Kahalagahan ng Pagbabasa DOCX

Title Kahalagahan ng Pagbabasa
Author T. Regal
Pages 4
File Size 17.3 KB
File Type DOCX
Total Downloads 82
Total Views 634

Summary

Tyrone Van Kirk C. Regal Kahalagahan ng Pagbabasa: Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga i...


Description

Tyrone Van Kirk C. Regal Kahalagahan ng Pagbabasa: Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya't maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina upang maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Ang Pagbabasa ay isa sa mga kasanayan na siyang kailangan ng tao para mabuhay, tulad ng isang pagkain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang impormasyon. Ito ay proseso ng pag- unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasahing kanyang isinulat. Ito ay bahagi ng komunikasyon. Ito ay haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang nais ipahayag ng nagsulat. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng mga salitang binubuo ng mga salitang nakalimbag. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga konseptong inihatid ng mga nakalimbag na salita. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay hindi lamang sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa mga titik, salita at pangungusap at bumubuo sa tekstong binabasa kundi sumasaklaw din sa pag-unawa sa mensaheng nakapaloob sa teksto s atulong ng dating kaalaman at karanasan ng bumabasa. Ang pagbasa ay walang iba kundi ang pag-unawa. Kung hindi nauwaan ang binasa ay walang naganap na pagbasa. Dahil sa impormasyong ito napapaunlad nila ang kanilang sarili at mas nalalaman nila ang mga bagay- bagay sa mundo. Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa lenggwahe ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag. Ang pagbasa ay pag-unawa sa mga kaalaman upang matamo ng karunungan, pagbabalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon sa hinaharap. Walang oras o walang panahonang pagbasa sa madaling sabi, hindi ka bilanggo sa sirkulo o espasyo ng panahon. Nararating ng diwa ang nais marating, nababatid ang mga kaalamang dati-rati'y mula sa ating malay. Kailangan ang pag-unawa sa anumang binabasa. Ang mga mambabasa ay kailangang makadebelop ng mga kasanayan na makatutulong sakanila upang maunawaan ang kanilang binabasa. Mahalaga kung gayon ang komprehesyon o pag-unawa sa konteks at mga natutunang impormasyon upang maging katulong sa pagbasa at maging makabuluhan ang anumang binabasa o pinapakinggan. Ang mga istratehiya sa pagproproseso ng informasyon ay iyong mga informasyong nasa isipan ng mga mambabasa (kaalamang semantika, kaalamang sintaktika, kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa: pagpapantig, pagbaybay, atbp.). Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at informasyong nasa isipan ng tagabasa na pantulong sa kahinaang sintaktik ng mambabasa. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak (mental food) sabi ni James Dee Valentine. Sa maraming pagkakataon ay napatunayan na natin na marami sa mga matatagumpay na tao ang...


Similar Free PDFs