Halimbawa ng mga Tula PDF

Title Halimbawa ng mga Tula
Course Panimulang Linggwistika
Institution Mindanao State University
Pages 3
File Size 46.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 36
Total Views 180

Summary

Nakasaad dito ay mga halimbawa ng tula sa Filipino...


Description

Ang Aking Kaibigan ni Erika Ivy Cruz

Ang aking mga kaibigan Ay lagi kong maaasahan Kasama ko kahit saan Nagdadala ng kasiyahan. Kapag ako ay may problema Silay ay lagi kong kasama Tulong nila’y lagi kong dama Pagdamay ay laging kasama. Tanggap naming ang bawat isa Kahit walang laman ang bulsa Sa bawat isa ay umaasa Pag-susulit ay lagging pasa. Ang ugali man ay iba-iba Kami’y komportable, walang kaba Estado’y mataas o mababa Kami’y walang pag-kakaiba. Kanya-kanya man ng minamahal Magkakasama sa pagpasyal Kahit kami’y hindi sosyal Ang bawat isa’y aming mahal.

Tula para sa aking kaibigan Ni DanielleValmonte

Sa bawat sandali ng ating buhay, May mga tao tayong taong nakikilala. Iba't ibang ugali,Iba't ibang katangian May mga nakakasundo,mayroon ding hindi Pero noong una tayong nagkakilala Sa apat na sulok ng ating silid aralan, Di sinasadyang nagkatabi sa upuan, At nagkakwentuhan na matagal. Kahit na ito ang una nating pagkikita At ito rin ang una nating pag-uusap, Bakit bawat salitang sabihin mo ay aking pinakikingan kahit na minsan ay kakornihan. Sa bawat mga araw na nagdadaan, Lalong gumagaan ang aking loob sa iyo. Sa kwentohan at tawanang ating pinagsaluhan, Lalong nagkakalapit ang atin loob. Halos hindi mapag-hiwalay sa isa't isa, Laging magkasama san man magpunta. Magkaramay sa lahat pagsubok at problema, Nakahandang dumamay sa isat't isa Labis akong nagpapasalamat sa poong may kapal, Dahil ako ay biniyayaan ng isang kaibigan. Isang mabait,mabuti at isang tunay na kaibigan Salamat sa iyo aking matalik na kaibigan....


Similar Free PDFs