PAGSULAT NG ESPESYAL NA BALITA DOC

Title PAGSULAT NG ESPESYAL NA BALITA
Author Yencheyeen Anasha
File Size 57.1 KB
File Type DOC
Total Downloads 5
Total Views 63

Summary

PAGSULAT NG ESPESYAL NA BALITA – PAKIKIPANAYAM O INTERBYU Maliban sa mga balitang sports, may iba pang uri ng balita na nangangailangan ng espesyal na atensyon. Ito ay ang pakikipanayam o interbyu. Katuturan Ang pakikipanayam ay nasa paraan ng pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng kaisi...


Description

PAGSULAT NG ESPESYAL NA BALITA – PAKIKIPANAYAM O INTERBYU Maliban sa mga balitang sports, may iba pang uri ng balita na nangangailangan ng espesyal na atensyon. Ito ay ang pakikipanayam o interbyu. Katuturan Ang pakikipanayam ay nasa paraan ng pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng kaisipan, opinion, o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag ng pansin at kawilihan ng madla na karaniwa'y ukol sa mga tanyag at kilalang tao o kilalang awtoridad. Ito ay isang paraan sa pagkuha ng impormasyon, datos o opinyon na gagamitin sa pagsulat. Ang Interbyung Pasalaysay Karaniwan, ang tuwirang mga balitang salaysay ay batay sa interbyu o mga interbyu.Ang interbyung pasalaysay ay isang pormal na usapan bilang pangunahing batayan ng impormasyon. Ang reporter ay maglalahad ng mga katanungan upang matamo ang impormasyon tulad ng opinyon, mga ideya o espesyal na impormasyon batay sa paksang interesado ang publiko.Karaniwan ay mula sa mga prominenteng tao o mga kinikilalang awtoridad sa lipunan. Pagsasagawa ng Pakikipanayam o Interbyu 1. Ang maayos na kaanyuan. 2. Dumating sa takdang oras. 3. Mapitagan, laging handa at interesado. Kailangang makinig lamang, hindi magbibigay ng sariling ideya o makipagtalo sa kakapanayamin. 4. Maglaan ng ilang minuto upang magkapalagayan at makuha ang loob ng kakapanayamin. 5. Huwag isulat lahat ng sinabi ng kinapanayam. Piliin ang mahahalagang bahagi lamang tulad ng: mahahalagang pangalan, mga bilang at tuwirang sinabi. 6. Magtanong sa tamang pagkakataon. 7. Iwasan ang mga katanungang makapagdudulot ng kahihiyan o magbibigay ng hindi kaaya-ayang impormasyon. 8. Iwasan hangga't maaari ang mga katanunganng ang sagot ay oo at hindi. 9. Isulat sa unang pahina ng notebook ang mga titik o salita na susi sa mga tanong upang hindi malimutan ang mga ito. 10. Uliting malakas ang mga bilang at iba pang mahalagang pangyayari upang malaman kung nakuha ng tama ang mga ito. 11. Huwag kalimutang mag pasalamat sa kinapanayam....


Similar Free PDFs