Katangian-NG-WIKA - Komunikasyon PDF

Title Katangian-NG-WIKA - Komunikasyon
Course Psychology
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 3
File Size 86.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 22
Total Views 300

Summary

KATANGIAN NG WIKA1.)Ito ay may masistemang balangkas.  Nakaayos satiyak na balangkas  Nakabatay sa balarila or grammar at ponema, morpema, hanggang sintaks.  Halimbawa: nag-aaral Anna siya mabuti makapasa pagsusulit -> Si Anna ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa siya sa pagsusulit. 2.)...


Description

KATANGIAN NG WIKA 1.) Ito ay may masistemang balangkas.  Nakaayos satiyak na balangkas  Nakabatay sa balarila or grammar at ponema, morpema, hanggang sintaks.  Halimbawa: nag-aaral Anna siya mabuti makapasa pagsusulit -> Si Anna ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa siya sa pagsusulit. 2.) Ito ay binibigkas na tunog.  Ang wika ay binubuo ng mga tunog.  Pinagsama-samaang tunog upang makalikha ng mgasalita. 3.) Ito ay pinipili at isinasaayos.  Layunin ng wikaang magkaroon ng epektibong komunikasyon na may malinaw na mensahe. 4.) Ito ay arbitraryo.  Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng gumagamit nito.  Halimbawa: Ang salitang bahay kapag isinalin sa ibang wika ay: Ilokano – balay Chavacano – casa Tausug – bay 5.) Ito ay patuloy na ginagamit.  Isang katangian ng wika ay ang pagiging gamitin. Ito ay kasangakapan sa komunikasyon. 6.) Ito ay nakabatay sa kultura.  Nagkakaiba-iba ang wika nang dahil sa iba-ibang kultura.  Halimbawa: Ice Formations (Filipino vs. Ingles) 7.) Ito ay dinamiko o nagbabago.  Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo habang lumilipas ang panahon.  Halimbawa: Ang salitang bomba ay nangangahulugan na: - pampasabog - igiban ng tubig mula sa lupa - sikreto o baho ng mga kilalang tao

DIMENSYON NG WIKA 1.) Dimensyong Heograpiko  Ang wikang ginagamit ay batay sa particular na rehiyon. lalawigan, o pook.  Halimbawa: Cebuano – Cebu 2.) Dimensyong Sosyal  Nakabatay ang wika sa pangkat panlipunan. Halimbawa: Wika ng mga LGBTQI Wika ng mgamatatanda

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA Ipinapaliwanag sa teoryang sosyolingguwistikong pinagbabatayan ng ideya ng pagiging heterogenus ng wika ang pagkakaron ng barayti ng isang wika. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal na nabibilang sa magkaibang lipunan, interes, hanap-buhay, at kulturang kinabibilangan. Dahil rito, ayon kay Constantino (2006), may dalawang dimension ang baryabilidad ng isang wika. 1. Dayalek Ito ang wikang nabuo mula sa pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba’t-ibang baying nasasakupan. Halimbawa: Tagalog—Maynila

Tagalog—Cavite

Tagalog—Bulacan

Tagalog—Quezon

Tagalog—Batanggas

Tagalog—Laguna

2. Ekolek Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito. Halimbawa: Pappy—ama

Mcguyver—karpintero

Mumsy—ina

Lady Gaga—lola

3. Ethnolek Nalikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong pangkat. Halimbawa: Wika ng mga Tagausug Wika ng mga Ivatan Wika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai

4. Idyolek Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito. 5. Pidgin \ Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita at wala itong pormal na anyo. Halimbawa: Grabe talaga pards, nainlababo na yata ako. Dyusku day!! Paminta eber ang istatus symbol niya! 6. Rehistro/Jargon Nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t-ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan. Halimbawa: ‘muhon’ sa isang karpintero ‘segue’ sa isang script writer ‘Trancendental phenomenon’ sa isang philosopher 7. Sosyolek Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil sa sosyalisasyon na kadalasang nagbabago-bago ng anyo sa paglipas ng panahpn Halimbawa: Pagdiriwang—parti, tipar, gimmick...


Similar Free PDFs