Kahalagahan NG Komunikasyon PDF

Title Kahalagahan NG Komunikasyon
Course Bachelor of Arts in Filipinology
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 10
File Size 168.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 43
Total Views 151

Summary

Importansya ng komunikasyon...


Description

KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON 1.Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang nadarama. 2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektiba 3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding, tubig o pulo man ang pagitan. 4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan. 5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang buhay. 6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA. KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON -Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari. -Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan. At ang prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto sa isa’t isa. URI NG KOMUNIKASYON 1. Berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita. 2. Di berbal na Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw. ELEMENTO NG KOMUNIKASYON (K-M-T-I-T) 1. Kalahok/Partisipante. Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon. Sender/Source- tagapagdala ng mensahe Receiver- Tagatanggap ng mensahe 2. Mensahe. Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng tagatanggap ng mensahe. Maaari itong berbal at di- berbal na mensahe. 3. Tsanel. Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng mensahe. Sensory Organs- pandinig, paningin, at pandama Mediated Channel- pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet 4. Ingay o Interference. Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa tunog. Sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal. 5. Tugon o Feedback. Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay

maaari ring berbal (pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo). Uri ng Feedback Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap. Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika. PROSESO NG KOMUNIKASYON -Source(message) - Encoding(message) Channel(message) - Decoding(message) Receiver(message) – Feedback-

Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anuanong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap. Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan. LEBEL NG KOMUNIKASYON (I-I-K-P-K) Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang “LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng komunikasyon. 1. Intrapersonal na Komunikasyon. Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Madalas, hindi maikakailang ang ganitong lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay na likas sa isang indibidwal ang maging rasyonal. (panaginip, meditasyon, kontemplasyon) a. Internal na Diskurso b. Isahang Pasulat na Komunikasyon c. Isahang Pasalitang Komunikasyon 2. Interpersonal na Komunikasyon. Tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya batay sa karanasan, trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon kina Knapp at Daly (2000) ang mga sangkot dito may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na ito mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang makabuo ng relasyon ayon kina Verderber. 3. Komunikasyong Panggrupo. Ayon kina Beeve at Masterson (2006), ito ay lebel ng komunikasyon na kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao. Kung saan ang proseso ng komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face na pamamaraan. 4. Pampublikong Komunikasyon. Lebel ng komunikasyon na pormal (planado ang pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito ay inaasahang handa ang tagapagsalita. 5. Komunikasyong Pangmadla. Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig/manonood. Ito ay isang uri ng mediated communication. At itinuturing bilang pinakapormal at pinakamagastos na lebel ng komunikayson.

DI-VERBAL

-Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita, titik o tunog. -Ayon kay E. Saphir, ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat. IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON 1. Kinesika (Kinesics). Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba. (kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay) Ekspresyon ng Mukha- Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag. Galaw ng Mata- Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata. Kumpas- Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipagalitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe. Tindig o Postura- Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap. 2. Proksemika (Proxemics) Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. 3. Pandama o Paghawak (Haptics) Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. Halimbawa: - Pagyakap - Paghaplos 4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita - Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntunghininga, ungol at paghinto. - Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

5. Katahimikan/Hindi Pag-imik  Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at magorganisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.  May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba.  Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao. 6. Kapaligiran  Nagsisilbing komunikasyong diverbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.  Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.  Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar. 7. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang partikular na bagay nailalahad ang intensyon at mensahe na nais iparating ng isang tao. 8. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon ang kulay ng isang bagay na suot o ibinibigay ng nais magparating ng mensahe. 9. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. Na may mensaheng nais iparating sa mga makakakita nito.

WIKANG PAMBANSA Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pagunlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. -Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. -1934-mainit na pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang pagpili sa WP. -Grupo ni Lope K. Santos – iminungkahi nila na ang WP ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas(sinusugan ni MLQ-pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas) 1935-ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyo 3 ng SB 1935 Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".

-Batas Komonwelt Blg. 184-batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte (nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa) “Pag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino” Ang wikang pipiliin ay dapat: 1. Wika ng sentro ng pamahalaan 2. Wika ng sentro ng edukasyon 3. Wika ng sentro ng kalakalan 4. Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan Walong Pangunahing Wika sa Bansa Tagalog Cebuano Ilokano Hiligaynon Bikol Samar-Leyte o Waray Pampango o Kapampangan Pangasinan o Pangalatok Disyembre 30, 1937 Pinili at iprinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.(magkakabisa pagkaraan ng 2 taon)

1940(2 taon ang nakalipas) Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa(tagalog) sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa? -Isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging batayan ng ating wikang Pambansa. -Tumutugma sa mga pamantayan sa pagpili natin ng wikang tagalog. Hunyo 4, 1946 Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570. Agosto 13,1959 -Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BILANG 7(Tagalog-Pilipino). 1972 -Muling nagkaroon ng mainit na pagtatalo na nagbunsod sa probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3 blg. 2 Saligang Batas ng 1973

-Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO. 1987 -Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal. Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika’’.

WIKANG OPISYAL •Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. •Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig. •Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik. •Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa? •Batas Komonwelt blg. 570 Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946 •Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.” Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7) “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles…”

WIKANG PANTURO •Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

•Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. •Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Mother Tongue- Based Multi-Lingual Education •Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. •Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: A) Bilang hiwalay na asignatura B) Bilang wikang panturo Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural” Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika? •Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988) Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. •Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika •Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at pamantasan.

Dayalek ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon ay ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng Gawain Idyolek •Indibidwal na paraan/istilo ng paggamit ng wika •Ang pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift .PIDGIN •Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Iba pang Barayti •Ekolek – wika sa bahay •Etnolek – wika ng mga etnolinggwistikong grupo •Register – wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na pagpapakahulugan

MGA GAMIT NG WIKA Michael A. K. Halliday •Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera.

BARAYTI NG WIKA •Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika •Homogeneous na Wika – nagsasabing ang wikang “pormal” ay iba sa “naimbentong” wika Ano ito? •Ito ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolinggwistik bilang batayan ng heterogenous na wika. •Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaibaiba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kanikanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. •May dalawang dimensyon ang baryabiliti heograpikal at sosyal (Constantino, 2006)

nito:

•Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino . •Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika na gamitin at kilala sa daigdig. •May pitong tungkulin o gamit ang wika na kailangang pagtuunan ng pansin. •Kailangang sanayin ang sarili sa mga ito sapagkat ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay nangangailangan ng paggamit ng isa o higit pang tungkulin. Instrumental Tumutugon sa mga pangangailangan Pasalita: pag-uutos Pasulat: liham-pangangalakal (liham na humihiling o umoorder ng mga aytem)

Regulatori Kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala Pasulat: resipe, panuto sa pag-eenrol Heuristiko Naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman. Pasalita: pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam Pasulat: sarbey Interaksiyonal Nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyon sa kapwa Pasalita: pormulasyong panlipunan (hal., Magandang umaga!, Maligayang kaarawan! Ang pakikiramay ko.), pangungumusta, pagpapalitan ng biro Pasulat: liham pangkaibigan Personal Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion(napapalakas ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal). Pasalita: pagtatapat ng damdamin sa isang tao, gaya ng pag-ibig Pasulat: editoryal, liham sa patnugot Imadyinatib Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan. Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan Pasulat: akdang-pampanitikan, gaya ng tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa Informativ

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO Panahon ng mga Katutubo 1. Teorya ng Pandarayuhan (wave migration theory) – pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer (Amerikanong antropologo, 1916) •Naniwala siya na may tatlong pangkat na dumating sa bansang Pilipinas (Negrito, Indones at Malay) •Dr. Robert B. Fox – sa pangunguna niya, natagpuan ng kanyang pangkat (arkeologo) ng Pambansang Museum ng Pilipinas ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962. Taong Tabon – tawag sa mga labing natagpuan - tinatayang nanirahan ang mga unang tao sa yungib ng 50, 000 taon na ang nakararaan

•Chertz (isang uri ng quartz), mga buto ng ibon at paniki ay ilan lamang sa mga nahukay kasama ng mga labi ng mga taong tabon •Noong 1962, lumalabas na unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at Indonesia at pinatunayan ni Landa Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum •Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa Homo Sapien o modern man at ang Taong Java na kabilang sa Homo Erectus Dr. Armand Mijares – makalipas ang ilang taon natagpuan niya ang isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa kuweba ng Callao, Cagayan (Taong Callao na nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalilipas) 2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austronesyano •Isa sa pinakabagong teorya, na pinaniniwalaang ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian (salitang Latin na Auster – south wind, Nesos - isla) Dalawang Teorya (Ayon kay William Solheim II-Ama ng Arkeolohiya ng Timog Silangang Asya) 1. Ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao Dalawang Teorya (Ayon kay Peter Bellwood ng Australia National University) 2. Ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC •Unang nakatuklas ng bangkang may katig •Kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng hagdan-hagdang Palayan sa Banawe •Naniniwala sa mga anito •Paglilibing sa mga patay sa isang banga (Manunggul Cave s...


Similar Free PDFs