Mga Pambansang Pagdiriwang PDF

Title Mga Pambansang Pagdiriwang
Course Philippine Popular Culture
Institution Negros Oriental State University
Pages 8
File Size 255 KB
File Type PDF
Total Downloads 60
Total Views 625

Summary

Mga Pambansang PagdiriwangGAWIN MOIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pambansang pagdiriwang, pagdiriwang na pansibiko, pagdiriwang na pansimbahan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng bilohaba (30 puntos). Ipinagdiriwang ng mga Pilipino noon hanggang ngayon.PAGDIRIWANG NA PANSIMBAHAN  Batay sa ...


Description

Mga Pambansang Pagdiriwang GAWIN MO Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pambansang pagdiriwang, pagdiriwang na pansibiko, pagdiriwang na pansimbahan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng bilohaba (30 puntos).

PAGDIRIWANG NA PAMBANSA    

PAGDIRIWANG NA PANSIBIKO

Napakahalaga sa kasaysayan at lipunan Nakikiisa ang bawat mamamayang Pilipino Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan

  



Ipinagdiriwang ng mga Pilipino noon hanggang ngayon.

PAGDIRIWANG NA PANSIMBAHAN 

Batay sa ating paniniwala o relihiyon

Isinasagawa sa iba't ibang buwan sa buong taon Ipinapakita ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino Karaniwang idinaraos ng may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa



Isinasagawa sa iba't ibang buwan ng buong taon at makikita rin dito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino.

HULAAN MO PANUTO: Hulaan kung anong pamahiin ang ipinapahiwatig sa bawat larawan na makikita sa ibaba at ipaliwanag sa dalawa o tatlong pangungusap angmga posibleng mangyayari sa bawat pamahiin. (5 puntos bawat bilang). 1. Kumakanta habang nagluluto – Ang babaeng kumakanta habang nagluluto ay makakapag asawa ng matanda. 2. Tatlo sa larawan – Mamamatay ang nasa gitna. 3. Oro, Plata, Mata – Kapag may second floor ang tahanan at ikaw ay umaakyat sa hagdan, dapat bigkasin ang Oro Plata Mata dahil may ibig sabihin ang bawat baiting. 4. Pagsuot ng damit pangkasal isang araw bago ang kasal - Nagdadala umano ito ng malas at hindi natutuloy ang kasal. PANOORIN MO Kapuso Mo, Jessica Soho: Pamahiin pa more! https://www.youtube.com/watch?v=Hz46LeG85oE Sagutin ang mga sumusunod na mga gabay na tanong. (5 puntos bawat bilang). 

Ano-ano nga ba ang mga pamahiing sinusunod ng mga Pilipino?

Bawal maligo kapag Biyernes Santo kasi raw Patay ang Diyos. Bawal magpakasal ang magkapatid sa loob ng isang taon o pag may namatay na kamag-anak. Sukob. Mamalasin ka. Kapag ang inyong alagang aso ay nanganganak ng marami, itapon mo ang isa sa mga ito upang hindi ito mamatay isa-isa at lumaki ang natitira pang mga tuta nang malusog. Bawal maligo kapag may regla dahil baka sila’y maloka. Bawal kumain ng maasim kapag may regla. Bawal magwalis pag gabi dahil mamalasin ka. Bawal daw maglipat ng bahay kapag buntis. Sa babaeng may asawa, kailangang kanang paa palagi ang unang ihakbang tuwing uuwi ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama. Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.

Kapag mayroong nagaganap na eklipse, kailangang magsilabas ng bahay ang mga buntis upang hindi maging abnormal ang kanilang magiging anak. Masamang maglakbay kapag kayo ay labintatlo katao sapagkat malaman na mamatay ang isa sa inyo. Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pagaaway sa pamilya. Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas. Upang buwenasin ka sa inyong paglalakad, kailangang unahing isuot ang kanang medyas bago kaliwa. Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan. Kapag ikaw ay nakalabag sa batas trapiko, halikan mo ang iyong mga daliri at hipuin ang bubong ng iyong sasakyan upang hindi ka mahuli sa pulis. Kapag ikaw ay napadaan sa isang yungib o tunnel, iwasan mo ang huminga at gumawa ng isang kahilingan habang nasa loob nito at iyon ay magkakatotoo. Masamang makakita ng puting pusa sa gabi. Kapag mayroong pusang itim na lumalakad sa ilalim ng hagdan, mamalasin ang taong umakyat sa hagdanang iyon. Upang balikan ka ng umalis na asawa, ilagay mo ang kanyang damit na naisuot na sa ilalim ng inyong lutuan at siya ay tiyak na magbabalik. Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan ka rin ng isang kasambahay. Kapag ikaw ay naligaw sa kagubatan, baligtarin mo ang iyong damit upang muli mong makita ang tamang daan pabalik. Ang iyong kahilingan ay magkakatotoo kapag napatay mo ang mga kandila sa iyong birthday cake sa isang ihipan lamang. Tumalon ng tatlong beses para madagdagan ng tatlong araw ang regla mo. Ang taong mahilig kumain ng peanuts o mani ay magkakaroon ng maraming taghiyawat. Kung ikaw ay natinik, ang taong ipinanganak na nauuna ang paa ay may kakayahan na matanggal ang tinik sa iyong lalamunan. Sa paglipat ng bahay, ang bigas at asin ang unang ipinapasok sa bahay upang maalis ang malas. Ang mga may-ari ay naghahagis ng mga barya upang magkaroon ng magandang kapalaran. Ipinagbabawal sa buntis ang pagpunta sa burol ng patay dahil maaaring magdulot ito ng paghihirap sa panganganak o kamatayan.

Kapag humingi ng pagkain sa taong naglilihi, ikaw ay mahahawa ng kanyang mga sintomas tulad ng pagkahilo at pagsusuka. Iwasan maglabas ng pera o magbayad ng utang sa gabi, ito ay bad luck. Bawal bumili ng karayom sa gabi. Mabubulag ka Pag nabungi ka sa iyong panaginip, may miyembro ng inyong pamilya ang mamatay. Kumagat sa pinto o haligi para hindi matuloy. Bawal magligpit hangga’t di pa tapos kumain lahat ng nasa hapag kainan. Hindi raw makakapagasawa. Mauunang mamatay ang nasa gitna pag 3 kayong nagpapicture. Huwag matutulog na basa ang buhok. Mabubulag ka. Huwag didiretso sa bahay pag galing sa lamay, susundan ka daw kasi ng patay Bawal daw maligo ng 1 linggo, pagka-panganak dahil mabibinat. Pag kumain ng kambal na saging ang buntis, ay magiging kambal ang anak. Kapag nadulas daw ang nanay habang nagbubuntis na una ang puwit, ay bingot ang magiging anak. Pag nagkaroon ka ng sugat sa mahal na araw, hindi ka gagaling. 

Ano-ano ang mga pamahiing sinusunod mo pa ngayon?

Ang ilan sa sinusunod ko ngayon ay ang sumusunod: 1. Bawal kumanta kapag kumakain. 2. Bawal ilagay ang mga sapatos sa lamesa. 3. Huwag matutulog na basa ang buhok. Mabubulag ka. 4. Huwag didiretso sa bahay pag galing sa lamay, susundan ka daw kasi ng patay 

Bakit mahalaga ang pamahiin sa buhay ng tao?

Mahalaga ito sapagkat nagibigay buhay ito sa mga paniniwala ng mga Pilipino mula pa noong unang panahon. Bumubuo ito sa ating kultura at nagsisilbing pagkakakilanlan ng nating mga Pilipino. TAKDANG ARALIN Kunan ng panayam ang iyong mga magulang o kung sinumang nakatatanda sa iyo. Itala ang mga pamahiing kanilang pinaniniwalaan at isinasagawa pa rin hanggang ngayon (20 puntos). Bawal maligo kapag may regla dahil baka sila’y maloka.

Bawal kumain ng maasim kapag may regla. Bawal magwalis pag gabi dahil mamalasin ka. Bawal daw maglipat ng bahay kapag buntis. Sa babaeng may asawa, kailangang kanang paa palagi ang unang ihakbang tuwing uuwi ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama. Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntis. Kailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla. Kapag mayroong nagaganap na eklipse, kailangang magsilabas ng bahay ang mga buntis upang hindi maging abnormal ang kanilang magiging anak. Masamang maglakbay kapag kayo ay labintatlo katao sapagkat malaman na mamatay ang isa sa inyo. Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pagaaway sa pamilya. Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas. Upang buwenasin ka sa inyong paglalakad, kailangang unahing isuot ang kanang medyas bago kaliwa. Upang suwertehin sa pupuntahan, kanang paa ang palaging dapat unang ihakbang sa sasakyan.

GAWIN NATIN

I. Panuto: Tukuyin kung anong pagdiriwang ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag at ang uri nito. (Dalawang puntos bawat bilang.)

1. "Pit Senyor! Pit Senyor!" – Pagdiriwang na Pansimbahan 2. "Magsimbang gabi ka pa ba mamaya, anak?" - Pagdiriwang na Pansimbahan 3. "Tumalon ka ba noong hatinggabi?" - Pagdiriwang na Pansibiko 4. "Bakit ka magsuot ng pula? Maiinsulto ang kapamilya niya." - Pagdiriwang na Pansibiko 5. "Diyos ko! Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" - Pagdiriwang na Pansimbahan 6. "Mahal kita hindi lamang ngayon pero sa araw araw." - Pagdiriwang na Pansibiko 7. "Saludo kami sa inyo sa patuloy na pagsasakripisyo ninyo para sa bayan." - Pagdiriwang na Pambansa 8. "Guro ko, bayani ko." - Pagdiriwang na Pansibiko 9. "Bayan mo! Pinapalaya ko." - Pagdiriwang na Pambansa 10. "Adios!" - Pagdiriwang na Pambansa

II. Panuto: Piliin sa kahon kung anong pamahiin ang tinutukoy sa bawat bilang. Maaring ulitin ang mga titik sa pagsagot. (20 puntos) A. Pamahiin sa Patay

E. Pamahiin sa Pasko

B. Pamahiin sa Kasal

F. Pamahiin sa Bahay

C. Pamahiin sa Binyag

G. Pamahiin sa Bagong Taon

D. Pamahiin sa Mahal na Araw

H. Pamahiin sa Board Exam

F 1. Hindi maliligo sa araw ng Biyernes. F 2. Huwag dumaan sa bintana. E 3. Simbang-gabi B 4. Hindi pwedeng sabay ikasal ang magkapatid. A 5. Huwag magsuot ng pula na damit sa lamay.

C 6. Kung may kasabay sa pagpapabinyag, kinakailangan maunang makalabas ang iyong anak. F 7. Huwag kumanta habang kumakain. F 8. Huwag itapat ang hagdan sa pinto. F 9. Bawal magwalis sa gabi. F 10. Bawal magsuklay ng buhok sa gabi. A 11. Huwag iyakan ang kabaong. A 12. Huwag maligo kapag namatayan. G 13. Tumalon pagsapit ng hating gabi. G 14. 12 bilog na prutas G 15. Mag-ingay pagsapit ng hating gabi. H 16. Magsuot ng pulang panty habang sumasagot sa pagsusulit. D 17. Huwag kumain ng karne sa mahal na linggo. F 18. Magsabi ng Tabi-tabi po, bilang pasintabi sa mga hindi nakikita. A 19. Iwasan ang pagwawalis kapag namatayan. A 20. Huwag lumingon sa kabaong kapag inilalabas na ito sa bahay....


Similar Free PDFs