ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA DOCX

Title ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA
Author Jose V Valdez
Pages 6
File Size 92.3 KB
File Type DOCX
Total Downloads 1
Total Views 786

Summary

Ang Maikling Kuwento at Dula sa Bawat Panahon FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas Republika ng Pilipinas Commission on Higher Education Benguet State University College of Arts and Sciences KAGAWARAN NG HUMANIDADES PAARALANG GRADWADO Mga Taga-ulat: Jose V. Valdez at Geraldine Gonzaga Guro: Pene...


Description

Ang Maikling Kuwento at Dula sa Bawat Panahon FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas Republika ng Pilipinas Commission on Higher Education Benguet State University College of Arts and Sciences KAGAWARAN NG HUMANIDADES PAARALANG GRADWADO Mga Taga-ulat: Jose V. Valdez at Geraldine Gonzaga Guro: Penelope F. Tica-a, PhD Asignatura: FL 391: Pampanitikang Genre ng Pilipinas ______________________________________________________________________ ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA: PAGDALUMAT SA KASAYSAYAN I. PANIMULA Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama. Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba't ibang kasuotan, iskrip, "characterization", at "internal confict." Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, mimesis ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Ang mimesis ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba't ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino. II. ANG DULA SA IBA'T IBANG PANAHON A. Panahon ng mga Katutubo Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino....


Similar Free PDFs