Mga Uri ng Balita DOCX

Title Mga Uri ng Balita
Author Jonel Niar
Pages 8
File Size 52.1 KB
File Type DOCX
Total Downloads 145
Total Views 405

Summary

Mga Uri ng Balita 1. Tuwirang balita (Straight News)  Ito’y tuwirang nagsasalaysay ng pangyayaring naganap. Ang nakatatawag-pansin dito ay ang pagiging bago ng pangyayari. Pangunahing layunin nito ang maghatid ng imformasyon at pangalawa lamang ang pagdudulot ng aliw. Halimbawa: Dalawang bata, pata...


Description

Mga Uri ng Balita 1. Tuwirang balita (Straight News) Ito'y tuwirang nagsasalaysay ng pangyayaring naganap. Ang nakatatawag-pansin dito ay ang pagiging bago ng pangyayari. Pangunahing layunin nito ang maghatid ng imformasyon at pangalawa lamang ang pagdudulot ng aliw. Halimbawa: Dalawang bata, patay sa sunog sa Makati PublishedOctober 27, 2013 4:49pm Dalawang mga bata ang napatay sa sunog na tumama sa isang residential area sa Makati City nitong madaling araw ng Linggo. Natagpuan ang mga labi ng mga bata na may edad na 6 at 4 at may apelyidong Arriola nitong Linggo ng umaga matapos naapula ang apoy, ayon sa ulat ng radio dzBB nitong Linggo ng tanghali. Batay sa inisyal na imbestigasyon, umalis ang kanilang ama, Manuel Arriola, mula sa kanilang tirahan upang pumuntang palengke bago magsimula ang sunog bandang 12:05 a.m. ng Linggo. Ayon sa mga naunang ulat, mayroong dalawang taong sugatan mula sa sunog sa Barangay Cembo. Agad na kumalat ang sunog dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa mga magaang materyales. Umabot sa 2,000 pamilya ang apektado sa sunog, na umabot sa general alarm bago ito naapula bandang 3 ng madaling araw. Ayon sa ulat, hindi agad na napaalam ang ina ng dalawang mga bata tungkol sa sunog dahil nasa Cavite siya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News 2. Balita ng kasalukuyang pangyayari (Spot News) Ito ang balita ng pangyayaring kasalukuyang nagaganap o kagaganap-ganap pa lamang. Bihirang-bihirang mapalabas sa pahayagang pampaaralan ang ganitong uri ng balita, ngunit sa mga pahayagang broad sheet ang ganitong uri ng balita ay malimit na may puwang. Ang ganito namang uri ng balita ang paborito ng mga reporter sa radyo at television. Halimbawa: Manny Pacquiao, Pandaigdigang Kamao! Walang tiyaga, walang nilaga. Ipinakita muli ni Pacman ang kanyang gilas sa larangan ng boxing sa pamamagitan ng pagkapanalo niya laban kay Oscar Dela Hoya sa isang boxing match sa Mandalay Bay, Las Vegas, Estados Unidos, noong nakaraang ika-anim na araw ng buwan ng Disyembre. Sa bakbakan nila, palaging si Oscar ang habol nang habol kay Manny at si Manny naman ay ang laging nagbibigay ng mga suntok. Mutik na nga manalo si Manny bago pa man nagsimula ang ika-pitong round dahil na nga sa bilis ng kanyang mga suntok na natulak si Oscar sa isang corner. Si Dela Hoya, na ang isang mata ay nakapikit na, ay tinuluy pa rin ang sagupaan ngunit sa kasamaang palad ay natalo bago pa man nagsimula ang ika-siyam na round. Nagpapasalamat nga si Manny sa Poong Maykapal na binigyan siya ng maliliksi't malalakas na kamao. Dahil na rin sa pagkapanalo niya, nabigyan na naman ng dahilan ang mga Pilipino na itaas ang noo dahil na nga sa pagkapanalo niya sa Dream Match. Nakasaad nga sa Yahoo website na si Manny daw ang kasalukuyang "world's finest fighter". Para sa amin, tunay na kamangha-mangha si Manny Pacquaio dahil sa kanyang kagitingan at lakas ng loob at pananalig sa Diyos. Ito ang mga tanging dahilan sa kayang pagwagi maliban sa mahirap na training na isinagawa niya para sa laban....


Similar Free PDFs