Gaga = lola 3. Etnolek- Nalikha ang wikang ito sa mga etno-linggwistikong pangkat Halimbawa: Wika ng mga Tausug Wika ng mga Ivatan Wika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai 4. Idyolek- Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito.

12 | P a g e

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

5. Pidgin- Nabuo ang wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito. Halimbawa: Me ganun? Tama ha Oks na oks Wow sige 6. Rehistro- Nabuo ang wikang ito dahil sa iba‟t ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan. Halimbawa: „muhon‟ sa isang karpintero „segue‟ sa isang script writer „Trancendental phenomenon‟ sa isang philosopher 7. Sosyolek- Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil sa sosyalisasyon na kadalasang nagbabagu-bago ng anyo sa paglipas ng panahon., Halimbawa: Pagdiriwang: parti, tipar, gimmick, mga wika ng bading at wika ng tambay

ANTAS NG WIKA Kaantasan ng mga Salita/Wika May mga kaantasan ang mga salita, kaantasang isinasaalang-alang upang ang mga salitang gagamitin ay aayon o babagay sa kanyag katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan. Dalawang Kaantasan ng Salita A. PORMAL- Ito ay mga salitang kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya kung ang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito‟y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal sa gayo‟y tumataas ang uri kapag malaganap nang ginagaya.

13 | P a g e

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

1. Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may sirkulasyon na umaabot sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral. 2. Pampanitikan- salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.

B. DI-PORMAL O IMPORMAL- ang mga salitang imformal ay mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipagusap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. 1. Balbal- ito ang mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga kabataan, mga salitang ginagamit sa lansangan ngunit hindi magandang pakinggan. Hal. Kumusta na ang erpat mo? Nakagoli ka na ba? Dehins pa. 2. Kolokyal- mga salitang ginagamit sa pormal o imformal na pagsasalita. Mataas nang kaunti ang antas sa balbal. Hal. Ang utol mo pala ay kambal? Atsay namin ang aming naging tagapagluto. 3. Lalawiganin- ginagamit sa isang particular na pook o lalawigan at ang mga tagaroon lamang ang nakaiintindi. Hal. Davao: Iyan kasi ang gisabi niya. (sinabi) Quezon: Abiarin ko muna siya. ( asikasuhin)

PAGBAYBAY NG MGA SALITANG HIRAM Ipinalalagay ng salitang hiram ang mga salitang kinuha sa Kastila, Ingles at sa pamamagitan ng dalawang ito, ang mga salitang Latin, Greek at French, German at iba pa. Kung walang pagbabago ang bigkas ng salita sa banyagang ginagamit sa Filipino ay binabaybay ayon sa sumusunod na tuntunin:

14 | P a g e

MODYUL

SINING NG KOMUNIKASYON

A. Tumbasan ng mga Letra 1. Mga letrang wala sa abakadang Tagalog: c-k :

cara - kara, carga - karga

C-s : centimos sentimos, centro-sentro ch-ts: cochero - kutsero, lechon - litson ch-s

chicharo-sitsaro, chinelas-sinelas

f-p:

café-kape, fecha - petsa

j-h:

cajon-kahon, juego - huwego

ll-ly:

calle -kalye, pillo – pilyo

ñ...


Similar Free PDFs