Buod ng Ang Lawa ng Sampalok Summary. PDF

Title Buod ng Ang Lawa ng Sampalok Summary.
Author Brix Aguason
Course Filipino
Institution Central Philippine University
Pages 1
File Size 35.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 45
Total Views 205

Summary

Buod ng Ang Lawa ng Sampalok Buod ng Ang Lawa ng Sampalok Buod ng Ang Lawa ng Sampalok Buod ng Ang Lawa ng Sampalok Buod ng Ang Lawa ng Sampalok...


Description

Buod ng “Ang Lawa ng Sampalok” Sa maunlad and may aking-ganda na bayan ng San Pablo, matutuklasan ang Lawa ng Sampalok. Nagsimula ang Lawa ng Sampalok sa mag-asawang naninirahan sa isang malaking taniman ng matamis na sampalok. Nasa mag-asawa na ang lahat maliban sa isang anak na mapagbibiyayaan ng kanilang taniman.

Upang masubukan ang kabaitan ng mag-asawa may isang engkantada ang nag-anyong matandang pulubi at humingi ng tulong sa mag-asawa. Subalit, madamot ang mag-asawa at pinakawalan ang kanilang malaking aso upang mapalayas ang matandang pulubi. Habang namimilipit sa sakit ang matandang pulubi, pinilit niyang tumayo at hinawakan ang puno ng sampalok at sinabi, “Pagsisisihan ninyo ang inyong kasakiman.” Sa pag lisan ng matandang pulubi, biglang dumilim ang kalangitan at magdamag bumagsak ang bagyo.

Kinaumagahan, nagising ang mag-asawa sa tanawin nang isang lawa. Ikinagulat nila na ang kanilang pinagmamalaking taniman ang nalubog at naglaho sa lupang napagbalutan ng tubig. Magmula noon, ang lawang iyon ay kinilala sa pangalang Lawa ng Sampalok. Dinarayo pa rin ito sa kasalukuyang panahon, hindi dahil sa matamis na bunga nito kungdi dahil sa kagandahan at kaaya-ayang tanawin nito....


Similar Free PDFs