Anniv Ang Liturhiya ng Pagdiriwang DOCX

Title Anniv Ang Liturhiya ng Pagdiriwang
Author Reece Ven Bico
Pages 1
File Size 25 KB
File Type DOCX
Total Downloads 22
Total Views 93

Summary

Ang Liturhiya ng Pagdiriwang mula sa pagkaalipin at kasalanan sa pamamagitan ng tubig ng Tayo ngayon ay nagdiriwang ng ika-107 taon ng Mapagpalang Pagkilos pagbabautismo ng Diyos sa Kanyang Bayan at sa Kanyang Sambahayan. Sa pagtawag Kapulungan: Tayo ngayon ay Kanyang Bayan, tinawag sa Kanyang Niya ...


Description

Ang Liturhiya ng Pagdiriwang Tayo ngayon ay nagdiriwang ng ika-107 taon ng Mapagpalang Pagkilos ng Diyos sa Kanyang Bayan at sa Kanyang Sambahayan. Sa pagtawag Niya sa Kanyang Bayan at sa paggabay Niya sa kasaysayan at sa Kanyang pagdadala ng maraming tahanan dito sa UCCP Tiaong Evangelical Church, tayo ay Kanyang pinapaalalahanan ng Pagliligtas ng Panginoon sa Kanyang piniling lipi, ang Israel. Paghahanda sa Pananambahan: CYF Band Ang Bayan ng Diyos sa Pagpupuri + Imno Prosesyonal at Awit ng Pagpupuri Hari'y Sambahin sa Kalangitan MASP Blg. 2 Hari'y sambahin sa kalangitan, atng awitn ang pagmamahal Atng tanggulan sa lahat ng araw, at sa kalul'wa ay kapahingahan Ikalat ang biyaya Niya't lakas, Balabal Niya ay ang liwanag Ang sasakyan Niya'y kulog at kidlat, madilim na bagyo ang Kanyang landas Tangkilik Mo'y di maisiwalat, dala ng hangin at ng liwanag Umaagos mula sa itaas, taglay na hamog at ulang banayad Kaming nilikhang lubhang marupok nagttwala sa Iyong lubos Ang biyaya Mo'y walang pagkatapos, Aming Manlilikha at Manunubos. Amen + Tawag sa Pagdiriwang Pastor: Sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo Kapulungan: Amen! Pastor: Sa pangalang ito, ang Panginoon ay nahayag Kapulungan: Sa pangalang ito, tayo ay binautsmuhan Pastor: Sa pangalang ito, nagkatpon tayo sa loob ng 107 taon Kapulungan: Sa pangalang ito, atn ngayong ipinagdiriwang ang Mapagpalang pagkilos ng Diyos Pastor: Sa pagkakatubos ng Diyos sa Bansang Israel mula sa pagkaalipin sa pamamagitan ng tubig at Tayo rin naman ay tnubos mula sa pagkaalipin at kasalanan sa pamamagitan ng tubig ng pagbabautsmo Kapulungan: Tayo ngayon ay Kanyang Bayan, tnawag sa Kanyang Pangalan, pinalaya at inatasang maglingkod sa Kanya. Ngayon, inaalala natn at ipinagdiriwang bilang Kanyang tnawag para maging sa Kanya mula sa dakong ito Pastor: Alam natn na ang Bayang Israel noon ay hindi lubusang tuwid; sila ay nagmaktol at nagreklamo ngunit humingi sila ng kapatawaran mula sa Diyos at sa Kanyang biyaya, Ibinigay ng Diyos ang kapatawaran. Tayo ngayon na nariririto sa UCCP Tiaong Evangelical Church tulad ng Bayang Israel, ay hindi rin lubusang tuwid, at bawat linggo, ipinahahayag natn ang atng pagkukulang dahil alam natn na sa pamamagitan ni Kristo tayo ay pinatawad at iniadya sa kasalananan at nagnanais tayo na maglingkod sa Iisang Diyos. Kapulungan: Mapagpala naming Diyos na Magulang, alam namin na kami ay nakatanikala sa aming pagkakasala, kami ay patuloy na nagrereklamo sa kabila ng Iyong nagpapatuloy at nag-uumapaw na biyaya sa amin. Kami ay nagmamaktol sa kabila ng Iyong walang hanggang pagmamahal. Patuloy kaming tumatalikod sa Iyong Banal na Kalooban. Patawarin Mo kami, sa amin ngayong panalangin, sa aming mga pagkakasala sa isip at sa salita alang-alang sa Iyong Anak, ang aming Panginoong Hesu- Kristo. Igawad Mo sa amin, sa pamamagitan ng Iyong Banal na Espiritu ang puso na may pagbabago at ang patuloy na inspirasyon sa paglilingkod. (Sandaling Katahimikan) Pastor: Pinatawad na tayo ng Diyos sa atng mga kasalanan gaya ng ginawa niya noon sa Israel. Hindi dahil sa karapat dapat tayo sa halip dahil ito sa Kalooban Niya sa ngalan ng atng Panginoong Hesu-Kristo, namatay para sa atn upang tayo ay magkaroon ng buhay. Ngayon, tanggapin natn ang Kanyang kapatawaran LAHAT: AMEN! + Ang Pagsisindi ng Kandila ng atng Panginoon + Tugong Awit: "Iisang Liwanag" BHP blg. 42 Iisang liwanag atng tanglaw nagmula kay Kristo Iisang liwanag atng tanglaw buhat sa Kanya Iisa ang Puno na sandigan, ang Puno ng buhay Iisa ang puno na sandigan, Siya ay si Kristo Iisang handog na pag-ibig, ang buhay ni Kristo Iisa ang na pag-ibig mula sa'tng Diyos...


Similar Free PDFs